TRAVELBOOK NOW!

Monday, March 12, 2012

The Fighter

Napanuod ko lang lately sa DVD ( pirated siyempre he he ) ang boxing drama na  The Fighter starring Christian Bale and Mark Wahlberg at the title role .

Totoong istorya ito ng magkapatid na parehong boxer in the person of Dicky Eklund ( Christan Bale ) at Micky Ward ( Mark Wahlberg ) at kung paanong nalagpasan nila ang iba't ibang klase ng mga pagsubok na dumaan sa kanila bilang magkapatid na nangangarap maging matagumpay na boksingero ng Amerika.

Ipinakita dito ang tunay na kalagayan ng pamilya sa Amerika na malayo sa glorified image ng karaniwang American family .

Dito ay nagdurusa at naghihirap sa kalagayang pinansyal ang pamilya dahil sa labis na pakikialam at pang-aabuso ng inang si Alice ( Melissa Leo ) at kapatid na si Dicky sa boxing career ng kanilang kapamilya na si Micky.

Buti na lamang at may mga nagtitiwala at sumasampalataya sa angking kagalingan at kakayahan  ni Micky dahilan upang hindi sumuko at magpatuloy na  umangat o bumangon  mula sa kinalugmukang kalagayan hanggang sa magtagumpay sa laban ng buhay bilang isang boksingero.

Maraming mga nakakaantig at makabagbag-damdaming moments ang pelikula pero ang
pinaka-naaapektuhan ako ay ang eksena kung saan ay  humingi ng tawad si Dicky sa nobya ng kaniyang kapatid na si Charlene Fleming ( Amy Adams ) upang siya ay muling pagbigyan at tanggapin ng buong puso kapalit ang pangakong magbabago para na rin sa ikabubuti ng kaniyang kapatid .

Kitang-kita ang sinsero o tapat na paghingi ng tawad ni Dicky na halos ikapanindig ng aking balahibo .

Ang galing galing dito ni Christian Bale kaya naman very deserving siya sa award na nakuha mula sa Oscars para sa Best Supporting Actor .

Equally deserving din para sa award na Best Supporting Actress si Melissa Leo bilang ina nila Micky at Dicky na nakikialam at nangunguna sa buhay ng magkapatid kahit na sa totoo lang ay wala naman talaga siyang alam sa pagpapatakbo ng karera ng dalawa tungkol sa pagboboksing .

Sa bandang ending ay nagtagumpay ang dalawa upang makilala bilang mga magagaling na boxer sa history ng Amerika .

Kudos to the entire cast .

A nice watch , promise .

No comments:

Post a Comment