TRAVELBOOK NOW!

Friday, March 23, 2012

Asian Athletes That Took The World By Storm

Naaliw naman ako sa article na ito ng MSN about Top 10 Asian Atheletes na hinahanggaan at pinapalakpakan ngayon sa buong mundo .

Of course proud naman me dahil nakasama ang 2 sa ating mga kababayan na walang iba kundi sina Manny Pacquaio at Efren " Bata " Reyes.

Read on :

1.) JEREMY LIN - ang hot na hot ngayon na New York Knicks pointguard Taiwanese-American NBA superstar . Meron pang Linsanity fever na nangyayari dahil sa sobrang pagkahumaling ng mga fans sa kaniya all over the world . Type ko rin siya dahil sa pagiging maka-Diyos niya at bilang isang Bible-believing person .


2.) Manny Pacquiao - of course naman ay hindi mawawala ang ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa listahang ito . Isa siya ngayon sa pinakapaboritong sports hero sa buong mundo dahil sa  kaniyang angking galing at tikas sa larangan ng pagboboksing.


3.) Yao Ming - although nag-retire na sa larangan ng basketball ang mamang ito from China , no doubt ay isa pa rin siya sa may mga pinakamalakas na hatak sa buong mundo bilang isang dakilang manlalaro.


4. ) Park Ji-Sung - ang South Korean footballer naman na hinahangaan sa buong mundo dahil sa kaniyang galing at husay sa larangang ito.


5.) Michael Chang - sino ang hindi makakaalala sa Taiwanese-American tennis player na ito na siyang naging youngest player ever to win  grand slam by winning the French Open in 1989 .


6.) Daisuke Matsuzaka - Japanese baseball pitcher for Boston Red Sox . Ang pride ng mga sakang .


7.) Ichiro Suzuki - another pride of  Japan . A Major League Baseball right fielder for the Seattle Mariners.


8.) Efren " Bata " Reyes - isa pang Filipino na kinikilala at hinahangaan sa buong mundo . Ayon sa article , siya ang nagpasikat sa larong pool or billiards na dati ay hindi kinikilala bilang isang professional na sports. Subalit dahil sa kaniya ay umangat ang pagkilala sa sports na ito .


9.) Dat Nguyen - this time , he is the one from Vietnam. A professional football player for NFL.


10.) KJ Choi - or Choi Kyung-Ju , a professional golf player na halos kahilera na rin ni Tiger Woods sa pagiging magaling at mahusay sa sports na ito .

No comments:

Post a Comment