TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, March 21, 2012

Goodbye Ever Gotesco Grand Central Monumento

Nasunog na kamakailan lamang ang equally popular and notorious mall in the north na Ever Gotesco Grand Central Monumento .

Aba at halos tumagal lang naman ng isang araw bago ito tuluyang naapula. Panay panay nga ang daan ng mga trak ng bumbero nuong araw na iyon mula sa lahat ng panig ng Kamaynilaan  papunta  sa iisang direksyon , walang iba kundi sa nasusunog na mall sa distrito ni Mayor Enrico " Recom " Echiverri.

Marami din akong fond memories sa mall na ito sa Monumento. Dito kami madalas na pumapasyal noong kami ay nakatira pa diyan sa Kalookan ( opo , tumira din kami sa Lungsod ng Kalookan , partikular diyan sa 3rd Avenue nuong ako ay dalaginding pa lamang he he he.)

At kahit ngayon na medyo ( medyo daw oh ) gurangski na aketch ay madalas  pa din ang pagdayo ko sa lugar na ito dahil marami pa din akong mga kamag-anakan na nasa bisinidad  nito ang aking binibisita. At kapag napapadayo ako sa Kalookan ay hindi puwedeng hindi ako mapadaan dito sa mall na ito.

At ngayon nga ay naging hang-out na ng mga bumbero.

Very controversial naman na mall ito sa lahat na yata ng mga mall dito sa bansang Pilipinas .

Una pa lang itong itinatayo ay kontrobersya na agad ang kinaharap . Hindi bat iprinotesta ng mga mag-aaral at guro ang pagtatayo nito dahil sa sapilitang pagpapagiba at pagwawasak ng Cecilio Apostol Elementary School na nasa dating puwesto nito ?

At simula nuon ay nabatbat na ng mga kontrobersya ang gusaling ito katulad sa mga  isyu ng prostitusyon , illegal trading and merchandising , drug trafficking atbp. na nagaganap diumano sa loob ng nasabing mall.

Kamakailan lamang ay naging sentro din ito ng usapin dahil sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng  mga may-ari at ng pamunuan ng Lungsod ng Kalookan . Diumano ay maraming pagkakautang ang may-ari nito sa pamahalaan ng Kalookan kaya ito ay ilang araw na ipinasara ng City Hall.

At ayon din sa mga sabi-sabi ay batbat  daw ng utang ang mall na ito sa BIR at iba pang ahensya ng gobyerno.

May mga haka-haka namang lumutang kaugnay sa pagkakasunog nito na ito ay sinadya diumano dahil nga sa isyu ng mga pagkakautang - ito ay upang mapagtakpan ang tunay na estado ng pagkakalubog nito sa malakihang utang .

Anut-anuman ang katotohanan ukol sa isyung ito ay magiging malaking palaisipan na dahil sa tuluyang pagkakaabo ng nasabing establisimyento.

Samantala , may mga umiikot ding malilikot na tsismis na ang karibal nitong chains of malls na pag-aari ni Mr. Henry Sy , walang iba kundi ang SM , ang sinasabing nagpasimula ng sunog . Ito ay dahil balak daw itong bilhin ni Mr. Sy at gawing isa na namang mall ng SM sa Kalookan .

Ito ay pawang mga tsismis at intriga lang naman na hindi pa napapatunayan!

Kung magkakagayon ay ganito ang magiging itsura nito after awhile :


At kung magkakagayon ay tanging ang Malabon , Navotas at Pateros na lamang ang lugar sa Kamaynilaan na walang SM Malls . I'm sure binabalak na rin ni Mr. Sy na magtayo sa mga lugar na iyan , pustahan !

Samantala totoo din kaya na ang mall na ito ay isinumpa ng mga naapektuhang guro at estudyante ng eskwelahang giniba para bigyang daan ang pagtatayo dito ?

At ngayon nga daw ay tila natupad na ang ngitngit at sumpa na inusal para dito ng nasabing mga naapektuhang guro  at estudyante kaya sunod-sunod na kamalasan ang dumapo sa ill-fated mall na ito ?

Nagtatanong lang naman po !

1 comment: