TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, January 4, 2012

Killer Truck in Antipolo

Isang malagim na trahedya ang nangyari dito sa aming lugar sa Antipolo City nitong nakaraang December 22 , 2011 .

Isang killer truck ang rumagasa sa halos 6 na hilera ng kabahayan sa Sumulong Highway malapit sa Francisville , Sitio Mambugan sa Antipolo City .

Malapit lamang ito sa aming lugar  at ang masaklap ay ilang mga kakilala ang nadamay sa aksidenteng ito na dulot nang reckless at walang habas na mabilis na pagpapatakbo nitong mga sigang trak na ito na akala mo ay pagmamay-ari nila ang kalsada kung makaarangkada .

Nakakalungkot dahil magpapasko pa naman nuong time na iyon.

Sa ulat ay 8 ang namatay dahil sa insidenteng ito at mahigit sa sampu ang nasugatan .

Ang hilera ng kabahayan ay mataong lugar dahil mayruong bilyaran dito kung saan ay marami ang naglalaro at nakatambay nang mangyari ang trahedya .

Kalunos-lunos ang sinapit ng mga biktima base sa mga larawang aking nakalap kaugnay ng insidenteng ito .

Mabuti na lamang at hindi nadamay ang isa kong kaibigan na mabuti at tinawag umano ng kaniyang magulang  kaya't mahimalang hindi napasama sa mga biktima .

Sa mga biktima ay ang aking taos-pusong pakikiramay .

Heto ang ilang mga maseselang larawan kaugnay ng aksidente at kinakailangan ang patnubay ng magulang sa mga bata gayundin ang tibay ng sikmura upang masulyapan :









5 comments:

  1. Nakikiramay din ako sa mga namatayan. RIP sa mga biktima

    ReplyDelete
  2. shit, kalunos-lunos ang trahedyang ito, Yung driver buhay pa ba? bakit yung ibang nasa picture nahubuan ng short? Rest in Peace sa mga nawalan ng buhay na biktima.

    ReplyDelete
  3. @akoni ...sad talaga ako sa aksidenteng iyan dahil nadamay ang ilang kakilala ...
    @mark .. buhay pa ang walang hiyang driver ... police matter po yung pagkahubo ng short nila ...
    mag bata pa sila 10 to 17 lang yung mga namatay diyan ...

    ReplyDelete
  4. Grace Briones WindhausenJanuary 4, 2012 at 9:54 PM

    uya..san yan banda?grabe namn halos di ko kayang tingnan...kaw nagtake ng pictures na yan???

    ReplyDelete
  5. @ Grace : sa Francisville yan sa Sumulong Hi Way ... ilang mga kakilala kasi ang nadamay diyan eh ... kuha ng friend ko 'yan ... so sad talaga me diyan ...

    ReplyDelete