Sunday, July 31, 2011

Pananagutan - Bugoy Drilon

Dahil Linggo ngayon at Araw ng Diyos, type kong ihatag ang classic Filipino gospel song na ito na ni-revive ni Bugoy Drilon .

Swabeng swabe ang himig at swak na swak ang liriko ng klasikong ito tungkol sa pananagutan natin para sa isa't isa.

Aprub na aprub  ang first few lyrics of  this song which goes :

"Walang sinuman ang nabubuhay
Para sa sarili lamang

Walang sinuman ang namamatay
Para sa sarili lamang

Chorus:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa

Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
na kapiling Niya "


Panuorin ang video dito:

Saturday, July 30, 2011

Ducks blown off by the wind

Very funny is this video of mother ducks and her chicks being blown off by the wind .

Aba at 10 million na and counting ang hits ng mga superstar ducks na ito huh .

Makinuod na rin tayo sa video dito at makitawa:


Friday, July 29, 2011

at 27

Mayruon palang grupong kung tawagin ay Club 27 .

Nope hindi po ito grupo ng mga negosyanteng nagpapautang ng 27,000. O ng mga  estudyanteng may mga gradong 2.7 sa kanilang report card . O grupo ng mga bansang tinamaan ng magnitude 2.7 na lindol . O samahan ng mga bakla at tomboy  na nagkaruon na ng 27  mga syota. O ng mga bloggers na may pageviews nang higit sa 27,000 .

Actually , ito ay isang grupong itinatag bilang pag-alaala sa mga musicians and singers na namatay sa edad na 27.

Opo , tungkol sa kamatayan ang grupong ito.

Aba , nakakalula at marami-rami na rin pala ang naging miyembro ng grupong ito.

At ang nakakapagtaka ay karamihan sa kanila ay mula sa mundo ng rock music.

Heto ang ilan sa mga prominente at sikat na napabilang sa grupong ito:

Brian Jones - guitarist and founder ng bandang Rolling Stones . Namatay sa pagkalunod diumano sa swimming pool nuong July 3 , 1969.

Jimi Hendrix - singer and songwriter , namatay dahil sa pagkalunod sa sariling suka matapos uminom ng sleeping pills at alak nuong September 18 , 1970.

Janis Joplin - singer and songwriter , namatay dahil sa heroin overdose nuong October 4, 1970.

Jim Morrison - frontman ng bandang The Doors , namatay dahil sa heart failure nuong July 3 , 1971.

Kurt Cobain - lead singer , guitaritst and songwriter para sa bandang Nirvana , nag - suicide nuong April 5 , 1994 .

At marami pang ibang mga pangalan sa larangan ng musiko ang naisali sa grupong ito katulad nila Louis Chauvin, Robert Johnson, Nat Jaffe, Jesse Belvin, Rudy Lewis, Malcolm Hale, Dickie Pride, Alan ‘Blind Owl’ Wilson, Arlester ‘Dyke’ Christian, Linda Jones, Les Harvey, Ron ‘Pigpen’ McJernan, Ro­ger Lee Durham, Wallace Yohn, Dave A­lexander, Pete Ham, Gary Thain, Cecilia, Helmut Kollen, Chris Bell, Jacob Miller, D. Boon, Alexander Bashlachev, Jean-Michel Basquiat, Pete de Frei­tas, Mia Zapata, Kristen Ptaff, Richey James Edwards, Stretch, Far Pat, Freaky Tah, Sean Patrick McCabe, Rodrigo Bueno, Maria Serrano, Jeremy Michael Ward, Bryan Ottoson, Valentin Elizalde, Orish Grinstead , Lily Tembo at Jonathan Brandis

Lahat sila ang common denominator ay pumanaw sa edad na 27!!

At nitong July 23 , 2011 ay bagong napasama sa listahang  ito ang English singer na si  Amy Winehouse na natagpuang patay sa loob ng kaniyang bahay dahil diumano sa hinihinalang drug overdose.

At dahil na rin sa pagiging sikat at kilala ng club na ito ay marami tuloy ang nagaganyak na gustong mapabilang dito  .

Ayon sa balita , sinadya umano ni Kurt Cobain na kitilin ang kaniyang sariling buhay sa edad na 27 para lamang mapabilang sa grupong ito. Nuong nabubuhay pa umano ito ay lagi niyang nababanggit na gusto niyang mapabilang sa grupong ito. At nangyari nga.

O baka  sa inyo mayruong gustong magpamiyembro ??

Magpalista na  ...





To all those who died at the ripe age of 27 .... may you all Rest In Peace ....

Thursday, July 28, 2011

Insidious

Kung feel ninyong matakot , kabahan at magulat nang bonggang bongga , irerekomenda ko sainyo ang Insidious ni Direk James Wan ng Saw film series fame.

From start to finish ay talagang hindi ka patitigilin nito sa pagtili , pag-igtad sa upuan  at pagmumura ( shit , fuck ) dahil sa gulantang effect ng film na itech.

Epektibo palang manggulat itong Malaysian director na si  James Wan na una kong nagustuhan sa kaniyang Saw film series na tunay namang nakakabaliw ang premise at synopsis ng plot. Idagdag pa ang kadiri factor ng film franchise na ito.

At dito naman sa Insidious ay nakuha na naman niya ang aking bow at paghanga dahil sa epektibo nitong pananakot at pagpapakaba .


Ito ay kuwento ng mag-asawang Renai and Josh Lambert (Rose Byrne and Patrick Wilson) na bagong lipat  sa kanilang bahay . Nagsimula ang insidente ng katatakutan nang aksidenteng mahulog sa hagdan ang kanilang panganay  na anak na si  Dalton (Ty Simpkins) at matapos ay ma-comatose ito .

Simula nuon ay sari-saring insidente na ng paranormal experience ang kanilang naramdaman at naranasan sa loob ng nasabing bahay.

Hanggang sa mag-decide sila na lumipat ng bahay dahil sa paniniwalang haunted house ang nasabing bagong  tahanan nila.

Ngunit nagkakamali sila.

Dahil hindi ang bahay ang sinasaniban ng mga masasamang ispiritu ....

....kundi ang kanila mismong panganay na si Dalton Lambert  .

Insidious is not for the faint of heart!!!

Promise!!!




Wednesday, July 27, 2011

On The Floor - Jennifer Lopez featuring Pitbull

J-Lo scored again with her new hit single On The Floor featuring Pitbull.

It is actually a rehashed and remixed version of the Lambada song made famous in the 90's.

Dance floor fever is catching us all up with this energetic groove from the dance diva herself  J-Lo.

Version nga ni Vice Ganda : " Si Ryan may anghit on the floor "  

Listen and watch the video here:

Tuesday, July 26, 2011

Harold Camping na- stroke

Numero unong echosera talaga itong si Harold Camping ng Family Radio Ministry na base sa California , USA.

Matapos na hindi matupad at mapakong tulad ng turnilyo ang kaniyang sablay na hula hula hoops na end of the world chuva chuva last May 21 , eh ito at nagpalabas na naman ng bagong statement  na maaaring ang naganap daw ay " spiritual judgment " lamang nitong May 21 , 2011.

At diumano , ang " physical rapture " ay magaganap naman sa October 21 , 2011 kasama na ang pagkagunaw ng mundo sa araw ding iyon.

Nagpapalusot pa ampotah!

Waley na ang mga alibi mo ning. Waley na waley.

Kaya naman nitong June 9 , 2011 ay nabalitang na -stroke daw itong si Harold at dahil dito ay hindi na makapagsalita.

Ang bilis lang  ng karma anoh !!!???

Eh kasi naman dahil sa sablay na hula niya nuong May 21 ay marami ang naniwala at ang nangyari ay nagbenta ng kanilang mga ari-arian sa paniniwalang magugunaw na nga ang mundo.

At ngayon ay wala na silang yaman .

Dahil sa paniniwala sa mga pahayag nitong bulaang propeta na si Harold Camping.

Moral of the story : " ang maniwala sa sabi sabi , walang bait sa sarili "

Monday, July 25, 2011

Mga Asong Kalye nanggahasa?

Meron din palang asong kalyeng rapist!

Inakusahang nanggahasa o nang-rape ng isang girl model who goes by the name of Amanda Coling , ang apat sa mga players ng Philippine Azkals Football Team partikular sina Neil Etheridge, Anton del Rosario, Simon Greatwich and Jason Sabio..

Nangyari diumano ang panggagahasa sa bahay ng team manager ng Azkals na si Dan Palami ayon sa report.

Mariin naman itong itinanggi ng mga akusadong papable players ng Azkals .

At dahil diumano sa ulat na ito ay nawalan ng ilang mga raket at endorsements at initsa puwera si Amanda Coling ng ilang advertising engagements niya kaya nagpaplanong magsampa ito ng demanda at patunayan na totoo ang kaniyang mga alegasyon.

Keber at malay natin  kung katotohanan at pawang katoohanan lamang ang sinasabi nitong Amanda na ito sa media .

O nagpapaka-kontrobersyal lang?

Sa kabilang banda , malay din naman natin kung totoo ngang may kamanyakan din pala itong mga miyembro ng Azkals?

Eh kung ako na lang kasi ang nire-reyp nyo , di pa kayo magiging kontrobersyal ha ha ha ha, char.

Well , hindi natin alam kung ano ang totoo .

Piping saksi na lamang ang mga bote ng alak na kanilang tinungga nuong gabing iyon.

Kung makakapagsalita lamang ang mga boteng ito.

Sunday, July 24, 2011

5 Daily Healthy Habits

These are my 5 daily healthy habits that's worth following.

1.) Drink 8 to 10 glasses of water  - mahalaga ang tubig sa  katawan ng tao kaya rekomendado ng maraming mga food analysts  ang uminom ng 8 hanggang 10 baso ng tubig araw araw. Mas malaki ang pangangailangan sa agua ng ating katawan lalo na kapag panahon ng tag-init o summer dahil maraming tubig ang nawawala kapag ganitong panahon.

2.) Have enough sleep of  8 hours  - mahalaga rin ang pahinga at pagtulog sa araw araw upang maka-cope up ang ating katawan mula sa maghapong pagtatrabaho o paggawa. Kung talagang busy- busyhan ka at super aligaga sa dami ng iyong ginagawang kaabalahan sa buhay ; 6 hours of sleep will do. Huwag na huwag kang hindi matutulog ng isang araw kung ayaw mong maging isang  zombie.

3.) Have at least 15 minutes of exercise  - mga 15 minutong pagpapapawis at ehersisyo ay tama na para ma-recharge ang ating katawan . Bukod sa mga body workouts and gym routines , puwede ring i- consider bilang  simpleng ehersisyo ang mga gawain habang papasok ka sa trabaho o opisina at eskwela katulad ng paglalakad kahit malayo pa ang bababaan sa jeep  ,  pag-akyat sa hagdan imbes na  gumamit ng elevator o escalator o kaya naman ay ang pagbubuhat ng mga mabibigat na gamit imbes na ipabuhat o ipadala sa mga assistant o sekretarya.

4.) Eat lots of fruits and vegetables - lantakan  ang mga prutas at gulay na nabubulok lamang sa refrigerator. Dapat hindi mawala sa buong maghapon na hindi ka kakain ng mga ito dahil napatunayang mabisa itong panlaban sa  mga sakit katulad ng kanser . Mas masustansyang di hamak ang mga gulay at prutas kaysa sa mga meat products na kinahuhumalingang kainin ng sambayanan.





5.) and last but not the least , Please evacuate daily - healthy habit ang paglalabas ng sama ng loob o mga dumi sa katawan sa tuwi-tuwina. Dapat ay ugaliin natin ito at gawing daily habit dahil kahit nasusunod mo ang unang 4 na patakaran , bale wala ito kung hindi mo naman nailalabas ng maayos ang mga posibleng lason at dumi sa loob ng iyong katawan.

So ugaliing maglinis from inside out.

Follow these 5 simple steps for you to  acquire a better and healthy lifestyle everyday.

Yun na!

Saturday, July 23, 2011

Oust Pnoy?

Nakakaloka naman itong panawagan ni Navy Colonel Generoso Mariano na patalsikin at pababain sa puwesto  si Pangulong Ninoy Aquino dahil wala daw itong nagagawa para maibsan ang kahirapan ng sambayanang Pilipino.

Mukhang nahirati na sa People Power echos echos itong si colonel kaya't nananawagan na naman ng isang  pag-aalsa?

Ah , basta ako , ayoko na !

Nakakailang People Power na ba tayo , tatlo , apat ?

Lagi na lamang bang ganiyan sa tuwing may hindi tayo nagugustuhan sa isang nakaupong liderato?

Kung tutuusin ay nakakaisang taon pa lang naman si Pangulong Aquino sa posisyon , bubot pa upang husgahan siya sa kaniyang mga ginagawa .

Sa dami ng problema ng ating bayan , hindi madaling masolusyunan agad ito sa isang iglap at agaran.

It will certainly take time.

Walang quick medicine sa paggamot ng sakit ng kahirapan sa bansa na malalim na ang sugat  na nilikha sa sambayanan.

At hindi na kaya ng simpleng antibiotic na amoxicillin  o penicillin lang  dahil nag-mutate na ang virus ng kahirapan into a more stronger strain.

Hindi puwede iyong tapal tapal lamang ng kung anu-anong  mga herbal na dahon.

Kailangan dito ay operasyon na . Dahil impektado na at nagnanaknak.

 And it will take time bago gumaling at maghilom .

It will surely take time.

Kaya itong panawagan ni Colonel , waley at isang malaking boooooooo!

Mag-isa ka na lang colonel , dahil kami ay busy na sa pagtulong sa pamahalaan para umahon kami mismo sa kahirapan. Dito sa bansang ito , walang tutulong sa iyo kundi sarili mo rin.

Kaya kumayod nang husto para hindi maging pabigat sa gobyerno.

At higit  sa lahat , huwag laging iasa sa gobyerno ang pag-asenso . Tayo mismo ang gumawa ng paraan para maakaahon sa kahirapan.

Sabi nga ng Channel 2 " Ako ang simula "

Gets mo???!!!!

Panuorin ang video ng panawagan ek ek  ni Hilda Koronel dito:


Friday, July 22, 2011

Freestylers

Bet ko  rin sa mga grand finalists sa nakaraang Pilipinas Got Talent Season 2 ang nag-number 3 sa listahan na grupong Freestylers.

Hanep at unkabogable ang mga aerial stunts nila and acrobatics.

Talagang lumilipad sa ere so to speak.

At hindi lang iyan  , umi-stop o nag pi- freeze sa hangin ang mga loko huh.

They truly defy gravity.

Tunay na pang - international ang dating.

Perfect and flawless ang mga stunts lalo na sa bandang ending .

At makapigil - hininga ang mga long jumps over the parada ng mga nakayukong dancers.

Ah basta , hindi ko maipaliwanag ng husto sa salita lamang ang mga eksenang nakakawindang sa aking kamalayan.

Panuorin n'yo na lang ang video dito at nang pati kayo ay mapanganga:

Thursday, July 21, 2011

kids for sale on Ebay


Iyan ang headline sa MSN website nuong isang araw .

Ayon sa report , ipi-nost bilang isang sale items ng isang Australian mom sa Ebay ang pangalan at litrato ng kaniyang dalawang anak na isang lalaki at babae na  nag-eedad ng sampu.

At nang siya ay sitahin at usisain ng mga pulis dahil dito ay sinabi niyang   " it's just a joke "

Ha ha ha , joke bang ilagay mo sa isang auction and shopping site ang litrato at impormasyon ng anak mo bilang isang kalakal?

Ano ka praning ?

Eh ang boyfriend ko ibenta ko kaya sa Ebay ?

O sa Sulit.com ?

O sa Amazon.com?

May bibili kaya ?

Mura lang , iba-bargain ko na ha ha ha . 

Kasi gamit na gamit na . Old and already used .

Second hand already.

Ooopppsss!!!

Joke joke joke din lang ....

Eh kasi wala naman akong boyfriend he he he ...

Wednesday, July 20, 2011

BB Gandanghari new photoshoot

Nakakuha tayo ng mga bagong picturaka ng tila nag-mellow down na si BB Gandanghari na ngayon ay nasa Land of Milk and Honey na  via the photo shoot courtesy of Farrah Vlasov na isang fashion photographer sa Tate.

Pinabulaanan ng nasabing photoshoot ang tsika na nagpa-transplant na si BB sa Amerika dahil kitang kita naman dito na hindi pa rin operada ang ating kafatid.

Heto ang mga imahe :



O debah , sunog ang balita!

Kaya Pareng Robin Padilla at Mommy Eva Carino Padilla , relax lang , hindi pa rin mujer si Ate BB he he he.

Tuesday, July 19, 2011

The Love Yourself Project

Nakatanggap ako ng email mula sa kaibigang Migs ng blogsite na Manila Gay Guy asking me to promote the " The Love Yourself Project " which he is spearheading.

Ang proyekto o advocacy na ito ay tungkol sa pagpapalaganap ng awareness ,  information and help para sa mga persons together with their families and loved ones na affected ng sakit na AIDS which according to him is in " terrifying " state na dito sa Pilipinas.

Nabahala naman ako dahil dito.

Very alarming na nga ang paglago at pagdami ng kaso ng sakit na ito na kadalasan ay pinandidirihan at kinatatakutan ng iba na dulot ng kawalan ng sapat na  kaalaman tungkol dito.

Ang proyekto ay upang maipalaganap ang tamang impormasyon at kalaaman patungkol sa katotohanan sa sakit na ito.

Gayundin ay ang  maipalaganap ang pagbibigay pag-asa , pag-aalaga , pagmamahal at pang-unawa sa mga taong kinapitan ng sakit na ito.

Ang sabi sabi ,karamihan daw ng mga tinatamaan nito ay ang mga miyembro ng Ikatlong Lahi. Ang  Sangkabaklaan . Those MSM . Men who have sex with men.

At dito ay kabilang ako.

On my part , I never entertain the idea.

Na baka meron na ako .

................................................
................................................



Ah basta ayoko siyang alalahanin.

At isipin.

Sa ngayon .....


.................................................
.................................................


The only thing I can say  .....

For me and those People Like Us:

1.) Be responsible.Kapag alam mong meron ka na , huwag ka nang mangdamay.

2.) Always practice safe sex kung hindi makapagpigil.

3.) At kung kaya naman , abstinence is still the best defense .

Good luck sa ating lahat.

May God be with us always.

And as Migs have said it " "Ang HIV, wala pa mang gamot, mayroon nang solusyon. Pagmamahal sa sarili, pagmamahal sa kapwa. The first step really is to Love Yourself." - Migs the Manila Gay Guy 

Heto ang site ng project:


The Love Yourself Project



Monday, July 18, 2011

Luneta Park - noon

Paborito naming pasyalan nuong bata pa kami ng aking kapatid ang Luneta Park sa Maynila .

Dito nakatayo ang monumento ni Gat Jose Rizal na ating Pambansang Bayani dahil dito siya binaril nuong December 30 , 1896 na nuon ay kilala pa bilang Bagumbayan.

Naging Luneta Park at ngayon ay kilala na ito bilang Rizal Park.

Maraming atraksyon dito katulad na lang ng mga dancing fountain at ang miniature na replica ng mapa ng Pilipinas , gayundin ang Quirino Grandstand na paboritong pagdausan ng mga oathtaking ng mga naging presidente ng bansa.

Sa patuloy na paghahalungkat ko ng mga vintage pictures namin sa aming lumang baul , napagmasdan ko sa mga ito na   mula nuong aking kamusmusan ay tila hindi pa rin naman nagbabago ang angking kagandahan ng Lunet Park  simula nuon hanggang ngayon.

Kitang kita sa mga pictures kung paano kami naging paboritong bisita ng parkeng ito na sumisimbolo sa bansang Pilipinas.

Ngayon ay bihira na kaming pumasyal dito . Malayo na kasi kami dito.

Hindi katulad nuon na linggo linggo daw ay lagi  kaming namamasyal at nagliliwaliw sa plasang ito.

Heto ang mga nostalgic pictures namin na talaga namang nakaka-miss.

Ako ito huh ... cute ko noh ...


 Umiiyak ako ,bakit kaya? Inagawan ng lollipop?

He he , cute baby ... iniwang mag-isa


Wala akong pakialam sa iyo Mother , basta titingnan ko itong fountain ...

 Kaming dalawa ni Brother , hawak ko ang aking pututoy he he ... makati eh ...

The father , the son and the daughter ... ehek ... son pala he he 

Ganda ng damit at pantalon namin  ni bunso oh ha ...kami daw si Bert and Ernie ng Sesame Street

Kitam , bata pa lang , bonggacious na ha ha ha 

The mother , the son and her unica hija he he he

With our Auntie Sayang and Cousin Weng Weng

Sunday, July 17, 2011

The Family Picture

Ang sarap maghalungkat ng mga old picture sa baul.

At nahalungkat ko rin ang isang rare photo shoot ng aming small family he he he.

Heto : 


O debah ... ang guwapo at macho ni Father , ang ganda at sexy ni Mother , ang cute ni Bunso  at ang beauty ng lolah n'yo he he  he .... oh huwag nang kokontra ...

Saturday, July 16, 2011

Dito Sa Pitong Gatang

Thanks to Kapamilya Blockbusters ng Channel 2 at muli nating nabibisita ang mga good old Tagalog movies of yesteryears.

At nuong isang araw ngang maulan ay napanuod ko ang lumang pelikula ni FPJ na Dito Sa Pitong Gatang .

Pitong Gatang is an actual street located in Tondo ,  Manila.

Nakakatuwa namang panuorin ang pelikulang ito dahil tunay na wala pa ring kupas ang klasikong ito ni Da King.

Napakasimple ng mga pelikula nuon na walang magagarbong mga disenyo kaya nakaka-relax sa mata.

Hindi katulad ngayon na halos  maduduling  ka na sa katititig dahil sa garbo at gara nang makukulay na mga produksyon.

Minsan nakakaumay na rin.

Ang babata pa dito nina Robert Ortega , Harlene Bautista at ang sexy at magandang si Nanette Medved.

Napasin ko lang na halos karamihan sa mga casts ng pelikula ay namayapa na at wala na sa ating tabi tulad ng mismong bida na si FPJ at pati na sina Dencio Padilla , Paquito Diaz , Larry Silva , Max Alvarado , Renato Del Prado , Prospero Luna at ang umawit ng theme song na si Fred Panopio.

Maging ang direktor nito na si Pablo Santiago at scriptwriter na si Pablo S. Gomez ay pawang nagsipaglangoy na rin kasama ng mga isda.

Nakaka - miss din sila.

Mga pelikulang napanuod ko nuong aking kabataan .

Mga pelikulang pinaglumaan na ng panahon.

Mga pelikung nagpapabalik sa ala-ala ng kahapon.

Friday, July 15, 2011

My first crush

Tsikiting pa lamang ako ay mayruon na akong crush na boylet.

Kaya naman sa murang edad ko ay bistado ko nang ako ay isang  sirena hi hi hi.

Sirenang naghahanap ng siyokoy ha ha ha.

As young as grade two ako niyan ha , matuk mo??!!

Siguro mga 8 years old ako nun.

At tandang tanda ko pa ang pangalan ng crush kong iyon na isa kong kaklase sa A .C . Herrera Elementary School sa Barrio Obrero Tondo , Maynila.

Ang pangalan niya ay walang iba kundi : ANGEL

Tama po , ANGEL po ang pangalan niya at tandang tanda ko pa iyan dahil lagi ko siyang ibinibida sa kapatid ko na ang sabi ko ay pagka-cute cute he he he.

Ang aking nag-iisang anghel.

Malandi!!!

Garampingat!!!

Makati!!!

So masisisi n'yo ba ako kung aking masabi na ipinapanganak talaga ang mga bakla ha ha ha .

Gueh , ito at ipapasilip ko sa inyo ang picturaka ng aking first ever crush na si ANGEL.

Heto po ang aming class picture nuong ako ay nasa grade two.

May pagkalabo nga lang dahil sa kalumaan , pero aninag pa rin naman ang hitsura .

At masisilayan n'yo na rin ang aking karakas nuong ako ay namumukadkad  pa lamang na dalaginding he he he.

Heto na:

Oh walang kokontra ha ...

Thursday, July 14, 2011

PCSO - Philippine Car Suppliers Office

Patok na patok sa text ang joke na ito bilang bagong meaning ng PCSO - Philippine Car Suppliers Office.

Bwa ha ha ha ha.

At ang mga sangkot ay ang mga taong simbahan. Na kung makapagsalita akala mo ay holier than thou!

Iyan na nga ba ang sinasabi ko . Nagpapakabango pero malalansa din naman pala.

Parang mga bilasang isdang  na-fishkill!

Eh kung hindi ba naman ang kakapal ng mukha ay manghihingi ng mga luxurious at mamahaling mga  sasakyan para daw sa kanilang parokya. In the guise of para makatulong sa mga mahihirap na kababayan.

Ang mga mahihirap nga dito sa atin ay gamit na gamit na hindi lang ng mga pulitiko kundi pati ba naman  ng mga paring Katoliko??!!

Nakakapangilabot ang laman ng sulat ng mga obispo na humihingi ng regalo para sa kanilang kaarawan na mga mamahaling sasakyan!

Dito lang iyan sa Pilipinas.

Kung talagang gusto ninyong tumulong , kahit kakarag-karag na sasakyan ay puwede na sana.

Mas maganda pa ngang mga jeep  o truck na lang ang hiningi ninyo para mas maraming maisakay at maikakarga kung sakali mang kakailanganin sa pagtulong. Mas mura pa!

Pero por Diyos por Santo , bakit kailangan pang branded at imported ang mga  vehicle na hinihingi ninyo na siguradong mahal ang maintenance at gasolina pati na ang presyo nito.

Ang sososyal at choosy n'yo naman!

Pihadong hindi ninyo rin ito nagagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan ng inyong parishes dahil ayaw ninyo itong magasgasan at madumihan siyempre.

Hayyzzz , mapa - pulitiko , mapa - simbahan , pare - pajero , este pareho ,  na lang ba kayo??!!

Teka , ang alam ko , bawal sa mga religious sector ang manghingi o tumanggap ng limos o abuloy galing sa tinatawag nilang mga sin o vice agencies 'di ba?

Oh Diyos ko , patawarin mo po sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa !

Heto ang kahila-hilakbot na sample letter ( read: arbor ) ng mga MitsuBishop Pajero at Nissan SaPari na iyan para kay Pangulong Arroyo:

Note: mag - antanda muna bago ito basahin:


HER EXCELLENCY GLORIA MACAPAGAL-ARROYO
President, Republic of the Philippines
Malacañang Palace
Manila


Dear Madam President,


I will be celebrating my 66th birthday on March 8, 2009.
I know this will be a precious day and timely occasion to thank the Lord for giving me another year.
After a prayerful discernment and due considerations to the existing crisis phenomenon today.
I have decided not to hold a birthday party.
Instead, I prefer to make use of my birthday as a day with and for myself, and with God.
Having been declared, awarded and honored from your good office as ‘Peace Champion of Caraga’.
I am grateful to God that He has made me an instrument of His peace, especially here in Mindanao.
I know I can do more to promote and work for peace.
It is in this view that I am asking a favor from your Excellency.
At present, I really need a brand-new car, possibly a 4 x 4, which I can use to reach the far-flung areas of Caraga.
I hope you will never fail to give a brand new car which would serve as your birthday gift to me.
For your information, I have with me a 7-year-old car which is not anymore in good running condition.
Therefore, this needs to be replaced very soon.
I am anticipating your favorable response on this regard.

Thank you very much.
Be assured of my constant support and sincerest prayers to your Excellency.

God bless you.


Sincerely,

Most Rev. Juan De Dios Pueblos, D.D.
Bishop of Butuan
P.O. Box 54, 8600 Butuan City

Note: ( Latest update , nag- sorry na ang mga sangkot na bishop sa usaping ito sa pagdinig na isinagawa ng Senado at willing daw sila na isoli ang mga hininging mamahaling sasakyan. Buti naman kung gayon. Dapat lang huh )

Wednesday, July 13, 2011

Pilipinas Got Talent - Larry Tamala - The funny magician

Nakakatuwa naman itong si Mr. Larry Tamala sa ipinamalas niyang audition piece sa Pilipinas Got Talent Season 3 .

Gustong sumunod ni Mr. Tamala sa yapak ni Rico The Magician na nakapasok sa Grand Finals ng PGT Season 2 .

He he he . At least kakaiba ang act na ipinakita niya .

Deliberate magic tricks revelations.

Actually , sinasadya niyang ipakita ang mga loopholes ng magic na ginagawa niya . At dahil dito ay marami ang naaliw sa kaniya . Kaya naman three yeses ang nakuha niya mula sa tatlong PGT judges.

Panuorin ang video dito:



Tuesday, July 12, 2011

Imbestigador - Lalaki binugbog ang asawa

Napanuod ko sa isang episode ng Imbestigador ni Mike Enriquez sa Channel 7 nito lamang July 09 , 2011 ang isang kaso ng pambubugbog ng isang asawang lalaki sa kaniyang asawang babae.

Very graphic ang video ng pambubugbog at pagmamaltrato ng mala-demonyong asawa sa kaniyang misis nang walang kadahi-dahilan.

Mistulang hayup kung ituring ng nasabing mister ang kaniyang asawa na sukat ikamatay na nito dahil sa tindi at walang habas na pananakit ng walang pusong mister.

Ito ay isa lamang sa maraming kaso ng wife -beating o battery dito sa Pilipinas.

Kaya nga  pabor ako sa diborsyo eh dahil nga sa ganitong mga kaso na hindi makaalis ang isang inaabuso o inaagrabyadong partido sa kanilang mga asawa dahil sa bisa ng kasal.

Whereas kung may batas sana ng diborsyo dito sa bansa , ay madali lamang na mahihiwalayan ng mga inaabuso ang kanilang mga asawang nang-aabuso.

Panuorin ang video dito at nang mamulat tayo sa katotohanan:






Monday, July 11, 2011

Ang Malas(a)wang Mga Billboards?

Naghuhumiyaw ang mga hot na billboards na ito ng mga miyembro ng Philippine Volcanoes Rugby team na ikinabit  sa kahabaan ng EDSA sa may Guadalupe na mula naman sa Brench ad.

Naghuhumiyaw ang mga pose at attire mula sa  nasabing mga billboards.

At ilang araw lamang matapos itong ikabit ay binaklas naman ng butihing mayor ng Mandaluyong na si Benhur Abalos dahil daw sa maraming mga reklamong natanggap laban dito.

Malaswa raw at totally offensive sa mata ng mga batang nakakakita at mga  conservatives.

Todo alma naman ang sangkabadingan at ang sangkababaihan dahil sa pangyayaring ito.

Sa ganang akin , wala namang masama sa mga billboards na ito ng Bench.

Mas marami pa ngang iba diyan ang mas malaswa ang pagkakalagay pero hindi naman pinupuna.

And depende naman kasi iyan sa tumitingin.

Kahit balot na balot ang isang imahe na ipapakita sa iyo kung sa isipan mo naman ay tila hinuhubaran mo na ito , waley pa rin.

Whereas kung nakahubad nga at hindi mo naman ito tinitingnan as something na malaswa , wholesome pa rin itong lalabas . just like the nude paintings ng ating mga great artists na hindi ka malilibugan.

It's all in the mind ikanga.

But then again , hindi naman lahat ng tao na dumadaan sa EDSA ay biniyayaan ng artistic eye na nakakakita ng mga detalye sa mga litrato imbes na ang kahubdan  nito.

Hindi rin maipagkakaila na distractions na maituturing  sa ilang mga dumadaan lalo na duon sa may mga dirty and green minds .

Hindi naman kasi lahat nang nakakakita diyan ay pure and innocent ang utak . Mas marami sa hindi ang marurumi ang isipan at imahinasyon lalo na at very suggestive and provocative ang isang shot ng  litrato.

Sa isyu naman ng mga batang nakakakita dito , kaya nga nandiyan ang magulang ay para gabayan sila sa lahat ng uri na kanilang namamasdan kapag sila'y nasa kalsada.

After all , baka hindi ninyo alam ay mas malala pa ang mga binibisita nilang site sa internet kapag sila'y mag-isa at  walang child restrictions ang inyong mga computers.

The bottomline is , gabay pa rin ng magulang ang kinakailangan para sa mga bata.

Ah ewan , basta ako nag -enjoy at ngayon ay nanghihinayang he he he .

Hmmm , di bale dito ko na lang sila sa site ko ikakabit  para at least walang magtatanggal at magbabawal he he he.


( Latest update : pati ang mga billboards and streamers ng ilang mga models and artists na medyo masagwa daw ang pagkakakuha , lalaki o babae man ,  like those wearing in underwears and undergarments ,  ay ipinatanggal na rin ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa EDSA at iba pang mga highways . Dapat lang para walang bias. Labu-labo na 'toh. Damay damay na.   )

Sunday, July 10, 2011

3 IDIOTS


First time kong makapanuod ng isang Bollywood movie and this is  the film  " 3 Idiots " directed by Rajkumar Hirani loosely based on the novel Five Point Someone by Chetan Bhagat.

Tungkol ito sa tatlong magkakaklase sa kolehiyo na bagong salta sa Imperial College of Engineering (ICE) at ang kanilang pakikipagsapalaran sa pag-ibig at pakikipagkaibigan .

Pinangungunahan ng lovable character na si Rancchoddas Shamaldas Chanchad "Rancho" (Aamir Khan) na masyadong matalino para sa kaniyang mga professor , lalo na kay Virus , at maraming mga bagong ideya na  unwelcome para sa mga namumuno. Johnny-come-lately ikanga.

Napakaganda ng pelikula . Pinagsama sama ang mga elemento ng romansa , komedya , drama at abentura sa pagtuturo ng mga makatotohanang aral  at reyalidad ng buhay.

Dahil dito ay maraming aral at leksyon akong natutunan mula sa pelikula.

1.) LIFE IS A RACE - ang buhay ay isang malaking takbuhan at unahan .Tila  ba ang bawat isa ay nakikipag-unahan at nakikipagkompitensya upang palaging maging numero uno sa bawat larangan . Sa umpisa pa lang ay nag-uunahan  na ang mga sperm cells upang siyang unang maka-penetrate sa nag-iisang egg cell upang maging tao.  

2.) PRACTICAL MAKES PERFECT - walang sinuman ang perpekto. Perfection is not about everything. Stop chasing perfection. It will just make you miserable. Dalawa lang ang perpekto sa lahat. Ang taong ang pangalan ay Perfecto . At ang Diyos ! Ikaw hindi . At kailanman  hindi ka magiging perpekto! Mas maiging magpaka-praktikal pagdating sa mga desisyon sa buhay. 

3.) SLOWLY BUT SURELY - huwag magmadali . Huwag magpadala sa mga pressures ng buhay. Mas mainam ang kahit mabagal basta sigurado. Kaysa naman laging nagmamadali at nagka-cram , pero basura ang kalalabasan. Haste makes waste ikanga.

4.) ALL IS WELL - the power of positive thinking . Even in the worst situation , think positive always. Chant that " All Is Well " . Never give up . Because it may turn out well eventually .

Watch this film and imbibe the same good feeling that I have felt while seeing this movie.

Saturday, July 9, 2011

Metropolitan Community Church

Lumelevel- up talaga itong Metropolitan Community Church at nagpapaka- kontrobersyal sa pagkakasal ng mga bakla at tomboy kahit na hindi pa ito legal sa Pilipinas huh.

Kamakailan lamang ay  gumawa na naman ng ingay ang simbahang ito dahil sa pagkakasal ng walong pares ng mga same sex couples sa Baguio.

Ayon sa report , " Pinangunahan ang misa ng apat na pastor na kinabibilangan nina Pastor Edgar Constantino ng Metropolitan Community Churches Makati, Rev. CJ Agbayani ng Metropolitan Community Churches na nakabase sa Quezon City, Rev. Regine Luna mula sa Christian United Church at Pastor Mike Sotero ng Metropolitan Community Churches. "

Nagkaruon na ako ng chance na maka-attend sa isa sa mga service ng MCC group na ito at na-meet ko na ng personal itong si Rev. CJ Agbayani.

Okay naman ang experience na iyon at wala naman akong masasabing masama tungkol sa grupo. It seems napagsasama ng nasabing grupo ang homosexuality at religion in a nice and harmonious  way.

Iyon nga lang marami ang umaalma sa ginagawang ito na pagkakasal ng mga pares na bakla at tomboy ng MCC dahil hindi pa ito ganap na batas dito sa Pilipinas.

Paano kaya iyon , binding siya at kinikilala sa loob ng grupo, pero , lawfully , ay illegal ito di ba?

Hmmm , bahala na nga kayo .

Basta ako di ko feel magpakasal at magpatali sa kahit kaninuman . Kung magsasama kayo habang buhay , magsama na lang kayo . Pwede naman kahit  wala nang basbas ng mga pari at pastor na iyan. Keber na lang yang marriage certificate o blessings na yan

Naalala ko tuloy ang sabi ng pinsan ko tungkol sa kasal. " ang kasal , papel lang 'yan ,  "

Yun na!

Friday, July 8, 2011

Paalam Lizzie Santos

Nabigla  naman ako nang  i- google ko ang pangalan ng aking mentor para sa creative writing na si Lizzie Santos.

Dahil malagim ang entry na bumungad at lumabas  sa aking pagsi-search.

Kaya pala hindi na siya nagre-reply sa mga email ko sa kaniya.

Nang mabasa ko ang librong kaniyang sinulat na " Straight From The Horses Mouth:Mga Idiomatic Expressions sa Ingles at ang Kahulugan sa Pilipino " , dagli kong kinuha ang email ad na nakasaad sa libro upang siya ay sulatan.

Matagal na rin kasi kaming walang communications simula nang matapos ang aming workshop.

Pero wala akong sagot na natanggap.

Akala ko ay busy lamang siya kaya hindi niya nasasagot ang aking mga liham.

Muli ko siyang sinulatan for the second time.

May kasama nang emote at tampo dahil hindi talaga siya sumasagot.

Sabi ko , baka hindi na niya ako kilala o natatandaan bilang naging estudyante niya .


And nag-attempt ulit akong sumulat  for the third time.

Still , wala pa ring reply.

Tampo na talaga ako dahil dedma  ang lola nyo sa akin huh .

I forwarded another email for the fourth time.

Pero wala pa rin.

Hanggang nuong isang gabi nga ay tri-ny kong i-google siya at heto ang tumambad na artikulo  sa akin. Mula sa blogsite ni Randy Valiente na naging kaklase ko rin nuon sa nasabing creative writing wokshop and sessions sa Quezon City Circle . Heto ang artikulo:
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

PAALAM, LIZZIE SANTOS


Malungkot ko pong ibinabalita sa inyo na pumanaw na kaninang madaling araw ang komiks/feature writer at book author na si Lizzie Santos dahil sa lung cancer.

Si Lizzie ay nakapagsulat sa GASI, Atlas at Counterpoint noong buhay pa ang mga publikasyong ito. Naging kasamahan ko siya sa unang writing workshop ng Precious Hearts Romances noong 1995, mula noon ay naging kasama at kaibigan ko na siya sa mga writing gigs hanggang itayo namin ang 1am (No. 1 Artist Movement) noong taong 2000 kasama ang isa pang romance writer na si Michelle Vito.

Nitong mga nakaraang taon ay nag-concentrate na siya sa paggawa ng libro at pagsusulat sa mga writing sites sa internet. Huli kaming nag-collaborate noong 2005 nang ilabas niya ang 'Mga Idiomatic Expressions sa Ingles at Kahulugan nito sa Pilipino' na inilabas ng National Bookstore Publication.

Noong isang linggo ay tumawag pa siya sa akin dahil gusto niyang magkita-kita kami, nagkataon naman na marami akong ginagawa kaya sinabi kong hindi ako makakarating. Hindi niya kasi sinabi na malala na pala ang sakit niya.

Ang labi ni Lizzie ay kasalukuyang nakaburol sa Funeraria Paz sa Araneta Ave.

Paalam, Lizzie. Maraming salamat.

(Ang larawan sa itaas: Lizzie Santos, ako, at pintor na si Dennis Miguel, pagkatapos ng painting exhibit ni Dennis sa CCP noong 2006)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sayang , mabait na  tao pa naman si Mam Lizzie.

At siya ang nag-encourage at  nagturo sa akin kung paano  maging isang malikhaing manunulat.

I will surely miss her.

Paalam Miss Lizzie.

Salamat sa lahat ng itinuro mo sa akin at sa amin!

Thursday, July 7, 2011

SM City Masinag

Nag - open na nitong  may 6 , 2011 ang SM City Masinag na siyang ika - 41st supermall ng SM Prime Holdings ni Mr. Henry Sy .

Ito ang pangalawang SM Mall sa kahabaan ng Marcos Hiway na ang una ay ang SM City Marikina sa may Barangka malapit sa Marikina Riverbanks Commercial Center.







Ito naman ang unang SM Mall sa buong Lungsod ng Antipolo , at pangalawa naman sa buong lalawigan ng Rizal matapos maitayo ang SM Taytay nuong November 09 , 2007.

Malapit lamang ito sa amin at halos dalawang kilometro lang ang layo mula sa aming balay kaya naman wiling wili kaming mamasyal ng aking mga kapamilya dito tuwing may panahong magliwaliw.

Aba at dumarami na ang mga malls at naglalakihang mga commercial establishments dito sa Antipolo City na unti unti  nang nagiging isang progresibong lungsod dahil sa mainam na pamamahala ng aming butihing alkalde na si Mayor Nilo Leyble.

Antabayanan  pa ang pagdating at pag-extend ng LRT station hanggang dito sa Cogeo Antipolo at tuluyan nang magiging kabahagi ng kalungsuran at kabihasnan ng Metro Manila ang aming  lalawigan ng Rizal.

SM City Masinag here we come.