TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, March 27, 2012

Ang Babae Sa Septic Tank

Naging entry ng Pilipinas sa kategoryang Foreign Language Film para sa katatapos na 84th Academy Awards or Oscars itong ating pelikula  na Ang Babae Sa Septic Tank starring no less than Eugene Domingo.

Ngayon ko lang ito napanuod and how I wish na nakapasok nga sana sa Oscars ang pelikulang ito dahil matino naman ang pagkakagawa.

Kudos to Director Marlon Rivera and the entire cast and crew.


A film within a film , istorya ng pag-conceptualize ng isang pelikulang tumatalakay sa mga isyu ng kahirapan , prostitution , materialism gayundin ang mga  isyu na may kinalaman sa paggawa ng pelikula katulad ng pagpapalit-palit ng konsepto at ideya , pagpi-primadonna hanggang sa ningas-cogon attitude at manana habit .

Very commendable naman sa aktingan siyempre si Uge as usual but special mention si Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral para sa kanilang respective cameos na nagmarka sa kabuuan ng pelikula.

Mahusay na naipakita sa kabuuan ng pelikula ang tunay na kalagayan ng bansang Pilipinas especially ang tungkol sa kahirapan at child prostitution of course with some humorous touch courtesy of Uge.

Havey din ang musical part ng pelikula na talagang nakakatuwa .

Anyways, goodluck na  lang sa susunod at sana ay makamit din  natin ang pinaka-aasam na Oscar winnings katulad ng minimithi ng mga karakter sa pelikulang ito  . Sadya yatang mailap pa sa atin ngayon ang tropeo ni Manong Oscar . Ngunit pasasaan ba at masusungkit din natin iyan sooner or  later.

Hope springs eternal ansabeehhh!!!

No comments:

Post a Comment