Wednesday, August 31, 2011

Mario Maurer

Ang cute naman ng picture na ito ni Mario Maurer ng Love Of Siam at Crazy Little Thing Called Love fame.

Madami rin palang mga cute na Thai actor hano at isa  na rito itong si Mario Maurer.

Mistula siyang isang kumpletong putahe na masarap papakin at iulam he he he.

Sooo perfect and flawless.

Love the navy-like outfit .

Ganda ng kaniyang face and physique.

He has the curves in all the right places.

Yum yum yum....

And check out the bulge down there .

Award winning ang loloh mo he he he.

At mistulang nakasaludo rin hi hi hi.

Love you na Mario , akin ka na lang please ...


Tuesday, August 30, 2011

James Soriano's article and the other Sorianos

Naging trending topic sa internet ang article ng isang nagngangalang James Soriano entitled " Language, learning, identity, privilege " na lumabas sa Manila Bulletin .

Instant celebrity agad ang 21 year old ADMU student na si James Soriano huh .

Hmmm , mukhang nagiging controversial ngayon ang mga Soriano just like Maricel Soriano na na-involved lately sa pananapak at pananakit diumano ng isang katulong dahil tila yata nasa depression state daw  ngayon itong si Maria/Taray  huh.

At ang isa pang si Paul Soriano na naiinip na daw  sa paghihintay sa pagpapakasal kay Toni Gonzaga he he he.

Idagdag na rin natin ang isa pang Soriano sa katauhan ni Brother Eli Soriano ng Ang Dating Daan na involved naman diumano sa isang kaso ng rape case sa isang miyembro niyang kapwa lalaki din hmmmm. Kaya nga ba nasa Amerika at duon nagre-remote telecast ng kaniyang programa?

Anyway , back to regular programming , balik tayo dito sa  James Soriano article na ito who have joined the bandwagon of controversy , kaya may I read naman me the article online para knows ko kung anong kaguluhan ang idinulot nitong Soriano na itech huh.

At nang mabasa ko ang article , initial reaction ko , wala lang ;  keber , dedma .

Eh kung tutuusin , wala namang masamang sinabi sa artikulo davah .  Tungkol lang naman ito sa paglalahad ng opinyon  ng isang taong lumaki na English ang nalalaman niyang mother tongue at tila ang wikang Flipino ay ginagamit lamang niya bilang alternative sa pakikipag-usap sa mga katulong , tindera , driver at iba pa na nakakasalamuha niya sa labas ng kaniyang mundong ginagalawan.

Kumbaga ang tingin niya sa Filipino ay isang mababang uri ng wika , hindi katulad ng English.

Not the language of  learning , sabi nga niya .

Pero sa kalaunan ay mabilis din naman niyang inamin na " with this comes the realization that I do, in fact, smell worse than a malansang isda. "

At least may redeeming value sa huling bahagi ng kaniyang artikulo sa pamamagitan ng pag-aming  mas malansa pa siya sa pinakamalansang isda he he he.


Sa aking sariling opinyon naman , walang masama kung gumamit o magsalita ka ng English sa kahit anong paraan. English is the universal language . Ito ang ginagamit na lenggwahe para magkaintindihan at magkaunawaan ang magkakaibang mga wika sa buong mundo .

Ngunit para sa akin , hindi ito dapat ang maging mother tongue natin . Na ituturing mo ito bilang iyong pangunahing wika sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan .

Mas mainam pa rin na gamitin mo ang iyong wikang pambansa katulad ng Filipino .

Ang English ay gamitin mo lang bilang medium of communication sa mga taong hindi nakakaunawa ng Filipino.

Huwag mo itong gamitin bilang iyong pangunahing lenggwahe ng pakikipag-ugnayan .

Filipino sa kapwa mo Pilipino , English sa mga dayuhan o banyaga . Ganun lang naman kasimple yun eh .

Eh kaso yung iba , kakausapin mo na sa Filipino , English ka pa  sasagutin , nakakainis lang .

Hindi puro at perpekto ang wikang Filipino . At sa gayon din namang paraan , hindi rin ganun kapuro at kaperpekto ang English na humiram din ng maraming salita sa ibang lenggwahe katulad ng French , Italian , Latin , Chinese , Arabic , Japanese , Spanish ,  German , at maging Tagalog katulad ng boondocks na galing sa salitang bundok .

So walang puwedeng ipagmalaki ang lahat . Bawat lenggwahe o wika  ay may kani - kaniyang unique na katangiang tanging kaniya lamang .

In our case , matuto sana tayong gumamit ng wikang Filipino as our mother tongue , at ang English , sana ay ating gagamitin lamang bilang medium sa pakikipag-talastasan  sa ibang lahi at hindi sa kapwa Pilipino.

Tulad ba ng mga Hapon at Koreano na mas ipinagmamalaki at pinahahalagahan ang kanilang sariling wika kaysa sa dayuhang salita .

Kaya nga ba mas maunlad sila kaysa sa atin?

Yun na !

At any rate , basahin n'yo ang kabuuan ng artikulo ni James Soriano  dito

Monday, August 29, 2011

caption this

Caption this :

Mauuna na ako :

Girl : " Honey , ano bang nangyari sa pututoy mo , bakit biglang nangulubot , nakagat ba ng dikya iyan ? "

Boy : " Ewan ko Honey , bigla na lang naging ganiyan 'yan eh , hindi naman ako na-dikya . Baka starfish ang nakakagat sa akin ah "

Saturday, August 27, 2011

Sino ang pinakamahirap na tao sa buong mundo?

Ang lufet ng quote na ito from a friend , basahin mo :

____________________________________________________________
Ang pinakamahirap na tao sa buong mundo ay ang taong walang pangarap.
.
.

.
.Bakit???
.
.
.Eh kasi , libre na nga lang hindi pa ma-afford. 
_________________________________
Check na check ... at pak na pak!!!

Friday, August 26, 2011

Pre-Launch Australia

May isang tao ang nagpadala sa aking e-mail ng isang link .

At dahil tila safe naman itong i-open ay clinick ko ang nasabing link.

At dinala ako nito sa isang site na nagsasabing ang kumpanyang ito ay magbubukas sa September 15 , 2011 with matching countdown pa .

Binasa ko ang mga nakasulat sa site at pinanuod ang video na nandito at nahinuha kong maaaring ito ay isang MLM company.

Well , dahil sa wala namang mawawala sa akin kung magsasign -up ako , dali dali kong klinick ang Join  button at presto member na ako ng kumpanya.

The site doesn't say anything except on the launching day itself.

All will be revealed on the day itself.

The name of the company is Pre-Launch Australia or something  to that effect.

Aba , nitong last kong i-open ang site ko  ay mayruon na akong 10,000 plus na members under me.

Ang mangyayari kasi ay once na magpa-member ka , ang susunod na mga magpapa - member ay magiging under mo na .

And this is a worldwide company kaya ganun kabilis ang pagdami ng mga sumasali.

Ewan kung anong promise ang i-ooffer nito at anong catch meron ang company na ito by the time it launch on September 15.

But who knows , malay natin kung  totoo nga ang sinasabi nila.

Baka nga naman totoo , eh di napag-iwanan ako kung sakali.

At kung sakali namang scam o isa na  namang panloloko ito sa mga tao , wala pa namang  risks dahil free pa naman sa ngayon ang pagsali.

At any rate , kung gusto ninyong sumali dito ay i-click n'yo lang ang link sa ibaba para mapunta kayo sa site. And from there , watch the video and read and hear everything for you to be able to join.

Huwag nang magpahuli at baka nga ito na ang tutupad sa ating mga pangarap sa buhay.

This time , maging open muna ang mind natin sa alinmang possibilities.

And let the countdown begin.

Heto ang link:

Pre Launch Australia


Thursday, August 25, 2011

Tanduay Ice

Sa tutoto lang ay hindi talaga ako isang certified tomador o tanggero.

Aaminin ko iyan.

Di ko feel ang lasa at amoy ng mga espiritu ng alak at beer .

Madali akong mahilo at masuka dahil dito.

Masyadong mapait ang panlasa  ko sa mga ganitong klase ng  inumin .

Kaya naman siguro hindi ako natutong maging sunog - atay.

Tumitira din naman ako , paisa- isang baso at  pashot -shot nga lang  .

Tapos nun , ayaw ko na .

At kapag nasa  harapan ako ng isang nomo session , ako ay isang dakilang Kung- Fu master.

Kung - fumulutan inuubos ubos.

Kapag nagkakaruon  ng mga gimik o any bonding moments na kailangan ng pampagising at pampatulog na rin at the same time  , San Mig Lights ang inuupakan ko .

Pero lately ay na-discover ko ang humahagod at suwabeng tama ng Tanduay Ice .


Hindi siya lasang alak na mapait at mapakla.

Para lang siyang Sprite o 7-Up o Mountain Dew na inimbak ng ilang araw.

Kaya naman nang makasamang maligo sa isang beach resort , heto na , Tanduay Ice ang aking nakasama.

Hmmmm , mukhang maaat - home ako dito ha .

Masarap kasi ang bawal sabi nila  !!



Tara , tagay tayo !!

Wednesday, August 24, 2011

Kanino mo ito gustong ikabit?


Kanino kaya ito puwedeng ikabit ?

Ako marami akong kakilala na puwede at dapat kabitan nito huh!!!

Chastity lock ang tawag dito para hindi na maka-eksena si Manoy.

Imbes na putol  at mag-ala Lorena Bobbitt ka , ito na lang ang gamitin mo , mas safe pa he he he.

Ikaw kanino mo ito gustong gustong ikabit???

Tuesday, August 23, 2011

BobOng Book Collections

Sa wakas at nakumpleto ko na ang 8 libro ng fave author kong si Bob Ong.

Sa unang aklat pa lamang niyang ABNKKBSNPLAko?! ay napabilib na niya ako at ang maraming mga mambabasang Pilipino.

At sa mga sumunod pang serye ng kaniyang mga anekdota ng pakikipagsalaran sa buhay ay hindi niya  binigo ang sambayanang Pilipino.

Bagamat iba iba ang level o antas ng pagtrato niya sa bawat libro , bawat isa ay may kanya-kanyang kulay at anyo na tipikal sa isang manunulat na Pilipino.

Ang nakakapanghinayang nga lamang ay hindi ako makapagpa- autograph dito kay Bob Ong . Ayaw kasing magpakita at magpakilala sa kaniyang mga fans at taga-suporta who I believe he owes a lot . Pa-mysterious effect , waaahhhh.

At any rate , heto ang mase-sey ko sa bawat libro in one word :


2001 ABNKKBSNPLAko?!  -  asteeeegggg
2002 Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? - witty
2003 Ang Paboritong Libro Ni Hudas - hellish
Alamat Ng Gubat - funny
2005 Stainless Longganisa - instructional
2007 Macarthur - adik
2009 Kapitan Sino -heroic
2010 Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan - creepy


Monday, August 22, 2011

My Fansign

Dahil uso naman ang fansign ngayon , siyempre makikiuso na rin ako he he.

Ito yung piraso ng papel or any  writing materials na may nakasulat na mensahe at ipapahawak mo sa isang tao para litratuhan .

Mas maganda kung ang hahawak ay mga sikat o kilalang tao dahil dagdag pogi points ito at attractive para mas bongga . Angat ka dahil napapayag mong hawakan nila ang fansign mo.

Pero puwede na rin ang mga ordinaryo o mga kakilala at kaibigan na siyang hahawak ng papel basta maganda ang dating at porma.

Eh di ba nga at kahit si Ate Guy ay naging kontrobersyal dahil sa paghawak ng isang fansign na hindi umano awtorisado ng kaniyang mother studio huh!

Kaya ingat sa mga nagpapa- fansign.

Type ko sanang magpa-fansign kay Paris Hilton eh dahil nandito siya sa Maynila lately kaso baka hindi kayanin ng powers ko he he he.

Kaya dito na lang sa dalawang mokong na ito ako nagpa-fansign , keri na debah naman.

Look oh , dito muna kay ate :

At sunod dito kay cute na kuya he he he:

O devah , winnur ang lolah n'yo.

Pa fansign na rin kayo !

Sunday, August 21, 2011

X

Naisip ko , bakit nga ba hindi .

Puwede ko namang i-share sa inyo ang hitsura at hilatsa ng former boyfriend me na si Mark.

Wala namang masama debah .

We've been together for almost three years before we parted way back in 2009.

We have shared memorable and happy moments together for three years .

But sadly , after a series of misunderstandings and fights about " someone " and " something " and " nothing ", we opt to end it all Christmas of  2009 .

That was my saddest Christmas ever.

I languished in pain and tears on that fateful day!

Those three years are full of love and devotions from me.

I know I have given all that is to give.

Literally and figuratively.

On his part , I wanted to think that he had tried to do his best.

But as the saying goes " all good things must come to an end "

After that event, I would like to say that I have already moved on.

The better part is that  we are now the best of friends .

Communication is still open .

And I think we are more better off  simply as friends than lovers.

No attachments .

No regulations.

No rules.

No obligations.

And I'm happy with it.

And contented.

For the record , he is my 4th and last boyfriend.

Sa kanya yung pinakamatagal ko .

And sa kaniya rin marami akong na-invest , emotionally and materially he he he.

Sa kanya ako tutoong nahulog at bumulusok sa pag-ibig.

Tutoo pala ano that when you fall in love , talagang bubulusok ka pababa.

But now it's over and done.

I'm not romantically involved right now.

At sa ngayon , tama na muna para sa akin ito . At kuntento na ako sa kalagayan kong ito .

Ayoko na muna nang isa pang heartache if ever.

So here's a piece of him that I would like to share with you.

Take a glimpse at the image of my ex-boyfriend and now my bestfriend:
He he ... hulaan n'yo na lang kung sino jan har har har ...




Saturday, August 20, 2011

Psychic : An ABS-CBN Special

Watch this special report by ABS-CBN regarding psychic abilities:

" May mga bagay nga pong mahirap paniwalaan dahil wala itong siyentipikong basehan gaya nang ipinakita nating kakayahan ng mga psychic ..... pero may mga bagay din sa mundong ito na hinding hindi naman maipaliwanag ng siyensya , kaya hindi rin naman po tamang isara natin ang ating kaisipan sa abilidad ng mga psychic . Ang mahalaga nga lamang po , marahil , ay gamitin natin ang ating pag-iisip hinggil sa kanilang tunay na intensyon " - Henry Omaga Diaz , program host



OisTyPHo1 by er216ppde




IkiShYPHo2j by er216ppde

Friday, August 19, 2011

" I lost my two i-phones " - Paris Hilton

Ang heredera at milyonaryang si Paris Hilton ay tumapak sa lupa ng mga timawa .

At kalalapag pa lamang ng mga porselanang paa ni Donya Paris sa lupain ng mga aliping namamahay at aliping sagigilid ay heto agad ang unang linya niya :

" I lost my two I- Phones . All of my pictures were there "

At sumalampak siya sa kama niya nang hinang hina at nanlalambot.

Naalala ko tuloy ang isang article na nagsasabing isang palatandaan na nasa Pilipinas ka na kapag :

" nawala ang cellphone mo "



Yun na Paris , kaya ingat , paalala 'yan ni John Lloyd saiyo.

Wednesday, August 17, 2011

Bert and Ernie wants to get married


Usap usapan ngayon sa internet ang petsiyon ng isang grupo para sa Sesame Street upang  ipakasal na daw ang sikat at kilalang pares dito na sina Bert at Ernie .

Diumano ay kailangan nang aminin ng pamunuan ng Sesame Street na parehong bading at may relasyon ang dalawang ito kaya nararapat na silang ikasal.

Ang mga ebidensya : matagal na silang nagli-live in at naninirahan sa iisang bahay , natutulog sila sa iisang kuwarto , sabay silang maligo at lagi silang magkasamang naghaharutan.

Plus : si Bert  ay mahilig sa mga halaman at bulaklak at mga ibon ( pigeons and doves in particular ) samantalang si Ernie naman ay mahilig maglaro ng rubber duckie ( rubber dickie ang totoo he he ) .

Hayyy naku , minsan ang mga kafatiran natin ay wala na sa hulog ang utak , patulan ba naman pati mga cartoon characters , kalokah kayu ha .

Sabi nga ng PBS , wala silang sexuality dahil sila ay mga puppets. And they represent long lasting and beautiful friendships between two persons regardless of any sexual orientation.

Minsan kasi ay naghahanap lang ng karamay ang ating mga kafatid kaya pati sa mundo ng guni-guni ay nandadamay na sila ha ha ha.

Ang puwedeng mga bading at baklushi ay iyong mga mentor , gumawa at umimbento sa kanila dahil na-incorporate nila sa mga  obra nila ang kanilang sariling personality davah.

Naalala ko tuloy na nuong bata pa kami ng aking kapatid ay madalas kaming iparehas kina Bert at Ernie in terms of physical attributions.

Ako daw ay si Bert dahil sa ako'y matangkad na payatot nuon.

At ang aking kapatid ay si Ernie dahil maliit na chubby at cute.

After 4 decades , heto at pareho na kaming sing - dambuhala ni Snafulafagus samantalang ako ay natuluyan nang maging bading katulad ni Bert ha ha ha.

Heniwey highway , marami pang mga cartoon characters daw ang ikinukunsiderang badingarzie at kalahi namin . Heto ang listahan :

1.) Tinky - Winky of Teletubbies - eh di bat ibi-nan na nga  ito sa telebisyon nuon dahil sa pagpo-promote daw ng homesexual undertones sa mga bata. It's because Tinky -Winky wears a purple dress which is the color of gayness , has triangle on his head which symbolizes the same and always carries a purse.


2.) Sebastian The Crab - dapat daw ay lumabas na siya  sa kaniyang shell at mag-out.


3.) Spongebob Squarepants - na malamyang kumilos at mahilig makipag-bonding sa pink na starfish na si Patrick at kay Squid na mahilig sa bubble baths at classical music.


4.) Smurfs - lahat daw ng mga Smurfs ay sirena . Dahil iisa lang ang babae sa kanila , sila sila na daw ang nagyayarian ha ha ha.


5.) Velma Dinkley of Scooby Doo - na isa raw tomboy dahil mahilig magdidikit kay Daphne sa loob ng Mystery Machine at mayruong butch haircut .


6.) Bugs Bunny at Elmer Fudd - look at the pictures na lang mga teh .


7.) Piglet - dahil sa kaniyang pink color .

At marami pang iba .

The list is endless with names like Fred Flintstones and Barney Rubble na laging nagkukulong sa mga kuweba , si Casper na laging naka-foundation  , ang pamhintang si He - Man , ang laging walang salawal na si Winnie The Pooh at mahilig sa honey , ang astig na tomboy na si  Peppermint Patty of Peanuts , ang mala - In The Navy sailor na si  Popeye , ang magaling na mga tuberong sina Mario and Luigi at maging ang dynamic duo na sina  Batman at Robin ay may relasyon din daw !

Naman!

Oo na , kayo na  , kayo na ang mga bading.

Ang lawak ng sakop ng radar  ng imagination natin mga ateng ha ha ha.

Sabi nga ni Bugs Bunny "  What's Up , Dick ? "

Tuesday, August 16, 2011

awkward moment ...

I feel awkward nuong isang gabi .

Nasa isang pagtitipon ako ng grupo ng mga mananambahan , nang biglang may itanong si Pastor.

Ang sabi niya , " sino dito ang mga nasa kabataan pa at wala pang asawa , single ikanga , itaas ang mga  kamay ? "

Hindi ako nagtaas ng kamay.

Sunod na tanong niya , " sino naman dito ang mga matatanda na may asawa't mga anak at maaaring meron na ring mga apo ? "

Hindi pa rin ako nagtaas ng kamay ko .

Sa loob loob ko , " putsa , eh saan ako kagrupo ?? !!"

Pihadong kung mayruong nagmamasid sa akin nuong gabing iyon ay tiyak na magugulumihanan sa akin at ako'y pagtatawanan.

Saang grupo nga ba ako kabilang?

Hindi na ako bata dahil marami na akong uban , napapanot na ang aking buhok  at marami ng pileges at kulubot sa aking balat at mukha .

Pero hindi pa rin naman ako masasabing matanda na  dahil wala pa naman akong asawa at mga anak o kaya'y apo.

Eh ano ako ??!!

Matandang walang asawa at mga anak??

Matanda na pero single pa rin ??

Matandang bakla ??

Yun na , ah ewan !!!

Monday, August 15, 2011

Pinoy Henyo's Mr. Pustiso

This video will surely make your day.

Naging viral na nga ito.

Isang contestant ng Pinoy Henyo  sa Eat Bulaga ang nalaglagan ng pustiso habang naglalaro.

Nakakadiring nakakatawa  ha ha ha . Tanghalian pa naman etu.

Super laff in talaga.

Sumakit tiyan ko nito sa katatawa.

Hindi kasi nagpo-Polident eh para di malaglag ang dentures.
Aba at pangalawa na ito ha after the " pustiso scene " ni Allan K nuon dito rin sa Eat Bulaga .

May anekdota din ako tungkol dito sa pustiso.

Minsang kumain ako ng isang malagkit na kakanin , sukat ba namang sumama yung pustiso ko sa pagkain at muntik ko nang malulon ha ha ha.

Buti na lang at nasamid ako at nabilaukan kaya nailuwa ko in the nick of time ang aking pustiso bago pa man ito lumanding sa aking bituka at sikmura ha ha ha , kalowkah .

At minsan namang nagtu-toothbrush ako ay aksidenteng nahulog ang pustiso ko sa lababo at lumusot sa tubo nito .

Ang ending , nagpulot ako ng pustiso sa  kanal sa labas ng kusina ewwwww , gross , yuckyyyyy!!!!Ako na , ako na ang kadiri hi hi hi hi.

The moral of  the story mag-Polident na ha ha ha.

Watch the video here of Mr. Pustiso and Allan K :




Sunday, August 14, 2011

My cousin Jeneth Briones Borreo has tied the knot with Jonathan Marentes

One of my favorite cousin on my father's side had walked down the pretty aisle last August 06 , 2011 .
Jeneth Briones Borreo exchanged I do's with her long time fiance Jonathan Marentes and became the latters wife at the solemn wedding ceremony held in Saint John Mary Vianney Church located in Marcos Hi-way  Mayamot , Antipolo City.

Jeneth is the eldest of the four children of my Auntie Loring or we fondly called Nene  and Uncle Neth Borreo.

Super bonding time with my cousins , nephews , nieces and uncles and aunties on this glorious day that we've all been waiting for .

This is just one of those rare moments where we all have the time to get together and exchange pleasantries to each and every member of the lovely Briones Clan.

To both of them , my best wishes!

Check out the pictures :


My mother and my beautiful aunties
the bride , the groom and their entourage
my large family
the entourage
mga ninong
the groom and the bride

me and my lovely cousin Grace
ang mga reyna he he ...w ith my mom at the front
the three lovely ladies , este pwera yung naka-dilaw sa lovely  he he he
my cousin Jun Jun , super payat naman ni cuz ... pataba ka he he
my brother Louie with my niece Samantha
my cousins Gil , Allan , Rey and Jun Jun
the hosts , cousins Sandro and Kuya Orly and Maricel
another set of lovely ladies he he he he

Saturday, August 13, 2011

enter the dragon boat team Philippines

Pasok na  pasok sa banga ang Philippine Dragon Boat Team na humakot ng 5 medalyang ginto at 2 silver medal lang naman sa katatapos na 10th International Dragon Boat Federation racing championship event sa Tampa , Florida USA.

But what is ironic ay ayaw kilalanin ng bansang ito ang karangalang kanilang naiuwi sa kadahilanang hindi daw officially recognized ang sports na ito ng Philippine Olympic Committe at Philippine Sports Commission in particular.

At para bang nilagyan pa ng asin ang isang munting sugat , ay ang komento ng Executive Director ng POC na si Col. Jeff Tamayo na diumano'y " dapat nang mag-resign ang mga miyembro ng Dragon Boat Team dahil sila'y matatanda  at ampaw na "

Isang malaking hmmmmpppp!!!

Sino ang  ampaw sa kanila???

Meron bang ampaw na nananalo ng prestihiyosong mga medalya , hindi lang isa kundi pito sa isang international event???

Hoy world record ang hawak nila ano at hindi lang basta basta o putsu putsung award!!!

Saan nakuha ng opisyal na ito ang ganitong klaseng pag-iisip???

Nakakapag-tiim bagang naman itong iresponsableng pahayag na ito ng nabanggit na opisyal , aba'y hindi na nga nakakatulong , magkokomento pa ng mga kabugukan!!!

Mga utak talangka talaga.

Ahhh , dito talaga sa bansang ito , kung sino pa iyong nararapat bigyan ng karangalan ay siyang hindi kinikilala at tila ba tinatapakan at minemenos pa ang kakayahan huh!!

Buti na lang at kinilala rin ni Pnoy ang nagawang ito ng Dragon Boat Team eh kung hindi aba'y mag-istrike ang mga dragon sa Pilipinas .

Ang dapat dito kay Colonel ay paluin ng paddle sa puwet  at  sabitan ng mga tansong medalya sa leeg dahil palyado at dispalinghado  ang mga pahayag.

Nakakangilo ng ngipin ang kanilang asal huh!!!

To Philippine Dragon Boat Team , mabuhay kayo at saludo ang sambayanang Pilipino sa inyo.

Just keep up the good work at huwag intindihin ang mga sablay at walang magawa at masabing mabuti sa kanilang kapwa!!!!

Friday, August 12, 2011

'Di puwedeng sumaya nang mag-isa?

Just a simple thought: 
Hindi ka puwedeng sumaya nang ikaw lang mag-isa.
Parang ganito lang yan eh ...
-
-
-
-
-
-
-
-
Subukan mong kilitiin ang sarili mo , tatawa ka ba?
Uyyy , ginawa nga niya he he he ...

Thursday, August 11, 2011

R U Kidding Me ? contestant

Napili ako para maging isa sa 100 contestants para sa game show ng TV 5 na R U Kidding Me ? Owwss Hindi Nga ? , hosted by no less than Bossing Vic Sotto with sidekicks Jose Manalo and Wally Bayola.

Ang venue ng taping for the said game show which airs every saturday at 8 PM ay sa Broadway Centrum Studio 2 which happened last June 18 , 2011.

Alas 4 ng hapon ang call time kaya mega sugod me to the max sa studio at halos kandarapa sa katatakbo para makahabol .

Marami pang mga technicalities eklavu bago nagsimula ang taping bandang mga alas siyete na yata yun ng gabi.

Ang game proper , magtatanung ng limang questions si Bossing at kung sino ang mga tama ang sagot ay siyang matitira hanggang sa dulo at kung sinong matira mula sa isangdaan ay siyang mag-uuwi ng pot money na 100,000.00

Sa kadulo - duluhan ay nakatapos ako hanggang sa ika-apat na tanong  na hindi ako nae-eliminate .

Bale anim na lamang kami nun na natitira mula sa orihinal na isangdaan.

At umarangkada ang  pang-lima o final  question para sa aming anim.

Ang tanong ay kung sino ang unang Pilipinang na-feature sa Playboy Magazine .

Ang mga choices ay  , A.) Tetchie Agbayani para kay Jose Manalo , B. ) Marissa Delgado para kay Wally Bayola  at C. ) Rosanna Ortiz para kay Bossing Vic Sotto  . Siyempre may kani-kaniyang paliwanag ang mga hosts  tungkol sa kanilang mga sagot .

Aba , hindi naman ako mahilig magbasa o magkolekta man lang  ng Playboy na yan hano kaya clueless talaga  ako sa kung ano ang isasagot ko . Ang paborito ko kasi ay Palygirl he he he.

Pinagpipilian ko sina Tetchie Agbayani at Marissa Delgado .

Actually , alam ko na nag-pose minsan sa Playboy si La Tetcha at naging kontrobersyal pa nga ito dahil hubo't hubad ang posing na ginawa niya sa centerfold ng nasabing men's magazine sa German Edition nito na pag-aari ni Hugh Hefner.

Ang wala akong  kaide- ideya ay kung nag-pose ba dito si Marissa Delgado .

May five minutes na timer .

At dahil magagahol na ako sa tumatakbong minuto , dali dali ko nang pinindot ang sa tingin ko ay ang mas safe na sagot na letter A : para ay Tetchie Agbayani.

As what I 've said , nung oras na iyon ay anim na lamang kaming natitira na naglalaban - laban para sa 100,000.00 na premyo . Kung sinu-sino ang makatamang sagot ay sa kaniya ang pot money na paghahati-hatian ng mga natira . Kung isa lang ang makatamang sagot ay sa kaniya ang buong pot money na 100,000.00

Ang siste , lahat kaming anim ay pumindot at pumili kay la Tetcha bilang aming sagot .

Walang pumili kina Marissa Delgado at Rosanna Ortiz .

At nang i-reveal na ni Bossing ang tamang sagot , which is ......

" B . Marissa Delgado " ay dumagundong ang buong studio sa hiyawan at tilian ng mga contestants.

" Si Marissa Delgado ang unang Pilipina na nakapag-pose sa Playboy Magazine sa American Edition nito at hindi si Tetchie Agbayani , pangalawa lamang siya . At si Rosanna Ortiz , never na nag - pose sa Playboy Magazine " paliwanag ni Bossing .

At dahil walang nakakuha ng pot money na 100,000.00 dahil naubos kaming lahat sa kabuuan ng show , ni-reset ang contest at nakasali ulit ang lahat ng isangdaan para sa pinakahuling question.

Nakatama rin ako ng sagot para dito kaya ang ending winner pa ring umuwi ang lola n'yo with a few money in hand.

Hindi na masama he he .

Aba at nakakarami na rin pala ako ng mga game shows na nasasalihan huh!

Una nga , ay sa isang game portion ng Eat Bulaga kung saan ay nakapag-uwi ako ng consolation prize na humigit kumulang  2,500.00

Sunod ay sa 1 versus 100 ng Channel 2 hosted by Edu Manzano where I go home with nothing he he he.

Sunod ay sa You And Me Against The World ni Gretchen Barretto sa Channel 5 naman  kung saan ay humamig ako ng kulang kulang 16,000.00 bilang papremyo , my biggest winning so far.

And then nasundan ng isa pang guesting sa You And Me Against The World ni La Greta pa rin  kung saan ay nakapag-uwi naman ako ng halos 2,000.00 din.

Sunod ay sa Who Wants To Be A Millionaire ni Bossing Vic Sotto pa rin sa Channel 5 din na kulang kulang 1Kiyaw ang aking naiuwi.

And then sa Pinoy Bingo Night ni Kris Aquino sa Channel 2 na umuwi akong luhaan hu hu hu.

Naulit pa sa Who Wants To Be A Millionaire ni Bossing na consolation ulit na kulang kulang 1K ang nadagdag sa aking wallet.

Tapos ay ito na ngang R U Kidding Me?

Next in line is  Who Wants To Be  A Millionaire sa pangatlong beses naman hi hi hi.

And hopefully , makasali ulit ako sa R U Kidding Me ? sa pangalawang beses .

Aba , ako na ang nawiwili sa mga game shows ha ha ha.

Okay naman kasi ang kitaan dito .

Kumikitang kabuhayan ikanga he he he. With just a minimal investments he he he.

Here's some pictures and the video of  the said show aired on June 23 , 2011 at Channel 5:

parang ewan lang ha ha ha
the studio set
my tag number
the choices keypad
ever smiling face he he he
the three lovable and funny hosts Vic , Jose and Wally
the contestants seating arrangement
kalowkah
the rows




THE VIDEO :