TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, April 4, 2012

I Will Still Love You - Stonebolt

Matagal ko ring hinanap sa internet ang title ng kantang ito .

Bata pa kasi ako nang una ko itong marinig . Kaya hindi pa ako aware nuon sa title nito .

Ang natandaan ko lang ay ang himig nito at melodiya na tumatak na sa aking memorya .

At ngayong hinahanap ko ang titulo ay nahirapan akong makita .

Nag-try akong i-search sa mga words sa simula ng lyrics pero wa epek.

At pagdating sa chorus ay di ko rin ma-search kay Google dahil hindi ko naman kabisado ng buo ang lyrics nito .

Buti na lang at kabisado ko pa rin ang last line ng chorus na " I Will Still Love You " kayat hayun pag-click ko ng enter sa search bar ay lumabas ang entry tungkol sa  kanta ng Stonebolt na may ganitong pamagat  at yun na ito na nga ang matagal ko nang hinahanap na awitin .

From Canada ang bandang Stonebolt at ito ang pinakasikat nilang kanta na sumirko sa ere  nuong dekada 70.

At nang sipatin ko ang kabuuan ng liriko ay duon ko nalamang napakaganda pala ng nilalaman nito .

Ang walang kamatayang pag-ibig no matter what you do  , " I Will Still Love You "

Nakaka-LSS din ang melody niya na parang hinaharana ka sa  Tabing-Ilog.

Halika at sama sama nating balikan ang music of yesteryears na pinaluma na  ng panahon at pinatingkad ng kahapon .

1 comment:

  1. Grace Briones WindhausenApril 5, 2012 at 4:12 PM

    ganda nga kuya..like it..kahit first time ko marinig to..:)

    ReplyDelete