TRAVELBOOK NOW!

Monday, February 27, 2012

Taho with Langka syrup

Paborito ko ang taho simula pa nuong ako'y isa pa lamang sirenita  hanggang sa ako'y magdalaginding he he he .

At hanggang ngayon na ako'y isa nang matandang dalaga , peborit ko pa rin ito ha ha ha.

Masarap naman kasi lalo na kung maraming arnibal at sago na sangkap . Ako na ang may sweet tooth.

Lagi na  kahit mayruon pa akong muta at mantsa ng laway sa gilid ng labi ay tatayo agad ako kapag narinig na ang boses ni mamang magtataho na naghumihiyaw at tumitili sa kalsada na parang naputulan ng b----g. Bagang yan , akala mo na naman bastos .

Bukod sa masarap na kasi ay masustansya pa kaya naman naging paborito na ito ng marami lalo na ng mga tsikiting patrol.

Pampalakas pa daw ng tuhod kaya bagay sa mga taong mahilig sumabak sa giyera . Giyerang ang putukan ay walang sound !

Pero lately lang ako nakatikim ng taho na langka ang flavor.

Courtesy of my friends na mga aswang dahil sa gabi nagtatrabaho at madaling-araw ang rampa.

Paglabas naming magkakatrabaho galing sa kolsener na aming pinapasukan ay diretso na kami agad sa booking , este kay Mamang Magtataho at  bibili ng tag-iisang baso ng kaniyang paninda.

At isa-sang tatagay  para sa masarap na flavor ng taho langka.

Ang tsika ng isa kong katrabaho ay meron din daw strawberry flavor sa Baguio naman. At super delicious din daw ito .

Hmmmm , makaakyat nga ng Baguio at matikman ang authentic flavor na ito huh . Ngayon na itong darating na summer .

Tunay namang nakakaadik kaya naman naging daily habit na namin like the 3 o clock habit ang pagtungga nito.

Heto nga at may piktyur piktyuran pa para merong souvenir kasama si manong.

Smile !





PS

   Nuong isang gabi ay Pandan flavor naman ang pakulo ni Manong he he. Dami na palang flavor ng taho !

1 comment: