TRAVELBOOK NOW!

Friday, March 16, 2012

MRT card dilemma

I-share ko lang ang awkward moment ko last last night habang pasakay me ng MRT station sa Cubao going to my place of  work sa Ortigas Center .

Pumunta na ako sa ticket slot machine para ipasok ang aking Stored Value Card para makasakay .

Putek , unang pasak ko ay nire-reject ng machine . Isinuka ng machine ang ticket at sabi sa screen ay " your ticket is rejected "

Busog yata ang machine kaya isinusuka ang card ko . Ang daming nginatang ticket huh .

O ayaw sa card ng bading ha ha ha.

Try ko ulet isuksok for the 2nd time .

Aba , at ayaw pa ring tanggapin  ng luka lukang makina .

Patuloy pa rin niyang isinusuka with the same error message : " your ticket is rejected "

Putek yan , male-late  na ako sa work ko kaya imbyerna na akiz . Gusto ko nang magwala gaya ni Annabelle Rama sa hearing nila ni Nadia Montenegro.

Try ko sa kabilang slot machine ( parang casino lang he he ) at baka sakaling umubra.

Isinuksok ko ulet ang card .

Aba at muling idinuwal ang aking card nitong walanghiyang pangalawang makina . With the same error prompt huh , "your ticket is rejected "

Aba , hindi na yata tama ito . May racial discrimination yata ang mga machine na ito at ayaw tumanggap ng card ng bakla huh .

Try ko pa for the fourth time . Ayaw pa rin .

Umuusok na ang ilong , gaya ng galit na galit na toro sa bullfighting arena sa Spain , sumugod akiz sa ticket booth at galit na binulyawan ang teller ( he he exaggerated lang ito , hindi naman ako ganun ka-war freak he he )

Me - " Manong ano ba naman ito bakit ayaw tanggapin ng makina n'yo itong card ko eh may laman pa naman ito ha , susme , male-late na tuloy ako sa opisina ko"

Manong Teller - " Eh paano pong tatanggapin  'yan eh card ng LRT  iyang ipinapasok n'yo "

At sa muli kong pagsulyap sa aking tangan -tangang card , oo  nga pala , card nga naman ng LRT ang hawak hawak ko .

Ako na ang napahiya .

Ako na  anag shunga shunga nuong gabing iyon .

Para akong asong bahag ang buntot na katatapos lamang iyutin  ,ako'y  lumakad palayo sa booth.

Nakikita ko sa pamamagitan ng mata sa aking likod na nagtatawananan ang isang guwardiyang nakasaksi sa pangyayari at ang manong teller na kamukha ni Chocolate hu hu hu. 

Pihadong pinagtatawanan ako ni San Pedro sa langit dahil sa kagagahan ko .

Sukat ba namang ipasok sa MRT card reader ang card para sa LRT . Hindi nga yun tatanggapin , ungas !

FYI  , talagang nagtatabi ako ng mga Stored Value Card para sa LRT 1 , LRT 2 at MRT .



Ito yung mga card na may lamang amount sa loob na puwede mong magamit  para makasakay ka sa mga mass commuter systems na ito . Maraming bonus kasi like the last bonus ride na kahit piso na lang ang laman ng card mo ay puwede mo pa ring magamit para ipambiyahe .

At saka hindi na hassle sa mahaba, mainit at mabagal na pila dito lalo na kapag rush hour .

At iwas traffic kasi kapag dito ka sasakay sa mga train systems na ito .

Kaya nagtatabi ako nito para once na kailangan kong sumakay ng LRT or MRT ay hindi na ako kailangan pang pumila para bumili ng card . Ito ay para sa tatlong lines na nandito sa Metro Manila ; ang MRT lines na mula sa North Avenue hanggang sa Taft Avenue , ang LRT 1 na mula naman sa Roosevelt Munoz hanggang sa Baclaran at ang LRT 2 na mula naman sa Santolan hanaggang sa Recto .

Kaya minsan hindi ko namamalayan na napagpapalit-palit ko na pala sila katulad nuong gabing iyon.

Wagas talaga !

Waley na waley !

2 comments:

  1. hahaha bakla ka teh! gusto kong tumawa ng pagkalakas-lakas dito sa ofis kaso hindi pwede. lol

    mamamatay ako kakatawa sa isip ko. kainis!

    ReplyDelete
  2. Grace Briones WindhausenMarch 18, 2012 at 8:01 PM

    hahaha kuya..ano ba kasi nasa isip mo bakit mukang absent-minded ka?di mo namalayan ibang card pla gamit mo..hehe..

    ReplyDelete