TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, January 18, 2012

EB with McRich ... Bakit ???

Nasulyapan ko sa pamamagitan ng isang blogsite ang site na ito ni McRich at muling nakatanaw ( insert flashing light bulb here ) ng isang pagkakataon na sumali sa isa na namang pakontes/pakulo .

Magi-sponsor daw si McRich ng isang eat-all-you-can dinner sa Leslie's Restaurant diyan sa Alabang para sa limang masuwerteng mapipiling winner.

Basta sagutin lamang ang tanong na : " EB with McRich , bakit ??? "

O ha , saan ka pa.

( Ang dali lang naman ng tanong , wala na bang mas mahirap-hirap na yung tipong pang Who Wants To Be  A Millionnaire  1 Million peso question ? )

Buweno , dahil ito ang tanong na gustong masagot ni McRich at huwag  na tayong umepal pa , simple lang ang aking 5 mga kasagutan :

1.) Dahil Eat-All-You-Can iyan noh ! Adik kaya ako diyan ! At dahil nagi-eat-all-you-can lang ako sa mga turo turo at karinderya dito sa amin , swak na swak ang buffet na iyan sa isang sosyal na restaurant like Leslie's and if ever first time ko ito he he he , chos !

2.) Alabang - nice and cozy na lugar . Minsan pa lang ako nakapunta diyan . Nang minsang mapadaan ang bus na sinasakyan ko papuntang bahay ng friend ko sa Laguna he he  . Ayy , hindi naman pala . Kapag umuuwi kami ng family ko sa province namin sa Bicol ay napapadaan din diyan yung bus na sinasakyan namin pauwi huh .

3.) Chance na maka-meet ng  ibang blogero like me . First time ko maka-meet ng ibang bloggers maliban sa akin huh . And I'm sure mga big time silang lahat puwera lang sa akin ha ha.  This  time ay puwede ko nang kapalan  ang mukha kong mas manipis pa sa Onion Skin . ( Oo dahil balat sibuyas ako  )

4.) Kapag napili ka at nanalo aba , bongga at taray mo ha !   Biruin mo sa dinami-dami ng mga entries dito  ay ikaw ang mapipili ! Puwede mong ipagmalaki at ipagmayabang  . At may pang filler na naman sa aking daily B.I.T.E.S. para i-blog he he he. Tiyak na aatikabo ang pag-flash ng mga camera diyan.

5.) Bakit si McRich ? Ah ewan  . Sa totoo lang ay hindi ko siya kilala . But then ito nga ang purpose ng eyeball di ba , para magkakilala ang mga hindi magkakakilala davah ?  At dahil galing 'yan sa abroad at PEBA Winner pa , tiyak galante 'yan at pabulosa  . Tiyak maraming giveaways  he he . Ako na . Ako na ang gahaman at ganid !

Oh iyan lang po ang mga simpleng rason !!!

At tutal February pa naman , puwedeng maisingit sa schedule !

Huwag  lang akong atakehin ng aking migraine at nerbyos ha ha ha ...

O sya , good luck sa ating lahat !!!

Heto nga pala ang link para  sa pakontes ni McRich at baka ma-disapprove at maging invalid ang entry ko  :)

EB with McRich , bakit ???


Ciao!!!

7 comments:

  1. salamat sa pagsali at good luck syo!

    ReplyDelete
  2. may nerbyos ka pla? hnd naman nangangagat si McRich ah, haha! joke! sana ikaw ang manalo, regards mo ako sa kanya pag ikaw manalo..

    ReplyDelete
  3. ha ha Mommy Razz ... nerbyos kasi laging umiinom ng kape he he ... nerbyos dahil mga bigatin ang makaka-eyebol ko if ever ako manalo he he ... goodluck na lang sa lahat :)

    ReplyDelete
  4. sumali din ako, pag ikaw ang nanalo isama mo ko ha. o kaya penge ng laman ng premyong goody bag. hahaha lol

    ReplyDelete