Monday, October 31, 2011

Filipino Celebrity Deaths

At dahil ngayon ay Halloween , it's time to pay tribute and remember the most tragic , bizarre and controversial deaths in the Philippine showbiz world.

Here are some included in my list :

1.) Helen Vela - ang magaling na host ng Lovingly Yours , Helen na lagi kong sinusubaybayan nuong aking kabataan . She died of colorectal cancer on February 14 , 1992 in the US.  Marami ang nalungkot  sa kaniyang maagang pagpanaw sa edad na 45 . Truly , Sunday afternoon will never be the same without Lovingly Yours, Helen .


2.) Alfie Anido - an 80's matinee idol died of a self-inflicted gunshot wound or suicide , plain and simple . He died at a young age of 22 in 1981 .


3.) Rene Requiestas  - the original Cheeta-Eh , Ganda Lalake . Mukha pa lang nakakatawa na . Sa totoo lang , siya ang isa sa mga nakakatawang comedian na naiproduce ng pelikulang Pilipino , sa ayaw n'yo at sa gusto . Namatay siya dahil sa lung  tuberculosis nuong July 24 , 1993 sa edad na 36 .


4.) Rico Yan - one of the most controversial celebrity deaths of all time . He died while at the peak of his blossoming career apparently in sleep on March 29 , 2002 , a Good Friday , at Dos Palmas Resort and he was only 27 years old . A very promising career was cut short by his tragic death . Some of the nasty rumors that surrounds his death include taking a sleeping pill and a sleep inducing drug that ultimately led to his death .


5.) Miguel Rodriguez - another controversial death occurred on February 14 ,1997 . This time apparently of a suicide by one of the leading men of Sharon Cuneta in the movie To Love Again in 1983 .


6.) Claudia Zobel - she died at a young age of 19 years old while at the peak of  her budding showbiz career . The movie Shame was  still in theater when she met her untimely demise She died by car accident on February 10 , 1984 .


7.) Lino Brocka - also died by car accident on May 21 , 1991 . An acclaimed director here and abroad , the Filipino moviedom surely lost a rare talent that will never be surpassed in the ensuing years .


8.) Nida Blanca - isa pang kontrobersyal na kamatayan ng sikat na si Marsha Puruntong ng John En Marsha fame . Namatay nuong November 27 , 2001 dahil diumano sa pagpatay na ginawa mismo ng kaniyang  asawa na si Mr. Rod Strunk . Nagpakamatay naman din ito pagkatapos ng  anim na taon .


9.) Teddy Diaz of The Dawn - pinatay naman sa pamamagitan ng saksak ng mga lasing na nakasalubong lamang niya nuong August 21 , 1988 . Patunay na walang sinasanto at pinipiling papatayin ang mga halang ang kaluluwang mga kriminal .


10.) Julie Vega - sino ang makakalimot sa munting Annaliza na siyang nagpasimula ng primetime soap opera fever sa telebisyon . Maagang pumanaw sa edad na 16 nuong Mayo 6 , 1985 sa dahilang hanggang ngayon ay binabalot ng kontrobersya .


11.) Maria Teresa Carlson - ang nami-miss kong Si Ako , Si Ikaw ng Chicks To Chicks fame . Hindi ko  malilimutan ang mga eksena niya nuon sa sitcom na ito nuong 1980's . Pumanaw sa pamamagitan ng pagtalon sa isang building nuong November 03 , 2001 . Biktima diumano ng domestic violence .


12.) Ric Segreto - namatay nuong September 6, 1998 sa isang marahas na kamatayan -- nabangga ang kaniyang sinasakyang motorsiklo sa Buendia Fly-over at natusok ang katawan  sa mga nakausling bakal sa nasabing fly-over.


13.) Willy Garte - Namatay nuong Setyembre 6 , 1998 dahil sa isang aksidente sa kalsada . Ang Stevie Wonder of the Philippines na hanggang sa kahuli-hulihan ay pinatunayan niyang kaya niyang tumayo sa sariling mga paa bagamat siya ay isang bulag .


14.) Miko Sotto - na namatay naman dahil sa aksidenteng pagkahulog mula sa isang building sa Mandaluyong City nuong December 29 , 2003 sa edad na 21 .


15.) Fernando Poe Junior - at siyempre sino ang makakalimot sa pinaka-kontrobersyal na kamatayan sa loob ng pelikulang Pilipino na walang iba kundi sa Hari Ng Aksyon na si Fernando Poe Junior . Namatay nuong December 14 , 2004 sa edad na 65 diumano dahil sa labis na sama ng loob dahil sa umanoy' pagkatalo dahil dinaya diumano  nuong 2004 presidential election kung saan siya ay kumandidato .


Iyan lamang ang ilan sa mga  kamatayan na bumulaga sa mundo ng pelikulang Pilipino . Of course marami pang ibang kamatayan sa mga artistang Pinoy na karapat-dapat maisama sa listahang ito ngunit sa aking palagay ay ito ang mga pinakamarahas , pinaka-misteryoso at pinaka-kontrobersyal na mga kamatayan sa makulay na  industriya ng pelikulang Pilipino .

You will all never be forgotten!

You all will always be remembered!

Sunday, October 30, 2011

Roosevelt College Marikina's 46th Foundation Day

Naanyayahan ako ng kaibigang guro na si Roman Discipulo upang mag - participate sa Foundation Day ng kanilang eskwelahan na Roosevelt College Lamuan in Marikina City na ginanap mula October 22 hanggang October 29 , 2011.

At dahil business minded naman ang mga lolah n'yo , naisipan naming kumuha ng booth para sa mga pagkain  sa nasabing Foundation Day .

At siyempre ang na -assign na paninda sa amin ay ang mga kakanin .

Kaya naman nag - prepare kami at humango ng mga masasarap at malinamnam na mga gawang Marikina na kakanin like Puto , Bibingka , Suman , Kalamay , Kutsinta , Sapin - Sapin , Nilupak , Cassava Cake , Banana Cake , Hotcake at maraming marami pang iba .

Successful naman ang nasabing entrepreneurial participation namin ni friend plus a bonus of so many young and beautiful boys na nakilala namin . Choz lang he he he !

Ang daming tao sa buong Linggo ng Foundation Day at mega success talaga ang event na itechi .

Nag - reminisce na rin ako at may I visit ko ang dating school kung saan ako ay nag - summer circa 1987 -1988 yata yun if I'm not mistaken nang bumagsak ako sa mga subjects na Math at YDT ( Youth Development Training sa mga hindi ipinanganak nang maaga at katumbas ito ng PEHM ngayon okay ? ) nuong ako ay nasa High School  .

Ako na ang nagsa - summer dahil lagpak sa mga subjects ha ha ha ha . At dito nga sa Roosevelt Lamuan ako nag - summer nuong mga panahong iyon . Alam n'yo ba ang ending ?

Puwes , hindi ko rin naipasa ang dalawang subjects na iyon na pinag -summeran ko dahil sa kagagahan at kalukahan ko during those troubled teenaged days of mine .

And for the record , dalawang beses  ako nag -summer sa eskwelahang ito na parehong hindi ko naipasa huh .
Kung hindi ako nagkakamali , it was in the summer of  1987 ( ? ) nang una akong nag - summer ng dalawang subjects na nabanggit  ( Math 3 and YDT 3 nga ) para maipasa . Pero hindi ko nga rin natapos at naipasa ang mga ito sa kadahilanang ayaw ko nang alalahanin pa .

So the next summer  year of 1988 ( ? ) , dahil nga meron pa akong back subjects na Math 3 and YDT 3 last year ay muli akong inenroll nila Father and Mother dito sa Roosevelt Lamuan for the second time around  .

Ngunit sumpa ni Godzilla at ni Lex Luthor  , hindi ko pa rin naipasa ang nasabing dalawang back subjects .

What happened next ?

Ayaw ko nang - i elaborate . The true reason is somehow resting peacefully inside the hallways and labyrinths of my mind  .

And the rest is history as they say .

Samantala , ang tunay na rason kung bakit ako bumagsak sa dalawang subjects na Math 3 at YDT 3 , panibagong kuwento na naman iyan , abangan ang susunod na kabanata he he he .

At dahil nga so memorable and unforgettable ang experience ko dito sa eskwelahang ito ay di na ako nagdalawang - isip na makipag - joint forces kay Roman para sa nasabing weeklong event .

Samantala , for the record na rin , Roosevelt College System has five campuses to date namely Rodriguez
( Montalban ) , San Mateo , Cainta , Marikina and Cubao . Nawala na iyong sa Aurora Boulevard in Quirino District sa  Quezon City at iyong sa San Juan  .

It was  then Marikina Mayor Wenceslao C . Dela Paz who founded this school in 1945 .

At may mga bigatin din palang alumni ang eskwelahang ito ayon sa Wikipedia site nila  like Senator Francisco Tatad , actress Nova Villa , Senator Edgardo Angara , actress and singer Zsa Zsa Padilla at si Mother Ricky Reyes , wow .

At siyempre ang aking nag - iisang kapatid na si Louie ay ito rin ang kaniyang alma mater . Private kasi siya nag - aral . Ako sa public high school lang dahil pam - public lang daw ang kalibre ko  he he he , charingggg!

So there .

Thank you Roosevelt College for all the memories !

Happy Foundation Day !

Schedule Of Activities

the entrance

the auditorium

school campus ground

one of the school's main building


at the lobby

Saturday, October 29, 2011

Dupe winner

Isa ang blog entry ko  sa tinanghal na 30 winners para sa Dupe Facebook contest na " Saan Ang Lakad Mo Kasama Ang Dupe ? "

At natanggap ko na nuong isang araw ang aking mga premyo na :


Dupe Pouch Bag


Dupe T - Shirt

Dupe Revolution II Estampada Sandals
Kaya naman tuwang tuwa ako dahil isang malaking karangalan na isa ako sa mapalad na napiling manalo ng Dupe Brazilian Slippers who also makes Havaianas Sandals .

At dahil dito ay dalawa na ang aking Dupe sandals kaya hindi na ako mamumroblema kapag ako ay naglalamyerda , naglalakwatsa , naglalakad , tumatakbo o anumang mga activities na kailangan ko ang proteksyon ng isang matibay na tsinelas para sa aking Happy Feet.

Thank you very much Dupe , truly you  are number one !

Like like like ko ito .

Friday, October 28, 2011

Korean Ginseng Tea

Hang kyut naman ng regalo ng Koreanang si  Mrs. Kang ( " kang  " : D   , may-ari ng isang Korean Christian School sa aming barangay ) na one box of Korean Ginseng Tea para sa aming family .

Maganda daw ito sa katawan kaya timpla din ako agad .

In fairness , masarap ang lasa niya , hindi katulad ng ordinary tea leaves . Medyo manamis - namis .

Ayon sa sabi - sabi , ang Ginseng root daw ay ang  root of  life dahil sa mala - katawan  ng taong hugis ng ugat nito like this . Ginseng literally means " man root " in Chinese.


Ayon sa tradisyon , mahusay daw itong stimulant , aphrodisiac and energizer . Oh davah , tamang tama sa hyperactive kong life he he he.

Aba siguradong  mahaba- habang inuman pa ito ng Ginseng tea every morning to perk up my day.

Enjoy!!!

Thursday, October 27, 2011

Justice League movie trailer

Isang pelikula ang tiyak na aabangan ko at ng milyun milyon nilang tagahanga .

Ito ay ang Justice League ng Warner Brothers.

Base ito sa DC Comics series tampok ang mga bigating super heroes ng buong mundo .

Huwag isnabin dahil kabilang lang naman sa mga grupong ito sina Superman , Batman  , Wonder Woman , The Flash , Green Lantern , Martian Manhunter  at Aquaman .

Bagamat , in development pa ang latest status ng pelikulang ito ay tiyak na  marami na ang nag-aabang dito dahil pinagsama-sama ang mga astig at magigiting na super heroes of the universe.

2013 pa daw ang malamang na scheduled playdate nito pero ngayon pa lang ay patok na ang trailer teaser nito sa Youtube na umaabot na ng 4 million hits .

Panuorin na lang muna ang trailer dito para magkaruon tayo ng idea kung gaano kaganda ang tiyak na blockbuster movie na ito:

Wednesday, October 26, 2011

Leetec Rechargeable Torchlight

Nakatanggap kami ng regalong Leetec Rechargeable Torchlight galing sa aming " regular sponsor " .

Okay ang gadget na ito dahil kailangan mo lang isaksak sa outlet ng kuryente at presto mayruon ka nang flashlight na magagamit mo sa mga emergency o sa oras ng pangangailangan kapag walang ilaw.

Passe na ang mga old flashlights na kailangan mo pang lagyan ng sangkatutak na battery bago mo mapailaw.

Gagastusan mo  pa ng ilang pirasong pagkamamahal na mga batteries bago mo ito magamit . Katulad na lamang nitong lantern / flashlight na dala ni Father mula sa Saudi .

 Anim na pirasong D-size battery ang kailangan mo ritong i-salansan bago mo mapagana.

Madali pang ma-lobat sa ilang beses lang na gamitan . Hindi  rin puwede ang lokal na battery dahil madaling manghina . Kaya kailangan ay iyong garantisadong tumatagal kahit pagkamamahal gaya ng Energizer at Eveready .

Mayruon din namang mga rechargeable battery pero hindi rin maaasahan dahil madali ring ma-lobat at ma-drain ang mga ito .

Kaya nga ang gift na ito mula sa Leetec is a welcome thing.

Isaksak mo lang ang plug sa outlet at presto may steady , malawak at maliwanag na supply ka na ng lights ng ilang araw para sa pinakamadilim mang bahagi ng iyong buhay , charing !


At ang maganda hindi lang siya flashlight o torchlight dahil puwede rin siyang lantern .

Ang kaniyang torchligth ay may 7 led torch at ang kaniyang lantern naman ay may 12 led lights .

Sana ang ibang gamit ay rechargeable na rin para hindi mo na kailangang  mag-aksaya ng pera para sa mga disposable battery .

Ilang mga gamit na gusto kong maging rechargeable ay ang wall clock , remote control , microphone , digicam , mga laruang de baterya at relo  he he he .

Leetec Rechargeable Torchlight , welcome to the club .

Tuesday, October 25, 2011

Filipino Time no more

Equivalent ng Filipino Time ay ang katagang L A T E .

Yes , kapag sinabing Filipino Time synonymous na ito with being late or tardy .

Isang negative connotation na ikinabit sa mga Filipinos na para bang ibig sabihin ay lahat na ng mga Filipino ay laging late sa mga usapan.

I myself , admittedly , ay guilty sa usaping ito .

With my usad-pagong at lakad-suso na pagkilos ay talagang madalas na nale-late ako sa aking mga lakad at gawain .

But there's a welcome respite for all of this .

Ito ay nang i-announce ng DOST ang bagong Filipino Time which is being on time .



At para palitan na ang negative connotation ng Filipino Time ay tatawagin na lamang itong Juan Time na ang katumbas na kahulugan ay ang  pagiging palagiang on time sa mga gawain.

At para ma-synchronize ang lahat ng relo sa sangkapuluan ay bumisita na kayo sa website ng DOST - Philippine Standard Time  at sabay sabay nating i-set  ang ating mga orasan nang sa gayon ay pare-pareho na ang takbo ng ating mga segundo , minuto at oras .
 
This time ay matuto na tayong magpahalaga sa oras dahil ito ay ginto ( Time Is Gold ) at huwag nang aksayahin sa mga walang kapararakang bagay at panahon.

Kaya ngayon Filipino Time is no more . Juan Time is the new Filipino  time .

Monday, October 24, 2011

My 40th Birthday Celebrations

I have turned 40 last September 30 , 2011 .

Status nga ng Facebook ko that day ay " I am 40 now , but I 'm feeling 20 "  he he he.

" Well , ang edad ay nasa feeling lang iyan " , sabi ko nga duon sa message ko sa isang follower . " Kahit pa 60 ka na , kung pakiramdam mo ay 30 ka  pa lang , You'll be " , dagdag ko pa .

Aba at nakaka-apatnapung taon na pala ako dito sa lupa mula nang bumulusok ako mula sa langit . Parang si Lucifer lang : D

Naaalala ko pa na nuong aking 38th birthday ay nagpadala  ako ng letter  kay Migs ng Manila Gay Guy blogsite.

Heto ang letter ko : I'm 38 , Yet I Feel Empty And Worthless

At nai-feature pa iyan sa book niya na Dear Migs  . 

That was two years ago . Very pathetic pa ako nuon . Walang  pag-asa . Walang kasiyahan . Walang nagmamahal .Walang pera he he he .

Hindi naman sa naging mayaman at dumami na ang pera ko ngayon , pero at least mas dumami ang mga kaibigang  nagmamahal sa akin.

Marami pa akong hinihingi at pinapangarap na gustong gawin at matupad .

Pero ang maganda , hindi ako nagmamadali . Hinay hinay lang ang drama ko ngayon . Slowly but surely ikanga !

Hindi pa ako kuntento sa buhay ko ngayon . Ngunit ang maganda , hindi rin ako diskuntento .

At least mas marunong na ako ngayong maghintay at magtiwala .

Manalig at manamplataya na balang araw ay matutupad din ang lahat ng aking mga pinapangarap .

Sa umpisa pa lamang ng araw ay lagare na ang lolah n'yo . Literal yan ha .


Ito ay dahil sa kailangan kong kumpunihin ang kisame ng aking tindahan na nasira ng bagyong Pedring !

Pagdating ng hapon ay gora na kami  ng aking family sa SM Masinag at eat galore sa Giligan's .







Sunday, October 23, 2011

2 year old girl in China got hit by two vehicles and then ignored by pedestrians

May mas malala pa pala kaysa sa mga SM security guards and marshalls na dinedma ang naghihingalong bata na nagbaril sa loob ng kanilang establisimyento.

At ito ay nang lumabas sa Youtube ang video ng isang 2 taong batang babae na nahagip at nasagasaan ng isang sasakyan at pagkatapos ay muling sinagasaan ng isa pang sasakyan subalit hindi tinulungan at dinedma lamang ng mga taong dumaraan.

Talking about ignorant ignorance here.

Delikado pala sa bansang China , dahil kapag naaksidente ka ay walang tutulong sa iyo na maisalba pa ang iyong buhay.

Kanya kanya at walang pakialamanan kasi ang mga tao duon.

Hindi ko na ilalabas ang video dito dahil paniguradong nakita ninyo na ito sa Youtube o sa iba pang mga news site.

Isa pa ay sobrang nakakahilakbot at maselan ang mga eksena sa nasabing  video para ulit - ulitin pa ang panunuod nito.

Para lamang tayong nagdadagdag ng asin sa isang malalang sugat kung gagawin pa nating i - upload ang karumal - dumal na videong ito . Para sa akin , daig pa ng videong ito ang mga nakakadiri at kahindik - hindik na mga massacre , suspense , horror o thriller films man na inyong napanuod sa telon.

Sa halos 18 katao na piniling huwag makialam sa pangyayaring ito , makakarma rin kayo !!!

At sa nag - iisang tao na tumulong upang maisalba ang bata mula sa sinapit na trahedya , mabuhay ka !

Paramihin mo ang iyong lahi nang sa ganun ay madagdagan ang mga taong may malasakit diyan sa iyong bansa!

Saturday, October 22, 2011

Sooo Pinoy True Blogger : Asado Lomo and Halo - Halo

Dalawang bagay lang ang pinupuntahan naming magkakaibigan sa Tondo , Maynila .

Boys and Food .

Sa mga boys , given na iyan . Dahil kami ay isang grupo ng mga baklang naghahanap ng mga boys na magmamahal sa amin at amin din namang mamahalin  in return hi hi hi .

At marami niyan dito sa Tondo .

Ang isa pang dahilan kung bakit lagi naming dinadayo ang Tondo ay dahil sa pagkain . Literal na pagkain kung saan kami mahilig .

Buhay na buhay ang kalakalan at komersyo sa Tondo . Anumang oras ng araw , mula umaga hanggang hating- gabi at madaling araw ay buhay at gising pa rin ang mga tao dito na mistulang hindi na natutulog . Literal na magulo , maingay , matao at masarap ang lugar ng Tondo sa bawat araw na ginawa ng Diyos .

Bagamat negatibo ang imaheng nilikha ng Tondo sa ilang mga tao , kaming magbabarkada ang makapagsasabi na mali ang impresyong iyon sa dakong ito ng Pilipinas  . Kami ang buhay na patunay na masarap bumisita sa Tondo .

Maraming makakainan dito sa Tondo . Nagkalat iyan sa bahaging ito ng Maynila .

Magmula sa maliliit na karinderya at turo turo hanggang sa malalaking restaurant , fastfood at kahit fine dining resto ay meron din dito sa Tondo .

Subalit para sa aming magbabarkada , dalawang kainan lamang ang aming laging pinupuntahan sa lugar na ito .
Ito ay ang Aling Edith's Asado Carinderia at ang Aling Consuelo's Halo - Halo sa Ugbo  .

First stop namin ay ang maliit na carinderia ni Aling Edith na matatagpuan sa kanto ng Varona Street at Romana Steet dito sa Tondo , Manila .

Maliit lang ang puwesto ni Aling Edith subalit palaging dinudumog ito ng mga tao.

Hindi pa kami nakapunta sa tindahang ito na walang taong kumakain . Laging puno at blockbuster ang iilang lamesang nakalatag dito ng mga kostumer na sarap na sarap sa mga putaheng ibinebenta ni Aling Edith .

Ang kaniyang mga putaheng inihahain sa mga nagugutom na kaluluwang dumadayo sa kaniyang puwesto  ay ang Asado Lomo , Lechon Kawali at ang Camto na talagang sobrang linamnam at sarap  .




 Idagdag pa ang manamis-namis na sauce para sa mga ito at ang  atsara na gawa mismo ni Aling Edith.

Maging ang sabaw o soup na kasabay na ihahain sa iyo kasama ng kanin at mga putaheng ito ay paniguradong malasa at masarap na tila ba nag-aanyaya sa lahat na tikman ang kanilang mga putaheng iniaalok para sa mga bisita.

Maging ang mga taong nakapaligid  sa kaniya ay mga buhay na testigo nang masarap na pagkakaluto niya sa  kaniyang mga ulam.

Matapos naming mabusog sa mga putaheng inihain ni Aling Edith sa kaniyang karinderya ay diretso naman kami sa panghimagas .

At para sa aming dessert , wala kaming ibang pinatutunguhan kundi ang Halo - Halo ni Aling Consuelo sa kanto ng Varona at Ugbo Street dito pa rin sa Tondo , Maynila .

Halos tumagal na ng 5 dekada ang tindahang ito ni Aling Consuelo . Patunay na talagang tinatangkilik ang inilalakong Halo - Halo sa Ugbo ni Aling Consuelo.

Halo -halo ang panghimagas na Pinoy na Pinoy ang mga sangkap na inihahalo katulad ng saging , munggo , beans , nata de coco , ube , leche flan , macapuno , pinipig at ang masarap na chocolate syrup na inihahalo dito upang lalong sumarap ang timplada ng popular Filipino dessert na ito.






Idagdag mo pa ang malamig na yelong humahagod sa iyong lalamunan lalo na kapag panahon ng tag - init ay sapat na upang maibsan ang gutom at uhaw na iyong nararamdaman mula sa maghapong pagtataguyod sa ating mga buhay .

Ang nakapagtataka , kahit na malamig na ang ihip ng hangin sa kapaligiran at nanginginig ang iyong laman sa ginaw , marami pa rin ang pumipila at dumadayo sa Halo - Halo ni Aling Consuelo .

Patunay na anytime of the year ay patok at panalo ang dessert na ito ni Aling Consuelo.

Matapos ang pagkain na ito sa dalawang nabanggit na kainan ay solve na kaming magbabarkada at handa na namang muling harapin ang mga hamon ng buhay na busog ang sikmura at maganda ang pakiramdam.

Hindi kami magsasawang balik - balikan ang masarap na mga recipeng Pinoy na ito na patuloy na umuukit ng kasaysayan para sa ating bansa .

Tunay na world class at de -kalibre ang pagkaing mga Pinoy na puwedeng maihanay sa alinmang pinakamasasarap na pagkain sa buong mundo .

At patunay diyan ang mga pagkain sa karinderya ni Aling Edith at ang Halo- Halo ni Aling Consuelo sa Ugbo.

Pagkaing Pinoy , Pagkaing world -class !

Tunay na malasa , masarap at malinamnam!

Truly , Sooo Pinoy !

Friday, October 21, 2011

Happy 2nd Year Blog Anniversay

Click to play this Smilebox newsletter
Create your own newsletter - Powered by Smilebox
Create your own free newsletter


Aba , hindi ko namalayan at naka -dalawang taon na pala ang blogsite na ito ngayong araw  .

Sinimulan ko ang blogsite  na ito nuong October 21, 2009 sa pamamagitan ng isang post na pinamagatan kong Mga talent shows nagsusulputang parang kabute 

Napakasimple ng mga unang entry ko nuon at mayruon pang mga  " words and thoughts to live by " sa bandang ending ng post.

Today , there are exactly 730 blogposts ang nandito sa site and counting . Whew !

Marami na ring nagbago sa blogsite na ito dalawang taon nang una ko itong simulan.

Nagsimula ang isang ideyang magbukas ako ng isang blogsite kung saan ay maglalabas ako ng at least isang post kada araw tungkol sa kahit anong topic o idea na maisipan ko. The idea is one post per day . Bagamat minsan ay natutukso akong maglabas ng more than one post per day dahil sa dami ng mga balita at items na karapat-dapat na talakayin sa bawat araw , I would like to stick to the rule na isang post lang kada araw ang drama .

Dapat ay maiksi lang para madaling basahin ( at isulat na rin ) . Iyon bang isang pasada lang ng mata mo ay tapos na agad at kuha mo na ang buod ng kuwento. Sapagkat aminin man natin o hindi , tamad kasi magbasa ang mga Pinoy ng mga mahahabang akda tulad ng mga nobela kaya iniiksian ko na lang as much as possible . Pero may I confess din ako on my part  na dahil din  minsan ay natatamad me much magsulat ng mga mala-nobelang artikulo kaya mas feel ko ang short story  he he he. Lalo na kung walang bumubulwak na creative pineapple juice  sa aking grey matter at aatakehin ka ng Writer's Block .

Pero , as they say , there's always an exception to the rule . Minsang sinisipag ako ay napapahaba naman like the Nile River ang aking artikulo like this one na siya kong pinakamahabang entry  about  population control na pinamagatan kong  Ang Condom At Ang Simbahan

Minsan ay kailangan mo rin kasing himayin ang issue at marami kang puntong gustong maiparating at maisaad kaya napapahaba marahil ang isang post ko . Pero minsan  lang ito , pramis . kaya huwag kayong mauumay .

Mahirap nuong una dahil halos hindi ko alam kung ano ang ilalabas at susulatin ko sa araw araw.

Minsan cramming talaga dahil  araw araw ang update ko ng blog.

Lalo na nang magkaruon ako ng full time job sa isang call center company sa Commonwealth Avenue , Quezon City .

Puro pictures , songs at video na lang ang naipo-post ko para madalian lang at konting caption at summary lang ang kailangan.

O kaya naman ay repost o reblog ng ibang entry ng ibang mga bloggers para mas madali.

Hindi madali ang mag-maintain ng blogsite  lalo na kung daily ang updates mo sa iyong mga entry . Madugo ang pagri-research at paghahanap ng tamang mga salita na ipapasok mo sa iyong mga posts. Kailangan kasi na credible at mapagkakatiwalaan ang source mo ng mga balita. Dagdag pa ang mga larawang kalakip nito dahil nakakaumay basahin ang isang post na wala man lang mga photo ek ek na kasali . Misan ang bagal pang mag -download ng mga pictyoor .
 
Dadag mo na rin ang mga gastos o expenses mo para dito katulad ng internet connections ,  kuryente sa paggamit mo ng laptop o desktop at minsan ay pagri-rent sa isang computer shop kung kinakailangan na may - i-update sa mga entry mo kapag ikaw ay wala sa bahay o nasa labas ka at naglalamyerda. Eh wala pa naman akong personal tablet he he .   ( Sponsors anyone ? )

Nandiyan din ang minsan ay kailangan mong pumunta at bumiyahe sa isang lugar o destinasyon para lamang mai-cover mo ng maayos at wasto  ang isang topic na gusto mong talakayin at pag-usapan.

Para sa akin , ang pagme-maintain ng isang blog ay isang bokasyon . Kailangan dito ang perseverance  at dedication para magpatuloy ang iyong blogsite .Hindi puwede ang tatamad tamad magsulat at mag-research .

Sa paglipas ng panahon ay natuto na rin akong mag - schedule ng mga posts .

Sa katunayan ay fully booked na nga ang mga scheduled posts ko hanggang December ng taong ito sa dami ng ideang pumapasok sa aking munting kukote na gusto kong i-blog.

Halos hindi ko  na nga alam kung ano ang uunahin ko sa mga ideyang pumapasok sa aking manipis na jutak.

Kapag may mga bagong topic o istorya na nagaganap sa kasalukuyan at karapat - dapat na matalakay , madali ko namang maisisingit in between the scheduled posts ang bagong entry para updated at hindi tayo mahuli sa mga bagong balita. Ang nangyayari ay iuurong ko lang ng date ang mga scheduled posts ko.

Dahil dito ay madami na rin akong nakilalang mga kapwa bloggers  . Bagamat hindi ko pa sila nakikita personally , alam kong may friendship nang nabubuo sa amin dahil sa pagkakaisa ng aming mga layunin .

Maliit lang ang kita sa pagba-blog , hindi kalakihan , at least sa kaso ko . May mga nababalitaan akong mga blogsite na tiba tiba daw kung kumita at talagang limpak limpak ang income na nage-generate ng kanilang mga blogsite . Ngunit  sa aking kaso , hindi ko pa nama-master ng maayos kung paano ito gagawin. Maybe in the near future ay mamamaster ko  rin kung paano paganahin ng husto ang income -generating capacity  ng isang blogsite tulad nito . But for now , nagkakasya muna ako sa barya baryang kita mula dito . Pasasaan ba't I know that time will come na magiging isa ito sa pinaka-binibisita at dinadayong blogsite sa buong mundo , hodevah , makapangarap lang ng gising  . Di bale , libre naman ang mangarap he he .

At least sa ngayon ay kuntento na ako sa kung ano man mayruon ang aking blogsite na unti unti na ring nakikilala. Basta ang gusto ko lamang gawin sa ngayon ay magbahagi at magsulat ng aking mga palagay at opinyon tungkol sa maraming bagay sa ating mundo .

Dahil maraming puwedeng isulat at ikuwento kung marunong ka lamang magmasid sa iyong paligid.

Sa kabilang banda , marami din namang mga perks and benefits na nakukuha mula sa pagba-blog . Tulad ng mga freebies and items na ibinibigay ng mga " sponsors " : D . Nandiyan din ang mga events and activities na inilalaan para sa mga bloggers like me.

Dagdag pa ang pagkakaruon ng mga fans and followers na malaking bonus na para sa amin  .

In the future , maybe middle of next year if time permits , nais kong bumuo ng isang samahan ng mga gay bloggers like me. Yes , you read it right . I want to spearhead a group of  bloggers na ang mga miyembro at coordinators ay puro berde at pink . At mayruon na akong napupusuang anyayahan upang maging founding members and core leaders ng grupong ito. At may  napipili nga akong posibleng maging katuwang sa pagbuo ng grupong ito na sina Bb. Melanie ng Todo Sa Bongga at Ateh Paul ng Pasok Sa Banga. Kaya kung mababasa ninyo ito Ms. Melanie at Ateh Paul ay mag- react na kayo dali  he he he . Huwag kayong mag-alala , next year pa naman ito kaya may panahon pa tayong mag-nilay nilay he he he.

May pangalan na nga akong napipisil para dito  , at ito ay ang Bloggers Exclusive Kafatiran Incorporated ,  in short B.E.K.I. !

Well ,nasa plano pa lang iyan and I hope na sana mag - materialize in the near future.

Dahil din dito ay nagkaruon ako ng chance na manalo sa ilang mga contests na aking sinalihan through blogging like sa Zombadings Free Screening , Dupe Sandals , Cecon atbp. na sobrang nakaka-inspire naman talaga. At may mga iba pa akong contests na sinalihan at sana ay maging winner din me hopefully .

I know that the world wide web of blogging has a lot to offer . Sa mundong ito ay nailalabas ko ang lahat ng gusto kong sabihin at ipaalam sa buong mundo .

This is like a sort of an open diary na nababasa ng mas maraming tao.

Bata pa lamang ako ay ito na ang hilig ko . Ang maipahayag sa madlang pipol ang aking mga sentimyento at kalooban .

Araw araw pa rin tayong magkakasama hanggang sa huling araw na kung saan ay hindi ko na magagawang makapagsulat pa , pramis!

Sana ay huwag kayong magsawa sa pagsubaybay sa aking mga daily B.I.T.E.S. kahit na minsan ay wala nang kuwenta ang aking mga pinagsususulat he he he.

At kung mayruon man kayong nais ipatalakay or any suggestions para mas lalong mapaganda ang site  na ito , feel free to leave your comments sa comment box o i-email ako sa address na  nakalagay sa itaas.

Happy 2nd Year Anniversary sa ating lahat mga ka - B.I.T.E.S.

Sa atin ito at para sa buong mundo .

To God be the glory , Amen !