TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, March 20, 2012

Noynoying

Aba at may bago palang word entry para sa Merriam-Webster dictionary courtesy of Vencer Crisostomo of Anakbayan militant group. 

The word is : Noynoying or the act of doing nothing or idling the time away.

In short , nganga !

Etymology has its roots apparently from President Benigno Aquino's nickname Noynoy , whom the leftists think is doing nothing. 

Of course the Malacanang Palace reacts sensitively .

Very negative nga naman ang connotation ng word na associated sa kanilang amo .

Sambit nga ng isang bakla sa tabi ng riles ng tren :

" Nakakatamad naman ang araw ngayon , nakaka-Noynoy lang "

And overheard from a bunch of pasosi girls in an exclusive school :

" Let's go malling na lang , we're Noynoying naman here at campus eh "

Wehehehe.

In fairness , press release ng kampo ng Pangulo , marami naman daw ginagawa ang ating presidente .

Ang kaibahan nga lang daw sa nagdaang mga presidente , hindi ina-announce , isinasapubliko o ginagawang media mileage ang mga proyekto ng kasalukuyang administrasyon .

Hindi kaya it's high time na gawin na nilang visible at aware sa publiko ang kanilang mga project nang sa gayun ay hindi sila maakusahan ng Noynoying ?

Eh hindi ba't ang sabi ng Pangulo sa kaniyang inaugural speech ay " kayo ang BOSS ko "

At ibig sabihin niya ng " kayo " ay tayong mga sambayanang Pilipino.

Aba'y ano pang ginagawa natin , utusan na natin ang Pangulo nang sa gayon ay mas marami pa siyang maisip na gagawin davah. Baka naghihintay lang siyang pag-utusan natin he he he.

At any rate , let's look at how some people define this new word in pictures :




Peace po !




1 comment:

  1. Grace Briones WindhausenMarch 22, 2012 at 8:29 PM

    hehe..ako yata ay sang example din na laging"noynoying"hehe..pero ayoko gamitin kc love love love ko yan c Pres.Aquino:)

    ReplyDelete