TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, February 22, 2012

they come and they go ...

Nitong nakaraang   February 1 at 6 ay magkasunod na umalis sa aming lugar ang aking hipag na si Jackie Briones at pinsang buo na si Mary Joy Pron Briones respectively patungo sa ibang bansa na kanilang destinasyon .

Si Jackie ay pumuntang Hongkong upang duon ay mamasukan bilang isang nanny .

Samantalang si BFF Joy naman ay tumulak papuntang Land Of  Milk And Honey  upang duon ay pakasalan ang kaniyang longtime fiance na si Jess Lopez .

Dalawa  sa aking natitirang mga kachikahan at kachokaran dito sa aming lugar sa Antipolo City ang lumisan  at iniwan ang bansang Pilipinas Kong Mahal.

Nag-fly me to the moon  .

Ngayon ay tila ako na lang ang natira dito sa ating bansa na nananatiling nakikibaka at nakakipagpambuno sa laban ng buhay .

 Iniwan na ako ng aking mga kabiruan at kaharutan . Mga simpleng nagpapasaya kapag ako ay nalulungkot at naninimdim.

Mga usapang walang kwenta na minsan ay siya pang pinakamasaya at pinakamasagana.

Naalala ko tuloy , parang kailan lang nang mga bagong luwas pa lang sila dito sa Maynila .

Bigla ko tuloy naalala ang iba ko pang mga pinsan at kamag-anakan na naging close sa akin subalit ngayon ay malayo na sa aking piling.

Tulad ni Ate Evie na dalagita pa lamang nang magsimulang umaruga sa aming magkapatid bilang mga pasaway na alaga. Hanggang sa mag-dalaga at magka-asawa ay nanatiling nasa aming poder at pagkalinga .Nagkaruon ng dalawang anak and still nasa aming tabi pa rin  . Pero nang siya ay ipetisyon ng kaniyang asawa sa Dubai para duon ay magtrabaho para sa kabutihan ng kanilang pamilya , hindi na siya nakatanggi.

Si Yolly , na matagal  din naming nakasama sa iisang bubong . Maraming pinagsamahang mga kuwento at ala-ala . Minsan masaya . Minsan malungkot . Lahat pinagdaanan bilang mabuting mga kamag-anak .Hanggang sa nagpasyang mangibang-bansa upang duon ay buuin ang kaniyang mga pangarap at matulungang maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya. Duon sa bansang Israel na rin niya nahanap ang kaniyang mahal sa buhay na si Rey na katulong niya ngayon sa pagbuo ng kanilang mga pangarap.

Si Rey - isa rin sa mga pinsang mahirap kalimutan. Bagamat hindi namin nakasunong sa iisang bubong , subalit ang mga moment at bonding na oras lalo na nuong aming mga kabataan pa ay hindi malilimutan. Madalas kaming magkakuwentuhan niyan dahil marami kaming pinagkakasunduan . Hanggang sa sumagot rin sa kaway ng tawag ng bansang Israel kasunod ng kaniyang Ate Yolly , hindi na namin siya napigilan . Ngayon siya ay nasa bansang Canada na at duon nahanap ang kaniyang sintang iniibig na si Janeth.

Si Jelyn - isa rin sa pinakapaborito ko at pinakamabait at pinaka close ko sa aking mga pinsan. Nang mapagtantong kailangan niyang mag-abroad upang matupad ang kaniyang mga pangarap hindi na rin siya nagpatumpik-tumpik  pa. At duon sa Dubai nagtagpo sila ng kaniyang napangasawa na si Eric.

Ang aking pamangkin  na si Jen-Jen . Malapit din sa aking kalooban ang pamangkin kong ito . Bukod sa mabait din naman kasi ay kapanalig ko din sa isang Christian Church dito sa amin . Dahil nais na maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya , piniling makipagsapalaran sa UK nang may kumuha sa kaniya duon upang mag-alaga ng kanilang mga anak .

And then ang isa ko pa ring naka-close lately lamang na si Gladys - na tumulak papuntang Canada . Bagamat sandaling panahon lamang kami nagkasama at nagkakilala ay agad kong nakapalagayang-loob dahil sa likas namang mabait din at masayang kasama itong isang ito . Duon ay pinipilit din niyang buuin ang kaniyang mga pangarap .

And then ay ang isa rin sa mga close kong pinsan na si Mary Grace Briones na kamakailan lamang ay kinailangang sumama sa  kaniyang kabiyak na si Tom Windhausen upang duon ay magpakasal sa States . Sobrang close din ako sa isang ito dahil tunay namang maaasahaan , mapagkakatiwalaan , mabait at masayahin ang taong ito .

At lately nga ay itong si Joy and Jackie na dalawa sa mga pinaka-close ko na ring mga kamag-anak dito.

Lalo na itong si BFF Joy na talaga namang malalim ang aming pinagsamahan.

Daig pa namin ang magkapatid sa aming turingan.

Hindi naman kasi mahirap pakisamahan kaya madali kong nakagaanan ng loob. 

Hayzzz , talagang nalulungkot me as of now .

Wala na tuloy akong ka-jamming dito sa house kapag walang pasok at day-off sa work .

Consider these memorable moments  : ( Hulaan n'yo kung sino sila )

* Kapag nakapaglinis na iyan ng sahig ay hindi ka na puwedeng umapak dito . Kapag umapak ka , siguradong putol ang paa mo he he he . Dapat duon ka lang mag-stay kung saan ka inabutan ng pagpupunas niya ha ha .
* Ang clown ng bayan . Siguradong matatawa ka kapag humirit na siya ng mga banat niya. Ang galing ng sense of humor .  Parang kulang ang araw kapag hindi mo siya narinig na nagpapatawa. Ang Chichay ng aming pamilya .
* Dati kaming pumupunta sa Bibit , isang falls at ilog na malapit sa amin upang duon maglaba at maligo na rin .
Hindi pa kasi uso nuon ang Nawasa sa amin kaya duon lahat ang puntahan ng tao kung tubig ang kailangan . Madaling-araw pa lang ay sabay sabay na kaming nagpupunta duon upang gawin ang aming mga trabaho. Duon na rin kami  naliligo at nagsasabon at nagbabanlaw . Pero pagkatapos maglakad nang halos kalahating kilometro pauwi sa bahay , para din kaming hindi naligo .
* Minsang umuwi ako sa bahay at naabutan kong ang dilim ng buong kabahayan . Akala ko walang tao . Pero andun pala siya sa loob at nag-eemote sa radyo . Sabi ko , " Para kang aswang " ha ha ha .
* Kasabay ko siyang mag-aral sa High School . Sabi nila Papa , para may bantay daw ako kapag nagka-cutting classes . Hindi nila alam , kasama ko siya sa pagka-cutting class he he .
* Ang galing niyang maglinis ng bahay . Kung puwede lang itaob ang buong bahay , gagawin niya para siguradong malinis . Ngayon ay makalat at madumi na ang bahay namin .
* Madalas kaming mag-chess at ako ang laging talo . Ang sarap tumawa  na minsa'y nakakaasar lalo na kapag talo na ako . Minsan may pustahan . Nauubos na ang pera ko sa kakapusta ay hindi pa rin ako nananalo.Waaahhh.
* Lagi rin kaming naglalaro ng Scrabble na halos inaabot ng madaling-araw kasama ang kaniyang kapatid .Pagalingan at patamblingan  sa pagbuo ng iba't ibang mga salita . Bumili pa ako ng Scrabble dictionary para dito . Dahil dito marami kaming nadiskubreng mga bagong salita na hindi namin inakalang nag-eexist pala.
* Minsang inaya ko para magsilbing kostumer sa dati kong trabaho bilang Mystery Shopper . Para ito sa Pizza Hut Cubao at kailangan ko ng dummy para magpapanggap na  kostumer sa loob .  Bongga ang attire niya he he . Talbog ang beauty ko ha ha.
* She's my eternal favorite . Tawa pa lang pangiliti na . Imposibleng hindi ka tatawa sa mga hirit niya . Naging close kami nang minsang makasama ko sa isang negosyo .

Minsan mahirap isipin kung bakit kailangang mangibang-bansa ang isang kakilala?

Para makapagtrabaho nang mas maayos at marangal para mabuhay nang maalwan ang sariling pamilya ?

Para masuportahan at maiahon sa kahirapan  ang pamilyang naiwan  dito sa Pilipinas ?

Upang makapangasawa nang ibang lahi na siyang piniling ibigin at makasama sa habang buhay ?

Maraming dahilan . Iba't-ibang paraan.

Kung sana ay may mas madaling paraan  at mas maraming oportunidad ang maiaalay ng Pilipinas para sa mga Pilipino , hindi na sana iisipin pa ng marami sa atin ang mangibang bansa at duon ay piliing manirahan.

Sana ay magakakasama pa rin kami dito .

Ngunit kailangan , as they say .

Kailangang pansumandaling lumisan.

Kaya tiis-tiis lang muna sa sandaling paghihiwalay .

Dahil balang  araw ay muling magkakasama-sama .

Mas asensado na . Mas progresibo na . Mas marami nang pera .

At mas masaya at maligaya na sa muling pagsasama-sama!

3 comments:

  1. wow!!!nag-cry-cry nman ang lola mo sa sulat mo na ito kuya...salamat na madami coz naramdaman ko kung gano ako khalaga sayo as ur friendship and cousin..haaaaay!!!tama lahat ng sinabi mo...and2 kc mga mapapangasawa namin kya pnili namin mpunta d2..but i know and i hope someday magkakasama din tyo uli...sana nga lng d2 nalang sa bansa na ito....miss u na my super duper favorite cousin...GOD bless.

    ReplyDelete
  2. wow!! kuya when i read this message i really can't help but cry...thank u so mch kuya at pati ako talagang kasama pa hehe,,sobra akong na touch d2,, i hope & Pray na someday magkakasama-sama let tau...natawa ako kuya sa mga pahula mo ako na ang natumbok mo hahaha...haysss miss ko din sobra mga bonding natin at sobra-sobra din akong nagpapasalamat senyo kc sainyo na halos na mold ang utak ko at isa kau sa naging mentor at inspirasyon ko para mangarap sa buhay...& come what may kuya we 're always here 4u!! once again tnx a lot for making this very inspiring message mwahhh..may GODBLESS us all always....:)

    ReplyDelete
  3. Ha ha ... mga cousins ko ... miss ko na kayo lahat ... thank you sa pagbasa ... this is lovingly dedicated to all of you... mwaahhh

    ReplyDelete