TRAVELBOOK NOW!

Friday, April 6, 2012

Ate Bilay

Dumating fresh from Dubai UAE last April 3 , 2012 ang aking eternal favorite cousin na si Ate Evie aka Bilay he he he.

Of course kuntodo sundo kami sa airport and in full force dahil darating ang reyna . Reyna ng mga kiki este kikay he he he.

Siya ang sense of humor sa aming angkan . Parang nung nagbagsak ng katatawanan ang Diyos  sa mundo ay sinalo niyang lahat nang nakataas ang palda he he he .

Parang pinagsama-samang Pokwang , Melai Cantiveros, K Brosas at Cita Astals ang babaeng ito . What's the common denominator ? Lahat sila babaeng bakla he he he .

Pagtapos naming magsundo ay bonggabels snackan naman sa Burger King .

Bonggacious na ang babaeng etu. Kung dati ay ako ang nagpapautang sa kaniya , ngayon ako na ang pinapautang niya ha ha ha.

Baligtad na ang mundo , ang dating nagpapautang , siya nang pinapautang ha ha ha.

The world has indeed turned upside down in a full turn .

Si Ate Bilay ang laurel sa ulam na adobo.

Siya ang kintsay para sa pansit.

Siya ang pandan para sa kanin.

At siya ang linga para sa tinapay.

In short , kapag wala siya .... okay lang , ha ha ha ha.

Choz.

In fairness , ang ibig ko lang sabihin ay , siya ang pampalasa ng aming kalurking life.Oh davah naman.

Dalaginding pa lang at hindi pa marunong magsuot ng panty ay  nakasunong na namin sa aming balay.

Hanggang sa time na natuto nang magkabit ng pasador  at bra niya ay nanduon pa rin sa amin.

Ngayon ay mayruon na siyang dalagitang anak na tuturuan na niya ng mga ritwal na ito . Pasa pasa lang ha ha ha.

Kaya kabisado ko na ang likaw ng balun-balunan niyan he he ( sa manok yun ah )

Pinag-aral kami ni Father dear sa iisang school para daw magsilbing bantay ko si Ate Bilay sa aking pag-aaral nang hindi ako magloko.

Ang hindi niya alam , nagkakasundo kami sa pagbubulakbol he he. Naman! 

Tama na ang intro. Masyado ka nang sumisikat Bilay he he .

Share ko na ang mga pictures natin :





No comments:

Post a Comment