TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, November 30, 2011

couple shirts

Ikaw , kaya mong makapagsuot ng ganitong klaseng couple shirts ? Astig ka kung maisusuot mo ito dito sa konserbatibong Pilipinas ... babansagan kang imoral at madedemanda ka ng indecent public scandal !

Tuesday, November 29, 2011

Jollibee Paper Bag

Aba at mukhang nag -switch na mula sa dating plastic bag ang number 1 fastfood chain in the Philippines na Jollibee para sa kanilang mga lalagyan .



Maganda  ang adhikaing ito ng Jollibee but then of course like everything else , it has its own pros and cons .

Non - biodegradable kasi ang mga plastics o hindi natutunaw  kahit ilang libong taon mo nang ibaon sa lupa kaya naman talagang banta  ito sa ating environment . Ngunit sa kabilang banda ay matibay at maaasahan naman ang mga plastic bilang lagayan ng kahit anong mga abubot o gamit .

Sa kabilang banda naman ay biodegradable o nalulusaw ang mga papel kaya environmentally friendly ito. Ang cons lang ay madaling masira o mabutas at mawarat ang mga papel lalo na kapag nilagyan mo ng mga mabibigat na gamit at lalo na kapag nabasa kaya hindi advisable para sa mga heavy and hard things .

At kung susuriin mong mabuti , hindi naman talaga 100 percent environmentally - friendly ang paggamit ng mga  papel eh . Bakit ?

Eh saan ba galing ang papel , di ba sa mga kahoy ?


So kung ilang rolyong papel ang kailangan mong i - produce  ay imaginin mo kung ilang libong puno ang kailangan mo ring itumba para magawang papel o karton ?

Ang maganda sana ay i -recycle ang mga papel na ito para hindi na kailangang magtumba ng mga puno para sa pangangailangang ito  .

Dapat yes to recycled paper but no to  paper who are produced directly from trees !

Dapat malinaw ang panuntunang iyan ng mga People who Loves Papers o PLP !

Kaya , no to plastics , yes to recycled paper .

Kaya naman :

Monday, November 28, 2011

Ang Ganda Mo

May computer shop ang aking kapatid dito sa Antipolo.

At paminsan minsang naaatasan akong magbantay sa shop na ito , lagi kong napakikinggan at walang mintis na pinapatugtog at pinapanuod ng mga bagets na nagri-rent dito ang kantang ito.

Lagi lagi at hindi pumapalya na may nagpapatugtog ng kantang ito kaya naman nasanay na akong marinig  ito sa tuwing mapapadako ako sa shop ni utol.

At nang minsang siyasatin ko kung ano ang liriko ng awiting ito , ako ay nabigla.

Sobra palang bulgar at bastos ng rap lyrics ng kantang ito.

Ito ay ang kantang Ang Ganda Mo ng Cue C .

Pero ang mga bagets , mapababae o mapalalaki man , enjoy na enjoy ang mga loko sa pakikinig.

Aba , ganito na talaga ang mga kabataan ngayon . Hindi na sila nag-aalinlangan sa mga ganitong klaseng awitin .Para sa kanila ay normal lamang ito . At parte ng kanilang paglilibang.

Kaya naman hindi nakapagtataka kung hindi lang mga bastos at bulgar na lyrics ang nalalaman nila.

Siyempre , pati mga bastos na kangkangan sa video at internet ay may access na sila , davah.

Pero hindi ko naman sila masaway . Eh kasi nagbabayad naman sila para mag-rent .

So , naki- jamming na lang ako.

Ako na , ako na ang BI ha ha ha.

Heto ang video at nang malaman ninyo ang lyrics:


Sunday, November 27, 2011

MMK presents " Manok "

Naantig naman ang aking damdamin dahil sa isang episode ng TV drama anthology  na Maala-ala Mo Kaya ( MMK ) entitled " Manok "

Inspired ito ng true story of Julie/Puying ( effectively played by Sylvia Sanchez ) na isang probinsyanang manang na binansagang " aswang " sa kanilang lugar dahil sa kakaibang mga kilos at galaw nito .

Mabuti na lamang at naging kaibigan niya ang letter sender na si Anna ( na ginampanan ni Precious Lara Quigaman ) na isang mabait at maunawaing ina at asawa kung kaya't nabago ang maraming aspeto at pagtingin ni Puying sa kaniyang sarili at kapwa tao.

Pinaghalong genre ng horror at drama in one.

Swak na swak ang bandang ending ng palabas lalo na ang last message ni Ate Charo Santos kung saan kaniyang ipinangaral ang pagtingin ng pantay sa anumang uri ng tao at ang pag-iral ng pagmamahal at pusong bukas at maunawain para sa mga taong kakaiba ang ikinikilos kaysa sa karaniwan.

Talagang likas sa mga tao ang manghusga at manglait kaysa sa tingnan muna ng maigi ang kanilang sariling pakatao na diyatat mas bulok pa kaysa sa mga taong hinuhusgahan nila .

Sana ay magsilbing eye opener ito para sa marami sa atin.

Tunay na number one pa rin ang MMK sa loob ng 20 taon sa pagbibigay ng makabuluhan at magagandang aral at leksyon para sa ating mga buhay .

Here is the link to watch the whole replay  of this TV episode :

 MMK - Manok episode replay

Saturday, November 26, 2011

pinakamahaba , pinakamaiksi ...

In support of the Reproductive Health Bill debates  , ito ang aking pinakamahabang blogpost entry entitled Ang Condom At Ang Simbahan .

Samantala , kung may pinakamahabang entry , may pinakamaiksi ;  at ito yun  !

Enjoy lang   : D

Friday, November 25, 2011

2011 Southeast Asian Games


Kalunos-lunos at kahindik-hindik naman ang sinapit ng Pilipinas sa katatapos na 26th SEAGames na ginanap  sa Jakarta , Indonesia kung saan ay pumang-anim lamang tayo sa overall final standing ng medal tally .

Aba'y tinalo pa tayo ng Vietnam at Singapore na dati ay kulelat sa mga medal standing .

 Number one siyempre ang host country na Indonesia.

Gone are the days na tayo ang nangunguna  kung hindi man ay pangalawa o pangatlo tayo  nuong  dekada 70 hanggang 80 .

Subalit ngayon ay nakakaawa dahil pang-anim na lamang tayo . Huwag naman sana dumating ang araw na talunin pa tayo ng bansang Timor-Leste , na isang maliit at bagong sibol na bansa , pagdating sa medal standing.

At mukhang matagal na rin na hindi na tayo ang naghu-host ng Southeast Asian Games at ang last nating hosting ay nuong 2005 pa .

Ano kaya ang nangyayari sa ating Philippine sports at mukhang pabagsak nang pabagsak.

Hindi naman natin masisisi ang ating mga atleta dahil alam kong ibinigay din nila ang  kanilang best sa kampanyang ito ng Pilipinas.

Subalit dahil sa kulang at liit ng budget at suporta na nakukuha ng ating mga atleta mula sa gobyerno , hindi kataka-takang nalulugmok na rin ang ating bansa sa larangan ng palakasan.

Nasaan na ba ang mga dating nangungunang atletang Pinoy na dati ay bumabandera sa buong rehiyon katulad nina Lydia De Vega, Elma Muros , Eric Buhain , Bea Lucero  at marami pang iba.

Buti na lang at nandiyan pa si Manny Pacquiao na ating number one export para sa boxing.

Sa 2013 pa ang susunod na SEAG na gaganapin sa Naypyidaw, Myanmar .



Sana naman by that time ay medyo umabante na ang ating rating pagdating sa medal tally .

Here's one hoping against hope.

Thursday, November 24, 2011

Barangka , Marikina revisited

Matagal kaming nanirahan sa Barangka , Marikina City .

Nang mapalayas kami sa aming squatters area home sa 3rd Avenue , Kalookan City nuong ako ay nasa Grade 2 sa A.C. Herrera Elementary School , lumipat agad kami sa isang maliit na barung-barong sa loob ng Industrial Offset Press Incorporation Compound sa Barangka , Marikina City .

Nang makakuha kami ng munting lupain malapit naman sa Marikina River at halos katabi ng nuo'y pabrika ng UTEX , dito kami nagsimulang humabi ng aming mga pangarap at bumuo ng aming magsisilbing tahanan sa loob ng maraming taon .

Dito ako nag-dalaga , choz !

Dito ang aking first-kiss he he he.

Dito ako naglayas at napalayas !

So many memories were etched in this hometown that leaving this place after  so many years of my growing up days  is also like etching a hole in my being  .

Nang maging Mayor si Bayani Fernando ng bayang ito , isa kami sa naapektuhan ng kaniyang city planning and development project  dahil ang lote daw na aming inookupahan ay bahagi pa rin ng gobyerno , partikular  ng DPWH , dahil malapit kami sa Marcos Highway .

Gusto man naming lumaban ay wala kaming nagawa kahit na  two-storey house na mula sa katas ng Saudi ni Father ang sapilitang giniba nuon ng mga operatiba mula sa city engineerings office nuong dekada 90 .

Those were one of the darkest days of my life .

Parang ang hirap i-let go ang mga bagay at lugar na matagal mo nang nakasanayan at nakasalamuha. Dagdag pa ang  pagguho ng aming mga pangarap para sa kaginhawaan na nagsisimula na sanang maipundar nuong mga panahong iyon.

Napalayas kami sa Marikina City kaya ipinadpad ang aming pamilya dito na sa Antipolo .


After so many years ay  muling napadako ang aking mga paa sa Barangka , Marikina City dahil sa isang raket kaya muling nagbalik ang mga ala-ala sa akin.

Ibang-iba na ang itsura nito kaysa sa dating lugar na kinalakihan ko .

Wala na ang pabrika ng UTEX , kundi ang pumalit ay isang mall na nagngangalang Riverbanks Mall .

Nanariwa ang mga ala-ala at aking binalikan ang nakaraan kasabay ng mga larawang ito :

this is the alley where we used to play as a kid

ang pader na natira sa aming bahay ... ang hagdan paakyat sa highway at ang puno ng santol na aming inaakyatan nuon bilang mga bata ...

ang buong kahabaan ng pader ng aming dating bahay .... ito na lang ang natira sa dating two-storey house namin dito ...
this is the palaza where we play several kinds of games as a child

ito ang basketball court na covered na ngayon ... dati ay wala pang bubong iyan kaya bilad kami diyan sa araw

inside the covered basketball court

this is the church where we go to every  Sunday especially in Holy Week and every Simbang Gabi
Barangka Elementary School grounds
my alma mater Barangka Elementary School

one of the main buildings of the school

Industrial Offset Press Incorporation main gate kung saan nagtrabaho nuon sila Mother and Father for many years


The Barangay Barangka plaza
The Riverbanks Mall , this used to be the UTEX company

ang maganda nang Riverbanks Park , malayung malayo sa dati nitong itsura na marumi at mabahong tabing-ilog

newly renovated Barangka Riverbanks , dati rin kami ditong naliligo nuong kami'y mga musmos pa lamang

the riverbanks with the Marcos Bridge from afar where we used to play underneath


Loyola Memorial Park Marikina is located in Brgy. Barangka , madalas din kami mag-jogging dito nuon

ang SM City Marikina na nakatayo sa dati'y damuhan at putikang bahaging ito ng Marikina 
Ang sarap balikan ng nakaraan .

Marami man ang nabago .

Marami man ang naiba .

Pero ang ala-ala ng nakalipas ay hindi maglalaho magpakailanpaman.

Wednesday, November 23, 2011

Ursula Martinez's " Hanky - Panky " and " Light My Fire " acts

Nais ko lang i-share ang videong ito tungkol sa " Hanky-Panky  " act ng London-based cabaret diva and performer na si Ursula Martinez aka Ursula Lea na talaga namang nakaka-elib .

Sukat ba namang mag-disappear and then mag-reappear ang kaniyang pulang panyo kasabay ng unti-unti ding pagkawala ng mga saplot  sa kaniyang katawan , hanggang sa wala na talagang natira ha ha ha ha .

Na-feature na ito sa Montreal Comedy Festival at  tunay namang successful at click na click ang disappearing and reappearing act na ito sa mga humahagalpak at natutulalang audience .

Isa pang video ni Ursula ang click na click at ito ay ang " Light My Fire " kung saan ang mga saplot ni Ursula ay nasunog at naging abo dahilan para mahubaran ng todo itong si Ursula .

Diyatat may pagka-exhibitionist ang aleng ito he he he .

Panuorin ang " Hanky Panky " video dito at  i-click ang link para sa ' Light My Fire " act niya  :




This is the link to Ursula Martinez's " Light My Fire " act


Just watch and enjoy !!!

Tuesday, November 22, 2011

Streetkids 2011

Dati nang sumikat ang grupong Streetkids na minanage ni Butch Rivero kasabayan ng Streetboys mga 1990's .

Ngayon ay muling nire-revive at binubuo ng katotong Butch ang grupong ito at may mga bago na siyang recruit . At ito ay ang Streetkids 2011 .

Nagsipagtandaan na at nagsipag-asawahan ang mga dating miyembro nito kaya ngayon ay muli siyang bumuo ng new batch .

At nakasama ako sa kanilang initial performance para sa Grand Finals ng Horror Dance Week ng Marikina City last October 30 , 2011 .

So far ay okay naman ang kanilang baptism of dancing bagamat aminado kaming medyo kailangan pa ng maraming practice at rehearsal para ma-perfect ang kanilang routines and steps for possible future projects and assignments.

Initially ay ito ang mga members ng first batch :


Streetkids 2011

From left to right standing : Denmark , Spencer , Billy , Carlo , Bullet .

Sitting from left to right : Clark , Chubs , Almond

Watch out when their stars shine soon !

Monday, November 21, 2011

may GASOLINA dito


Ikaw , magsisindi ka pa ba ng posporo at sigarilyo dito ?

" Full Tank Mo Na Rin "

Ang blogpost na ito ay entry ko para sa Gasoline Dude's Blogversary Writing Contest

Sunday, November 20, 2011

Should I Stay Or Should I Glow ?

Hindi po ako nagkakamali ng spelling ng title ng article na ito.

Glow po talaga iyan , at walang kinalaman ang 80's new wave song ng The Clash sa artikulong ito .

Ito ay may kinalaman sa tangkang pag-alis ng bansa ni Ate Glow he he he .

Ilang punto lamang ang gusto kong puntusan ukol dito sa Arroyo brouhaha :

1.) Na kahit gastusan daw ng gobyerno ang pagpapagamot ni Ginang Arroyo basta dito gagawin sa bansa ang kaniyang operasyon. Huwag naman po sana . Maraming dapat gastusan at gamitan ang pera sa kaban ng bayan at hindi sa pagpapagamot sa mga Arroyo. Ang daming pera nang mga iyan huh . Baka nga mas marami pa  kaysa kay Mang Henry . Kaya hindi na kailangang gobyerno pa ang gumastos sa mga lintek na iyan . Eh kung personal na pera kaya ni Pnoy ang gastusin , payag kaya siya ?


2.) Kung bakit naman kasi ipagpipilitan pang sa ibang bansa magpagamot kung meron namang mas magagaling at modernong mga pasilidad para dito na lamang sa ating bansa gawin ang operasyon ng dating pangulo . At saka bakit parang maga-around the world sa dami ng bansang gustong puntahan ? Maysakit na nga maga-around the world pa! Ano iyan turista !


3.) Ang sabi ng iba nagsasakit-sakitan lang daw ang dating Pangulong Arroyo . Sa palagay ko ay hindi naman yata . Kita naman sa mga photoshoot ni Ate Glow   na talagang maysakit nga ang ale . Eh para na ngang alien sa ibang planeta ang itsura eh pagdududahan n'yo pa. Kayo naman oh .Ang hirap kaya mag-pretend na maysakit huh ! Maawa naman kayo sa kaniya . Maysakit talaga siya sa ulo he he he . Eh kasi naka-brace na nga ang ulo niya eh di ba?


4.) Ang tapang ni DOJ Secretary Leila De Lima . May bayag . Parang babaeng maton . Yan ang dapat . Palaban . Hindi katulad ng iba na bahag ang buntot .  At tila umuurong ang bayag !


5.) Kung si De Lima ay may bayag , ito namang abogado ni Ginang Arroyo na si Atty. Ferdinand Topacio ay gustong ipatanggal ang bayag niya . Aba , may ambisyon yatang magpakapon itong alagad ng mga Arroyo. O baka naman secret fantasy niya ang matanggalan ng bayag dahil ang gusto niyang ilagay ay puke he he he.


6.) May Constitutional Crisis daw dahil sa hindi pagsunod ni DOJ Sec. De Lima sa utos ng Korte Suprema . Sa palagay ko naman ay hindi mangyayari ito dahil parehong may argumento ang dalawang panig ng gobyerno at hudikatura. Nasa tamang pag-uusap lang iyan ng dalawang sangay ng pamahalaan . Hindi sila dapat magbanggaan sa walang kwentang usapan na ito. Dapat pa nga ay magkaisa sila .

7.) Ang sabi ng mga kritiko ng mga Arroyo ay karma daw ito sa kanila . Well , ang karma ay dalawang uri , good and bad . Sa pagkakataong ito ay tila ba bad karma ang nangyayari sa mga Arroyo . Ibig sabihin ba nito ay may bad silang ginawa in the past ? Puwede ba itong lunasan ng karma sutra he he he? Well , whether it's karma or not , isa lang ang tiyak . Binabalikan sila ng kanilang kahapon at nakaraan .


8.) The latest news ay inaresto na daw ang dating pangulo sa mismong ospital na kinararatayan nito . Buti naman , este , salamat naman . At least , may karapatan na  ang pamahalaan na ipairal ang HDO nito para sa mga Arroyo.




And let the wheels of justice roll .

Abangan ang susunod na mga kabanata .

Mahaba-habang usapan pa ito !

Saturday, November 19, 2011

Puerto Princesa Underground River

Katuwa naman ito dahil pasok na bilang " New 7 Wonders Of  Nature "  ang sariling ating Puerto Princesa Underground River na nasa walang iba kundi sa last frontier of the Philippines na probinsya ng Palawan .

Walang duda na napakaganda naman kasi ng heritage site na ito sa Palawan kaya naman pumasok ito sa listahan .


Heto ang mga nanalo bilang mga bagong Wonders Of  Nature :

1.) Amazon Rainforest and  River  in South America 





2.) Halong Bay  in Vietnam 



3.) Iguazu / Iguaçu Falls - between Argentina and Brazil



4.) Jeju Island in South Korea



5.) Komodo Island  in Indonesia 



6.) Puerto Princesa Underground River from our proud country Philippines 



7.) Table Mountain  in South Africa 



Wikipedia says , " It is initiated  in 2007 to create a list of seven natural wonders chosen by people through a global poll. It was led by Canadian-Swiss Bernard Weber and organized by the New7Wonders Foundation, a Swiss-based, government-controlled foundation "

Truly , the whole of The Philippines is a true wonder of nature.

The Pearl Of The Orient .

The Land Of The Morning Sun.

Mabuhay Ka , Pilipinas ! 

Friday, November 18, 2011

Going Gaga over Gargling

Mahalaga ang magkaruon ng malinis , mabango  at malusog na  hininga .

Maraming beses na rin akong naka-engkuwentro ng mga tao na amoy imburnal ang hininga .

Ngunit pinakamalala ang isang dating katrabaho na simbaho ng patay na ipis ang breathness .

Ako pa naman ang madalas niyang kausapin hu hu  hu , wawa naman me .

Marami ang sanhi ng pagkakaruon ng mabahong hininga o halitosis .

1.) Dahil sa sakit na nasa loob ng katawan . Umaalingasaw na palabas sa bunganga ang kabulukang nangyayari sa loob ng katawan.

2.) Hindi wastong pangangalaga sa ngipin at gilagid . Kapag nabubulok o nasisira na ang mga ngipin  nagreresulta din ito sa mabahong hininga.

3.) Pagkain na nagbibigay ng mabahong hininga lalo na ang mga maaanghang o spicy foods at mga alak at sigarilyo.

4.) Poor oral hygiene o hindi tamang pangangalaga sa bibig katulad ng regular na pagsesepilyo , pag-aalis ng mga tinga at pagmumumog ng mouthwash products katulad ng Colgate Plax .


Ano ang puwedeng gawin upang malunasan ang pagkakaruon ng mabahong hininga :

1.) Kumonsulta sa doktor o espesyalista at ipagamot kung ano ang karamdamang nasa loob ng katawan na nagiging sanhi ng pag-alingasaw nito sa bibig.

2.) Ugaliin ang regular na pagsesepilyo bago at matapos kumain . Sepilyuhin ding maigi ang mga gilagid at dila upang manatili ang kalinisan ng bunganga.

3.) Iwasan kung maaari ang mga pagkaing nagiging sanhi ng mabahong hininga lalo na  ang mga maaanghang . Makabubuting umiwas rin sa mga bisyong nagdudulot ng mabahong hininga katulad ng alak , sigarilyo at droga .

4.) At siyempre alagaan ang bibig sa pamamagitan ng regular na pagmumumog ng mga mouthwash products like Colgate Plax upang mapanatiling sariwa ang ating breathness .

Samantala , hassle naman kung  palagian ang pagmumumog ng mouthwash .

Hindi sa lahat ng oras ay puwede kang magmumog ng mouthwash para lamang mapanatiling presko ang ating bibig.

Heto ang mga palatandaang ikaw ay bad breath ngunit  hindi mo magawang  makapagmumog ng mouthwash :

1.) Kapag nasa gitna ka ng interview  ng isang prospective future employer - matapos ka niyang sabihan ng "you're hired" ay bigla ka niyang hihiritan na  "  you're fired already " nang maamoy niya ang iyong bunganga .

2.) Habang nasa kasagsagan ka ng isang live interview with no less than Kris Aquino dahil baka bigla ka niyang tanungin kung " mahilig ka ba sa bawang at sibuyas ?"  

3.) Habang kausap at kaharap mo ang isang prospective  customer para sa iyong negosyo o produkto dahil malamang na  itanong niya kung " nag-eexport ka ba ng bagoong at durian ?

4.) Kapag susubuan ka ng ostiya ng isang pari dahil imbes na " katawan ni Kristo "  ang banggitin niya ay sasabihin niyang " Diyus  ko , may krisis dito "

5.) Kapag kumanta ka sa isang amateur singing contest at iyong kasunod mong contestant ay biglang ibinalibag at itinapon ang microphone na una mong ginamit .

6.) Kapag nagpakonsulta ka sa iyong dentista at nang sinabi niyang " say ahhh "  at bigla ka niyang pinasakan ng gas mask sa iyong bibig.

7.) Kapag nag-propose ka sa iyong kasintahan at imbes na yes ang sagot niya sa iyo ay " yeast "

8.) Sa honeymoon ninyong bagong mag-asawa ay bigla niyang hinanap ang inyong " pre-nup agreement " at idinagdag na " no mouth-kissing during the honeymoon " .

9.) Kapag napadaan ka sa inspection ng mga guwardiya ng LRT at MRT at sinabing " Hindi ka puwedeng pumasok . You're under the influence of  liquor . Lasing ka pare "

So , ano ang dapat mong gawin para kahit nasaan ka mang kalagayan o sitwasyon ay hindi mo kailangang laging  magmumog ng mouthwash pero komportable kang mabango ang iyong hininga ? 

Dapat isang mumugan lang ay pang-matagalan na ang bisa at tagal ng pagkakaruon ng sariwa at preskong hininga.

At iyan ang maipagmamalaking maipagkakaloob ng  Colgate Plax with 12 hour Antibacterial Protection . Siguradong amoy peppermint and spearmint ang iyong hininga sa loob ng labindalawang oras.


Laging amoy baby kahit isang beses ka lang magmumog sa maghapon . Hindi amoy bibi .

Kaya mabisa ang pagmumumog ng Colgate Plax  ay dahil sa mga sumusunod na dahilan :

1.) Cleans hard to reach places in your mouth
2.) Kills bacteria by up to  99.9%
3.) Protects for 12 hours
4.) No burning sensation

Kaya naman ako ay laging may dalang Colgate Plax upang manatiling mabango ang aking breathness.

At nang sa gayon ay hindi ko na kailangan pang magmumog kahit na ako ay tulog katulad nito:

click this link to see the Gloo Gloo application

Bagkus ay kampante at mahimbing akong matutulog dahil alam kong kinabukasan sa aking paggising ay fresh na fresh pa rin ang aking hininga !

Kaya ano pang hinihintay ninyo , bili na ng Colgate Plax para sa preskong bibig sa buong araw .

Bisitahin ang website nila dito : Colgate Plax website 

Thursday, November 17, 2011

negosyong naglahong parang bula

Napag-usapan naming mga magbabarkada isang araw ang ilang mga negosyo o establisimyento na  ngayon ay tila ba hindi na uso at nawala na yata sa sirkulasyon .

Na parang kailan lamang ay namamayagpag at sikat na sikat na halos lahat ng kanto at kalye ay mayruon silang branch o istasyon.

Nasaan na kaya sila ngayon at ano na ang nangyari sa kanila ?

Inisa-isa namin ang nasabing mga nakaka-miss na pangalan , logo at marka na tumatak sa aming isipan:

CINDYS - hindi ko makakalimutan ang fastfood chain na ito dati  sa Cubao dahil dito may nanglibre sa aking isang matandang  bakla when I was just a small sweet sixteen boy he he . Aba't nabighani yata sa aking taglay na kagandahan , choz ,  ang bakla at inilibre ako sa fastfood na ito ng hamburger , spaghetti at softdrinks . After daw namin ay manonood kami ng sine . At dahil alam ko na ang kaniyang hidden agenda sa aking bubot na katawan , choz ,  nang magpaalam siyang magsi -CR saglit ay dagli na akong lumabas at umiskyerda ng tindahan at umuwi at hindi na muling nagpakita  sa kaniya ha ha ha  . Sabi nga " when you're hungry , Cindys is the place to be "



JONIS - nasaan na nga kaya ang dati ay dinudumog na bakery at cakehouse na ito ? Anong nangyari ? Napataob ng Goldilocks at Red Ribbon ? Hmmm , miss those Jonis Cakes and Pastries that I crave back then .



TEXAS - at ito naman , dati madalas din kaming kumain dito . Masarap naman kasi at mura pa ang mga meals nila . What happened ? Click naman siya sa masa nuon eh di ba . Ang dami ngang tao kapag nagi-eat galore kami dito.


SANDOSENANG HALO - nagtrabaho ako dito for 6 months contract bilang isang service crew sa branch nila sa SM Foodcourt sa Cubao . At saksi ako nuon sa napakahabang pila dito ng mga tao para makabili lamang ng isang baso ng Halo Halo na may labindalawang sangkap lalo na kung summer. Digman din ang dating pangalan nito . Ngayon tila ba kasabay na naglaho ng init sa taglamig ang kanilang mga tindahan .



SYVEL'S - isang department store na marami ding branch sa buong Kamaynilaan nuon . Nang wala pang SM , ito ang takbuhan ng mga mamimili para sa kanilang mga shopping needs . Sabi nga " no other but Syvel's "

ZENCO FOOTSTEP -eto ang pabilihan ko nuon kay Mother kapag kailangan ko na ng bagong sapatos na pampasok sa eskwela . Sa pagsibol ng malalaking Sapatusan ni Mang Henry , kasay na naupod ang takong at swelas ng tindahang ito . 


COD - hindi ko malilimutan ang department store na ito sa Cubao . Kapag nalalapit na ang Kapaskuhan , siguradong nandiyan kami sa tapat ng building facade nila at nanunuod ng palabas nila . Miss those days . Daming tao nuon kapag may show na sila . At karamihan ay mga batang tulad namin na manghang mangha  sa kakaibang palabas na kanilang ipinapakita .


PLAZA FAIR and  FAIRMART  - ito rin ay isa sa paboritong department store nuon dahil mura ang mga bilihin dito . Subalit kasabay ng pag-usbong ng sangkatutak na mga malls ay nagsara na rin ang mga pamilihang ito .







GIACOMINOS - nagtrabaho din ako dito sa pizza company na ito for several months  . Patok ang negosyong ito dahil actual ang paggawa namin at pagmasa nuon ng mga order na pizzas . Bake as you order ang drama ng pizza chain na ito nuon . Sukat at nawala din agad ang negosyong ito after several years of existence .



CONEY ISLAND ICE CREAM - " I scream for Coney Island Ice Cream " ang natatandaan kong slogan ng ice cream parlor na ito .  I believe , imported ito from the USA . Ngunit mistulang hindi yata nag-swak ang lasa nito para sa mga Filipino.



DOMINOS - isa ring business import from USA . Pero hindi yata pumatok ang taste nito sa mga pihikang Filipino tongue kaya hindi nag - click .



MAGNOLIA - dati ay lagi pang may Flavor Of  The Month ang ice cream brand na ito . Buwan buwan ay iba ang flavors nila . Subalit ngayon ay wala na at tila lumipat na ang concentration nila sa ibang products like cold cuts and chickens . Pati ang dating malaking Magnolia House nila diyan sa Aurora Boulevard sa Gilmore ay tuluyan nang nagsara at ngayon ay tinatayuan  na ng Robinsons Mall .



UNIWIDE SALES - dati ay ito ang hari ng mga groceries and supermarkets bago pa nauso ang mga membership stores like Puregold , Shopwise , Savemore , Makro at marami pang iba na nagsipaggayahan na . Ang branch nga nila dati diyan sa Cubao ay numero unong destinasyon ng mga shoppers and businessmen and bargain hunters  alike . Bukod sa mura ay may quality ang kanilang mga kalakal. Nang masunog ang kanilang sangay sa Cubao at sa Marcos Hi-way ay unti - unti na ring nagsara ang iba pa nilang mga branches . May mall pa nga sila nuon diyan sa Coastal Road sa Roxas Boulevard na nagsara na rin ngayon .  Tila Super 8 na yata ang bagong name nito ngayon .



QUEENS SUPERMARKET - kung Uniwide ang hari ng mga supermarkets , ito naman ang reyna nuon . Basta sinabing grocery needs  ay  ito ang unang tatatak sa isipan namin nuon . Subalit nang masunog ang branch nila sa Cubao ay tuluyan na din itong naabo .



KISS - ito yung foodcart ng mga kinds of balls like fishball , kikiam , squidball , chicken ball atbp. Bawat kanto nuon ay merong franchise nito . Ngayon ay tila nag kiss and say goodbye na ang business idea na ito .



VIDEO CITY - naglaho na rin ang video rental shop na ito mula sa kamalayan ng mga tao . Nang mauso ang opticla media piracy in DVD , VCD , Blu Ray discs atbp ay kasabay na rin itong naglaho. Kung tutuusin kasi ay bakit ka nga naman aarkila ng isang piraso ng title sa halagang 15.00 hanggang 20.00 kung pwede mo naman itong mabili sa ganun ding presyo . Wala pang hassle sa pagsosoli na karaniwan ay overnight lang . Ang ACA Video na kasabayan din nito nuon ay naglaho na ring parang bula .



MERCED DRUGSTORE AND BAKESHOP - tila naglaho na rin ang kinang ng botikang ito kasama ng kanilang bakeshop dahil sa pagtakbo ni Mercury .



GOODWILL BOOKSTORE - dati ay ito ang primera klaseng puntahan ng mga book lovers dito sa Pilipinas . Ngunit tila naunahan na siya ng sister company na National Bookstore . Ngayon ay concentrated na lang yata sila sa pagiging supplier at wholesaler ng ilang mga libro nila . Tila nawala na rin yata sa sirkulasyon ang mga booktore na Alemar's at Miranda ah .



MGA LUMANG SINEHAN - at siyempre ay ang pagkawala ng libong stand-alone theater or cinema house sa buong bansa . Dati ay laging blockbuster ang pila sa mga sinehang ito katulad ng Roben , Cinema 21 , Coronet , Diamond , New Frontier , Times , Podmon , Vista , Remar at marami pang iba sa Kamaynilaan. Ngayon ay concentrated na  lang sila sa loob ng mga malls . At abot-langit na ang presyo ng entrance ticket nila huh ! At wala nang orchestra , balcony at lodge sections . Meron na lang premiere at deluxe sections.



Iyan lang ang ilan sa mga kilala kong establishments na tila nawala na sa kamalayan ng mga konsyumer na Pilipino . Marami ang dahilan kaya nagsasara o nawawala ang isang negosyo . Puwedeng nalugi o nabangkarote , nagpalit ng ibang business ventures , nag-migrate na ang may-ari sa ibang bansa o puwede ring nakamatayan at hindi naipamana ng maayos ang pag-aalaga nito sa mga naiwan .

Businesses do come and go . Maraming negosyo ngayon ang nuon ay hindi natin naisip na papatok at sisikat gaya ng Siomai , Waffle , Shawarma , Pearl Shakes , Ice Crumble , Cellphones , Computer Shops , at iba't ibang mga unique business ideas na unti unting nagsusulputan . Dapat lang ay magaling kang mag-maintain ng mga bagong tricks and gimmicks and promos para lalong dumugin at tangkilikin ang iyong mga produkto.

Ang sabi nila  kapag tumagal ng 10 years ang iyong negosyo ay steady ang paglago nito , slowly but surely ikanga . Kapag naka-silver anniversary ka na ,  stable na ang business mo pero huwag kang maging kampante dahil baka biglang maagaw ng kakumpitensya ang iyong ideas , be watchful . At kapag umabot na ng golden anniversary ang iyong negosyo , matatag na ito at maaasahang tatayo basta huwag lamang mapapabayaan . At kapag nag-platinum or diamond anniversary na ito ay puwede ka nang makampante at magkuya-kuyakoy na lang dahil sigurado nang tatagal pa ng ilang henerasyon ang iyong negosyo.

Nami-miss ko din ang ilang mga business gimmicks na katulad ng salad bar ng Wendy's na nawala na. Nalugi yata sila dahil gumaling na ang mga Pinoy magpataas ng kanilang mga salad plates he he .

At nasaan na ang free softdrinks refill ng Burger King na blockbuster lalo na kapag tag-init ? Promo lang pala yun nung sila ay nagsisimula pa lang hmmmmppp.

Ako ay mayruon ding mallit na negosyo na aking pinapalago  . Maga-anniversary na ito sa February pero  wala pa sa kalahati ang ROI  ko  he he he .

But I'm very optimist na gaganda rin ang takbo nito after several months pa .

Okay lang yan basta huwag lang hahaluan ng monkey business he he he .

Have a good business day !