TRAVELBOOK NOW!

Sunday, January 22, 2012

10 Hollywood movies shot in the Philippines

At dahil may Hollywood fever sapagkat kasalukuyang sinu-shoot dito sa ating Lupang Hinirang ang 4th installment ng Jason Bourne series entitled  Bourne Legacy based on the novels by Robert Ludlum and Eric Van Lustbader which stars no less than Jeremy Renner , Edward Norton and Rachel Weisz , let us pay tribute  sa mga pelikulang Hollywod na  shi-noot dito sa ating Pilipins My Pilipins .

Latest addition nga itong Bourne Legacy na kasalukuyang kinakamerahan ni Tony Gilroy sa ilang piling lugar sa Metro Manila like Marikina City , Manila , Quiapo and Intramuros sa listahan ng mga pelikulang banyaga na dito ang location shooting .

Talaga namang international ang appeal ng ating country dahil favorite shooting place tayo  ng maraming mga foreign movies especially from Hollywood . Take a look at the 10  of  them :

1.) Missing In Action ni Chuck Norris nuong 1982 na kinunan sa ibat ibang lokasyon dito sa Pilipinas . Location shoot ang Pilipinas , pero sa pelikula ay Vietnam  ang lugar na binabanggit dito .


2.) The Year Of Living Dangerously by Peter Weir starring Mel Gibson and Sigourney Weaver nuong 1982. Indonesia ang setting ng pelikula pero shi-noot ito dito sa ating bansa .


3.) Platoon which is an Academy Award Best Picture  movie directed by Oliver Stone that tells the story of American soldiers amidst the Vietnam War . Location shoot is all over the Philippines .


4.) Thirteen Days in the year 2000 starring Kevin Costner . Sa pelikula , Cuba ang setting dito .


5. ) Apocalypse Now nuong 1987 ni Francis Ford Coppola . Kontrobersyal ang shooting na ginanap dito sa Pilipinas para sa pelikulang ito dahil nagkaruon ng mga aberyat abala habang sinu-shoot ito dito .Tungkol din ito sa Vietnam War .


6.) Brokedown Palace - isa pang kontrobersyal na pelikula dahil sa lumabas na  interview ng bidang si Claire Danes patungkol sa shooting ng pelikula dito sa bansa . Ang kaniyang patutsada na lumabas sa Premiere Magazine na   " smelled of cockroaches, there's no sewage system in Manila, and people have nothing there. People with, like, no arms, no legs, no eyes, no teeth.... Rats were everywhere." ay umani ng batikos mula sa maraming tao .  Thailand naman ang setting ng pelikulang ito .


7.) An Officer And A  Gentleman by Director Taylor Hackford in 1982 which stars Richard Gere and Debra Winger.


8.) I Come With The Rain by Tran Anh Hung starring Josh Hartnett in 2009 . Location shoot nito ay sa Mt. Diwalwal sa Cotabato. This time , Philippines talaga ang setting ng pelikulang ito .


9.) Born On The Fourth Of  July by Oliver Stone and stars Tom Cruise . It tells the story of  Vietnam War veteran Ron Kovic  and was  released in 1989.


10. ) Man On The Moon in 1999 by Milos Forman and stars Jim Carrey as American entertainer Andy Kaufman   .



at marami pang ibang pelikula na ang ilang shooting o eksena ay naganap o kinunan dito sa ating bansa .

At least ay itong sampung ito ang mga pinakasikat at pinakakilala .

Patunay ito na world  class at de kalibre ang ating bansa para maging shooting location ng maraming mga foreign movies. 

O ha , anong sey n'yo at napipili rin tayong  pag-shootingan ng mga pelikula kahit na uso ang kidnafun , holdafun at laplafun here in the Philippines .

Tunay ka na it's more fun in the Philippines !

Sandali lang at makagayak na dahil isa ako sa mga e-extra para sa Bourne Legacy . Ako lang naman ang gaganap na Filipino sidekick ni Jeremy Renner para sa pelikulang ito  !

Sidekick , dahil tatadyakan niya ako sa aking tagiliran nang patagilid he he . 

Mabuti pa makinuod na  lang ako sa shooting nito dito sa Marikina Public Market na medyo malapit-lapit  sa amin  .

O ano pang hinihintay n'yo ?

Lights , Camera , Action !

1 comment:

  1. mt. diwalwal is not in Cotabato. it's in Compostela Valley Province

    ReplyDelete