TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, April 10, 2012

The Artist

True blue silent film itechi.

Para ka lang nanonood ng isang  silent movie circa 1890 til 1920 .

Iyong puro visuals lang ang makikita mo at wala kang maririnig na audio.

But this is a very effective form of communication.

Swak ang mga galaw at kilos para maiparating ang mensahe ng pelikula .

Ang ganda ng black and white hue na ginamit sa buong pasada.

May nostalgic effect sa panahon ng Golden Age of Hollywood.

Kaya naman hindi kataka-takang hiranging Best Picture sa nakaaraang 84th Academy Awards ni Manong Oscar.

At magwaging Best Director si Michel Hazanavicius para dito .

Siyempre , Best Actor din ang bida na si Jean Dujardin .

Winner ang production design ng peliks dahil plakadong plakado ang feel and image ng silent film era. Very authentic ang ambiance ng settings and places ng pelikula at hindi mo iisiping ngayon lamang ito ginawa .

Sayang nga lang at hindi ito ang nanalo para sa kategoryang Best in Art Direction ng Oscars. Ngunit wagi naman sa Best in Costume Design na deserving para dito  dahil feel na feel mo din ang looks , fashion and costumes nuong mga panahong iyon.  

And with this event ,  the French are already  there to conquer Hollywood!

No comments:

Post a Comment