TRAVELBOOK NOW!

Monday, February 6, 2012

It's Showtime

Ngayon magsisimula ang bagong noontime show ng ABS CBN na pinamagatang It's Showtime.

Bale reformatted Showtime lamang ito na  dating nasa earlier time slot. Same cast and staff pa rin . Ewan lang  kung same format pa rin

Pantapat na naman daw sa Eat Bulaga na hindi matibag-tibag sa pagiging number one noontime show eversince the world began he he .

Ang dami na ngang tumapat sa Eat Bulaga  na iyan pero hanggang ngayon ay nananatiling nakatindig nang makisig.

Establisado naman na kasi ang show na iyan kaya mahirap nang tibagin kahit sino at ano pa ang itapat.

Kung baga sa puno ay malalim na ang ugat at pagkakabaon kaya mahirap nang patumbahin.

Ang sabi nga, you cannot put a good show down.

Marami-rami na ring bumangga sa Eat Bulaga  pero nananatiling solid dabarkads ang malaganap na show na ito .

Para kang bumangga sa pader kung ide-direct hit mo ito and  with the strong foundation of  Bossing Vic Sotto and Joey DeLeon , mahirap na talagang gibain ang  malalim na pundasyon nito.

Medyo nakakadikit at minsa'y nakakaungos na sana ang dating Wowowee show ng nawiwiling si Willie pero natigbak naman dahil sa kahambugan at kaepalan nitong si Wawawillie.

At nang  lumipat sa Channel 5 ay hindi na piniling makipagsabayan sa Eat Bulaga ang kaniyang show na Willtime Bigtime. Nabahag ang buntot ?

Marami pa ang pumalit at sinubukang makipag-kumpitensya sa Eat bulaga pero lahat sila ay nagsipagtumbahan na parang chess pawn  laban sa reyna at haring EB Dabarkads.

Napansin ko lang na sa lahat ng show na kumalaban sa EB ay laging nanduon si Pokwang bilang isa sa mga host, hindi kaya may balat sa puwet ang babaeng baklang ito ? 

At humahalakhak kaya si Mariel Rodriguez dahil sinasabing tama ang desisyon niyang lumipat sa TV 5 dahilna upang hindi siya masama sa pagkaligwak ng show na HYY ?

Nangingiti rin kaya si Willieboy dahil kasamang natsugi ng show ang bestfriend na si John Estrada na nuon ay kaniyang pinagalitan at nakasamaan ng loob dahil nasa Channel 5 na ay mas piniling bumalik sa Channel 2 upang maging Kapamilya?

Ano kaya ang masasabi ni Toni Gonzaga at ng Sex Bomb Girls na tumapat sa dati nilang mga bossing sa Eat Bulaga ?

At si Rico J. Puno , hindi nga ba tanggap ng mga manunuod bilang noontime show host dahil gurangski na at napapanot na ang buhok sa ulo ?

At ito namang si Randy Santiago , aba tila kasali rin lagi sa mga lunch dates na laging natitigbak huh ! May kinalaman kaya dito ang kaniyang shades ?

Si Bentong , ah mukhang lagi rin siyang kasama sa mga napapalakol na show ng ABS CBN , malas din kaya ang Bentong Balentong  na ito ?

Ha ha . ang daming tanong , walang kasagutan.

Hala at tingnan na lang natin kung ano ang magiging performance level ng It's Showtime sa back to back event ng mga dramang ito  sa tanghalian .

If ever na matsugi na naman ang show na ito laban sa EB ay iba na ang magiging title nito : It's Shootime !

It's now Petrang Kabayo and Ambisyosa versus The Solid Dabarkads !

It's Eat Bulaga Showtime !

No comments:

Post a Comment