TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, February 15, 2012

I Will Always Love You Whitney Houston



Muling nagulantang ang buong mundo lalo na sa daigdig ng musika nang bumulaga sa mga headlines ng balita ang biglaang pagkamatay ng music icon na si Whitney Houston sa edad na 48 nitong  February 11 , 2012 sa Amerika.

Eternal favorite si Whitney ng maraming tao , me included , dahil sa ganda , kinis at lamyos ng kaniyang mga awitin na tumatak na sa kamalayan ng maraming tao .

With her very powerful vocal performance coupled with enigmatic charisma she has captured a wide audience of people who tirelessly listens to her songs and performances everywhere.

Personal favorites ko mula sa mahabang listahan niya ng kaniyang discography na puro mga award-winning , chart-topping and bestselling songs ay ang mga sumusunod : Hold Me ( with Teddy Pendergrass ) , You Give Good Love , Saving All My Love For You , The Greatest Love of All , Didn't We Almost Have It All , Where Do Broken Hearts Go? , One Moment In Time , All The Man That I Need , Miracle , I Will Always Love You , I Have Nothing , Run To You , Try It On My Own at marami pang iba na sadyang magaganda at appealing sa masa.

Hindi makukumpleto ang mga singing contests , musical challenges and shows , videoke clubs , singing venues o kahit sa mga simpleng rakrakan at kantahan sa kalsada kung walang kanta ni Whitney Houston na sasabayan ng balana.

It seems that every person is one in singing or humming her songs .

Without a doubt , she is very influential to most of us .

Kaya naman tunay na nakakalungkot ang kaniyang biglaang pagkawala sa ating kalagitnaan.

Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin makumpleto ang detalye kung paano siya namatay .

Masalimuot din ang naging buhay ng ating paboritong aktres at mang-aawit .

At alam naman ng marami kung paano naging magulo ang buhay niya mula nang mapangasawa ang singer/songwriter na si Bobby Brown at ma-involve silang mag-asawa sa  droga .

Dahilan pa nga ito upang maging ang kaniyang boses mismo ay maapektuhan at masira upang mawala sa timbre at kalibre.

Nagpahinga na ang ating Queen Diva .

Ang tanging masasabi ko na lamang sa kaniya:

I Will Always Love You Whitney !

Paalam!

No comments:

Post a Comment