TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, January 17, 2012

Who's The Girl ng HYY

Kaloka naman itong bagong pakontes ng noontime program na Happy Yipee Yehey sa Channel 2 !

Sukat ba namang pahuhulaan sa isang contestant kung sino sa tatlong personahe ang tunay na babae at sino ang dalawang pekeng babae .

In short , Darna madam!

Sa tatlong ipaparadang mga personahe , isa dito ay babae , at ang natitirang dalawa ay parehong mga beki o sirena . Mga green ang hasang mama .

The object  of the contestant ay mahulaan niya kung sino ang tunay na babae.

May mga clues na inihahatag ang mga game masters . At minsan naman ay pinagsasalita din ang tatlong mokong.

Pero nag-iiba sila ng boses para hindi mahalata if which is which .

Mahirap humula at kahit ako ay sumasablay dahil mahirap ma-distinguish kung sino ang sino kung ang pagbabasehan mo lang ay ang kanilang mga panlabas na hitsura .

Nakakaaliw dahil may mga beki na mukhang babae nga talaga at may mga true blue na babae pero mukha namang beki , ha ha , kalokah !

Just like the main hosts Pokwang and Melai na mukhang mga  bakla ha ha ha.






Kaya hindi mo rin mahinuha talaga kung sino ang sino.

Sige nga game tayo . Sino sa tatlong ito ang tunay na babae ?



Ha ha ha .

Your guess is as good as mine !

4 comments:

  1. hmmmm..ung sa left ang babae. hehe..ano premyo ko?

    ReplyDelete
  2. He he ... Akoni ... puwedeng kiss na lang ang premyo he he ... :)

    ReplyDelete
  3. ang hirap hulaan, haha! sabi ni anak left kaya left, nakigaya..

    Edgar sorry, may natanggap akong email galing sau, malamang yon ung picgreet mo pero hnd ko ma open, galing sa 123greetings.com tama? di ko talaga ma open, dbale patulong ako sa iba, isasali ko don sa anniv post ko once ma-open ko, tnx Edgar, sorry talaga..:(

    ReplyDelete
  4. Okay lang po Mommy Razz ... Happy anniversary ulet sa iyong blogsite ... thank you very much !!!

    ReplyDelete