TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, February 7, 2012

Jokes from Princess Cruz

And now it's time for Princess Cruz's Jokes to make us smile and be happy!




Sa kalagitnaan ng giyera :

Pedro: Sumuko na kayo! Wala rin kayong mapapala.

Terorista: Susuko lang kami kung mai-spell mo ang ceasefire!

Pedro: Ituloy ang laban! Patay kung patay! Padadalhan ko kayo ng crysanthemum sa inyong libing!
 

Terorista: Spell crysanthemum?
 

Pedro: Sabi ko rose ! Bingi ka yata eh ! Laban kung laban ! Walang ispelingan !


__________________________________________________

Magkakabarkada nagyayabangan sa brief :

Romeo: Pare yung brief ko hindi T-back ... no back ... ha ha ha.

Gilson: Pare wala iyan sa brief ko ... sa akin puwedeng side A at side B ... ha ha ha.

Pedro: Yuck ... grabe naman iyan ... pare yung brief ko parang pelikula na blockbuster.

Romeo and Gilson: Bakit ...?!

Pedro: Blockbuster kasi ...

NOW ON ITS SECOND WEEK!

_______________________________________________


Teacher: Class para sa ating art subject mag-drawing kayo ng mga yamang dagat.

Class: Yes mam!

Teacher: Ikaw Pedro,anong dinrawing mo?

Pedro: Starfish po!

Teacher: Very good! Ikaw naman Buknoy ano yan?

Buknoy: Fish po at octopus.

Teacher: Galing naman! At ikaw Juan? Bakit ang dumi dumi ng gawa mo, kalat kalat at puro bura, untidy!

Juan: Walang pakialamanan Mam! Bagoong itong dinodrawing ko eh!


__________________________________________________

Tonyo: Pareng Betong, bakit parang badtrip ka ngayon?

Betong: Nababanas na kasi ako duon sa taong grasa na tumatambay sa labas ng bahay. 


Pinagtitripan yung Pajero 4x4 ko,lagi na lang sinusulatan ng ' = 16 '. Malaki na ang 

nagagastos ko sa talyer!
 


Tonyo: Madali lang yan pare. Para di ka na maperwisyo, magpasadya ka na lang sa talyer.

Ipalagay mo na 4x4=16 para di na niya sulatan pa ang kotse mo.

(Sinunod nga ni Betong ang payo ng kumpare.Tatlong araw na hindi nambwisit ang taong 


grasa.Hanggang isang umaga, galit na galit na sumugod si Betong sa bahay ni Tonyo)

Tonyo: O pare anong problema?!

Betong: Pare samahan mo ako! Hantingin natin yung taong grasa! Papatayin ko sya!

Tonyo: Bakit? Di ba may = 16 na ung 4x4 mo?

Betong: Oo nga! Kaso yung 4x4=16 tsinekan niya pare! Tapos sinulatan pa ng CORRECTED 


BY!! Papatayin ko siya promise.


___________________________________________________

Sa mental hospital, may dalawang baliw na may planong tumakas:

Pedro: Pareng Juan, tatakas tayo mamayang gabi ha

Juan: Paano pare?

Pedro: Sisirain natin yung lock sa gate.

Juan: Sige sige, game ako diyan.

*Nasa gate na sila*

Juan: Pareng  Pedro ... may problema tayo ... bukas ang lock sa gate ... wala tayong sisirain

Pedro: Napakabobo mo naman Juan, eh di i-lock mo saka natin sirain.


__________________________________________________

Peter: Hi miss, I'm PETER but not the Saint.

Chicks: (smiling)

Paul: I'm PAUL, but not the Pope.

Chicks: (still smiling)

John: I'm JOHN, but not the Baptist.

Chicks: (full of smile) Hello. I'm MARY, but not the virgin







No comments:

Post a Comment