TRAVELBOOK NOW!

Monday, February 20, 2012

my 17th inaanak

Nitong nakaraang January 22 , 2012 ay inanak ko sa binyag ang aking pang -17 na godchild .

Kahit papaano ay may kumukuha pa din naman sa inyong lingkod bilang  isang ninong ( o ninang? ) he he.

Kahit na hindi namimigay ng regalo at nagdi-disappearing act  tuwing Pasko at Birthday ni inaanak .

Masarap din naman kasi ang feeling kapag ikaw ay naatasan upang maging ninong o ninang ng isang batang bibinyagan . Ibig sabihin nito ay may kumpiyansa o tiwala sa iyo ang mga magulang ng bata na kukuha sa iyo upang maging pangalawang magulang ng kanilang anak.

At iyan nga ang malaking responsibilidad na nakaatang sa balikat ng isang ninang o ninong para sa kanilang mga inaanak : ang maging mga magulang oras na hindi na ito kayang gampanan ng kanilang mga mismong ama at ina !

Dapat ay kasama ka sa pagpapalaki at paghuhubog sa isip ng bata upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansang ito habang siya ay lumalaki .

Dapat ay hindi lang  dahil sa pera kaya ikaw ay kinuha bilang kanilang mga kumpare o kumare .

Kadalasan , pati ang salik na ito ng pag-aanak sa binyag ay nagiging komersyal na rin at taliwas  sa tunay na layunin  kung bakit kumukuha ng sponsor sa pagbibinyag ng isang bata : ang maraming mapakimkiman o regalong matanggap  kapag Pasko at Birthday !

Kaya naman sangkatutak ang kinukuhang sponsor para sa kanilang baby.

Para sa akin , ay tama na ang dalawa hanggang apat o anim  na pares ng mga ninong at ninang.

At kung hihigit pa diyan , negosyo na ang maitatawag  ko diyan ha ha ha .

Ako nga dalawa lang talaga ang aking mga pangalawang magulang .Ang aking Tiyo Fred at isang ninang na hindi ko na nakagisnan kung ano ang itsura at hindi na rin maalala ni Mother ang pangalan . Balita kasi ni Mother ay nangibang-bansa ito at magmula nuon ay hindi na niya nakita pa .

Kunsabagay nga naman , kapag hindi available ang isa , mayruong pamalit na iba  !

So far ay nakaka labing-pito na nga akong inaanak .

At para maalala ko na rin ang namesung ng bawat isa , ililista ko na rin dito bilang mnemonic :

1.) MacMac Vidallon - una kong naging inaanak when I was just barely legal  . Actually , hinablot lang akong proxy para sa batang ito pero sabi nung aking kumpare ay ako na daw ang talagang ipapalit na ninong dahil hindi sumipot ang original na nakalista . Panakip butas ba ? Nuong baptism day lang na iyon ko nakita ang inaanak kong ito at pagkatapos nuon ay wala na . Balita ko ay umuwi na sila sa Bicol at duon na nanirahan . At ngayon daw ay mas malaki , mas matangkad at may asawa na daw ito ngayon at ilang anak na din . Ako wala pa rin .

2.) Melody Toribio Briones - nauna pang nagka-asawa at nagkaanak kaysa sa akin . Dalawa pa .

3.) Edgardo Briones De Pedro Junior

4.) Christal Mae De Pedro Ranario

5. Timothy Andrew Briones Tabernilla

6.) Shane Ashley De Guzman Briones

7.) Rose De Pedro Sumera

8.) Cindy Micah Garcia Clavo

9.) Faith Victorino

10.) Maria Leanne Gonzales Aquino

11.) Jethro Renz Yana Olivar

12.) Hannah Hernandez Abrenica

13. ) John Russel Serano Victorino

14.) Karen Reyes Llorente  

15.) John Ahlcris Minlay Briones

16.) Andrea Alessandra Briones Mckenzie

17.) Samantha Jericka Borreo Andal

To all my inaanak , sana may pera sa Pasko para hindi tayo mag taguan - pung hi hi hi!

2 comments:

  1. ang dami mo naman inaanak, butas bulsa mo pag December anoh?

    ReplyDelete
  2. Mommy Razz ... madami na ba yan ? ... yung kapatid ko nga nasa 30 na inaanak n'ya eh he he ... hindi naman butas bulsa ko pag Pasko dahil yung iba jan malalaki na , hindi na nireregaluhan he he... yung mga bulinggit lang ang may regalo pag Christmas ... : )

    ReplyDelete