TRAVELBOOK NOW!

Monday, January 16, 2012

ambisyosa ...

Iba na talaga ang panahon ngayon .

Kahit pa sintunado ka at saliwa ang arrangement ng vocal chords mo , puwede ka nang maging singer at magkaka-album ka pa huh!

Dati kapag wala kang golden voice at hindi humahagod sa lalamunan ang lamig ng boses mo , hindi ka puwedeng maging singer .

Puwede ka lang mag-emote sa banyo . O kaya  ay magbabad sa videoke o sing-along bar habang ngumangata ng chicharon at lumalaklak ng SMB . O bumili ng Magic Sing at duon ka sa balur mo magngangawa hanggang lumawit ang dila mo sa kakatilaok .

Pero ngayon , aba , kahit sintunado nagkaka-album na .

Kahit na masakit sa tenga , makabasag-eardrum at nagcocontribute  ng noise pollution ang tinig mo , puwede na .

Remember the off-key singer William Hung of American Idol fame who belts out Ricky Martin's She Bangs like a chicken who's laying an egg ?

Aba   nagka-album , nag-concert at naging sikat internationally pa ang loko huh .

Gone are the days na salang-sala at talagang iskrinado ang mga singers natin .

At maging dito sa atin , trending din tayo .

What do these persons have in common?

Bayani Agbayani , Willie Revillame , Vhong Navarro , Jimmy Santos , Joey De Leon , Ryan Bang at marami pang iba?

Well , lahat sila hindi kagandahan ang himig he he he

Di bale na , pang novelty naman daw sila . Ka-level nila Yoyoy Villame at Max Surban at Porkchop Duo  .

Yung compose ni Lito Camo ang mga awitin he he he .

At eto pa ang isa .

Aba at may concert pa ang hitad .

Sa Araneta Coliseum pa ang venue , matuk mo ???

At world tour ito mga ineng.

Anne Curtis , ikaw na !

Ambisyosa nga !

No comments:

Post a Comment