TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, March 14, 2012

The King's Speech

Kaaliw naman pala itong The King's Speech kaya nag-emerge as Best Picture , Best Director( Tom Hooper ) , Best Actor ( Colin Firth na sobrang galing dito ) at Best Original Screenplay winner sa nakalipas na 83rd Academy Awards ceremony sa Amerika.

Akala ko nuong una ay boring dahil tungkol sa mga speeches and declamations ng mga hari at reyna nuong unang panahon pero hindi pala.

Buti na lang at hindi ako namatay dahil marami daw namamatay sa maling akala ha ha ha.

Tungkol ito sa speech defect ni King George VI ng Great Britain na stammering o stuttering .

Ito yung hindi mo mapagsunod-sunod ang mga salita na ibig mong bigkasin at karaniwang tumitigil o humihinto ka habang nagsasalita. Karaniwan tuloy na hindi na maintindihan kung ano ang ibig mong ipahiwatig.

Sa kaso pa naman ng isang hari na madalas magsalita sa harap ng maraming tao ay kailangan ang isang magaling mag-speech lalo na kung kinakailangang bigyan mo ng inspirasyon ang iyong mga kababayan sa oras at kalagitnaan ng isang digmaan.

To the rescue ang magaling at simpatikong speech therapist na si Lionel Logue upang tulungan ang hari na ma-overcome ang kaniyang impediment..

Nuong una ay medyo ilang at duda pa na magpagamot at kumonsulta ang Haring George  ,pero kalaunan ay napagtanto niyang kailangan niya ang isang ekspertong tulong mula kay  Dr. Logue at magtiwala dito ng buong puso upang matulungan siyang maka-recover mula sa kaniyang depekto.

Dito ay madidiskubre din ang mga itinatagong sanhi ni King George kung paano niya maaaring na-acquire ang ganitong uri ng depekto sa pagsasalita.

Nakaka-relate ako dito dahil I'm a stammerer myself  lalo na kapag nasa harap na ng napakaraming tao at inaatake ng nerbiyos ha ha ha.

Kaya nga hindi ako magaling na speaker dahil alam kong magkakalat lang ako sa harap ng stage .

Baka tulad ni Johnriel Casimero ay batuhin ako ng mga bote , lata , kamatis at silya kapag nagsalita ako sa plataporma.

Sa lahat naman ng lugar na pinakakinatatakutan ko ay itong stage pa ang napili ko huh.

Ewan lang .

Tulad ni King George , clueless din ako sa tunay na nature ng phobia kong ito.

But like King Gorge , eventually ay pangarap kong ma-overcome ko din siguro ang fright kong ito by being confident and being proud of myself  in front of other people.

Sana lang sana .

Waaahhh , Ako Budoy !!!

No comments:

Post a Comment