TRAVELBOOK NOW!

Sunday, January 1, 2012

My New Year's Resolution


Siyempre bawat isa naman ay meron nito .

Lalo na kapag ganitong nagsisimula ang isang bagong taon katulad ngayon .

Iyon nga lang bihira ang nakakatupad .

As for me ,  I wont promise na matutupad ko lahat , but I will do my best to realize these New Year's Resolution of mine with all my heart.

I've got to , dahil  ayoko nang  mawindang na naman ang life ko ngayong taong ito huh .

Sinimulan ko na nuong unang araw pa lamang ng taong ito , January 1 ang aking unang resolution ang

MY DAILY HELP:

Ito yung munting mga pagtulong na aking ie-extend para sa aking kapwa . Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki , kailangan araw-araw ay may gagawin akong pagtulong sa aking kapwa - mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda.

Gaano man ito kaliit like pag-abot ng isang bagay na hindi maabot ng isang tao , o kaya ay magprisinta na ako na lang ang gumawa ng isang bagay na hindi kayang gawin ng isang tao hanggang sa pagbibigay ng pinansyal o pagkain sa mga  taong nangangailangan nito  ay isa nang ganap na pagtulong. Kahit piso lang ang iabot ko o isang balot na tinapay sa isang taong nagugutom o isang basong tubig sa isang taong nauuhaw , basta nakapagpasaya ako ng isang tao ,para sa akin ay nagampanan ko na ang aking Daily Help .

And so far ay nagagawa ko naman ito everyday . Salamat sa Diyos.

It's because, I believe in good karma . Na anumang gawin mo sa kapwa mo, gaano man iyan kaliit ay ibabalik sa iyo ng Maykapal . What goes around ,comes around ikanga. 

Sunod ay ang MY DAILY SAVINGS .

Bawat araw ay may itatabi akong 100.00 na pera sa aking munting alkansya  . Maliit lang na  pagsubi . But at the end of the year ay mayruon na akong 36,500.00 na savings .

Malaki-laki na rin . Marami nang boylet ang mapagbibigyan ha ha ha . Joke !!!

Para makaipon naman ako . Hindi yung puro na lang palabas ang pera na wala namang nangyayari at kinahihinatnan .

At dahil ngayon ay a-dos na ng Enero , antimano ay mayruon na akong savings na 200.00 .

And then lastly ay ang aking MY DAILY PRAYERS .

Ito naman yung gagawin ko na makapag-usal ng panalangin  araw-araw.

Be it 1 minute or two minutes till one hour basta may chance na makipag-usap kay Lord nang sarilinan at masinsinan ay gagawin ko everyday .

Para naman may  guidance me mula kay Lord sa bawat araw.

Dahil dati ay nakakapanalangin nga ako ng kalahating oras o isang oras pero once a month lang yata  .

Eh di mabuti na iyong araw-araw , kahit tag-iisang minuto , in a month kalahating oras na din yun he he.

So there goes my New Year's Daily Resolution .

Hodevah , parang Daily B.I.T.E.S. lang he he.

Kung tutuusin , if eto ngang Daily B.I.T.E.S. ko ay nagagampanan ko naman nang maayos ay ito pa kayang mga daily habits ang hindi ko matugunan !

Sana nga . Sana .

And may I add , nais kong ilahad na pasisimulan ko dito sa site ang pag-feature ng mga kapwa bloggers every month . Parang slum book style lang para at least we'll get to  know every bloggers na ating hinahangaan. 

At para naman sa aking quote to live by this whole year through , heto :

" Kung ayaw mo , huwag mo ! Huwag pilitin kung ayaw ! Walang pilitan "

Yun na !!!!

5 comments:

  1. Natuwa naman ako sa new years resolution mo. Isa ka palang dakila..:) everyday magbibigay, penge ako Samsung galaxy s2 pls...hehe good luck don sa pagse-save mo.


    HAPPY 2012 TO YOU!

    ReplyDelete
  2. Grace Briones WindhausenJanuary 1, 2012 at 7:32 PM

    ..u really have a good heart..impress namn me sa new year's resolution mo sisterette..two thumbs up for that! :))hehe

    ReplyDelete
  3. @Akoni ... ha ha ..di ko po kaya ang Galaxy tab he he ... barya barya lang ang mga daily help ko he he ... good luck po sa ating lahat at nawa'y maging manigo ang ating bagong taon ...

    @ Grace ...thank you sis ... so far nagagawa ko naman ha ha .. sana the whole year through he he ... ingatz ...

    ReplyDelete
  4. ayos ang new year's resolution mo :) Happy new year :)

    ReplyDelete
  5. hahha .. ayos nga walang pilitan.. pag ayaw , eh di ayaw.

    happy new year.. ^^

    ReplyDelete