TRAVELBOOK NOW!

Friday, April 13, 2012

Extremely Loud And Incredibly Close

Muli akong napaluha ng isa pang pelikula na nominado din sa kategoryang Best Picture sa katatapos na 84th Academy Awards last February sa Amerika.

Ito ay ang Extremely Loud And Incredibly Close nina Tom Hanks and Sandra Bullock and directed by Stephen Daldry. Ito ay hango mula sa aklat ni Jonathan Safran Foer na may parehong pamagat at lumabas nuong 2005.

Central theme ng pelikulan ay ang istorya kung paanong naapektuhan ang mag-ina sa nangyaring trahedya ng 911 World Trade Center terrorist attack sa New York nuong September 11, 2001 kung saan isa sa namatay ay ang kanilang padre de pamilya.

Dahil sa natagpuang susi ng batang si Oskar Schell ( Thomas Horn ) sa loob ng isang blue vase , nagsimulang hanapin ng batang ito ang kaparis na kandado ng susing ito na maaaring sumagot sa ilang mga katanungan niya tungkol sa pagkamatay ng kaniyang minamahal na amang si Thomas Schell ( Tom Hanks ).

At nakasalamuha niya ang ibat-ibang klase ng mga tao na may apelyidong Black ( dahil ito ang pangalang nakalagay sa envelope na kinapapalooban ng susi  ) na buong tiyaga niyang hinanap sa ibat ibang lupalop ng bansa.

Another endearing performance here for Sandra Bullock bilang mapagmahal na ina at asawang si Linda Schell  na sayang nga lamang at hindi pinalad na mapansin sa katatapos lamang na 84th Oscar Awards.

Magaling din ang batang gumanap sa papel ni Oskar Schell na si Thomas Horn lalo na sa mga madadramang tagpo kaya naman hindi kataka-takang manalo ito ng Best Actor trophy sa ibang mga award-giving bodies . Ito ang kaniyang debut movie sa Hollywood.

All in all , here is another gem of a movie that is worth watching for .

Watch this in your DVD.

No comments:

Post a Comment