TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, March 13, 2012

Lumayo Ka Nga Sa Akin

Sa wakas ay muli akong nakakuha ng kopya ng latest book ni pareng Bob Ong (pare daw oh) na Lumayo Ka Nga Sa Akin (ayoko nga) .

Hindi ko na ire-review ang book dahil ang dami nang nag-Carl Balita ( review centers po )  para dito kaya ayoko nang makigulo pa. Sapat nang sabihin na ito ay  rekomendado ko sa lahat ng mga avid book reader  sa buong kapuluan gayundin sa mga sumisimpleng makibasa sa loob ng National Bookstore. Kung meron nang kopya sa inyong mga paboritong library , itanong na din kay Ms. Librarian at magpa-reserve basta be silent lang huh habang nagbabasa !

Kung susumahin sa lahat ng mga aklat ni Bob Ong ay sumusunod ito sa " Bakit Baliktad Magbasa Ng  Libro Ang Mga Pilipino "  at  " ABNKKBSNPLAKo " sa pinakapaborito ko .

Kulang na lang talaga ay autograph mula sa misteryosong writer na itechi.

Magpakita ka na Bob Ong , ang dami mo nang utang na signature para sa mga fans mo !

Sige ka pag oras na nagpakita ka ay ang dami mo nang pipirmahang libro na halos ikakamanhid ng kamay mo at hindi ka na makakapag _______(insert dirty thoughts here)
 
Hindi kaya may Autographobia si Bob Ong huh ??!!

3 comments:

  1. The Phantom writer Bob Ong is not just one person. Each book has a different writer.

    ReplyDelete
  2. @Ziru ... is this true ? Phantom writer he is ...

    ReplyDelete
  3. That's also what my Phil Lit professor told us.

    ReplyDelete