TRAVELBOOK NOW!

Monday, January 23, 2012

5 tips on how to burn calories without even going to the gym ...

Opo , ako na ang fitness guru na magbibigay sa inyo ng 5 tips para makapagsunog ng calories kahit na hindi ka na pumunta ng gym .

Choz .

Sa totoo lang kahit nasa bahay ka  o trabaho mo at  ginagampanan ang iyong daily routine or activity ay puwede ka nang maging fit  nang hindi ka na kinakailangang magbayad pa ng maharlika sa mga fitness club or gym na iyan , especially kung tight ang budget mo like me ha ha ha. Plus the fact na umuubos ka ng maraming oras para lamang sa mga exercise regimen na ginagawa mo inside a gym .

Hindi natin namamalayan pero kahit pala ang mga simpleng activities like these ay malaki ang naitutulong for us to stay fit and healthy .

Heto na ang mga tips :

1.) CLEAN YOUR HOUSE


Opo , maglinis ka naman ng bahay mo .Baka puro agiw  na ang kisame ng house mo ,aba'y pagpagin mo naman iyan . Hindi ka naman si Spiderman para mag-imbak ng mga sapot na 'yan noh. Halimbawa magbunot ka ng sahig mo . O kaya mag-mop ka ng floor kasabay ng steps of a dougie , davah . Did you know that a simple activity like this can burn you up to 112 calories sa loob lamang ng kalahating oras! Eh paano pa kapag nag-general cleaning ka at hitsurang you turn your house upside down getting it spic and span , aba , para ka na ring nag-treadmill ng dalawang oras . Stretch that muscle of yours . Nalinis na ang balur mo , nakapag-exercise ka pa huh.

2.) WALK , WALK , WALK


Maglakad ka naman. Huwag laging nakaupo . Kahit nasa loob ka lang ng bahay mo , maglakad lakad ka sa loob nito at huwag laging sitting pretty or a couch potato .Plus factor kapag malawak ang balay mo huh. Libutin mo ang loob ng kabahayan mo , mula sala hanggang kusina hanggang sa veranda at sa garden , back and forth . Kapag papasok ka sa work , bumaba ka ng ilang metro bago ang lugar ng trabaho mo para makapaglakad ka . Naiinis ako minsan sa mga pasahero ng jeep na ang gusto ay duon pa mismo sa tapat ng bahay niya ibababa. Ang tamad lang maglakad . At kapag inilagpas mo ay magagalit pa dahil ang layo daw ng binabaan sa kaniya . Juan Tamad lang ang peg nila . Huwag gayahin . Walking is a great exercise . Simple lang pero rock.

3.) DON'T USE THE ESCALATOR OR ELEVATOR


Kung kailangan mong umakyat ng isang gusali , imbes na gumamit ng escalator o elevator , gamitin ang hagdan.Dahil diyan ay magsusunog ka ng hanggang 500 calories . Kung ang aakyatin mo  lang naman ay hanggang 2 at kahit hanggang 5 floors pa, akyatin mo na lang  sa pamamagitan ng  hagdan . Maliban na lang siguro kung ang trabaho mo ay nasa 30th floor , aba mag-elevator ka na dahil baka ma-late ka pa at hindi makapasok kasalanan ko pa.

4.) PLAY A GAME OR SPORTS

Maglaro ng sports .Pumunta sa court at mag-basketball . O volleyball . O tennis . Kahit simpleng mga laro gaya ng piko , step no , step yes , Chinese garter o kahit pagja-jackstone ay makakasunog na ng hanggang 200 calories. Huwag lang 'yung mga board games kasi hindi ka naman gumagalaw dun  . At sa nauusong mga computer games , hindi rin advisable dahil kamay lang ang iyong pinapagana na maaari pang mag-resulta sa ilang mga sakit sa kamay like carpal tunnel syndrome. Dapat ay iyong mga larong pagpapawisan ka at  pisikal. Nakapaglaro ka na naging more healthy ka pa.

5.) SEXERCISE


Makipag-sex ha ha ha. Opo , sex is  a great form of exercise . Nag-enjoy ka na , naging fit ka pa . Huwag namang araw araw ha at baka maka-contribute ka pa sa overpopulation problem ng ating mundo he he . Did you know that a 30 minutes of sexual encounter can burn you up to 200 calories ? While a vigorous kissing session will shed  up to 90 calories off your chunks . And that's a fact for you .

O diba naman , mga payak na aktibidades na ating ginagawa sa araw araw ay puwedeng maging form of exercise and fitness ng ating katawan . Simple but effective . Try n'yo .

2 comments:

  1. lahat to totoo, at ginagawa ko daily, isa lang ang hindi,ang panghuli dahil for an important reason, hindi ko na bubuksan ang zipper ng pants ko forever. wahaha

    ReplyDelete
  2. @Mark ... at dahil diyan bigla akong na-sad :( ... joke !... it's your choice , so go on with it ... thank you for always coming ...

    ReplyDelete