TRAVELBOOK NOW!

Monday, February 13, 2012

Most prestigious beauty pageants

Apat ang kinikilala bilang pinakaprestihiyosong mga beauty pageants sa buong mundo .

Ito ay ang Miss Universe , Miss International , Miss World at Miss Earth.



1.) MISS UNIVERSE - ang kinikilala bilang pinakasikat at pinakaprestihoyosong patimpalak kagandahan para sa mga kababaihan sa buong mundo. Pinasimulan nuong 1952 ng Pacific Mills Clothing Company based in California , unti unti itong lumago at lumawak at ngayon ay siyang nangungunang basehan ng pagkilala sa pinakamagaganda at pinakamatatalinong mga babae in  the whole wide universe .Sa ngayon ito ay pinamamahalaan na ng Miss Universe Organization sa ilalim ng pamumuno ni Donald Trump . Ang headquarter nito ay nasa New York City . Mayruon na tayong dalawang naging Miss Universe sa katauhan nila 1969 Miss Universe Gloria Diaz  at 1973 Miss Universe Margie Moran . Dalawang beses na tayo nag-host ng Miss Universe , nuong 1974 at 1994 . USA ang may pinakamaraming Miss Universe na naipanalo na umaabot sa pito . Sumunod ang Venezuela na mayruong anim.


2.) MISS INTERNATIONAL - sinimulan nuong  1960 sa Long Beach , California . Ang headqurter nito ay nasa Japan kung saan idinaraos ito taun-taon simula nuong 1968. Pinakamaraming titleholders ang Venezuela na mayruong anim. At pumapangalawa ang Pilipinas na mayruong apat. Una tayong nagkaruon ng Miss International in the person of Gemma Cruz in 1964. Sumunod ay nuong 1973 with Aurora Pijuan. And then nuong 1979 with Melanie Marquez. At last ay nuong 2005 with Precious Lara Quigaman.

3.) MISS WORLD - sinimulan nuong 1951 ni Eric Morley sa UK. Ang headquarter nito ay nasa London , UK. Sadly hindi pa tayo nananalo ng kahit isang korona mula sa patimpalak na ito . Ang pinakamalapit na naabot natin sa pageant na ito ay nitong 2011 kung saan ay nanalong 1st runner up si Gwendoline Ruais. Pinakamarami pa ding nai-produce na Miss World ay ang Venezuela na may anim. Sumunod ang India na may lima.



4.) MISS EARTH - ang beauty pageant na sariling atin . Pinasimulan ni Ramon Monzon nuong 2001 sa ilalim ng kumpanyang Carousel Productions. Ang headquarter ay nasa Pilipinas . Nagkaruon na tayo ng isang Miss Earth in the person of  Karla Henry nuong 2008.

Isinulat ko ito bilang tribute sa ating mga kababaihang tunay namang magaganda at matatalino sa katunayang angat tayo at kinikilala sa buong mundo .

Patunay ang pagkilala sa mga  Pilipina sa larangan ng pagandahan .

Mabuhay ang mga Pilipina !

No comments:

Post a Comment