TRAVELBOOK NOW!

Thursday, February 16, 2012

20/20

Nang magpa-medical check-up ako sa isang klinika at  ineksamin ang aking mga mata , natuwa naman ako sa naging resulta .

20/20daw ang vision ko sabi ni dok .

At  40 years old , masuwerte daw ako na malinaw at acute pa rin ang quality ng vision ko .

Match naman dahil 20 plus 20 equals 40,  davah ha ha ha.

Pinabasa lang naman ako ng Snellen Chart and na-read ko siya mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit na letra , up and down , left to right .



Aba at parehong malinaw yan ha , kaliwa at kanan. Kaya naman kahit malayo ang mga boylet , kita ko pa rin kung delicious o panis na he he .

Trulalu , kung yung iba kong friends ay nagsasalamin na , may grado na ang mga lente at apat na ang mga mata , ako , as sharp as an eagles eyes pa rin ang aking vision .

Kayang kaya pang mang-spot ng mga biktimang sisiw  kahit gaano kalayo o kalapit pa  niyan hi hi.

Ito naman ang  maipagmamalaki ko sa aking katawan.

Nuong bata pa ako ay nagagalit ako kapag tinutukso akong kuwago .

Dahil likas daw na malaki at nanlilisik ang aking eyeball lalo na kapag nagagalit .

At isa pa si  Mother sa nag-confirm na  ipinaglihi nga daw niya ako sa kuwago , hmmpp  . Pagtulungan ba ako.

Kaya naman pinangarap ko na maging singkit katulad ng mga Chinese . Kaya nahilig din ako sa mga singkit he he he.

Pero ngayon ay hindi na . Asset ko na ito at ipinagmamalaki.

Mas mabuti nang ganito at least malinaw pa rin .

Kaya naman proud na ako na ganito ang aking mata .

They are truly the windows , and doors na rin of my soul he he.

Eyes eyes baby !

1 comment:

  1. pinag lihi ka sa kuwago? haha! eyes eyes baby nga..

    ReplyDelete