TRAVELBOOK NOW!

Thursday, January 19, 2012

Mga kabobohang tanong ... na sinagot ko naman ...

1. Ang squidballs ba ay bayag ng pusit?

Hindi . Dahil mga bayag sila ng pusit . Plural di ba ?

2. Puwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break?

Puwede naman. Gusto mo kahit iced tea pa eh . O gusto mo mag - Red Horse kapag coffee break mo puwede rin .

3. Pwede bang gamitin ang a.m. radio pag gabi na?

Of course naman . Dahil ang radyo may FM din . Fang-Magdamagan okay ?

4. Ang fire exit ba ay labasan ng apoy?

Oo. Kasi kapag puno na ng fire ang loob ,  sa exit na lalabas ang apoy o ha .

5. Ang uod ba kapag namatay ay inuuod din?

Hindi . Inaanay sila kapag namatay ang mga uod.

6. Totoo bang ang mga manok na pinatay sa Jollibee ay masasaya kaya sila tinawag na Chickenjoy?



Oo naman . Kasi mas mabenta sila kapag kinatay na at ginawang Chickenjoy ha ha ha .


7. Mayroon bang kahit isang langgam na mahilig sa maalat?




Oo . Yung mga langgam na mahilig sa itlog na maalat !

8. Kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day , 7 days a week , at 365 days a year. Bakit may lock pa ang pinto nila? Bakit? Bakit?


Dahil kapag leap year , which has 366 days ay sarado sila . May angal ?

9. Bakit hindi mataas ang highway?


Mataas ang highway ano . Tingnan mo ang EDSA , high sa pollution , sa traffic at pati mga kotongerong enforcers high na high din diyan. Marami din diyang " high " na driver huh.

10. Bakit walang lumilipad na sasakyan sa flyover?


Meron kaya. Mga eroplano di ba . Lumilipad sa taas ng flyover . O kitam . 




Patulan ba naman ang mga tanong na ito ha ha ha . Ako na !!!

2 comments: