Monday, March 26, 2012

The Dishwasher


Kung meron mang gawaing-bahay na nais mong ipagawa sa akin ay pipiliin ko na ang maghugas ng pinggan at mga kinainan .

Kahit pa paghugasin mo na ako ng sangtambak at abot hanggang kisame na hugasan basta huwag mo lang akong paglabahin at pagplantsahin okay sa olrayt sa akin .

Kung gaano ko ka-love ang paghuhugas ng kinainan , siya namang hate na hate  ko ang paglalaba .

Kaya nakakahiya mang aminin , pero kahit panty ko ay meron akong taga-laba he he he . Choz.

Ewan ko ba pero hate ko talaga ang magkuskos at magbatya at palu-palo . Kahit may washing machine na ay di ko pa rin feel ang paglalabada like Ate Gloria labandera huh.

Pero iba na ang usapan pagdating sa hugasan ng  kinainan o dishwashing .

Ito ang aking expertise pagdating sa household chore .

Si Mother dear ang mentor ko sa paghuhugas .

Dalaginding pa lang ako ay tinuruan na niya ako nang tamang paghuhugas ng plato at baso at lahat ng klase ng kinainan . Kaya naman nakagamayan ko na ito.

Ako ang eternal dishwasher ng aming bahay.

Basta hugasan ng plato ako ang tinatawag ni Mother .

Sabi ni Mother dishwashing is an art .

Ayon sa kaniya , ito ang step by step sa paghuhugas ng mga pinagkainan.

1.) Unahin mo ang mga baso para hindi malansa dahil kadalasang tubig at mga inumin lang ang inilalagay dito . Sabunin mo ang rim ng mga baso , mug , tasa at iba pang uri ng lalagyang-inumin para maalis ang anumang kumapit dito na dumi o amoy.

2.) Isunod mo ang mga kubyertos gaya ng kutsara , tinidor at kutsilyo. Kung may pang-isis ka ay kuskusin mo ito ng maigi dahil minsan ay may mga naiiwang mantsa sa mga ito . Para mapanatili ang kislap at kinis ng mga kubyertos . Kiskising maigi ang buong katawan ng mga kubyertos .

3.) Isunod ang mga plato , pinggan , mangkok , platito at iba pang mga gamit pagkain . Kiskising maigi ang buong bahagi ng dish hanggang sa ilalim upang matanggal ang mga kumapit na tumigas na pagkain . Gayundin ang mga amoy katulad ng lansa at anta lalo na kapag nalagyan ng panis na pagkain.

4.) At panghuli ay ang mga gamit pangluto katulad ng kawali , kaserola , kaldero , kawa  gayundin ang mga sandok at siyanse na ginagamit sa pagluluto. Karaniwang ito ang mas mahirap hugasan  dahil sa tindi ng kapit ng mga dumi at mantsa ng pagkain. Parusa din kapag mamantika at masebo ang mga pagkaing niluto dito dahil matindi ang kuskusan ng sabon .

Iyan ang mga golden tips sa akin ni Mother kung ako ay magiging alipin ng mga plato at baso.

FYI naging dishhwasher din ako dati nuong aking struggling days diyan sa isang sangay ng Goodah Restaurant sa Greenhills San Juan City .

Laging basa ang apron ko nuon dahil sa halos maghapon at magdamag na paghuhugas ng mga kinainan ng mga kostumer.

Eh dagsa pa naman ang mga kumakain dito sa restaurant na ito kaya maghapon din ang lagari ko sa pagpapabula ,pagkuskos at pagbabanlaw ng mga hugasan.

At duon ko nalaman na kahit pala gaano ko ka-love ang paghuhugas ay nakaka-imbyerna rin at nakakasawa ito kung araw-araw ginagawa  .

Kaya naman hindi rin ako nagtagal sa trabaho kong ito he he he.

Subalit ngayon na medyo busy na at tamad-tamaran na sa paghuhugas , hindi ko na masyadong napagtutuunan ng pansin ang bokasyon kong ito .

Kaya naman heto na ang hitsura ng lababo namin ngayon ha ha ha.

At para makatipid sa hugasan kapag may handaan , plato na binalutan ng plastik para pagkatapos ng kainan ay itatapon na lang ang plastik at hindi na huhugasan ang plato he he .

Davah naman .

At dahil nga love ko ang paghuhugas ng mga kinainan , nag-create na rin ako ng negosyo mula sa hilig kong ito . Ang sariling formula para sa dishwashing liquid na gagamitin ko sa pagsasabon at pagtanggal ng sebo sa mga hugasang kinainan.

Heto na iyon :

 Baka gusto ninyong bumili , mura lang , 40.00 lang isang litro na he he.


Bili na .

Homemade formula na mabisa na , mura pa .

Talagang mapapa-jump for  JOY ka dahil sa quality at affordable price .

At DAZZling din  ang packaging he he.

Kaya ano pang hinihintay mo , um-AXION ka na at bumili na ng produkto kong dishwashing liquid.

SURFire ways of earning davah naman !

O davah , at ngayon ay negosyante na nang dahil sa paghuhugas ng mga kinainan.

Happy dishwashing !

No comments:

Post a Comment