TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, March 7, 2012

Miriam versus Vitaliano ...

Usap-usapan  ang eksenang naganap sa Impeachment Trial ni Chief Justice Renato Corona sa Senado nitong nakaraang Linggo kung saan ay pinagtakpan ng tenga ni Attorney Vitaliano Aguirre ng prosecution team si Senator Judge Miriam Defensor-Santiago habang ito'y nagtatalumpati  na  tila ba sinasabon na naman ng sermon ang mga miyembro ng prosekusyon dahil sa kapalpakang pagbawi ng ilang articles of impeachment laban kay Corona .
Lalong nagwala sa galit ang kagalang-galang na Senadora dahil sa reaksyong ito ni Aguirre at pina-cite for contempt ang kawawang mama.

Bilang aking sariling opinyon at kuro-kuro ukol sa pangyayari , sa ganang akin pareho namang may kasalanan ang dalawang panig tungkol sa isyung ito .

Una,  ang naging reaction ni Aguirre ay batay lang sa action na ginawa ni Miriam . If there's an action there will always be a reaction . That's Newton's Third Law Of  Motion for you . Alam kong may mga magsasabi naman na ang reaction ni Miriam ay batay din lang sa action na ginawa ng prosecution team na pagbawi ng articles of impeachment . And the cycle goes on and on.

But just the same , at this  point in time , may action si Miriam , reaction na lamang ang kay Aguirre . Sana lang mas naging handa si Miriam sa anumang reaction na matatanggap niya sa tila ba pambu-bully na ginagawa niya sa Senado. At huwag na nating banggitin ang pagmumura niya ng salitang " gago " sa loob mismo ng iginagalang na tanggapan  ng Senado.

Ikaw ba , kaya mong pakinggan na murahin ka ng kapwa mo tao din lang naman at pare-parehong nasa ilalim ng pamamahala ng Diyos?

Ang kaibahan nga lamang ay nakasuot sila ng toga at ikaw ay naka-Amerikana lamang .

Eh paano pa kung naka-kamisa de chino ka lamang o sando kaya ?

At lalo na kung gula-gulanit pa ang kamisetang suot mo ay baka mas malala pa sa pambabastos ang mapapala mo ?

Kung iyon ngang naka-Amerikana at suit and necktie pa ay nababastos na lalo pa kaya iyong naka-kamiseta lang . Ano pa kaya sa mga taong nakahubad at walang damit na maisuot ?

Sabi nga sa isang website , tila ba ang siyang nag-author ng Epal Bill para maipasa sa Senado bilang panlaban sa mga maeepal ay siya pang pinaka-epal sa lahat . Masyadong mapapel.

Alam ng lahat na televised hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo ang impeachment trial na ito na ginaganap sa Senate Hall . Hindi ba sila nahihiya na nakikita ng buong mundo kung gaano kagaspang ang kanilang pag-uugali sa tuwing magsasalita sila.

Sa ganang akin ,puwede mo namang ipahayag ang iyong saloobin sa magalang ,makatao at disenteng  paraan na hindi mo na kinakailangang maipakita at maipalabas sa lahat na magaling ka at mahusay .

Hindi iyong porket alam mong matalino ka at maraming alam ay sige sige ka na  lang sa pagbulalas ng iyong nasasaloob na hindi mo na inaalintana kung may nasasaktan kang damdamin. At kung makapagmura ka pa ay akala mo pinapalamon mo sila .

Sabihin na nating may mali o kapalpakan sa panig ng prosekusyon , ngunit hindi kailanman ito magiging lisensya para makapanakit ka ng damdamin ng kapwa mo bilang isang tao.

Humihingi ka ng respeto ? Kanino ba dapat nagsisimula ang respeto . Hindi ba't sa iyo rin mismo?

Kung gusto mong irespeto ka , matuto ka munang mag-respeto ng iyong kapwa.

Respect begets respect .

Kung marunong kang mambastos ng kapwa , humanda ka ring bastusin in return.

In the first place , why don't you ask yourself this question , nambastos ba ako kaya ako binastos ?

Kung oo ang sagot mo , then you deserve it . Kung hindi naman , ponder about it some more .Baka in the end ay ma-realize mo kung saan ka nagkamali .
  
I just wonder kung ang mga abogado at mga congressmen nga na kapwa niya may pinag-aralan at pawang elitista din  ay nagagawa ni Santiago na sermunan at mura-murahin in front of camera , gaano pa kaya ang mga walang pinag-aralan at hampas-lupa na kababayan nating lumalapit  sa kaniya? Hindi kaya mas maliit ang tingin niya sa mga ito ?

Kung sa mga abogado nga ay maliit na ang tingin niya eh di lalo na sa mga mas maliliit na miyembro ng lipunan pa kaya ?

Baka tiris -tirisin na lang niya na parang kuto ang mga ito!

Simple lang naman ang nais kong maliwanagan: sa klase ng pag-iimbestiga at pagtatanong na ginagawa ni Senator Santiago at panggigisa sa mga miyembro ng prosecution ay nais ba lamang niyang ipalabas kung gaano katanga at kabobo ang  prosecution team o nais niya lang ipakita kung gaano siya katalino at kahusay pagdating sa pakikipag-debate ? Which is which?

Dalawa lang naman ang kahahantungan ng ganitong eksena : ang lalabas na bobo ang kaharap niya at lalabas na siya ang matalino!

Ang totoo , ibinoto ko si Senator Santiago nuong eleksyong pampanguluhan kung saan siya tumakbo kalaban si dating Pangulong Fidel Valdez Ramos . Ito ay dahil mas may paniniwala ako sa kaniya dahil sa kaniyang angking katapangan at sigasig.

Maging sa mga halalang pang-Senador matapos niyang matalo sa halalang pampanguluhan ay laging pasok siya sa aking listahan.

Dahil sa aking paniniwalang ang kaniyang pagiging matapang ang magdadala sa atin sa kaginhawahan .

Pero hindi pala  ganuon kadali iyon . Dahil lagi nang kaakibat ng katapangan ay ang pagiging matapobre at mapang-mata sa kapwa lalo na kung mas nakakaaangat ka kaysa sa karaniwan. At lalo kung ikaw ay nasa kapangyarihan!

Subalit hindi naman ako klase ng tao na kahit alam kong mali na ang ginagawa ay kakampihan ko pa rin at sasaluduhan . Kahit gaano pa kita ka-paborito o gaano ka kamahal ng masa . Kung nagkamali ka , itsa-pwera ka pa rin para sa akin .

Sa kabilang banda ,  may mali din naman si Aguirre sa kaniyang naging reaksyon . Dapat nga ay mabuting nagwalk-out na lamang siya upang maipakita ang kaniyang disgusto at pagkarindi at pagka-irita sa boses ni Aling Miriam.

Kesa nga naman mabasag ang kaniyang eardrum sa tinis ng boses ni Aling Miriam ay minabuting takpan  na lang niya ito . Eh kung nabasag pa ang eardrum ni Aguirre at nagka-luga eh di kasalanan pa iyan ni Miriam davah ? Kaya sana pinagbigyan na lang niya na magtakip ng tenga si Aguirre.

I understand the feelings of Atty. Aguirre because I too have some unpleasant experiences sa mga ganiyang klase ng tao na masyadong feeling super power , infallible at sobrang know-it-all. Masyado silang mataas ang lipad na pakiramdam nila lahat ng tao sa ibaba ay under nila .

And like what much more respected former Senator Rene Saguisag had said in a TV interview , he wishes to bring back the good ol days of Senate especially in those times of  Diokno , Recto , Kalaw , Rodriguez , Salonga and the likes  , where senators are " more gentle , polite , mild-mannered and civil " especially when they are in front of the people they are serving.

Ah , those were the days , seriously .

Ngayon ang Senado ay nagiging sentro na lamang ng katatawanan at pang-ookray ng karamihan .

Naging viral na nga sa internet ang imaheng ito ni Aguirre habang nakatakip ng tenga . Imagine , Senador ka pero pinagtatakpan ka ng tenga !



At sa mga text mesages and chat forums sa internet ay tampulan na din  ng mga biro  ang eksenang ito sa Senado.

Basahin nga ninyo at nang matauhan naman kayo :

MIRIAM: Tetris ka ba?
TUPAS: Bakit?
MIRIAM: Baliko ka kasi! Ang hirap mong isalansan!
TUPAS: Angry Bird ka ba?
MIRIAM: Bakit?
TUPAS: Ang sarap mo kasing ibala sa tirador! 

***

MIRIAM: Counsel! Bakit tinatakpan mo ng mga kamay mo ang mga tenga mo habang ako’y nagsasalita?!
COUNSEL: Hindi ko naman po kayang takpan ng mga talampakan ko ang mga tenga ko, Your Honor!

***

KANOR: Pare, ‘yung anak ko, baka magpari paglaki.
GIMO: Bakit mo naman nasabi, pare?
KANOR: Aba eh puro salita ng Diyos ang luma­labas sa bibig!
GIMO: Buti pa ‘yung anak mo, pare. ‘Yung anak ko, gusto yatang maging senador.
KANOR: Aba! Eh mas magaling! Ano naman ang basehan mo, pare?!
GIMO: Aba! Eh puro GAGO ang lumalabas sa bibig! Naimpluwensyahan ni Miriam!

***

BOY : Senador ka ba ?
GIRL: Bakit . Dahil ba sa ako'y kagalang-galang at matalino ?
BOY: Hindi .
GIRL: Eh bakit nga ?
BOY: Eh kasi ang hilig mong magmura , para kang Senador .

***

NANAY: Anak anong gusto mong maging paglaki mo?
ANAK: Senador po 'Nay.
NANAY: Wow , galing naman ng pangarap ng anak ko . Ang taas mangarap . Eh bakit naman gusto mong maging Senador anak?
ANAK: Eh kasi po kapag ako ang nagmumura ay sinasabihan n'yo ako ng " Don't say bad words " at tapos ay papaluin n'yo ako . Pero kapag Senador na ako , kahit magmura na ako ay tatawanan lang ako at kakampihan pa ng mga kapwa ko Senador . Oh di ba ang ganda po !

Oh di ba , iyan ba ang magandang huwaran ng mga kabataan ?

Pero nuong siya ang mapatunayang nagsinungaling ay hagalpak lamang ang kaniyang naging sagot .

Ah ewan , sa susunod ngang eleksyon ay pag-iisipan ko na nang maigi kung sinu-sino ang mga iboboto ko huh !

No comments:

Post a Comment