TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, May 31, 2011

Sandugo


Matibay pala talaga itong Sandugo sandals hano.

Akala ko ay sabi sabi lang na matibay daw itong Sandugo , iyon pala ay tutoo!

Maraming beses ko nang naitapak at naituntong sa mga putikan , damuhan , batuhan , ilog , dagat , bundok , burol , talampas , kalsada, gubat , buhanginan , at kung saan saan pang lupalop ay heto at super tibay pa rin ng sandalyas na ito.

Hindi katulad ng Fila sandals na itong aking nabili.

Ilang gamitan lang at halos wala pang dalawang buwan ay nganga na ang dila.

Pudpod na rin ang kaniyang suwelas .

Samantalang sabay ko lang silang binili nitong Sandugo sandals ko.

Ibang klase talaga ang gawang Pinoy hano.

Talagang maaasahan sa tibay at tatag.

Kahit saang lugar mo man dalhin.


Kaya naman bumili ako ulit ng panibagong Sandugo sandals.

Na kailangang kailangan ko sa dami nang aking pinupuntahan.

At pagiging numero unong lakwatsera at rampadora ha ha ha.

Monday, May 30, 2011

Ang LOVE ay parang.....

Ang LOVE parang ngipin
minsan duguan , minsan masakit

Parang utot din yan
minsan nalilihim , minsan bunyag

Pero higit sa lahat
ang LOVE ay parang kulangot

Hindi mo malalaman kung masarap
kung hindi mo titikman!!!

Sunday, May 29, 2011

womanizing Arnie



Aba at numero uno din palang babaero itong si Terminator Arnold Schwarzenegger huh.

Nabunyag ang lihim na pambababae nitong dating gobernador ng California na si Arnold nang sila ay maghiwalay ng kaniyang asawa sa loob ng 25 taon na si Maria Shriver.

Ang dahilan diumano ng hiwalayan ay nang matuklasan ni Maria na may anak sa ibang babae si Arnie - kay Mildred Patricia Baena , na dati rin nilang katulong at kasambahay sa loob ng 20 taon.

Ang lovechild diumano ng dalawa ay nasa 13 taon na at lihim na sinusuportahan ni Mr. Kindergarten Cop.

At ayon sa mga Hollywood chika , bukod kay Baena ay mayruon pang ibang mga kulukadidang o kabit itong si Mr. Universe and Mr. Olympia title holder na ito.

At kung susumahin , it seems na sa halos 25 taon na pagsasama ng mag-asawa ay ganuon din ang taon na nagsasalo naman sa bawal na ligaya itong sina Arnie at si Mildred.

Awww kasakit naman nuon.

Diyata at ang wholesome image ni Terminator ay magiging Exterminator na yata ngayon huh.

Oh well , sabi nga sa isang kanta " you win some , you lose some , it cuts like a knife "

Saturday, May 28, 2011

Still rings true

Nang magbuklat ako ng mga pictures sa aking good ol Friendster account , muling nanariwa ang madaming mga ala-ala.

At isa ito sa nabuksan ko.

The word still rings true up to this days.

My ex.

My lover .

My friend.



Friday, May 27, 2011

P22 COLA?

Mayruon daw magandang regalo si Pnoy para sa mga manggagawa pagkatapos ng Mayo Uno!

At matapos nga ang pagdiriwang ng Araw Ng Mga Manggagawa ay ini-announce  ni Pnoy ang dagdag na pasahod para sa mga obrero.

Php 22.00 COLA o Cost Of Living Allowance.

Kulang ng Php 103.00 sa hinihinging makatwiran na dagdag sahod ng mga labor groups.

At humirit pa ang mga kapitalista na sobrang taas at unfair daw ang 22.00 bilang umento.

O sige , bigyan nyo na lang ng 2.00 ang mga trabahador n'yo ha , abuloy n'yo na lang para sa kanilang kabaong para masaya kayo

Paksyet talaga oh!

Thursday, May 26, 2011

Price Tag

I dig this new song by Jessie J. featuring B.o.B. entitled Price Tag.

Sentimyento ko rin ang nilalaman ng lyrics nito telling us nowadays that it " seems everybody's got a price "

Puro na lang ba pera?

Does money really makes the world go round?

Sabi pa sa lyrics " .....Am I the only one getting tired
Why is everybody so obsessed
Money can't buy us happiness
Can we all slow down and enjoy right now
Guarantee we'll be feeling Alright..."

At sa chorus :

"...It's not about the money, money, money
We don't need your money, money, money
We just wanna make the world dance,
Forget about the Price Tag
Ain't about the (uh) Cha-Ching Cha-Ching.
Aint about the (yeah) Ba-Bling Ba-Bling
Wanna make the world dance,
Forget about the Price Tag...."

Hah.....panoorin n'yo na lang ang video dito at pagod na ako sa puro pera....

Wednesday, May 25, 2011

TRUE COLORS


For the second time ay mga taga Gen San na namang muli ang nanalo sa Showtime 3rd Grand Finals na ginanap muli sa Ynares Sports Center dito sa amin sa Antipolo City.

Ano ba itong Gen San at lahat na yata ng winners ay nag-ipon ipon dito.

Meron na silang world caliber na si Pacman , ang recently crowned Binibining Pilipinas Universe Shamcey Supsup , ang XB Gensan na first time grand winner sa Showtime , at ngayon ay itong True Colors naman.

Hanep ang kanilang acrobatic dance moves huh.

They have a very precise and synchronize movements.

Nakakakilabot ang impact sa dance floor huh.

Gensan , ikaw na ang Land of The Champions ha!

Hurrah for True Colors , deserve ninyo ang panalo.

Hats off ako sa inyo.

Watch the winning video here:

Monday, May 23, 2011

Ang Na Ang Na Sulakihin Somaskidot Moko Moko

Matagal ko nang narinig ang silly magic chant na ito na unang binanggit ni Vic Sotto sa isa niyang pelikula ( Sorry I have forgotten what's the title of the movie )

Pero lately ko lang nalaman na may iba palang kahulugan ito.

Ang magic chant niya ay ito :

" Ang Na Ang Na Sulakihin Somaskidot Moko Moko "

Seems wholesome and meaningless?

Pero heto pala ang tutoong meaning niya:

Ang su so mo
Na la mas ko

Ang ki ki mo
Na hin dot ko



So naughty ka talaga Bossing Vic....

If I remember it right , china-chant niya ito kay Ms. Alice Dixson sa pelikulang iyon.....

Sunday, May 22, 2011

PEKPEK CARENDERIA

This was posted by a friend in Facebook.
Kakatuwa.
Read on....



THIS WAS POSTED IN ONE RESTAURANT NEAR NAIA AIRPORT,
so, maybe next time you are around the area, you may
as well dine-in there, and check out their menu; AS
YOU GO ON, IT'S BECOMING INTERESTING AND MORE
FLAVORFUL!!! (this is based on true facts...)

1. TAPSILOG - Tapa, Sinangag, Itlog

2. LONGSILOG - Longganisa, Sinangag, Itlog

3. HOTSILOG - Hotdog, Sinangag, Itlog

4. PORKSILOG - Pork, Sinangag, Itlog

5. CHICKSILOG - Chicken, Sinangag Itlog

6. AZUCARERA - Adobong Aso

7. LUGLOG - Lugaw, Itlog

8. PAKAPLOG - Pandesal, Kape, Itlog

9. KALOG - Kanin, Itlog

10. PAKALOG - Pandesal, Kanin, Itlog

11. MAALOG NA BETLOG - Maalat na Itlog, Pakbet, Itlog

12. BAHAW - Bakang Inihaw (akala ninyo kaning lamig
ano)

13. KALKAL - Kalderetang Kalabaw

14. HIMAS - Hipon Malasado

15. HIMAS SUSO - Hipon Malasado, Sugpo, Keso

16. HIMAS PEKPEK - Hipon Malasado, Kropek, Pinekpekan

17. PEKPEK MONG MALAKI - Kropek, Pinekpekan, Monggo,
Malasado, Laing, Kilawin

18. DILA - Dinuguan, Laing

19. DILAAN MO - Dinuguan, Laing, Dalandan, Molo

20. BOKA BOKA - Bopis, Kanin, Bokayo, Kape

21. BOKA BOKA MO PA - Bopis, Kanin, Bokayo, Kape,
Molong Pancit

22. KANTOT - Kanin, Tortang Talong

23. KANTOT PA - Kanin, Tortang Talong, Pancit

24. SIGE KANTOT PA - Sinigang na Pige, Kanin, Tortang
Talong, Pancit
25. SIGE KANTOT PA IBAON MO - Sinigang na Pige, Kanin,
Tortang Talong, Pancit - Take out

26. SIGE KANTOT PA HA - Sinigang na Pige, Kanin,
Tortang Talong, Pancit, Halo-halo

27. SIGE KANTOT PAIBAON MO PAPA - Sinigang na Pige,
Kanin, Tortang Talong, Pancit... Take out with Ketchup

28. PAKANTOT - Pandesal, Kanin, Tortang Talong

29. PAPAKANTOT - Papaitan, Kanin, Tortang Talong

30. PAPAKANTOT KA BA - Papaitan, Kanin, Tortang
Talong, Kapeng Barako

31. PAKANTOT SA YO - Pandesal, Kanin, Tortang Talong,
Saging + Yosi

32. PAKANTOT KA - Pandesal, Kanin, Tortang Talong,
Kape

33. PAKANTOT KA HABANG MATIGAS PA - Pandesal, Kanin,
Tortang Talong, Kape, Inihaw na Bangus, Maruya,
Tinola, Ginisang Aso, Pancit

34. SUBO - Sugpo, Bopis

35. SUBO MO - Sugpo, Bopis, Molo

36. SUBO MO PA - Sugpo, Bopis, Molo, Pancit

37. SUBO MO PA MAIGE - Sugpo, Bopis, Molo, Mais, Pige

38. SUBO MO TITE KO - Sugpo, Bopis, Tinola, Teryaki,
Kochinta

39. SUBO MO TITE KO BILIS - Sugpo, Bopis, Tinola
Teryaki, Kochinta, Bihon, Tawilis

40. SUBO MO TITE KO BILIS, HAYOP! - ...same as #39,
minura mo lang yung waiter kasi ang tagal ng order.

NOW, YOU BELIEVE, FILIPINO CUISINE MENUS CAN BE SO
APPETIZING, SERVE WITH SIZZLING LIBIDO... ENJOY YOUR
MEAL, BON APPETITI!!!

Saturday, May 21, 2011

May 21 ...Judgement Day



Ngayon daw ang katapusan o Judgement Day ng mundo ayon sa isang fundamentalist group na nagpapatawag sa pangalang Family Radio na nag-iikot sa maraming lansangan dito sa Metro Manila.

Tingnan nga natin .

Pupusta ako ng libo libo at hindi na naman ito mangyayari.

Palpak.

Ilan na ba ang humulang magwawakas daw ang mundo sa ganito at ganuong araw.

Nangyari ba ang kinatatakutan ng marami???

May natupad ba sa mga hula hoop nila???

Kung magwawakas na ang mundo ngayon , pang-huling entry ko na ito dito sa Daily B.I.T.E.S.

At kung hindi naman , aba , may entry pa ulit ako bukas dear readers he he he.

Ha ha ha ha , kaloka talaga ang mundo.

Ang daming sira - ulo ha ha ha ha ha ha ha.

Sarap tumawa hano...

Friday, May 20, 2011

The Cat Killing Blogger


Nasentensyahan ang blogger na si Joseph Carlo Candare dahil sa pagba-blog nito sa kaniyang Multiply site nang tungkol sa pagpatay niya sa isang munting pusa sa loob ng UP Campus.

This is the first time na mahatulan ang isang blogger dahil sa ipi-nost niyang entry tungkol sa makahayup niyang pagpatay sa isang - - hayop.

I have secured a copy of the said blogpost ( which he had already deleted ) so you can read on how he had described the barbaric act in his own words:
________________________________________________________________
" … On our way out of old NIP I saw the cat I almost killed last Tuesday. Now everyone knows I hate cats. It’s an unexplainable feeling towards them. Like some internal hatred. Hindi ko talaga alam kung bakit pero anumang pagpipigil sa sarili ay hindi sapat upang mapangibabawan ang panggigil ko sa mga pusa (I don’t know why but whenever I try to stop myself, I really can’t because I get a kick out of doing these things to cats). I pulled it on its tail and threw it. Then like some pro wrestler I jumped on it and my feet landed on it’s torso. Slam! Felt good! But the cat 

didn’t die, well not yet. It ran for it’s life and just as I was about to catch up on it somebod yelled: “Pwede bang pabayaan mo yung pusa?!” (Can you just leave the cat alone?). It was 
instant and involuntary. I stopped on my tracks. Nobody ever stopped me when assaulting cats. Well I guess there’s always a first time for everything. The cat got away. Or at least that’s what i thought. So we went to lunch Mel, Jayson, Tracy and me. After lunch, balik na sa kung anumang naiwang gawain (we just went back to do whatever we needed to do). Then Tracy and Mel told me ” Hui Jc napatay mo yung pusa” (Hey JC, I think you just killed the cat). Hours later, habang abala sa XRD, a guy came in. Tanong niya: “Sinong pumatay dun sa pusa?” (Who killed the cat??) Bang! Dat was me boi. Guilty as charged. I didn’t see it die pero sabi ni Myles it coughed up blood or at least something like that daw. Didn’t realize I gave it a fatal hit. This isn’t the first time I’ve killed a cat but this time it’s different. It didn’t occur to me back then that the cat had a leash. So I think somebody owns it. Well it’s very well loved in NIP from what I heard and I just ended it’s life. So there you go I’m sorry. And I wont be striking another one for maybe about a month. It feels good when your beating it(a cat) up but you suddenly feel something strange when it turns off permanently. That’s how I feel right now. And maybe for the next days. Dang, am I a cat serial killer"
 _________________________________________________________

There you go , the cat serial killer in his bloody own words.

Hayun nasentensyahan tuloy ang mama ng community service sa loob ng isang shelter for animals.

Ako , aaminin ko rin na minsan ay naging guilty ako sa pagpatay ng isang pusa.

Oooppss , bago kayo magsampa ng demanda sa akin at ihain ang kasong act of brutality to an animal - nangyari po ito way way back when I was young .

Actually ako siguro ay mga 8 years old nuon.

Hinagis , ibinalibag , nilunod sa tubig - hanggang sa tuluyang malagutan ng hininga ang pobreng pusa.

Ewan , trip lang siguro ng isang batang tulad ko nuon.

Wala naman akong kamalay malay na krimen na pala ang ginawa ko.

Kung hindi nga lumabas ang istoryang ito ay hindi ko maaalala ang nasabing insidente.

But of course, iba na ngayon .

Love ko na ang mga hayop.

Especially ang mga pusa .

Heto nga at mayruon akong mga entry about cats dito sa blogsite ko.

And check these pictures of me with my love cats he he he.

Sorry sa munting kuting na iyon na aking napagtripan nuong aking kamusmusan.

Babawi na lang ako ngayon sa inyo .

Sa pamamagitan ng pagbibigay halaga at pagmamahal sa sangkapusaan!

Basta huwag lang yung ibang pussy ha.

Ayoko dun he he he.

Thursday, May 19, 2011

Bye bye Friendster


Aba mag-bababye na pala itong Friendster simula sa May 31 ng taong ito huh.

Actually hindi naman daw talaga siya magsasara ng tuluyan kundi magpapalit lang ng status na ginagawa nito. Kung dati ay isa siyang social networking website , pagkatapos ng may 31 ay magiging isa na lamang siyang entertainment portal nagki-cater more on sa music and entertainment industry.

Ayon sa pamunuan ng website ay mawawala o mabubura ang mga profiles, blogs , pictures at mga comments na nasa files nito pagkatapos ng May 31.

Kaya pinapayuhan ang lahat na ilipat o itransfer sa alinmang mga saving tools and devices ang mga mahahalaga at memorable na mga files nila na nasa Friendster pa.

Kaya nga ako todo transfer na ang ginagawa ko sa mga souvenir pictures na nai-upload ko saFriendster nuon pa .

Friendster ang unang social networking website na sinalihan ko simula nuong matuto akong sumali o mag-join sa mga ito.

At nahumaling ako nuon sa FS na ito simula nuon dahil marami akong nakilala at nalamang mga kabaliwan dahil dito.

Marami din akong nai-upload na files at pictures dito sa FS.

Karamihan ay nasa private lists na hindi puwedeng i-view he he .

Isa pa sa kagandahan sa Friendster ay meron itong Who's Viewed Me icon na nagpapakita sa iyo kung sino ang mga bumibisita at sumisilip sa iyong profile . Kaya naman alam ko kung sinu-sino ang mga namboboso sa profile ko.

At kapag type ko kung sino ang mamboboso , ia-add ko siya with matching private message he he he.

Bagay na wala sa bagong kinahuhumalingan ngayong Facebook.

Nang matuto akong mag- Facebook, di ko na rin nabibisita ang FS account ko na siyang dati kong numero unong binubuksan once na pumalaot ako sa mundo ng world wide web.

Pero ngayon nga ay madalang ko na rin itong bisitahin dahil kay FB na merong live chat service .

Well, ang sabi nga , all things must come to an end, kaya siguro ito na ang panahon ng FS para magpaalam at magpahinga. At least ang social networking side nito.

Thank you for all the memories and happiness that you've shared with us.

All things come and go , and I guess this is the junction of leaving the highway of competition .

Wednesday, May 18, 2011

Milyonaryo na , mahirap pa rin daw!

Natatawa naman ako sa ulat ng isang telebisyon tungkol sa mga Mayayaman at Mahihirap diumanong mga Senador daw kuno.

Lumabas na kasi ang taunang Statement of Assets , Liabilities and Networth ( SALN ) at nanguna sa listahan bilang pinakamayamang Senador si Manny Villar na may kabuuang networth na umaabot sa P725,221,969 lang naman.

At sabi sa repot ay ang " pinaka- mahirap " naman daw ay si Senator Antonio Trillanes na may P3.83 milyon na ari- arian.

Aba , mahirap pa ba yun???!!!!

Hinayupak na anak ng bakang manok , kung yan ang mahirap , aba'y wala nang mayaman sa Pilipinas huh!!!

Milyonaryo na ay tatawagin pang mahirap pa rin daw.

Baka naman ang akmang salita o parirala para dito ay " ang mas konti ang kayamanan at milyones ....".

Puwede pa ha ha ha.

Pero ang sabihin mong mahirap iyan .......!@#$%%^&&((())_||+|++=\!!!

Aba'y ayusin nyo ang paggamit nyo ng salita huh para hindi nakakapikon!

Tuesday, May 17, 2011

Robot na ayaw sa sinungaling

Bumili ang isang milyonaryong negosyante ng lie detector robot.

Sinasampal ng robot ang mga taong nagsisinungaling.

Iniuwi ng milyonaryo ang robot.

Sa hapunan ng pamil­ya, katabi ng mil­yonaryo ang robot.

Tinanong ng milyonaryo ang anak na lalaki, “Junior, nasaan ka kanina during school hours?”

“Sa school,” sagot ng anak.

Sinampal agad ng robot si Junior.

“Ok, nagsinungaling ako, nasa internet station ako. Nanood ako ng cartoons,” sabi ng anak.

Sinampal muli ng robot si Junior.

“Ok. Porno ang pinanood ko.”

Sabi ng milyonaryo, “Noong kaedad mo ako, hindi ko pa alam kung ano ang porno…”

Sinampal ng robot ang milyonaryo.

Humirit si misis, “Hon, patawarin mo na si Junior. After all, he’s your son.”

Sinampal ng robot si misis.

Monday, May 16, 2011

Justice for Christian Serrano


Sa wakas ay sumuko na sa mga alagad ng batas ang kapwa nila mga alagad din ng batas na mga suspek sa pamamaril ng isang 13 anyos na batang si Christian Serrano na nangangalakal lamang ng basura sa isang abandonadong gusali sa Makati City.

Ang nasabing tatlong pulis ay sina P/Chief Insp. Angelo Germinal, PO3 Robert Rinion at PO1 Nicolas Apostol Jr.

Kawawa naman ang sinapit ng nasabing bata na nais lamang na makapulot ng mga basurang maaaring pagkaperahan upang maipantawid-gutom sa buong maghapon kasama ng kaniyang pamilya.

Subalit sa hindi ko maubos maisip na dahilan ay nagawang barilin ng tatlong pulis pa mandin na ito.

Hindi ko magawang limiin kung anong nagawang pagkakasala ng musmos na ito at nagawa ng mga hinayupak na kalawang na ito sa lipunan na barilin ang nasabing bata.

Wala man lang kaabug-abog na mamamaril ka ng isang bata na para kang nakakita ng daga na humahalukay sa isang basurahan.

Eh kung ang daga nga ay hindi natin basta basta binabaril eh , ito pa kayang bata na I'm sure ay hindi naman isang malaking threat para sa mga kagaw na pulis patolang ito.

Walang kalaban-laban ang paslit sa mga damatan na itong hindi marunong magpatupad ng batas.

Isa lang ang hiling ko: BITAY AGAD!!!

At para sa pamilya ng mga pulis na ito , nawa ay hindi ito maranasan ng inyong mga anak hmmmppp!!!

Sunday, May 15, 2011

The Homecoming - Hagood Hardy

Here is Hagood Hardy's classic masterpiece for this Sunday's celebration.

Be Praise unto Him!

Saturday, May 14, 2011

Family Day at El Pollo Loco

Birthday treat of my cousin Evelyn Alano last April 30 .

At bilang kaniyang treat sa amin kaya napadalaw kami sa El Pollo Loco at SM Megamall on May 1 Labor Day.

Pig out eating na naman ito .

Check out the pictures:

















Thursday, May 12, 2011

Obama killed Osama


Aba at napatay na pala itong kinatatakutang lider ng Al - Qaeda movement na si Osama bin Laden sa kaniyang pinagtataguang lungga o kuta sa Afghanistan.

Buti naman.

At least nabawasan ng isang demonyo dito sa lupa huh.

Aba at mistulang isang worldwide celebration ang naganap matapos lumabas ang balita kaugnay ng pagkakapatay dito kay Osama huh.

How ironic na overjoyed at nagpa-victory party pa ang marami dahil sa isang namatay na tao.

Kakaiba naman ano.

Mas masaya pa nuong namatay siya he he he.

Dapat lang naman para sa isang taong pumatay ng libo libo hindi lamang sa Amerika kundi sa iba't ibang panig pa ng mundo.

Ang ganitong mga tao nga naman ay hindi na hinahayaang mabuhay pa.

Dahil mas lalo lamang maligalig ang daigdig kung sila ay nabubuhay.

They're better dead than living ikanga.

At ang kredito ay napunta kay Obama.

Dagdag pogi points naman ito kay Barak.

Obama killed Osama oh dibah!

Hala , let us start celebrating and partying .

Isunod nyo na ang number two man ng Al -Qaeda at posibleng pumalit kay bin Laden na si Ayman al-Zawahiri

Let the hunting begin:


Tuesday, May 10, 2011

Monday, May 9, 2011

Once again Congressman Pacquiao did it....

And he did it again!

Ano pa bang expectation mo sa number one pound for pound king in the whole wide world.

Aba at kahit si Paris Hilton ay fan na ni Manny Pacquiao huh!

Truly he is the number one export natin abroad.

Wala na yatang gustong lumaban pa kay Manny dahil dito.

Natatakot na lahat kay Pacman dahil lalamunin sila ng buo nito much like in the computer game.

Kahit ang maangas na si Mayweather ha ha ha .

This picture speaks for itself.


Congratulations once again Congressman Manny Pacquiao.

You're simply the best....

At dahil diyan ay dedicated ko ang kantang ito especially for him....

Sing to the tune of Price Tag....

"....It's all about Manny , Manny , Manny

Who's got a lot of money money money

Pati na rin si Jinkee

At ang kaniyang Mommy

Natalo niya si Mosley, Mosley

Pati si Dela Hoya , Hoya

Kaya winner si Jinkee

Pati si Aling Diony...."

Sunday, May 8, 2011

Santo Karol Wojtyla


Usap usapan ang paghirang sa dating Papa Juan Paolo II upang maging Santo dahil sa beatification na naganap nitong Mayo 1, 2011 sa Rome, Italy.

Ang Beatification ang 2nd to the last step bago hirangin o kilalaning Santo ang isang namatay na tao ayon sa sinusunod na tradisyon at batas ng Simbahang Katoliko. Pagkatapos nito ay kailangan pa munang makapag-prisinta ng ikalawang himala o milagro na nagawa ang isang kandidito , at kapag naiprisinta ito ay ang Canonization na o paghirang sa kaniya bilang isang totoong santo.

At diumano si Pope John Paul II ay karapat dapat sa titulong ito.

Hindi ako interesado sa prosesong ito ng mga Katoliko dahil in the first place ay hindi naman ako sagradong Katoliko. Ako ay isang born-again Christian by heart.

At marami sa mga born-again o Protestanteng paniniwala , in fact , ay nagsasaad na maaari pa ngang ang mga Papa daw sa Roma ay ang itinakdang Anticristo na binabanggit sa Biblia.

Pero wala na ako dito . Que Anticristo man sila o hindi ,ay wala na akong pakialam.

Ayaw ko namang maging isang mapanghusgang Kristiyano dahil sa argumentong ito.

Kaya iiwanan ko na lang ang ideya o topic na ito sa mga iskolar ng Bibliya at Teolohiya.

Mabait , dakila at sadyang kapuri- puri naman talaga ang naging buhay ng yumaong Santo Papa na ito na ipinamalas niya sa buong mundo.

Hindi matatawaran ang mga adhikain at layuning isinulong at sinuportahan niya upang mapaunlad at mapaganda ang pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

Kaya naman hindi kataka-takang marami ang lubos na nagmamahal , umiidolo at ang ilan pa nga ay halos sumasamba na sa kaniya na akala mo ay isa na siyang Diyos.

Kung karapat-dapat na hirangin si Karol Wojtyla bilang isang Santo , so be it.

Ito marahil ang kalooban ng Diyos para sa ating lahat.

Amen!

Friday, May 6, 2011

McDonalds versus Jollibee


This picture says it so he he he....

At least dito sa Pilipinas lang naman ha ha ha ha ha.....

Monday, May 2, 2011

Shocking Thailand's Piercing tradition

Talagang bumabaligtad ang sikmura ko kapag nakikita ko itong piercing culture na ginagawa ng mga Thai kaugnay ng Vegetarian Festival na isinasagawa sa kanilang lugar kada taon, partikular sa Phuket.

Ito umano ay ritwal base sa kanilang paniniwala o relihiyon.

Ako ang nangingilo kapag nakikita ko ang mga eksena at litratong ito hu hu hu hu.

Lalo na ang video sa Youtube showing this kind of graphic body torture and mutilations.

Parang hindi naman ito makatao.

I'm just a bit shock na bakit may mga taong gumagawa nito sa kanilang katawan for any reason.

Ah ewan ,ang mga tao talaga ay maraming mga kaweirduhan sa katawan .

Tingnan nyo na lang ang mga litrato para kayo naman ang mangilo.