TRAVELBOOK NOW!

Saturday, December 31, 2011

Happy New Year .... Welcome 2012 ....10 tips kung paano salubungin ang bagong taon nang walang paputok

" Its' just another New Year's Eve " sabi nga ni Barry Manilow .

Goodbye 2011 .

Welcome 2012 .

Putukan at sabugan na naman . For sure mamayang hatinggabi ay mangingitim na naman ang mga kulangot sa aking ilong .

At mapupuno ng smog ang buong Earth.

Pasubali sa mga magpapaputok ng paputok ( redundant ba ? ) , huwag na lang po .

Maawa kayo sa mga daliri at kamay ninyo.

Dapat next year ay makakanta pa rin kayo ng " sampung mga daliri , kamay at paa "

Dahil baka naman ang awitin n'yo na ay " limang mga daliri , putol ang lima "

Ha ha ha.

Pakinggan ang panawagan ni Secretary Enrique Ona ng DOH .

Bumili na lang ng CD na naglalaman ng sari-saring ingay katulad nito :



CD po ang laman ng trayanggulong  iyan at hindi pulbura huh.

Ang sabi kaya daw nag-iingay ang mga tao sa pagsalubong sa New Year ay para maitaboy ang mga masasamang espiritu sa kapaligiran.

Well , here are my 10 tips para makalikha ng ingay na siyang sasalubong sa Bagong Taon at magtataboy sa mga evil and bad spirits around us .

10.) Buksan ang radyo at ilagay sa FM . Itodo ang volume hanggang sumabog ang loudspeaker mo  . I'm sure ang lakas ng sabog niyan .

09.) Pumili ng mga VCD o DVD movies  na lumalagabog ang audio at Dolby surround sound at isalang sa  player . Itodo ang sound effects para rinig   hanggang kabilang ibayo ang ingay ng surround system mo. Huwag lang magsasalang ng mga porno CD at baka mga halinghing ang marinig ng mga kapitbahay mo .

08.) Kuhanin ang batya o palangganang gawa sa metal sa inyong banyo. Alisin ang mga nakababad na de-kolor at puti. Hampasin ng palu-palo ang batya para gumawa ng ingay . Kung gusto mo sabayan mo na rin ng paglalaba at pagkuskos para menos trabaho sa New Year.

07.) Bumili ng torotot at hipan ito hanggang sa maubos ang iyong hininga . O kaya mag-jamming kasama ang iyong mga kabanda. Patugtugin lahat ng musical instrument katulad ng gitara , drumset at cymbals. Dapat rock ang tugtugan para may kasamang hampasan , batuhan at siraan  ng mga gamit pagkatapos ng jamming .

06.) Paandarin ang busina ng sasakyan . Siguraduhin lamang na nakaparada ka ha at baka mapagkamalan kang nawawalan ng preno kaya ka bumubusina  .

05.) Kunin ang silbato o pito ni tatay na pulis at hipan ito . I am sure , hindi lang mga masasamang espiritu ang mapapalayas nito kundi pati iyong mga magnanakaw na gumagala sa paligid.

04.) Bisitahin ang iyong kapitbahay na may alagang asong bulldog o pitbull o police dog at galitin ito . Sa lakas ng tahol niyan ,jackpot ka sigurado sa ingay na lilikhain nito . Iwasan lang makagat nito.

03.) Pumalakpak ng malakas at sunod sunod .Ipadyak ang mga paa . Maglulundag sa tuwa  . Gumawa ng sari-saring mga tunog tao katulad ng paghikab , pagpitik , paghampas sa balat , paghuni , pagpaswit ,pagbelat , pagdighay atbp.  Kahit ano basta please huwag lang ang pag-utot okay ??

02.) Kunin ang cellphone at i-set ang alarm sa alas-dose ng hatinggabi . Tiyak na pagpatak ng alas-dose ay tutunog iyan at gagawa ng ingay. Itodo ang volume ng cellphone at mag-miscol lamang sa iyong mga  kaibigan at kakilala na nasa phonebook mo . At dahil minimiskol mo sila , tutunog ang kanilang mga cellphone  at lilikha ng samut saring mga ringtone na magpapaingay sa mundo . Pihadong pagkatapos mong gawin ito , lowbat ka na at zero balance after the New Year he he .

01.) Imbitahan ang iyong biyenan sa inyong bahay . Galitin o asarin siya at tiyak magtititili iyan at rerepeke ang bunganga sa sermon at daldal .Hayun may instant noise pollution ka na he he he.

HAPPY NEW YEAR TO EVERYONE !!!!

WELCOME YEAR 2012!!!!

Friday, December 30, 2011

Repost : 10 Habits Of Successful People

Sali pa ako ng isang repost dahil sabi ni Gillboard ay puwede naman kahit ilang repost para more entry at mas malaki ang chance manalo he he .

Heto ang link para sa nasabing contest :  Gillboard: Repost Pacontest

Kung ang unang repost entry ko ay very negative ang dating , eto namang isa ay genuinely positive .

Ito ay ang " 10 Habits Of Successful People "

Tamang tama nitong bagong taon para maging matagumpay tayong lahat for the coming year 2012 .

Read on :


Para sa akin ito ang Sampung Ugali Ng Mga Taong Matagumpay

1.) PRAYERFUL- Madasalin- para sa akin, mahalaga ang pagiging madasalin bilang pagkilala sa isang personang tinatawag na Diyos , upang ikaw ay magtagumpay. I believe that God is the essential powerful force behind all successful people. And by being constantly praying to Him will inevitably bring you to a successful level of life.

2.) THANKFUL- Mapagpasalamat-kung ikaw ay isang taong marunong magpasalamat sa anumang bagay na natatanggap mo, ikaw ay hindi nalalayo sa tagumpay. Kailangan ay marunong tayong magpasalamat gaano man kaliit o kalaki ang ating mga natatanggap buhat sa kaninuman. Kung ganito ang ating gagawin, marami pa tayong matatanggap na biyaya dahil marunong tayong mag-appreciate sa mga bagay na ating nakukuha at natatanggap. Remember: being grateful is a virtue.

3.) POSITIVE THINKER- ang isang bagay na buong pusong pinaniniwalaan ni Norman Vincent Peale. Ayon sa kanya, dapat sa lahat ng bagay ay laging positibo ang ating pananaw, gaano man ito kanegatibo minsan.Kadikit ng pagiging positibo ay ang hope o pag-asa at ito ang hindi dapat mawala sa tao. At kapag tayo ay may pag-asa , hindi malalayo ang tagumpay dahil sa ating matiyagang paghihintay.

4.)ALWAYS SMILING- laging nakangiti, ang paboritong motto ng halos lahat ng business establishment sa buong mundo. Ito'y dahil sa kanilang paniniwala na magiging malakas ang daloy ng tagumpay sa kanilang negosyo kung ang kanilang mga tauhan ay laging nakasalubong sa kanilang mga customers na may " ready smile". Ikanga, "bawal ang nakasimangot dito".

5.) CONTENTED- hindi kakuntentuhan, ang dahilan kung bakit hindi nagiging masaya ang ibang mga tao sa kanilang buhay. Kung magiging kuntento lang sana tayo sa anumang bagay na meron tayo at dumarating sa atin, disin sana ay mas masaya ang mundo. Maging kuntento sa mga bagay na nasa saiyo na: tandaan ang paghahangad ng sobra ay nakakasama.

6.) INDUSTRIOUS AND STEADFAST- sipag at tiyaga, sabi nga ng iba. Ang taong masipag at matiyaga ay hindi nalalayo sa tagumpay. Wala pang tao na hindi nagtagumpay kung siya ay masipag, gaano man siya kaliit,katulad ng mga langgam. Bagamat minsan hindi agad dumarating ang tagumpay, subalit kung sasamahan natin ng pagtitiyaga, pasasaan ba at isang araw ay makakamtan din natin ang nilaga.

7.) CREATIVE- malikhain, ito ang karaniwang katangian ng mga taong matatagumpay na artista. Kailangan ay hindi ka nauubusan ng mga bagong ideya kung paano mo mapapaganda pa ang isang ordinaryong bagay o sitwasyon. Maging mapagmasid sa ating kapaligiran at duon humugot ng mga inspirasyon para sa ating ginagawa.

8.) HELPFUL AND GIVING- matulungin at mapagbigay, mga katangiang angkin ng mga taong mananagumpay. Sabi nga, when you give, you shall receive. It is by giving that we receive. Maging matulungin lalo na sa mga taong nangangailangan nito. Laging i-share ang mga blessings na natatanggap.

9.) HEALTHY LIVING- umiwas sa mga bagay na nakakasama sa ating kalusugan. Hindi ka masasabing ganap na matagumpay kung ikaw ay maraming sakit. Tandaan: Health is wealth. Aanhin mo ang dami ng pera o kayamanan kung ikaw naman ay maigugupo ng isang karamdaman. Iwasan ang mga bisyo na sumisira sa ating katawan.

10.) FRIENDLY- palakaibigan, ang sabi nga, ang taong maraming kaibigan ay isang taong mayaman. Kung marami kang kaibigan, ibig sabihin ay marami ang nagkakagusto sa iyong ugali o asal. Ang taong nilalapitan ng mga kaibigan ay marami ding kaibigang malalapitan sa oras ng kagipitan.

So there you go. Develop this ten habits in your life ,and you're off to a more successful and rewarding life here on Earth!

Thursday, December 29, 2011

Repost : Suicide Letter Ng Isang Bakla

Isa na namang pakontes ang sasalihan ko .

This time ay ang pakontes naman ni Gillboard .

Sige lang at sali lang ng sali sa mga pakontes .

Malay mo manalo .

Malay mo makatsamba he he.

Simple lang naman ang mechanics eh.

Mag-repost ka lang ng pinakapaborito mo at sa tingin mo ay pinakamaganda mong blogpost.

Heto ang link para sa pakontes ni Gillborad para mas malaman mo ang detalye : Gillboard : Repost pacontest

At sa lahat naman ng mga nai-post ko dito sa aking munting blogelya ay ito ang aking paborito at sa tingin ko ay pinaka-the best kong naisulat .

Dahil may pagka-reality at true to life he he he .

Ang  " Suicide Letter Ng Isang Bakla "

Heto na siya :


To my family,

Marahil ay magugulat kayo sa pagkakatagpo ninyo sa akin sa ganitong kalagayan. Bago po ang lahat, nais ko po munang humingi ng tawad dahil sa aking ginawa.Lubha pong hindi ko na makayanan ang bigat na aking dinadala kung kaya napagpasyahan kong ituloy na ang matagal ko nang binabalak gawin.

Buo na sa isip ko na marahil ay sadyang hindi nyo na ako matatanggap at mauunawaan sa aking kalgayan. Minsan ko lang po sa inyo aaminin, at hindi ko sinasadyang sa ganitong pagkakataon ko ilalabas ang tungkol sa aking tunay na pagkatao.Nais ko pong kumpirmahin at aminin sa inyo na tama ang inyong hinala na isa nga akong bakla!


Marahil ay hindi na kayo magugulat. Bata pa lang ako ay kinakitaan nyo na ako ng sintomas ng pagiging isang bakla. At dahil sa takot ninyo na mailabas ko ang katotohanan sa aking pagkatao ay ginawa ninyo ang lahat upang ito ay hadlangan. Pinilit ninyo akong magpakalalaki. Ipinadama ninyo at ipinangaral kung gaano ninyo kinasusuklaman ang pagiging isang bakla. Bilang isang masunuring anak, pinilit kong sumunod sa inyong mga utos, sa abot ng aking makakaya. Napaniwala ninyo ako na isa nga akong tunay na lalaki. At dapat maging kilos lalaki ako dahil nakakahiya ang maging bakla.

Itinago ko ang aking tunay na damdamin. Nagbalatkayo ako sa pag-asang matatanggap ninyo ako bilang isang tunay na lalaki. Pilit kong itinatwa ang aking nararamdaman dahil sa takot na hindi ninyo matanggap oras na malaman nyo ang katotohanan. Matagal na panahon ko itong kinimkim at iningatan sa aking puso.


Ngunit minsan, ang isang lihim kahit na anong gawin mong pagtatago ay pilit at pilit na lalabas at aalingasaw.Dumarating at darating ang panahon na hindi mo na maitatago ang katotohanan at kusa na lang itong sisingaw. Nagpupumilit na umalpas ang isang natatagong damdamin hanggang sa hindi mo na ito mapigil .

Kahit na anong tago ko, hindi ko na ito mapipigilang lumabas. Parang isang kumukulong tubig sa loob ng takure na hindi maglalaon ay lalabas ang singaw. At nangyari nga ang aking kinatatakutan. Ang pagsingaw ng aking katauhan!


Ngunit hindi ninyo ito natanggap at hindi niyo na ito matatanggap pa. Alam kong sinarado nyo na ang inyong kaisipan pagdating sa pagiging masama ng isang bakla. Na ito ay isang nakakasuka at nakapandidiring kalagayan ng isang tao. At ang hindi ninyo matangggap ay ang katotohanang kabilang dito ang isa ninyong anak.

Nalalaman kong masama ang loob ninyo sa akin. Sapagkat hindi ko nakayang itago ang aking tunay na pagkatao. Nasusuklam kayo dahil mas pinili ko ang lumantad kaysa tikisin ang aking damdamin. Na mas pinili ko ang kayo ay mapahiya kaysa sa hirap ng aking kalooban. Ngunit patawarin ninyo ako, naging mahina ako at nailabas ko ang dapat sana ay habambuhay kong kinikimkim hanggang sa aking hukay. At hindi ko ito mapapayagang lapastanganin ang respetong inyong tinatamasa mula sa mga nakakakilala at mga kaibigan. Kaya ito ang huling naging pasya ko: ang putulin ang pag-usbong ng kahihiyan sa ating pamilya.

Sana maintindihan ninyo ako kung bakit ko ito ginawa. Hindi dahil sa kayo ay gusto kong ipahiya, manapa nga ay para iligtas kayo sa kahihiyan.

Pinili ko ang mas madaling paraan upang maayos ang takbo ng ating sambahayan. Naisip ko, kung patuloy pa akong mabubuhay sa kawalang direksyon at magulong buhay ng isang bakla, ay lalo ko lang kayong ilulublob sa kumunoy ng kahihiyan. Kaya minabuti kong wakasan na ito hangga't maaga pa, habang hindi pa nag-uugat ang aking piniling buhay.

Nais ko lang malaman ninyo na hindi ko ito ginusto. Bata pa lang ako ay ito na ang aking nararamdaman. Sadya nga lang yatang isinilang ako sa maling pagkakataon at maling panahon. Marahil ay hindi na ako maiintindihan ng sinuman sa aking kapwa. Kung sarili ko ngang pamilya ay hindi ako maunawaan, ano pa kaya ang ibang tao.

Maraming mga tanong ang hindi ko pa nasasagot; at marahil ay hindi ko na msasagot pa. Siguro Diyos na lang ang nakakaunawa sa akin. Ngunit mistulang kahit ang Diyos ay nakikiisa sa pagsasabing ako ay karima-rimarim. Hindi ko alam.

Saan ako ngayon pupunta? Bahala na!

Pinilit ninyo akong pinalakad sa isang diretso at malawak na highway. Maganda ang daan at sementado. Ngunit umiba ako ng landas at aking tinahak ang malubak at baku-bakong Avenida. Kinuha ninyo ako at muling ibinalik sa highway, ngunit pilit ko pa ring tinatahak ang maputik na Avenida. Hanggang sa pabayaan nyo na akong lakbayin ang daan patungo sa kung saan man. At heto na nga ako , tinatahak ang mahabang Avenida ng kapalaran. Kung saan ito hahantong ay hindi ko alam. Kung ano ang naghihitay sa akin sa dako pa roon ay tanging Diyos lamang ang nakakaalam. Basta ang mahalaga ay tinahak ko ang daang nais kong lakaran.

Paalam sa inyong lahat!
Paalam!

Wednesday, December 28, 2011

Niños Inocentes and Happy Birthday Bro

Ngayon ay ang pagdiriwang ng tinatawag na Niños Inocentes which  literally means " innocent boy "  .

Ngayon ay inaalala ang kamatayan ng mga banal na batang lalaki sa araw na ito .

Ayon sa Bibliya , ito yung araw kung saan ay iniutos ni Haring Herod The Great  na patayin ang lahat ng mga batang lalaki sa buong Bethlehem , Judea magmula nang malaman o mabalitaan niya ang  hula na  isang batang lalaki ang isisilang at magiging Hari ng mga Hudyo.

Sa takot na baka siya ay maagawan o mapalitan bilang hari  ay kaniyang ipinag-utos na patayin ang lahat nang bagong silang na batang lalaki maging ang mga ipinagbubuntis pa lamang . Speaking about a grave case of being paranoid .

Kaya naman tumakas mula sa Judea sina Jose at Maria dala ang nuo'y nasa sinapupunan  pa lamang nito na si Hesus , ang siyang magiging Hari ng mga Hari ng buong mundo  .

And the rest is history ikanga.

Ngayon ay ipinagdiriwang din ito sa pamamagitan ng mga pranks tulad nang paghingi  ng pera o anumang pabor na wala nang balikan o return favor .

Kaya kapag umutang daw sa iyo sa ganitong araw , huwag mo nang asahang maibabalik pa sa iyo ang perang inutang .

Today happens to be the 38th birthday of my little Brother Louie kaya todo kainan at inuman na naman he he.

Kaya pala nuong bata pa ang kapatid ko ay kamukha niya si Niño Muhlach he he .

But today , my brother is not niño and not innocent anymore .

Marami nang alam iyan hi hi .

Kaya naman Happy Birthday , Bro !

my brother Louie in blue shirt with Tiyo Pedro and cuz Orly

me and Kitty

me and my BFF Mary Joy Lopez

the girls he he he

Tuesday, December 27, 2011

Happy 1st Year Anniversary Lester And Zyra


1st year anniversary ng mag-asawang Lester at Zyra this coming January 1 , 2012 . Mga blogerang kabogera sa mundo ng blogospera .

At dahil dito ay may pa-contest ang magsing-irog .

Mag-post lamang ng any kind of anniversary greeting messages like a picgreet , videogreet o kahit simpleng blogpost ay pasok ka na sa banga .

Aba , at bigatin ang papremyo huh .

Heto lang naman ang prize okay , very cheap : Unique and Delicious Manila Bay Eat-All-You-Can Dinner Buffet Ship Cruise with Prestige Cruises (Good for Two).

Hodevah naman , ang chipipay lang ha ha ha.

Kaya naman sasali ako at baka sakaling manalo ay isasama ko sa ship cruise ang love of my life he he.


At pipiliin ni randomizer.org kung sino ang mananalo .

At ang link para sa nasabing pacontest ay ito : http://adodcespresso.com/2011/12/21/first-bunny-anniversary-giveaway/

Kaya heto ang aking munting picgreet lang naman.

Announcing to the world:


Click to play this Smilebox newsletter
Create your own newsletter - Powered by Smilebox
A newsletter by Smilebox

Monday, December 26, 2011

Briones-Llorente 3rd Family Reunion

Naganap nitong bisperas ng Pasko , December 24 , 2011 , ang ikatlong Grand Briones-Llorente Family Reunion dito sa aming compound sa Pagrai , Mayamot Antipolo City .

Bale sa taong ito ay ang aming Tiyo Dominggo Briones ang taya . At bagamat matagal nang namayapa ang aming tiyuhing ito ay nirepresenta naman siya ng kaniyang mga kapamilya dito sa Maynila bilang pakikisama sa diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan .

Akala nga ng marami ay hindi na matutuloy ang taunang reunion na ito dahil sa pagkakaruon ng alitan at hindi pagkaka-unawaan sa pagitan ng ilang mga miyembro ng angkan .

Ngunit salamat sa diwa ng Kapaskuhan na pagbibigayan , pagmamahalan at pagpapatawad kung kayat natuloy at naging posible pa rin ang reunion na ito kung saan namayani ang pag-iibigan at pag-uunawaan sa bawat isa .

All's well that ends well , dahil at last ay napatch-up ang anumang mga differences of opinions sa pamamagitan ng pag-uusap at pagpapaliwanagan sa pagitan ng mga nagka-hidwaan.

Namayani ang pagmamahalan katulad ng ginawang ehemplo ng ating Panginoong Hesukristo  nang siya ay isinilang sa isang pasabsaban sa burol ng Bethlehem , Judea .

At last , bati bati na ulit at nagkakaisa ang malaking angkan ng mga Briones at Llorente dito sa Pilipinas !

At lahat ay masayang nagsalo sa mga handang pagkain , mga palaro , at pagbibigayan ng mga aginaldo sa bawat isa .

 Tunay na walang makakapantay sa kasiyahan ang muli mong makasama ang iyong mga mahal sa buhay at mga kamag-anak  na sabay sabay na magdiwang sa araw ng kapanganakan ng ating Poong Maykapal !

Heto ang ilang mga kuhang larawan :

me and cuz Andy
me and cuz Bunso
my beloved Auntie Nene
Auntie Claring and Adam

my BFF cousin Mary Joy Lopez
Mother dear and her apo Adam
me and cuz Garry
my cute nephew Adam

mga pamangkins
Father dear and Tiyo Pedro

Sunday, December 25, 2011

Merry Christmas

Pasko na pala ,  hindi ko namamalayan ha .

Ang bilis kasi ng panahon . Parang kailan lang , Pasko 2010 .

Ngayon , Pasko  2011 na agad huh.

Kamukat-mukat mo , Pasko 2012 na naman he he.

At dahil wala akong mai-post na medyo naughty and nice  , share ko na lang itong text message na na-receive ko from a friend  .

Hmmm ,  an advertisement at plugging lang sa mga brands na nabanggit  .

Can I demand remunerations he he he .

Heto na :
____________________________________________________________

Merry Christmas !!!

I hope that my greeting is like ...

ADVIL - to relieve your pain

CENTRUM - to make your day complete

ENERVON - to give you extra energy 

RED BULL - to get you going and

ENERGO - to keep you on the go

bale .....


P 185.50 pesos lahat nang babayaran mo ...

Ha ha ha ha...

At may dagdag pa ...

BIOGESIC - Ingat !

MERRY CHRISTMAS TO ALL !!!

Saturday, December 24, 2011

Christmas Dripping Lights

At dahil it's Christmas Eve na , ipi-feature ko ang usong-uso ngayon na Christmas dripping icicle lights .

Aba at kahit saan yatang lupalop ako magpunta eh ito ang in fashion at trending topic he he .

Eto yung mga lights na hitsurang tumutulo o pumapatak ang pagbaba ng mga ilaw .

Nagtanong kami nito sa Divisoria kung  magkano ito at sabi ni Manong Grinch dahil tila galit yata sa Pasko dahil sa katarayan at kasungitan , 900.00 lang daw naman ang presyo ng isang rolyo nito .

Mantakin mo kung ilang libo ang magagastos  mo sa isang pailaw pa lamang . Para lang ito sa mga mayayaman , hindi natin ito keri , sabi ng friend ko he he .

Ang gandang pagmasdan lalo  na kapag pusikit na ang karimlan.

Katulad nito :



Merry Christmas to all !!!

God bless us all !!!

Friday, December 23, 2011

Kim Jong-il


 Pumanaw na ang kinikilalang lider at pulitiko  na si Kim Jong-il ng North Korea nitong December 17 , 2011 sa gulang na 70 .

Tinitingala at nirerespeto ng mga Komunista ang lider na ito ng North Korea .

Sa pagkamatay ni Kim Jong-il , marami ang umaasa  na sana ay mas maging open-minded at liberal ang papalit na liderato walang iba kundi ang kaniyang anak na si  Kim Jong-un upang mas maging progresibo ang pag-unlad ng kanilang bansa.

Sa totoo lang , hindi ako kumportable sa pamamahalang Komunista .

Ayon sa report , matagal nang nalusaw ang pagiging ideyal ng Komunistang pamamahala .

Magmula nang mawala  sa kapangyarihan ang USSR at ang Russia ay tumungo na sa pagiging Pederalismo , naglaho na ang kontrol at pagmamanipula ng klase ng ekonomiyang ito sa ating kalagitnaan.

Lima na lamang daw ang natitirang bansa na nasa ilalim pa ng pamamahalang Komunismo . Ito ay ang mga bansang China , Laos , Vietnam , Cuba at ito ngang North Korea .

Kung papansinin mo ang mga bansang ito , ang China lamang ang may pinakamagandang ekonomiya sa kanilang lima .

Nangangahulugan ba ito na hindi rin maaasahan ang mga pangakong reporma at pagbabago na ipinapatupad sa ilalim ng pamumuno ng Komunismo?

Hmmmm.

Kaya sa pagkamatay ng Communist hardliner na si Kim Jong-il , umaasa ang marami ng pagbabagong magaganap sa bahaging ito ng mundo .

At ang aking pangarap , tuluyan nang maglaho ang saklot ng Komunismong pamamahala at ideyalismo sa ating lipunan.

Yun lang !

Thursday, December 22, 2011

Hurrah for Senator Miriam Defensor Santiago as ICC Judge

Proud naman tayo bilang Pilipino sa pagkakahirang dito kay Senator Miriam Defensor Santiago bilang judge sa International Criminal Court  o ICC .

First time daw ito para sa isang Filipino at gayundin sa buong Asya.

O debah naman at ang galing talaga ng mga Pinoy .

Another feather in our cap as a Filipino nation .

Magaling naman kasi talaga sa batas itong si Aling Miriam .

Ikanga , she knows what she's talking .

At pati na sa humor lumelebel-up ang lola he he .

Pinaghalong brain and humor . Huwag lang magkaka-brain tumor he he .

Alisin na din sana ang pagsisinungaling huh .

No more lies Madam Senator .

Dahil dapat ang mga huwes palaging nagsasabi ng totoo .

Even if it means you have to jump off  in a helicopter he he .

Goodluck Madam !!!

Wednesday, December 21, 2011

emoticons


Ito yung iba't ibang set ng mga signs and symbols na ginagamit para maiparating  ang anumang emotions and moods na kaakibat ng  mga messages na ipinapadala natin sa ere either via text , chat or email sa air traffic .


Here is a list ng mga nakalap kong frequently used emoticons :


smile                    :-)       :)       :] =)
frown                  :-(       :(       :[ =(
gasp                    :-O      :O      :-o :o
grin                      :-D       :D       =D
tongue                 :-P       :P       :-p       :p =P
wink                     ;-)        ;)
curly lips              :3
kiss                      :-*        :*
grumpy                :(        :-(
glasses                8-)         8)      B-)      B)
sunglasses          8-|         8|      B-|      B|
upset                  :O          :-O      :o         :-o
confused            o.O        O.o
shark                  (^^^)
pacman              :v
squint                 -_-
angel                O:)          O:-)
devil                  3:)            3:-)
unsure               :/          :-/      :\        :-\
cry                    :'(
robot                :|]
heart                ♥
kiki                   ^_^
penguin           (“)



For the complete list of emoticons , go to this Wikipedia  link for more information .

Tuesday, December 20, 2011

Gloomy Christmas 2011 : Typhoon Sendong in Mindanao

Parang ang lungkot ng Pasko ngayong 2011.

Ramdam ko ang siphayo , pansin ko lang .

Sa amin walang masyadong nangangaroling na mga bata . Napagod na siguro kasi lagi namang sinasabihan ng " patwad " ng mga bahay na kinakarolingan. At kung mamalasin pa ay ipapahabol sa mga alagang aso.

Kaunti ang mga palamuting pamasko  sa kalsada at mga bahay-bahay . Walang pambili ng bagong Christmas tree at Christmas lights.Sa amin nga hindi na rin nagkabit si Mother ng  dekorasyong pamasko.

Wala ring masyadong tao sa mga shopping places dahil walang pera pambili ang mga tao . Matumal ang benta sabi ng mga negosyante. " Lugi negosyo " ang sabi ng mga Chinese.

At nag-uulan pa . Pati ang langit ay tila ba umiiyak at nakikidalamhati.

Tapos ngayon may bagyo pa.

At ang trahedyang bumulaga sa mga babasahin ngayon .

Nakakakilabot.

Halos 800 na daw ang mga namatay kasama ang mga  nawawala pa dahil sa pananalasa ng bagyong Sendong ( international name is Washi )sa Northern Mindanao partikular sa mga lungsod ng Iligan at Cagayan De Oro .

Diumano ay kapareho ang ulang dala nitong si Sendong  kay Ondoy nuon na nanalasa dito sa Metro Manila at mga karatig probinsya.

Walang nag-akala na ganito kagrabe si Sendong dahil ayon sa ulat ng PAGASA ay mahina lang ang dala nitong hangin. Ngunit dagat pala ang dalang ulan at tubig.

At sa gabi nangyari ang delubyo kung saan ay tulog ang mga tao kung kaya naman marami ang namatayan dahil sa biglaang pagragasa ng baha at putik sa kanilang mga kabahayan.

Grabe.

Magpapasko pa naman .

Ito na yata ang pinakamalungkot na Pasko eversince nangyari ang paglubog ng barkong MV Dona Paz nuong December 20 , 1987 kung saan ay halos 5,000 ang nasawi  at ang landslide and flashlood sa Ormoc City nuon namang November 1991 na halos 6,000 ang namatay.

Marami ang maaaring magtanong kung bakit kailangang mangyari ito .

Ewan . Maski ako ay hindi ko alam kung bakit.

Tanging Diyos lamang ang nakakaalam kung bakit Niya ito pinahintulutan.

Sa panahon pa naman ng pag-alaala at pagdiriwang ng sambayanan ng araw at panahon ng Kaniyang kapanganakan.

Dapat ding sisihin ang mga tao .

Dahil sa pagwawalang-bahala nila kay Inang Kalikasan na labis nang nasusugatan.

Ngunit sa panahong ito ay hindi na kailangan ang magsisihan.

At magbatuhan ng pangungutya at panglilibak.

Bagkus dapat ay magkaisa ang lahat upang tulungan ang ating mga kababayang nasalanta .

Kaya't magkaisa at tumulong .

At ipagdasal ang mga nasawi nating mahal na kababayan .

Oh Diyos ko , ikaw na po ang bahala sa amin!

Heto ang ilang mga larawang nakuha ko mula sa Google kaugnay ng nasabing trahedya :








Monday, December 19, 2011

Pnoy versus Corona


May banggaan at iringan ang dalawang sangay ng ating gobyerno : ang Executive at Judiciary .

At dahil dito ay apektado at involved din ang ikatlong sangay ng ating pamahalaan : ang Legislative .

Ito ay dahil sa impeachment trial ng pinakamataas na pinuno ng Korte Suprema na si Chief Justice Renato Corona na diumano'y may basbas ng ating pangulo na si Noynoy Aquino.

Harapan  ang pagkanti at pagbatikos ni Pnoy sa pamumuno nitong si Corona .

Tila may bad blood sa dalawang mamang ito na matagal nang hindi nagkakasundo .

Paniwala kasi ni Pnoy ay tuta o alagad ni CGMA itong si Corona kaya't habang nakaupo ito ay malabong maiharap sa hustisya ang dating Pangulong Arroyo. Appointed daw kasi ni CGMA itong si Corona kaya't paniwala ni Pnoy ay binibigyan nito ng pabor si CGMA sa mga kinakaharap nitong mga kaso ng pandarambong at pandaraya sa nakaraang eleksyon.

At ang  paraan para maalis ang balakid sa paglilitis kay CGMA : tanggalin sa puwesto si Corona !

Si Pnoy  tatanggalan ng korona si Corona he he .

Isa pang isyu ay ang minadali diumano ang pagsasampa ng kasong impeachment para dito kay CJ Corona . 

Abangan na naman ang mala-telenobelang serye ng impeachment trial next year .

I'm sure blockbuster na naman iyan at punong-puno ng drama !

Abangan !

Sunday, December 18, 2011

Astig Pinoy

Panalo ang grupong Astig Pinoy from Gingoog City , Misamis Oriental sa Showtime Grand Finals Season 4 which was held last December 10 , 2011 na ginanap sa Ynares Center dito sa aming Lungsod ng Antipolo .

Tunay namang astig ang grupong ito na binigyan ng bagong touch and flavor ang sayaw na tinikling sa pamamagitan ng pag-blend ng hip-hop at ethnic dance sa kanilang winning performance .

Complete with the tiyakad and blinfolded stunt sa pagti-tinikling , sure winner ang grupong ito sa simula pa lang. Ang hirap ng stunt na iyun huh.

Saludo ang espasyong ito sa inyo Astig Pinoy !

Watch their winning moment here :

Saturday, December 17, 2011

Herbert Chavez , the Filipino Superman

Kakatuwa  naman itong 35 year old na si Herbert Chavez dahil talagang nagpa-facelift at plastic surgery pa upang maging kamukha lamang ang idol nitong si Superman .

Talking about freaky obssession ha ha.

Iyan ang tinatawag na the height of idolatry huh !

Tignan mo naman ang transformation from the former to the latter image . Ang laki talaga nang ipinagbago .

Iba talaga ang nagagawa ng siyensya  basta may pera ka lang .

Puwede na rin sigurong magpa-opera at makamukha ang paborito mong artista?

Ako kapag may pera gusto kong makamukha si ...


Lady Gaga he he he ...

At tatawagin akong si Lady Gago he he he ....

Ah ewan ...

Heto pa ang ilang imahe :



Friday, December 16, 2011

Sex Education primer

Share ko lang mula sa FB page ko .

Ganito daw kapag na-approve na ang sex education sa ating mga school he he .

Thursday, December 15, 2011

Top 5 Songs

Mula sa kaibigang Butch Rivero ang text message na ito .

Natawa naman ako ng bongggang bongga dahil swak na swak at updated ang mensahe .

Ha ha ha.

Heto daw ang top 5 songs ngayon sa buong lupalop ng bansa . At ang theme song ng mga taong may kaugnayan dito:

5.)  Run Away (Ramona Bautista)

4.) I’ll Never Let You Go (Leila de Lima)

3.) Saan Ako Nagkamali? (Gloria Macapagal-Arroyo)

2.) Katarungan (Noynoy Aquino)

1.) This Guy’s In Love With You, Pare (KC Concepcion)

And may I  add some more . This is my own set of  Top 5  :

5.) Never You Done That  ( DJ Mo ) 

4.) Fallin ( Rhian Ramos )

3.) Shout To The Top ( Annabelle Rama )

2.) Great Balls Of  Fire ( Atty. Ferdinand Topacio )

1.) What Have You Done For Me Lately  ( SC Chief Justice Renato Corona )

Hodevah , ha ha ha!!!

Smile !!!

Wednesday, December 14, 2011

10 cutest cat moments

I would like to share this  video of  10 cutest  cat moments ever .

Super nakakaaliw ang mga cats  na featured dito sa top 10 , pramis .

Watch here:

Tuesday, December 13, 2011

Occupy Philippines


Umabot na rin ang silakbo ng Occupy Movement dito sa Pilipinas nang magsagawa ng martsa at rali ang mga namumuno  nito sa Mendiola at Recto nitong buwan lamang na  ito .

Ang Occupy Movement ay  inorganisa upang  labanan ang mga katiwalian sa ekonomiya at sosyal na kalagayan ng mga tao sa mundo .

Ayon sa mga tagapanguna nito , laganap ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga mayayaman at mahihirap.

Ang mga mayayaman ay lalo lamang yumayaman . At ang mga mahihirap ay lalong nababaon sa kumunoy ng kahirapan .

Hindi umano pantay ang distribusyon ng yaman sa buong mundo .

Kaya naman layunin ng organisasyong ito na okupahin ang mga pangunahing lansangan at sentro ng komersyo sa buong mundo upang iparating ang mensahe ng pagkakapantay-pantay at paglaban sa kahirapan na unti-unting sumisikil sa mga tao.

Katulad nang nangyari sa Wall Street sa New York na siyang pinakamalaking sentro ng  komersyo at kalakalan sa buong daigdig na inokupahan ng mga miyembro nito .

Lumalaganap na ito at unti -unting nakikilala sa buong mundo . At nakarating na nga dito sa Pilipinas .

Tunay ngang malawak  na ang agwat ng mga mayayaman sa mahihirap . Halos hindi mo na matanaw sa lawak.

At minsan nakakapagod pagmasdan at isipin kung paano sila mapaglalapit .


Hindi man sana maging dikit na dikit . Sana man lang ay iyong lapit na mararamdaman at mamamasdan ng mga mayayaman ang kahirapang  nararanasan ng  mga taong salat sa pera at pinagkaitan ng tadhana  .

Monday, December 12, 2011

Honk Around The Clock - The Honkers

Paborito ko ang Sesame Street lalo na nuong munting tsikiting pa lamang ako ( uyy naging bata rin pala ako , akala ko kasi diretso agad ako sa pagtanda he he he )  .

At marami ding mga awitin at kantang sumikat na magpahanggang ngayon ay hinding hindi ko nalilimutan dahil sa ganda ng ritmo at musika.

Isa na dito ang Honk Around The Clock ng The Honkers of The Muppets fame .

Kung makatorotot lang ng kanilang mga ilong na busina ay parang nagtitinda lang ng binatog at taho he he he .

Halina at makisabay umindak kasama ng The Honkers at muling balikan ang former glory days ng Sesame Street ( ngayon kasi ay tila ba  naglaho na ang dating kinang ng childen's show na ito ) .


Sunday, December 11, 2011

Bigo sa pag-ibig?

Bigo sa pag-ibig ?  
Maghanap ng :

KUBA - hindi ka kokontrahin,siya ay laging mapagpakumbaba. 
LUMPO - lagi kang sasamahan,kahit kailan hindi ka tatakbuhan.      
PIPI - kahit mag-away kayo, hindi ka makakarinig ng masasakit na salita galing sa kaniya.
BULAG - walang pakialam kahit ano pa ang itsura mo.
BINGI - kahit anong sabihin mo , okay lang sa kaniya.
DULING - laging doble ang pagtingin sa iyo.
PANGIT - siguradong wala kang kaagaw sa kaniyang pag-ibig.
 

Saturday, December 10, 2011

Bawal ang plastik sa Antipolo

Mayruong ipinalabas na ordinansa ang  Lungsod ng Antipolo na nagbabawal sa paggamit ng styrofoam at plastic bags sa buong kalungsuran simula nitong buwan ng Nobyembre.

At dahil dito ay apektado ang mga negosyante and mamimili alike ng buong lungsod dahil sa ordinansang ito .

At dahil nga dito kami nakatira sa Antipolo ay isa kami sa mga naapektuhan .

Bilang mga negosyante at may tindahan dito ay napilitan kami na magpalit ng pambalot at pangsupot mula sa plastik patungo sa papel at iba pang environmentally friendly na lalagyan o supot . Kaya ang aming tindang hot drinks katulad ng hot coffee , hot chocolate at jiampong noodles ay nilipat namin mula sa styro cups patungo sa paper cups . At ang mga lalagyan na mula sa dating cellophane at plastic bags ay pinalitan namin ng mga paper bags. Wala namang kaso sa mga ito , dangan nga lamang ay mas mahal ang mga paper bags kaysa sa mga plastics kaya apektado ang budget naming mga negosyante dito sa Antipolo. Kailangan ding ipatong namin ang dagdag na gastusing ito sa aming mga paninda . Ang resulta, mas mataas na presyo ng mga bilihin.




At bilang mga mamimili naman ay apektado din kami dahil ang mga grocery , pamilihan at mga tindahan dito ay hindi na nagbibigay ng plastic bag kaya kahit gaano kabigat ang mga pinamili mo ay ilalagay pa rin nila sa karton o paper bag na madali namang mabutas lalo na kapag nabasa o naulanan.

Una , hindi ako kumporme sa paggamit ng papel bilang alternatibo o pamalit sa mga plastic bags . Hindi na nga siya matibay at madali pang masira at mabasa , alam din natin na galing sa puno ang mga papel kaya hindi rin ito swak bilang eco-friendly na pamalit bilang ating lalagyanan.

Pabor pa ako sa mga eco-bags na naglipana na ngayon sa merkado tulad nito:



Tunay nga at bilang pakikiisa sa pagpapagaling sa karamdaman ng ating Inang Kalikasan ay ating iwasan ang paggamit ng mga plastik at styrofoam sa ating kapaligiran . Nagagalak tayo na marami nang kumpanya at pabrika ang nakikiisa sa layuning ito.

Dapat ay makaisip pa ng ibang mga lalagyan at supot na magagamit natin na hindi makakasira sa ating mundo and at the same time ay matibay , maaasahan at magbibigay-ginhawa para sa mga mamimili at negosyante ng bawat bansa .

I am sure na  may mas makatuturan pang maiimbento ang ating mga siyentipiko keysa sa plastic at papel na inilalako ngayon .

Nakikiisa  tayo sa adhikaing ipagbawal  ang plastik hindi lamang sa Antipolo kundi sa buong bansa na sana. Ngunit hindi rin  naman tayo pabor na gawing pamalit ang papel bilang lalagyanan dahil sinisira pa rin nito ang mga puno sa ating kagubatan . Mag-isip pa sana tayo ng ibang mga alternatibo na magagamit maliban sa mga plastik at papel .

How about bumalik na tayo sa paggamit ng bayong , rattan , buli o tampipi ?

bayong

rattan bag

buli bags

tampipi


Environmentally-friendly na , retro pa ang fashion statement mo , oh di ba ...