Friday, September 30, 2011

Happy Birthday To Me ...

Happy , Yippee , Yehey .

Today is my birthday .

I have turned  40 on this day.

Kaya pagbigyan n'yo muna ako .

I would like to take this time for myself .

Wala munang bonggang post  ngayon .

It's gonna be all about me : D.

Picture greetings ko lang muna that says Happy Birthday to me he he he .

Yun na .

Next time na ang mga picz of how did I celebrate my 40th year here on this mother - fucking Earth ....

Weeehhh ...  joke joke joke ....

Of course naman , life on Earth will always be  a bliss .

Greet n'yo naman ako .



Click to play this Smilebox greeting
Create your own greeting - Powered by Smilebox
This digital greeting made with Smilebox



HAPPY BIRTHDAY TO ME !!!

Thursday, September 29, 2011

Barilan sa SM

In the news ang SM lately .

Hindi dahil sa isang midnight sale o event bazaar.

Kundi dahil sa dalawang beses na barilang naganap mismo sa loob ng kanilang malls.

Una ay ang barilang naganap sa SM North EDSA kung saan ay isang babae ang bumaril sa kaniyang mister dahil sa selos at pagkatapos ay sa isang sekyu na nagtangka lamang na umawat sa kaniya .

At ang pangalawa ay ang pamamaril din sa SM Pampanga kung saan ay involve ang dalawang teenage male lovers na edad 13 at 16 na kapwa namatay sa nasabing insidente . Diumano ay selos din ang pinagmulan ng barilan ng dalawang beki lovers na ito na humantong sa kamatayan .



Unang punto:

Sa dalawang magkasunod na pangyayaring ito ay umugong ang tanong kung safe pa ba tayo sa loob ng mga malls natin.


Ito ay sa kabila ng napakaraming security guards and marshalls  na nakapalibot sa mga malls. Ang tanong nga  ay kung paanong nailulusot ng mga simpleng mamamayang tulad nila ang mga baril na pihadong gawa  sa metal kung talagang gumagana nang maayos ang kanilang mga metal detector na pangkapkap?

Ang ikinababahala ko lang ay paano kung mass shooter o namamaril ng maramihan at terorista ang makapagpasok ng mga baril na iyan at siguradong marami ang madadamay !

Kung sa primera klaseng SM ay nangyayari at nakakalusot sa mga guwardiya ang ganitong mga baril , eh di lalo na kaya sa mga pipitsugin at maliliit lang na mga malls. I 'm sure may security lapse sa mga pangyayaring ito .

Pangalawang punto :

Tunay na ipinakikita ng dalawang senaryong ito that jealousy kills !

It's such a green eyed monster na talagang pumapatay at kumikitil ng buhay !


Kapag ang isang  tao  , ke bakla man iyan o straight pa , matino o adik man , basta dinaluyan ng halimaw na emosyon ng  paninibugho , siguradong nauulol at papatay ! Kaya beware of the green eyed monster! Lalo na kung wala namang basehan ang mga pananaghili.

Pangatlong punto :

Ang kaso naman ng dalawang beki bagets lovers na nagbarilan sa loob ng mall ay tunay namang nakababahala. Biglang na-emphasize tuloy ang gender ng dalawa dahil sa kanilang Romeo and Julio ill-fated relationship .Mga bata pa lamang daw ay naglaladlad na ng kapa.

Sa ganang akin , wala namang kaso kung anong edad  magladlad ang isang bakla ng kaniyang sexual preference at sumabak sa pakikipagrelasyon. Hindi rin dapat sisihin ang media sa sinasabing pagpe-play up ng kabaklaan sa entertainment media . Na sinasabing ginagaya at ginagawang role model  daw ng ating mga kabataan. Lahat naman tayo ay may karapatan , bakla man o hindi .

Ang may pagkukulang marahil dito ay ang mga magulang ng mga bata na nagkulang sa tamang paggabay  tungkol sa pakikipagrelasyon . Anu't anuman , choice iyon  ng dalawang bagets kaya hayaan na natin sila sa naging kahantungan ng kanilang pag-iibigan.


Maging leksyon na lang sana sa mga magulang na may mga anak , whether bakla man iyan or straight , at may karelasyon , na tamang paggabay  at pagpatnubay ng mga magulang ang kinakailangan upang matuto silang  lumakad sa tamang direksyon.

Iyon lang at maraming salamat .

Wednesday, September 28, 2011

Powderpuff Gay

Mukhang trend at in fashion ngayon ang maglagay ng pulbo sa fez.

Dati ay mga babae lang ang naglalagay ng pulbo sa kanilang mga mukha in aid of grooming and being beautiful and looking fresh.

Aba , ngayon ay nakakamangha dahil kahit mga berdaderong tunay na mga umbaw ay may I pahid ng powder  sa kanilang feztawel huh .

At hindi lang basta powder , yung iba ay gumagamit pa ng summer cake or  foundation pa talaga ang ipinapahid . Meron namang iba na concealer ang ipinapahid para magmukhang fresh ang kanilang aurabels.

Mga banidosa .

Likas na oily ang aking mukha .

At dahil dito ay madalas akong magka-pimples dahil sa overproduction  ng oil ng aking mga sebaceous glands.

Tila ba nag-oovertime at nagna-night shift pa  kahit wala namang OT pay at night differential ang mga empleyado ko ng mantika sa balat kaya kahit na kakaligo ko pa lang at makalipas lamang ang ilang minuto ay puwede nang magprito ng daing at tocino o longganisa sa aking mukha sa  pamamagitan ng kawali he he he.

Eh may nag-ispluk pa sa akin ng chikang oiliness is next to ugliness daw, oh davah .

Kaya naman ngayon ay join na rin ako sa bandwagon at nakiusong maglagay ng powderaka sa aking mukelya .

Katunayan ay bumili pa ako ng malaking talc powder for my daily and hourly consumption he he he.

Gone are the days na taboo ang paglalagay ng pulbos lalo na sa mga kalalakihan .

Kapag ginawa mo ito nuon ay babansagan kang bakla.

Naalala ko pa  nuong aking kabataan at minsang naglagay ako ng pulbos sa aking mukha at makita ako ng aking tiyuhin ay sabihan akong " para kang babae , nagpupulbo ka "

At nang maispatan naman ako ng aking pinsan na nagpupulbo ay sukat ba namang tinukso ako ng ubod lakas na " ay bakla , nagpupulbo "

Hodevah lang . Sexual discrimination to the highest level hmmmppp.

Pero ngayon , aba , keber na , dahil ang ma-macho at ang guguwapo ng mga kalalakihang nagpupulbo at ang puputi ng mukha na parang White Lady sa Balete Drive ha ha ha ha.

Hmmmm , hindi kaya miyembro din sila ng sangkafatiran ??? Ha ha ha ha.

Ako na, ako na ang Powderpuff  Gay , may angal ????

Tuesday, September 27, 2011

Porque - Maldita

Nakukyutan ako sa song na ito ni Maldita from Zamboanga entitled Porque.

Pinaghalong Tagalog at Chavacano ang lyrics niya.

The song is about lovers heartaches at medyo nagse-senti pa ang kumanta at hindi maka- move on sa break-up sa kaniyang lover. Emo song ba he he .

Nice ang acoustic guitar at ang blending ng voice ng singer.

At ang maganda ay ang tila Hispanic feel ng music na aakalain mong authentic na Spanish ang lyrics , pero Chavacano pala ng Zamboanga Peninsula ang ginamit.

Amazed din ako sa dialect na ito ng mga taga Zambo , kapag marunong ka nito ay para ka na ring true blue Spanish linguist.

Panuorin at pakinggan ang senti song na ito ni Maldita at makisamang mag-emote emote sa kaniya.

Heto ang lyrics at video :


Tulala lang sa’king kwarto
At nagmu-muni-muni
Ang tanong sa’king sarili
Sa’n ako nagkamali
Bakit sa’yo pa nagkagusto
Parang bula ika’y naglaho

Chorus:
Porque contigo yo ya iskuji
Aura mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Ta pidi milagro, vira’l tiempo
El mali hace derecho
Na dimio reso ta pidi yo
Era olvidas yo contigo
Ang lahat ay binigay ko
Ngayon ay sising-sisi
Sobra sobra ang parusa
Di alam kung kaya pa
Wag nang lumapit
At tumawag pa at baka masampal lang kita
Di babalikan
Magsisi ka man
Ako ay lisanin
Porque contigo yo ya iskuji
Aura mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Bakit ikaw pa ang napili
Ngayon ang puso ko ay sawi
Kay simple lang ng aking hiling
Na madama mo rin ang pait at pighati
Sana’y magmilagro
Mabalik ko
Mali ay maiderecho
Pinagdarasal ko sa’king puso
Na mabura na sa isip ko

Monday, September 26, 2011

Jerry Olea

For the nth time ay muli akong i-ninvite ng kaibigang Jerry Olea para sa kaniyang 45th birthday celebration nitong September 21 , 2011 sa kaniyang bahay sa Projetc 6 Quezon City .

Madalas at lagi akong inaanyayahan ni Sir Jerry ( Editor ng Abante -Tonite ) sa tuwing sumasapit ang kaniyang kaarawan subalit hindi ako nakakapunta .

Simula nang makilala ko itong si Jerry na isang humble at mabait na tao ay makailang beses na rin niya akong inanyayahan . Subalit makailang beses din akong tumanggi .

Nuong nasa kahabaan pa ng Araneta Avenue ang kaniyang bahay ay minsan na rin niya akong inimbita .

Ang tutoo ay nanduon na kami ng aking kaibigang si Alex  sa kanilang lugar nuong gabing iyon nang makaramdam kami pareho ng hiya at kaba na tumuloy pa dahil sa dami ng mga bigating bisita na nasilayan ko nuong gabing iyon sa kaniyang balkonahe . Bagong kakilala ko pa lamang kasi siya nuon kaya feeling ko ay baka ma - OP lang  kung tutuloy kami.

Ang ending , nilantakan namin ni Akex  ang regalo sana  naming Red Ribbon para sa kaniya hi hi hi.

At nang sumunod pang mga taon ay lagi na akong may invitation mula kay Sir Jerry sa tuwing sasapit ang anibersaryo ng pagkakadeklara ng Martial Law.

Na hindi ko naman napapaunlakan sa maraming mga kadahilanan.

Subalit nitong nakaraang a-21 ng Setyembre ay hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinikap ko nang makadalo sa piging ng mahal na reyna he he he.

Yakag ang aking kaibigang si Romana , inalis ang hiya at kaba , at piniling makipag-bonding at sosyalan much sa magarbo at impresibong palasyo ni Purity .

Purity ang tawag ko kay Sir Jerry dahil tunay namang busilak at puro ang kaniyang kalooban (sipsip ba Sir Jerry he he ?)

Tubong Lucban ,Quezon , hindi mahirap mahalin ang taong ito dahil sa kaniyang kababaang - loob at likas na mapagmahal sa mga taong kaniyang nakakasalamuha.

Actualy si Sir Jerry ang mentor ko pagdating sa pagsusulat .

Siya ang nagmulat , nagbigay pag-asa at daan upang matuto kong mahalin ang mundo ng pagsusulat.

Kaya naman , taos puso akong nagpapasalamat dahil nakilala ko ang isang Jerry Olea na aking lubos na  pinagpipitaganan.

To Sir Jerry , this is my way of thanking you dahil sa pagtanggap mo sa akin bilang isang kabigan at dahil dito ay umasa ka na patuloy ang aking support  sa iyo at sa iyong pinaglilingkurang diyaryo .

Sana ay ibalik mo na ang iyong Jokes Lang Po column dahil miss na miss na namin ito.

At pumayag ka nang mai-feature kita para sa aking libro he he he .

Happy Birthday ulit Jerry Olea , hanggang sa muli.

Sunday, September 25, 2011

Sex Strike

Sex Strike , meron pala nito .

Sa true lang , ngayon ko lang ito narinig .

Ito'y nang pumutok ang balita tungkol sa isang sex strike na matagumpay na nairaos sa Dado , Maguindanao ng mga kababaihan duon na nag-demand na hindi makikipag-sex sa kanilang mga asawa bilang protesta sa mga tunggaliang nagaganap sa kanilang lugar na nakakaapekto na sa kanilang kabuhayn.

Ayon sa Wikipedia , matanda na pala ang kaugaliang ito at unang nabanggit sa komedya  ni Aristophanes na Lysistrata . At mayruon na ring ilang dokumentong naipalabas na nagpapatunay na isa itong mabisang paraan upang maiparating ang kahilingan sa mapayapang paraan ng mga apektadong indibidwal.

Katunaya'y ilang mga sex strike na ang naidaos at naging matagumpay tulad ng sa Belgium , Colombia , Kenya at Liberia .

Ngayon ay dito naman sa Pilipinas idinaos kung saan isang grupo ng mga kababaihang kabilang sa mga lokal na mananahi dito na labis na naaapektuhan ng mga kabi-kabilaang labanan at tensyon sa ilang mga magkakalabang angkan at lipi sa lugar na ito. Sa pamumuno ni Hasna Kandatu ay naiparating nila ang mensahe sa kanilang mga asawa na itigil na ang mga bakbakan at iringan sa mga magkakaaway na tribo nang sa gayon ay sumigla ang komersyo at kalakalan sa lugar.

Ang kanilang naging mabisang armas , tigil sex at putol titi kung hindi titigilan ang mga bakbakan.

Mas gugustuhin pa daw  nila ang labanan at bakbakan sa kama kaysa giyera sa kalsada .

Mas gusto nila ang buhay na baril na pumapasag - pasag pa at  pumuputok ng likidong  nagbibigay ng buhay kaysa sa mga baril na metal na pumuputok din ng bala pero bumabawi ng buhay . 

Make love na  lang not war ikanga he he .



Aba , at epektib naman ang technique na itech dahil ilang araw na daw na walang nagaganap na mga engkwentro sa bahaging ito ng Mindanao.

Patunay lamang na mas aprub sa mga mister ang sex kaysa war he he he.

Na hindi sila puwedeng mabuhay na walang kangkangan , samantalang mas maalwan ang buhay kung walang bakbakan .

Samanatala .nagbababala din ang mga callboy at callgirl na magsi-sex strike din daw sila .

Ito ay laban daw sa mga barat na kostumer na hindi nagbabayad ng tamang payola  at saka tip .

Ang slogan nila " Bago ibaba ang mga brief at panty , itaas muna ang aming service fee "

 Aba , magdidiyeta muna ako nito sa mga booking he he he.

Heto ang video ng interview kay Hasna Kandatu kaugnay sa kanilang sex strike :

Saturday, September 24, 2011

Teach Me How To Dougie

Hang cool naman   ng bagong dance craze in town entitled Teach Me How To Dougie by Cali Swag District.

It seems everyone know the dance steps .

That even Justine Bieber can't help but sway and swagger to the tune.

Me ?

Nah ...

Can anyone just teach me how to dougie ????

Here is the official video :



And Justine Bieber doing the dougie :




And this panda knows how to dougie too he he he

Friday, September 23, 2011

Urine Therapy

Nabigla ang lahat sa pag-amin ng makakalaban ni Congressman Manny Pacquiao na si Juan Manuel Marquez na umiinom ng kaniyang sariling ihi para daw lumakas sa bawat laban niya .

Heto pa nga ang isang kuhang litrato na nagpapakitang talagang dumi-drink siya ng kadiring sariling urinella.


Ayon sa mga eksperto , ang component ng ihi ay 95% water at 5% na dumi o excretions .

Para naman sa akin , kahit pa 1 % lang na dumi yan , still dumi pa rin , so bakit mo ipapasok sa katawan mo davah ?

Sa ganang akin , kaya nga inilabas na ng katawan mo ay dahil sa ipinalagay ng iyong body na iyan ay hindi na kailangan ng iyong sistema . It is actually a waste material lahat ng bagay na inilalabas ng ating katawan .

Kasama na dito ang pawis , sipon , plema , ubo , suka , tae at iba pa na mga kadumihang iniitsa-pwera  ng ating katawan na maaaring makasira ng ating sistema.

Ang logic lang ay bakit mo pa ipapasok ulit  sa iyong katawan ang mga bagay na inilabas mo na davah?

Ahh , hindi ko maintindihan ang mga ritwal ng ibang mga tao , nakakalokah lang .

Shit  Therapy , anyone ???

Thursday, September 22, 2011

Chalk Art

At dahil repost mode tayo ngayon , itotodo na natin ito to the highest level he he he.

This time ay ninenok ko naman ang mga larawan mula kay  Khantotantra

Una ko itong nakita sa kaniyang blogsite at talagang umelib na ako umpisa pa lang sa mga imaheng ito.

Ito yung Chalk Art na klase ng pagguhit o pagdo-drawing sa kalye na mayruong 3 Dimensional Effect .

Nakakamangha ang paraan ng kanilang pagguhit na talaga namang mapapa- ohhhh at ahhh ka  na lang dahil sa pagkabighani sa ganda nito.

Hindi pa ako nakakakita nito sa personal.

Mistulang sa ibang bansa lamang ito uso at ginagawa dahil malilinis naman ang mga kalye at kalsada duon bukod sa maluluwang pa.

Kapag dito mo iyan gagawin , hindi aprubado .

Dahil bukod sa pagkadudumi na ng ating mga kalsada , tatayuan lang iyan ng basketball court ng ating mga kabataan at gagawing graffiti ng mga adik he he he. Peace po tayo.

Here are the pictures:

Wednesday, September 21, 2011

The Transfarmers and the Transportmers

Another repost this time .

Sa  pagkakataong ito ay nakita at kinuha ko naman mula sa blogsite ng Mga Epal 

Nakaka -amaze din dahil meron pala tayong sariling mga versions ng Transformers .

And this time they are called " The Transfarmers "

Check out kung paano mag-evolve ang isang sorbetero cart , pedicab , kariton , tricycle at bus into a megalomaniac  " Transfarmers "

Here they are :

Si Pedicade para sa pedicab
Karitron para sa kariton ng pakwan
Optibus Prime para sa mga provincial bus
Stice Cream para ice cream cart
Megatrike for the tricycle

And also The Transportmers

Sembreaker for a school bus
Bumblejeep for the ever reliable Philippine jeep
Megatren for the LRT and MRT train coaches
Kagawadzz for the service van ng mga tanod at kagawad 

Boundary para sa boundary hulog na mga tribike
Barricab para sa mga pasaway na taxi

At siyempre hindi mawawala ang Colorum , pati dito meron ha ha ha

Hodevah , there's more than meets the eye he he he .

Enjoy ....

Tuesday, September 20, 2011

Brownbreath Project

Na-sight ko ang mga astigen photo effect na ito sa blogsina ni  Miss Chuni  , the 2nd Princess of the whole Universe he he he .

And with a permission from  Ms .Chuni ay aking ire-repost ang entry na ito tungkol sa Brownbreath Project na itech .

Brownbreath is a Korean clothing company based in Seoul.

Kakabilib kasi ang mga picturakang kanilang na-achieve sa tulong na rin ng  creativity and out of the box thinking tungkol sa kanilang subject.

And with the help of the latest technology in Photography , unkabogable ang mga lumabas na finish products for their mission.

I - share ko lang ang mga pictures at tiyak kong mapapa like like like din kayo ...






At kung paano nila na-achieve ang ganitong effects ? Heto ang self -instruction video ...

Monday, September 19, 2011

PDI LIBRE

Nuong nagtatrabaho pa ako sa isang call center company sa The Fort , lagi akong nakakakuha ng kopya ng Philippine Daily Inquirer LIBRE , ang newspaper tabloid edition ng PDI na available sa mga LRT at MRT stations dito sa Metro Manila.



Pagkagaling sa aking graveyard shift sa trabaho ay dali dali na akong uuwi at pagsakay sa MRT station ay isa ako sa mga unang nakapagtatabi ng kopya nito sa umaga.

Subalit nang mag-resign na ako sa aking kolsenter job ay hindi na ako nakaka-secure nito araw araw.

Mabuti na lang at mayruon pa ding online edition nito kaya updated pa rin ako sa mga reports nito  daily ( except Saturday and Sunday na walang kopya )

Madali akong na-inlove sa bawat pahina ng Inquirer LIBRE . Dahil sa hindi tulad ng ibang mga tabloid na naghuhumiyaw ang kontrobersya , eskandalo , kilabot at hilakbot sa mga balita ; dito sa Libre ay simple at swabe ang mga hagod ng balita kaya nakaka-relax lang na basahin.

Kung kaya naman hanggang dito sa aking blogsite ay hindi kataka-takang mayruon akong link nito para hindi ako mapag-iwanan ng mga balita sa araw - araw.

Nakakatuwang malaman na mayruon pa rin palang mga LIBRE dito sa atin . Ang sabi nga nung isang tindera na pinapalibrehan ko ng isang piraso ng mangga ay " wala nang LIBRE ngayon , lahat may bayad " , ang masungit niyang turan.

Pero heto at LIBRE , walang bayad kahit sentimo.

Pupulutin mo na lang sa bawat istasyon ng MRT at LRT.

Minsan kapag nauubusan ako ng kopya ay iyong mga iniiwang copy na lang ng mga pasahero ang pinagtitiyagaan kong tunghayan.

At kung wala pa rin , online editon ang pinupuntahan ko , LIBRE pa din.

Sabi nga , " The best things in life are LIBRE "

Ito , libreng libre .

Free , gratis , chargeless , on the house , costless.

Sa'n ka pa.

Kaya kuha na , dampot na .

Ikaw rin , baka maubusan ka pa .

LIBRE ito , walang bayad .

Dali , dahil baka bukas mayruon na .

Sunday, September 18, 2011

HBD Father

Today is the 67th birthday celebration of my dearest Father .

Ang bida / kontrabida  sa teleserye ng aking buhay bakla hi hi hi.

Seldom na napi-feature or name-mention man lang sa mga story / blog ko  ang aking Father dearest .

But this time , hayaan nating siya naman ang bida .

By and by ay nai-recount ko na dito sa blogsite ang ilang mga occasions of bouts and fights ( parang boxing lang nina Mayweather at Ortiz he he he  )  between me and my Father .

Ganuon kasi ang relationship namin . Maraming sad and painful encounters ang aming pinagdaanan.  Parang switch ng ilaw , minsan naka - off , minsan naman naka - on .

Of course , lahat ay may kinalaman sa aking pagiging bakla .

Very rare ang happiness and joyous moments with my Father.

Aaminin ko until now ,  I'm still not getting the hang of it when it comes to my Father.

Pero , thank God , dahil at least smooth sailing  na ang paglalayag namin ngayon bilang mag-ama.

At least i can say na mas kalmado ang aming biyahe ngayon kaysa nuon .

Nuon ay talagang rough sailing and oftentimes we are marooned in an island of animosity and oblivion.

Kung sa himpapawid naman , kumbaga ay madalas ang turbulence at air pockets.

Ngayon ay okay na . Hindi man kami ganuon ka - close at ka - sweet sa isa't isa , at least nanduon ang paggalang at respeto sa estado ng aming buhay ngayon.

All is well sabi nga ni Rancho  ng Three Idiots.

At dahil ngayon ay isa na siyang Sitio Chairman , umaapaw ang mga hebigat na bisita sa kaniyang Outpost .

From the Kapitan , to the other Baranggay Chairman and the numerous Kagawads and Baranggay Officials up to the Tanods and Secretaries at mga opisyal ng SK sa aming lugar , aba , level up na ang loloh n'yo.

Ngayon lamang ito nangyari na mga bigating tao ang naging bisita ni Father dear .

Kaya naman , taob din ang lukbutan niya dahil sa dami ng gastos.

Heniwey , ganiyan naman si Father eh , masyadong ma-estima sa kaniyang mga bisita .

HBD Father at sana ay matagal pa tayong magsama in a more harmonious and peaceful way .

Isa lang ang pinapangarap kong matupad sa iyong mga susunod pang kaarawan.

Iyon ay ang matanggap mo na ang anak mo ay isa palang sirena hi hi hi.

Oh well , hindi ka naman marunong mag-open ng internet kaya for sure hindi mo ito mababasa he he he.

Ito na lang ang mga pictures na worthwhile i-share.

Huwag na yung mga photo-ops sa mga opisyales at gabinete ni Chairman , baka sumikat pa

Dito na lang  sa SM Megamall after we treat him for his birthday today :

the Mother , the Nephew and the Father
yours truly , my brother and his wife
takaw ni Chairman he he he
ang sisiba namin he he
ganda mo teh ... ouch ...
uyyy ... close much ??? he he he ... the Chairman and the Charingman
uyy Chairman oh may tinitingnan  yung anak n'yo sa kabilang lamesa he he he