TRAVELBOOK NOW!

Saturday, April 28, 2012

Binatog

Laging may dumadaan sa kalye namin na sumisigaw ng " binatoggggg " .

Sinutsutan ito minsan ni Father dear ko at tinawag . Bumili siya ng isang order .

At dahil tempting ang look ng nasabing pagkain , sinubukan ko ring makisubo.

Aba,. masarap pala .

Kakaiba kasi ang lasa at timpla kaysa sa karaniwang ibinebenta at inilalakong mga binatog.

Ito yung luto ng mais na may halong sapal ng niyog at kung anu-ano pang masarap na rekado .

Masarap itong pang meryenda o almusal.

Aminado  akong dati ay hindi ako kumakain ng binatog .

At ngayon ko nga lamang ito nagustuhan , pramis.

Nuong bata ako ay never akong kumain nito dahil hindi ko nagustuhan ang lasa nang una ako nitong makatikim .

Pero ngayon , aba ,  masarap pala kaya suki na ako ng nasabing tindero ng binatog.

May mga ganun kasing pagkain na sa una ay hindi mo kinakain dahil hindi mo type ang lasa . Lalo na pag sa una mong tikim ay waley na agad ang impression mo.

Pero mayruong ibang klaseng luto pala na maa-appreciate mo kapag iba na ang nag-serve .

Like for example ay sa bopis na dati rin ay hindi ko kinakain . Dahil sa nadala ako sa kinain ko  nuong unang tikim ko nito sa isang handaan  na masama ang luto at lasa.

Subalit nang makatikim ako ng luto nito sa isa ring handaan na masarap ang pagkakaluto ay naging panatiko na ako nito.

Ang kamatis nuong bata ako ay never akong lumalantak.

Subalit nang minsang makakain ako nito kasabay ng isang pirasong daing lately lang sa aking buhay ay naging adik naman ako na kahit juice nito ay iniinom ko na rin.

At ito ngang binatog na nuon ay ayaw na ayaw ko , subalit ngayon ay isa na sa mga favorite ko .

Minsa ay nababago din ang panlasa natin habang tayo ay tumatanda at lumalaon.

May dating hindi tayo kinakain subalit ngayon ay naa-appreciate mo na ang lasa .

Meron din naman na dati ay sarap na sarap kang papakin , pero ngayon ay tila pinagsasawaan mo nang lasapin.

Davah ??!!

Kayo , gusto ninyo ng binatog ?

2 comments:

  1. Edgar, bakit masabaw at may kulay itong binatog ninyo? (kinabog ang tawag nito sa probinsya ng Rizal).

    At magkano ang isang order sa lugar ninyo?

    Curios kasi ako sa binatog eh: http://goo.gl/YrKXG

    ReplyDelete
  2. wow , impress naman ako .

    may special sarsa kasi iyan kaya kulay niya ay ganiyan.

    order niya ay puwedeng ten pesos at kinse pesos depende sa trip mo .

    enjoy !

    ReplyDelete