TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, January 31, 2012

Music sampling


 Usong uso na itong music sampling ngayon.

Ito yung kukuha ka lang ng part ng isang lumang kanta at ilalapat mo para maging bagong kanta .

Marami na ang gumagawa nito lalo na sa US.

Usually ay beat ng isang lumang awitin , tapos ay isasama o isasample nila sa bagong kanta nila ., at presto , meron ka nang bagong song na ipapauso.

Madaya ang ganitong klase ng kanta , dahil kung hindi mo kabisado ang mga lumang awitin ay aakalain mong original composition talaga ito ng singer ngayon.

Karaniwan ay sa rap song ito nakikita na ang chorus ay sample ng isang lumang kanta . Usually ay iba na rin  ang lyrics nito , beat lang at rhythm ang pareho.

Kitang ito sa mga kantang Ice Ice Baby by Vanilla Ice na sample ng Under Pressure ng Queen.

Another one is U Can't Touch This by MC Hammer na sample naman ng Super Freak ni Rick James .

Ngayon ay nandiyan ang Clumsy ni Fergie na sample ng The Girl Can't Help It ni Little Richard .

At ang Solo ni Iyaz na sample naman ng Again ni Janet Jackson .

Nandiyan din ang On The Floor ni Jennifer Lopez na may sample ng Lambada ng Kaoma which in turn ay sample naman ng  Llorando Se Fue nina Gonzalo and Ulises Hermosa .

Very evident din ang sample ng (I've Had) The Time Of My Life nina Bill Medley and Jennifer Warnes sa awiting The Time ( Dirty Bit ) ng Black Eyed Peas.

Ilan pa sa mga kilalang sample ay sa kantang Stan ni Eminem na may sample ng Thank You ni Dido.

Angel ni Shaggy na may sample ng Angel Of  The Morning ni Juice Newton .

I'll Be Missing You na may sample ng Every Breath You Take ng The Police .

Ganundin ang Gangsta's Paradise ni Coolio na may sample ng Pastime Paradise ni Stevie Wonder.

At marami pang iba.

At maging dito rin sa Pinas ay uso ito katulad ng sa Stupid Love ng Salbakuta na may  sample ng Evergreen ni Barbra Streisand .

Maraming legal issues tungkol sa sampling . Ngunit karaniwan ay walang royalty na nakukuha ang mga original artist mula sa pag-sample ng kanilang mga kanta .



Hindi naman siguro nauubusan na ng melody o ritmo ang ating mga musicians kaya kumukuha na lang sila ng sample mula sa mga klasiko at lumang awitin hmmmm?

Hindi naman yata.

Tamad na lang siguro mag-compose ang ilang mga composer natin he he .

Wala  lang .

Just an observation .

Sabi nga sa Showtime , " sample ! sample ! sample "

Eh kung sampulan kaya kita diyan huh !

No comments:

Post a Comment