TRAVELBOOK NOW!

Thursday, March 15, 2012

Haba Baba Doo , Puti Puti Poo

Naaliw naman ako nuong isang araw nang mapanuod ko bago mag-tanghali courtesy of  Kapamilya Cinema  ng Channel 2 ang pelikulang Haba Baba Doo , Puti Puti Poo starring walang iba kundi ang pambansang baba ng Pilipinas na si Babalu at ang pinakamaputing tao yata sa balat ng Pilipinas na si Redford White .

Parehong namayapa na ang dalawang kumag na  komedyanteng ito kaya naman I have began to miss them .

Todo ang bungisngis ko at hagalpak na wagas dahil sa grabeng riot ng pelikulang ito kasama ang dalawang magagaling na komikero.

Ito ay dahil sa wagas na pagpapatawa ng dalawang topbiller na konting kibot lang ay tiyak na sisilay ang ngala-ngala mo sa katatawa.

Nakaka-miss ang mga komedyanteng ito nuon na nagsipagyao na .

Mas magagaling ang mga komedyante nuon para sa akin dahil hindi nila kailangang mag-effort para lang makapagpatawa. Very natural ikanga ang dating ng pagpapatawa nila

Best examples are Panchito , Rene Requiestas , Chichay , Chiquito , Apeng Daldal , Tange , Dely Atay-Atayan , Aruray , Angge , Cachupoy , Matimtiman Cruz , Zorayda Sanchez at marami pang iba.

At nandiyan pa at buhay pa naman ang iba pero madalang nang bigyan ng comedy assignments like   Elizabeth Ramsey , Nova Villa at siyempre ang King of Comedy na si Dolphy . ( Alam ko hinuhulaan n'yo na edad ko ha ha ha )

Ngayon kasi halos mga corny ang dating ng mga nagpapatawa pwera lang si Uge Domingo na havey na  havey magpakiliti ng kili-kili hi hi hi .

Karaniwan kasi ng mga komedyante ngayon ay galing sa comedy bars na ang style ng pagpapatawa ay panlalait at panlilibak sa tao para lang makapagpatawa.

 They are sorely missed .

2 comments:

  1. hahaha natawa po ako sa description niyo kung pano kayo natawa habang nanuod nito.

    ReplyDelete
  2. A Jhengpot ..alin? ... yung kita yung ngala-ngala sa katatawa he he he ....

    ReplyDelete