TRAVELBOOK NOW!

Sunday, March 25, 2012

Elizabeth Ramsey


Nakakatuwa namang mapanood muli on national television itong si Elizabeth Ramsey , ang butihin , magaling , respetado  at kwelang nanay ni Jaya ( Jaya Puto Maya ) .

Ito ay sa pamamagitan ng palabas na It's Showtime ng Channel 2 bilang isa siya sa mga hurado .

Nuon ko pa paborito ang komedyanang ito way back in the 60's til 70's until the  80's ( oo ako na ang nakaabot sa kaniya  dahil damatan na me ha ha ha.)

Natatandaan ko  pang napanuod ko sa sinehan  ang pelikula nitong Magapatuka Na Lang Ako Sa Ahas at talaga namang tawa ako ng tawa sa panunuod sa kabila ng kamusmusan ko nuon.

Elizabeth Ramsey is  an  icon and classsic at the same time .

Groovy na groovy pa rin at trending topic pa rin ang elegant beauty ni Elizabeth after all these years at kahit nasa 80 na yata ang edad ng babaeng itech  huh!

Sayang naman at agad na-vote out sa hanay ng mga hurado ng It's Showtime itong si Elizabeth !

Talagang hindi pa rin marunong bumoto ang mga manonood ngayon.

Ang  gusto yata nilang itira ay iyong mga walang ginawa kundi magpa-cute at magpa-tweetums sa harap ng camera huh.

Anyway , nice watching Elizabeth Ramsey once again kahit na one week lang sa telebisyon.

No comments:

Post a Comment