TRAVELBOOK NOW!

Sunday, January 29, 2012

Tanduay Ice new flavors and colors

Aba at may bago palang mga flavors and colors ang paborito kong Tanduay  Ice .

Ito ay ang Red Mirage at  Blue Illusion.

Lumelevel-up ang lolah .

Ang Blue  Illusion flavor ay medyo may konting pait pa rin like its predecessor na classic white .

Pero itong Red Mirage ay wala ka ng pait na malalasahan. Para ka na lang umiinom ng softdrinks o juices nito

Kaya naman nitong nakaraang birthday ng aking tiyuhin kung saan ay nagkaruon ng tagayan session ay itong Tanduay Ice ang tinungga ko at ginawang " panulak "

At dahil nga wala nang bitterness ang alcohol mix na ito ay hindi ko namalayang naka-anim na bote na pala ako .

At kahit pala wala siyang pait na lasa , aba , matindi naman pala ang epekto ng alkohol nito sa katawan dahil nahilo na  ako at halos hindi makatayo dahil dito . Bangenge ang lolah n'yo he he . Ang galing lang makapandaya huh !

This is what I call , simple pero rock !

Kaya naman nang pababa na ako ng hagdan papunta  sa aming bahay para bumorlog na , natumba ako at nadulas dahil sa sobrang pagkaliyo ha ha ha .

Sa susunod nga, lagyan n'yo na  lang ng bitterness para hindi maparami ang tagay ko ha .

Kaya , drink moderately pa rin kahit masarap ang bawal he he he .

No comments:

Post a Comment