TRAVELBOOK NOW!

Monday, January 2, 2012

Goodbye Bading

Aba at sino kaya ang nagpasimula nitong paputok na sukat ba namang ang ipangalan ay Goodbye Bading ?

Hmmmm , may galit yata siya sa mga bading dahil hindi siya nahahada ha ha ha .

Pati ba naman mga bakla ay isinali  sa mga paputok na iyan .

Porke ba mahilig kaming magpaputok ha ha ha.

Dati ay may Goodbye Philippines .

Then Goodbye Earth.

At may lumabas ding Goodbye Universe .

Nakakatakot lang ang mga paputok na ito . End of the universe na talaga ang drama huh. 

Ngayon ay mayruon na daw Bin Laden at Pacquiao na paputok . Susunod na daw si Pnoy at Obama !

At ito ngang Goodbye Bading na agad .



Hindi ba puwedeng Goodbye Boy  muna?

O Goodbye Girl ?

Goodbye Satan puwede kaya ? Dapat lang ha ha ha.

At nagreklamo ang mga kafatiran dahil tila ba nabastos ang sangkabadingan dahil dito .

Diumano kaya tinawag na Goodbye Bading ang paputok na ito ay dahil tumitili muna nang pagkalakas lakas bago tuluyang pumutok . Parang bading nga lang ang peg ha ha ha.

Mga echosera .

Hindi naman lahat ng bading tumitili ah .

Dahil ang ibang bading , tumitili din ng walang sound ha ha ha.

At natawa naman ako sa comment ng isa kong kaibigan na akala daw niya ang Goodbye Bading ay pamagat ng bagong libro ni KC Concepcion he he he.

Isa ka pang echosera !

Buweno dahil good vibes tayo ngayong New Year ay hindi ko na hihilinging mag-goodbye ang sinumang umimbento at nagpangalan ng klase ng paputok na ito .

Iwi-wish ko na lang na sana ay humaba pa ang kaniyang buhay !

Hanggang sa siya na lang ang matirang mag-isa dito sa mundo ha ha ha ha.

Goodbye 2011.

Hello 2012!!!

3 comments:

  1. mamatay na mga bading! mamatay na may puke sa muka! wahahahahaha!

    ReplyDelete
  2. ha ha , Mauna ka muna !

    ReplyDelete
  3. Mag galangan naman sana... Tao din naman silang mga bading...mahalaga din naman sila... Ang mahalaga mag ingat sa mga paputok... Baka ang mangyari ay GOODBYE MGA DALIRI.... BERKZ OF MINDORO

    ReplyDelete