TRAVELBOOK NOW!

Saturday, February 18, 2012

Banyos , Tawas at Bentosa

It never fails to heal me of my pains and illnesses.

Ito yung pagbabanyos na ginagawa ng aking  Mother dear  sa tuwing ako'y magkakasakit katulad ng lagnat , trangkaso o kahit kaunting sinat man lamang .

Sa simpleng kahulugan ay ito yung paghihilamos o pagbabasa ng katawan sa pamamagitan ng tuwalya o labakara.

Subalit ibang klaseng banyos ang alam ni Mother dear na gawin sa akin sa tuwing ako'y nagkakasakit .

Katulad na lang lately kung saan  ay inatake na naman ako ng trangkaso at  halos hindi makagulapay sa higaan dahil sa sakit ng katawan, ulo at ng mga kasu-kasuan , kasama na ang matinding lagnat at pagsusuka ; ay muling nagpabanyos ako sa aking mahal na ina .

And it never fails to heal me everytime.

Dahil  kinabukasan lamang after ng ritwal na ito ay up and running na naman ang kondisyon ng aking makina na parang bagong recharge at overhaul na para lamang akong nagdahilan kahapon .

Samantalang nitong mga nagdaang araw ay very much under the weather ako at kung anu- anong generic at branded na gamot  na ang aking ininom ay hindi pa rin ako gumagaling .

Subalit si Mother ay isang banyos lamang ay waley agad ang aking karamdaman.

How amazing is it!

Ito yung magpapakulo siya ng suka , tapos ay bubudburan niya ng konting asin , at kapag kumulo na ay kukuha ng labakara o bimpo at siyang ipapahid sa buong katawan ko kasama na ang mga maliliit na siwang ng aking mga daliri sa kamay at paa .

How soothing and relieving the feeling is habang  marahang hinahagod at banayad na hinihilot ni Mother ang aking mga nananakit na kalamnan at kasu-kasuan.

And after that ay magbabalot na ako ng kumot sa buong katawan ko para mainitan .

Kinabukasan , presto , para na lamang akong nagdahilan !

Surely ang mga katutubong ritwal na ganito na natutunan pa daw ni Mother mula sa kaniyang butihing mga magulang , ang aking mga mahal na lolo at lola sa mother side , ay dapat ipinagpapatuloy ng mga susunod na henerasyon  dahil sa ang mga ito ay may natatagong galing at karisma na hindi maipaliwanag kahit ng pinakamagagaling na siyensya at teknolohiya.

Anong panama ng Alaxan , Biogesic , Tempra , Neozep , Bioflu , Flanax at marami pang mga gamot na ang mamahal ng presyo sa mga katutubong paraan na ito ng pagpapagaling . May interaction pa between the patient and the caregiver.

Isa pang ritwal na nakagisnan ko  sa aking paglaki ay itong tinatawag na bentosa .

Ito naman yung magsisindi ng kapirasong papel at pagkatapos ay saka isusuob sa loob ng baso at sabay itutumba pababa sa parte ng iyong katawan na nananakit katulad ng iyong likod.

Mabisa din ito para sa mga may pasma o iyong nalamigan o nahanginang katawan kaya nananakit . Si Father naman ang madalas gumagawa nito sa amin na namana naman niya mula sa aking lolo at lola sa father side.

At isa pang nami-miss kong ritwal ng pagpapagaling na ginagawa nuon sa akin ng aking mga lolo at lola sa father side ko nuong ako ay paslit pa lamang ay iyong pagtatawas na very effective din .

Ito naman yung pagsisindi ng kandila at pagkatapos ay ipapatak sa isang mangkok na puno ng tubig at matapos ang mga nabuong anyo o hugis sa ibabaw nito ay babasahin ni lola kung ano ang posibleng naging dahilan ng aking pagkakasakit  .

At matapos mabasa ni lola ang mga " rebelasyon " ay saka niya ako papahiran at hihilutin sa buong katawan ko ng gaas na hinaluan ng dahon ng artamesa at oregano . Very effective dahil kinabukasan ay magaling na magaling na ako at sige na naman ang laro sa aming bakuran .

I miss those days when I was young and carefree.

Ito ang mga ritwal ng pagpapagaling na labis kong kinalulugdan .

So mystifying and yet therapeutic and soothing ang effect.

Minsan may mga bagay sa mundong ito na mahirap ipaliwanag ng siyensya at agham.

At sa mga ganitong mga simpleng paniniwala at pananampalataya tayo madalas nakakaraos at manapa'y kumukuha ng lakas para suungin ang mapanghamong kinabukasan.

Salamat sa mga mapag-alagang ina , ama , lolo at lola .

Nang dahil sa inyo ay muli akong sumigla upang magpatuloy na mabuhay nang may kalakasan!

Love you all!!!

1 comment:

  1. Hi! Can you help me?Maysakit sister ko, di malaman mga docs kung ano talaga, nanghihina kasi siya, hirap lumonok, maybe your lola can help?Please reply through my email:wizvisionary@yahoo.com

    ReplyDelete