TRAVELBOOK NOW!

Thursday, April 12, 2012

Kamatis


Hindi ko gusto ang bungang ito nuong ako ay bulinggit pa lamang .

Yucky kadiri ang trato ko sa bungang ito dahil sa kaniyang makatas at madulas na hitsura at anyo.

Pero hindi ko na rin matandaan kung kailan ko naman  ito na-like like like na parang Facebook lang.

Siguro nung time na mawili na akong kumain ng  tinapa , daing , itlog na maalat at danggit ay duon ko na rin natutunang mahalin ang prutas na ito.

Simula nuon ay hindi lang like kundi love love love ko na ang prutas na ito na hindi puwedeng mawala sa hapag-kainan lalo na at kasalo ang mga tuyo , inihaw , pinirito at tinapang mga uri ng pagkain.

Masarap din na pangsahog sa mga lutong ulam.

At kahit hilaw ay paborito ko na ring papakin at lamasin sa loob ng aking balun-balunan.

Ang sabi nila ay prutas daw ang kamatis . Botanically speaking , it is .

But in culinary language , mas mainam na tawagin itong gulay o vegetables.

So technically , ang kamatis ay puwedeng gulay at puwede ring prutas depende sa paggagamitan mo.

At dahil nga sa pagiging popular ng prutas/gulay na ito ay gumawa pa ng sariling selebrasyon para dito ang mga Espanyol . At ito ay ang Tomatina Festival na ginaganap sa Valencia , Spain tuwing huling Miyerkules ng Agosto .

Simpleng batuhan , warakan at pisakan lang naman ng kilo-kilo at drum-drum na mga kamatis sa nasabing pagdiriwang . Kaya kung ayaw mong malubog sa baha ng juice ng kamatis ay huwag ka nang aattend sa selebrasyong ito huh.


Aba huwag ismolin dahil bigatin din sa sustansya ang kamatis dahil sa Lycopene nitong taglay na diyatat pang-depensa ng ating katawan laban sa mga bad na cancer cells .

Kaya go go go tomato na tayo .

Hmmmmmppp , bakit naman ginawang kontrabida lang nitong pelikulang  " Attack Of  The Killer Tomatoes " nuong 1978 ang mga love kong kamatis kaya nagre-rebelde sila.

Eh kung batuhin ko kaya ng isang trak ng kamatis ang may gawa ng basurang pelikulang ito  huh !

Basta ako , love ko ang kamatis .

Kahit mukhang kamatis ang ilong ko at nangamatis ang pututoy ko he he he .

Kamatis be with you ! 

No comments:

Post a Comment