TRAVELBOOK NOW!

Thursday, February 2, 2012

R.I.P. Rep. Iggy Arroyo aka Jose Pidal



Sa pagkamatay ni Negros Occidental Representative Ignacio Tuason  " Iggy "  Arroyo Junior nitong January 26 ,  2012 - kapatid ng dating First Gentleman Mike Arroyo at bayaw ni Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo - I guess tuluyan na ring mababaon sa kawalan ang kakambal at anino nito na si Jose Pidal .

Pihadong isa na naman ito sa libu-libong kaso ng pagkalimot na tuluyan nang naibaon sa hukay kasama sa kamatayan ng mga sangkot  na personalidad.

Nanggigilalas lamang ako kung paanong hanggang sa libingan ay nadadala ng ilang mga tao ang kasinungalingan at kasalanan.

Ang sabi nila , ang tao daw na malapit nang mamatay ay hindi na magsisinungaling .

Hmmmm.

Paano kaya sila haharap sa ating Ama Ng katotohanan ?

Kaya duon sa mga patuloy pang nabubuhay , habang may panahon pa , aminin na ang anumang dapat aminin at ibulgar na ang buong katotohanan !

Dahil mas masarap pa rin ang magpahinga ng may malinis na kunsensya , kaysa humimlay na batbat ng kontrobersya !

May he truly rest in peace !

No comments:

Post a Comment