TRAVELBOOK NOW!

Thursday, January 26, 2012

piracy is alive and kicking ... again ...

Buhay na buhay na naman pala ang kalakalan ng mga pirated optical media discs sa Barter sa Quiapo , Maynila .

Pagpunta ko duon nuong isang araw ay umaalagwa at alive and kicking na naman ang bentahan  ng mga piniratang CD , DVD , VCD at kung anu-ano pa sa parteng ito ng Maynila.

Sa palagay ko ay mahirap na talagang masugpo totally ang ganitong uri ng komersyo hangga't may mga mahihirap na tumatangkilik dito ( katulad ko he he he )

You have to eradicate poverty first bago mo tuluyang mabura ang sinasabi daw na  iligal na gawaing ito.

Hanggat mura ang mga ganitong klaseng piniratang bilihin at hanggat mahal ang mga orihinal naman na katumbas nito  , sa palagay ko ay malabong maipatupad ang tuluyang pagkawala sa merkado ng mga kalakal na ito .

Ang matagal ko nang suhestyon : babaan pa kung hindi man maipantay ang presyo ng mga orihinal na CD katulad ng sa mga pinirata. At nang sa gayon , mayaman man o mahirap , parehong can afford nang bumili ng original na CD .

At please lang , babaan ang presyo ng tiket sa mga sinehan na abot langit ang taas !

Para sumaya ang Pilipinas !

Eh kung si Presidential Adviser Ronald Llamas nga  bumibili ng pirated eh super yaman na ako pa kaya ang hindi na isang kahig isang tuka lamang , choz!



Anyways ,  heto ang mga nabili ko lately :



Kailangan ko ngayon nitong mag-movie marathon ha ha ha.

Enjoy , relax and watch a movie at the convenience of my sofa bed he he he .

No comments:

Post a Comment