Thursday, March 31, 2011

Drop It Low - Esther Dean featuring Chris Brown

I like this song.

Hindi ko mapigilang mapaindak sa tuwing naririnig ko ang awiting ito.

Drop it Low coming from Esther Dean featuring Chris Brown.

Is it because I want something and someone to drop it low he he he he.

Listen here:

Wednesday, March 30, 2011

Libya War




Giyera na etu.

Sumambulat na ang galit ng Allied Forces dahil ayaw bumaba at magpatalo ng matigas din ang ulong leader ng Libya na si Gaddafi.

May part 2 ba ang nangyari kay Saddam Hussein ng Iraq huh?

Aba kung ayaw mapugutan ng ulo o magilitan ng leeg nitong si Gaddafi ay mabuting mag-esep esep at diyatat makabubuting mag-alsa balutan na lang siya sa kaniyang palasyo bago mahuli ang lahat hane.

Kung ayaw niyang mapulbos ng mortar ng mga Allied Forces sa pangunguna ng sigang US , sino pa ba , eh mas mabuting mag fly me to the moon na siya at mag-evacuate as early as now.

Ano na bang nangyayari sa mundo huh?

This is the end na nga ba ng aking Mother Earth?

After tsunamis and earthquake and tag-gutom at weather changes , eh heto naman at giyera patani sa Middle East ang kumakalembang sa ating mga radyo.

Nostradamus ikaw ba yan?

Di bale magkuwa-kuwarenta na ako nitong year na ito .

Imbes ba na life begins at forty , life will end at forty ba ako ha ha ha ha ha.

Huwag naman po sana.

Marami pa akong pangarap na gustong tuparin he he he he.

Gusto ko pang maka-daupang palad si Lady Gaga.

Nais ko munang makarating sa Antarctica at Iceland at makakita ng true blue snow.

At gusto kong makakain muna ng mahal na caviar bago ako matigok ehehek.

Tuesday, March 29, 2011

Hulk , Spiderman and Ironman in a CGI movie

Bongga ang CGI movie na ito ha na inupload sa Youtube.

Biruin mo at napagsama sama sa iisang format ( Computer Generated Imaging ) ang tatlong bidang classic heroes na sina Incredible Hulk , Ironman at si Spiderman huh.

3 in 1 ba ito kuya?

Parang kape lang ah.

Panuorin nyo na lang sa link na ito dahil ang embed code ay dinis-able ng author kaya hindi ko mai-post dito ang video he he he.

Aba 4 milion plus na ang hits ng loko.

Click nyo ang link dito:HULK , SPIDERMAN AND IRONMAN IN A CGI MOVIE

Monday, March 28, 2011

No To Nuke!!!!




Usap usapan pa rin ang radiation fallout na nangyayari sa Japan bunsod pa rin ng kambal na trahedyang dumagok sa bansang ito nuong nakaraang Linggo.

Aba at nasusulasok na ng usok ng radiation ang buong bansa at nagbabanta pa itong kumalat sa buong mundo huh.

Kaya nga at dapat nang pag-isipan ng mga nagpupumilit o sumusuporta na magtayo o di kaya naman ay buhayin ang naunsyaming Bataan Nuclear Power Plant kung ayaw ninyong matulad tayo sa bayan ng mga sakang .

Aba'y nasa Pacific Ring Of Fire tayo mga ineng - ibig sabihin anumang oras ay puwede tayong tamaan ng malalakas na tsunami at lindol na maaaring ikawasak ng Nuclear Plant na iyan kung itatayo iyan dito sa Pilipins ah.

Wasak lang naman ang mukha mo at sunog ang iyong dermis na para kang binuhusan ng muriatic acid kapag naabot ka ng radiation ek ek na yan noh.

Gusto nyo bang matusta ng tulad nito :

Keri na ang mga thermal plant at water and electric generating dams natin para mag-supply sa atin ng sapat na kuryente noh kaya hindi na kailangan ang Nuclear Nuclear na iyan huh.

Kung ayaw ninyong matusta na parang sinabugan ng mortar bomd ang inyong balat at maging parang chicharon baboy iyan tulad ng nangyari sa Hiroshima at Nagasaki , no to Nuke na po tayo okay ??!!

No To Nuke!! No To Nuke!!

Kayong mga nuknukan ng kabobohan , No To Nuke!!

Sunday, March 27, 2011

Heel Pain

Haray naku , nananakit ang mga maskels ng lola ninyo huh!

Lalo na sa may bandang pedigree ( paa gagah )

Kaya ito paika-ika ang lakad ng alakdana dahil sa hapdi ng pananakit ng aking kalamnan.

Aba'y napunit yata ang aking tendons , ligaments , cartilages , muscles , joints at ang bone marrow ko ay nagkalasug-lasog yata hu hu hu.

Kaya hayan hindi na ito puwedeng gawing bulalo ever sa Batangas ahahayyy.

Diyata at mas mahirap pa dito sa houselaloo kaysa sa work now that I'm in a vacation mood.

Super aligaga sa kapaparuot parito in between my business and home huh.

Kung sa work ay haggardness ang iyong voice box , larynx , ang iyong eyeball ; at ang eyebags mo ay sing-lalaki ng singkamas , dito naman sa balay balay ay overfatigue ang iyong sakong at alak - alakan sa kalalakad ha ha ha ha.

Di bale meron namang Omega Pain Killer he he he.

Konting pahid lang , ayos na ang buto buto .

At saka meron namang Naproxen Sodium o Flanax na para sa may mga rayuma hi hi hi.

Sige na nga , agree na ako sa iyo Manny Pakyu .

No Pain , No Gain na nga lang ang ispluk ko talaga waahhhhh.

Keri mo na to teh!

Saturday, March 26, 2011

I beg to disagree........

  • I want to show everyone the news media we are being presented with here in Japan. I think it's quite different from what you see on CNN and other Western news outlets. Due to the popularity of this video, I have started a new page to collect my personal ...experiences as well as release Japanese news reports about the Tsunami. Please like it to keep up to date! http://www.facebook.com/ThroughWesternEyes FIND IMPORTANT DONATION INFORMATION HERE: http://on.fb.me/hoZw3i Note: This video was not shot by me. Although I am a cameraman, I live in Tokyo 180 miles from the disaster zone. I recorded this video from TV to pass on. It is copyrighted by Asahi TV and can't be posted on YouTube or other sites. I technically shouldn't be able to post it here, but I'll leave it up as long as I get away with it! Google streets view of where this video was shot: http://bit.ly/for0zSSee More
    Length: ‎6:21
    Yesterday at 1:01am · · · Share


      • Reynaldo Mago Jr ito ang ginagawa ng Dios pag ang isang bansa hindi kumikilala sa kanya ..ganito ang pagdalaw nia
        20 hours ago ·
      • Reynaldo Mago Jr sana mag silbing aral ito sa mga tao ..
        20 hours ago ·
      • Evie Alano big.....check....
        11 hours ago ·
      • Edgar Portalan
        Hmmm...I beg to disagree...sometimes we are harsh on judging other people by mistake when something catastrophic happen to them......we fail to understood and sympathize with them....and that's not what God's love is all about.....how abo...ut those who perish at Quezon City Manor fire?...those who died are all pastors and elder sisters of several churches...did God punished them too because they are wicked?... oh come on...stop being too holier than thou....let us all be considerate instead of being too critical to others...thank you...See More
        about an hour ago ·
    • Press Enter to post your comment.Press Shift+Enter to start a new line.

Friday, March 25, 2011

Rest In Peace - John Apacible


Namatay sa bala ng baril ang dating sexy actor na si John Apacible nitong Linggo .

Diumano ang nakapatay sa kaniya ay ang kaniyang tiyuhin na kainuman niya nuong mga oras na iyon.

Nag-ugat diumano ang pamamaril dahil sa isang pagtatalo.

Sa isang walang kuwentang pagtatalo.

Na sinamahan pa ng ispiritu ng alak.

Ilan na nga bang tunggaan ang nauwi sa patayang katulad nito!

Tsk tsk tsk , sayang na buhay nauwi lang sa wala dahil sa toma at nomo.

How ironic din na ang huling pelikulang nilabasan umano ng aktor ay may eksena na kung saan siya ay namatay dahil sa tama ng baril sa kaniyang katawan.

This just goes to show how strange life is.

You will never know how will you gonna end up living.

Biktima ng isang krimen ang aktor .

At ang masaklap ay mismong kamag-anak pa niya ang nakapatay sa kaniya.

May justice be served swiftly for this actor's untimely demise.

May his soul rest in peace.

Thursday, March 24, 2011

Kissing Scene of Kurt and Blaine on Glee

Nakakaloka at uber sa kabaliwan ang kissing scene nina Chris Colfer ( as Kurt Hummel ) at Darren Criss ( as Blaine Anderson ) para sa TV show na Glee sa Amerika.

Aba at talagang todo laplapan at French Kissing ang dalawang bayot sa palabas huh.

Tolerated na pala ito sa States ngayon huh.

At puwedeng puwede na palang ma-view in broad daylight and primetime TV ang mga ganitong eksena sa bansang liberated ang mga mamamayan. Habang sa ibang bansa ay taboo pa ang ganitong mga panuorin.

Oh well , what can we expect nga naman.

Nakakainggit tuloy.

I'm sure maraming mga beki ang nagwater - water dahil sa eksenang yan hi hi hi hi.

At sigurado ding maraming mga manang at moralista ang naimbyerna naman dahil diyan ha ha ha ha.

Ah ewan , panuorin nyo na lang ang bonggang lips to lips ng dalawang jokla ditey.

Wednesday, March 23, 2011

Albie Casino - vegetable acting


Palagi kong pinanunuod ang obra ni Emil Cruz Junior na Mara Clara sa telebisyon courtesy of my mother na adik na adik sa teleseryeng ito ng Channel 2 on primetime TV.

Magagaling kasing magsiganp ang mga pangunahing bidang tulad nina Kathryn Bernardo bilang too good to be true na si Mara at Julia Montes bilang too bad to be the devil na si Clara.

Eh di lalo na ang mga beterano sa katauhan nina Gina Pareno bilang nakakalokang lola na si Lupe, Mylene Dizon bilang mapagmahal na inang si Susan , Dimples Romana bilang kunsintidorang ina na si Alvira at siyempre si Jhong Hilario na alagad ni Satanas sa kasamaan bilang si Gary .

Subalit ang ikinaiinis ko lang sa palabas na ito ay ang tila ba walang kalatuy- latoy at tila ba gulay na akting ng pangunahing love interest ni Mara na si Utoy o Christian na walang kwentang ginagampanan ng bagong produkto ng Star Magic na si Albie Casino.


Bano at hamon kung hamon ang akting ng binatang ito na walang katorya torya kung mag-deliver ng kaniyang mga dialogue at nilalamon sa aktingan ng kaniyang mga kapareha.

Kung si Aljur ay may " wooden acting " para sa Machete , ito namang si Albie ay mayruong
" vegetable acting " para naman sa Mara Clara.

Oh well , they both start with AL as in Alang Latoy ha ha ha ha.

Mag acting lesson ka pa Utoy.

Tuesday, March 22, 2011

Banco Filipino - Hindi Matibay , Hindi Matatag


Ahahay nahaharap na naman sa panibagong problema ang Banco Filipino na una ko nang nasilayan nuon pang dekada otsenta.

Tandang tanda ko pa ang panic na idinulot sa mga depositor nito nuong panahong iyon nang malugi at magsara ang bangkong ito nuong dekada 80 nga.

At nakapagtataka na nitong dekada nubenta ay muli itong nag-resurrect mula sa libingan.

At ngayon ay nahaharap na naman nga ito sa panibagong isyu ng pagkalugi o bankruptcy kaya ipinasasara na ng Bangko Sentral Ng Pilipinas simula ngayon.

Ang libu- libong depositor na naman nito ang apektado na hindi alam kung paano nila mababawi ang kanilang pinaghirapang ipunin o impukin na pera sa bangko na ngayon ay tila ba mauuwi lamang sa alikabok.

Ang karaniwan pa namang mga parukyano ng bangkong ito ay iyong mga middle at average earner nating mga kababayan na unti unting nagsusubi ng kanilang mga ipon sa bangkong ito at umaasang kanilang mawi-withdraw anumang oras ngunit pagkatapos pala ay mauuwi lamang sa ganitong kontrobersiya ang lahat.

Hay naku sakit sa ulo nito.

Eh di pa kasi kayo nadadala eh.

Eh di ba may kasabihan nga.

Once it had gone wrong , it will always go wrong the second time.

Hay naku Banco Filipino - Hindi ka matibay , Hindi ka matatag!!

Monday, March 21, 2011

Joseph The Artist

Super agree naman ako sa pagkapanalo ni Joseph Erwin Valerio or simply Joseph The Artist sa katatapos na Talentadong Pinoy Battle Of The Champions 2011 last March 13 na idinaos sa Ynares Sports Center dito sa aming magandang Lungsod ng Antipolo.

Like na like ko ang humble winner na ito who hails from Laguna.

Bilang isang sand artist na isang kakaiba at bagong talento na kaniyang ipinakita , itinaas niya ang arteng ito to the highest level bilang isang seryosong sining sa kamalayan ng mga Pilipino.

Waging wagi ang kaniyang obra na tungkol sa pagmamahal ng isang ama.

Watch his winning piece and moment here:

Sunday, March 20, 2011

Marikina Valley Fault Line


Tunay na nakakabahala itong ipinahayag ng Phivolcs na anumang oras ay tatama ang isang malakas na lindol dito sa Metro Manila via the Marikina Valley Fault Line na nagmumula sa Sierra Madre hanggang sa Tagaytay.

Ayon pa sa kanila mismong pananalita ay " hinog na hinog na ang fault line na ito para gumalaw anumang oras."

Diumano ay may history na tuwing maka - dalawandaang taon ay gumagalaw ang fault line na ito na tumatama sa halos kalagitnaan ng matataong lugar sa Metro Manila.

At diumano , ngayong panahong ito ang ika-dalawandaang taon ng fault line na ito .

Nakakatakot.

Nakakabahala.

Nakakakaba.

Malapit pa naman kami sa Marikina .

Antipolo kasi kami. Kanugnog bayan lamang ng Marikina.

Hindi ko alam kung magagalit ako sa ganitong pahayag ng Phivolcs sa gitna ng trahedya sa Japan.

Eh anong magagawa natin kung ito talaga ang katotohanan.

Imbes siguro na magalit at matakot ay makabubuting magmatyag , maghanda at matuto tayo sa mga pangyayaring naranasan ng ibang bansa kaugnay sa hindi mapipigilang sakunang ito which can be consider as an act of God!

At higit sa lahat ay mabisang sandata ang pagdarasal upang kung hindi man maiwasan ay maibsan ang paghihirap na idudulot ng trahedyang ito na hindi malayong dumating sa ating bansa anumang oras.

O Diyos ko , ikaw na po ang bahala sa amin.

Iligtas mo po kami , sampu ng aming mga mahal sa buhay at pamilya!

Ikaw po ang masusunod kung ano ang iyong kalooban!

Amen!

Saturday, March 19, 2011

Supermoon



Aba " supermoon " pala ngayon huh.

Hindi po ibig sabihin na naging ultimate tagapagligtas ng Earth ang ating buwan ( like Superman he he ) kundi ang nais lamang ipahiwatig nito ay magiging napakalapit sa Mundo ng ating natural satellite na Moon.

Ito ay may layo lamang na 221,000+ miles na lang (kung saan ang normal ay 250,000+ miles)

So magiging super laki o higante ng ating buwan na animo ay lalamunin ka ng buo nito.

Marami ang nangangamba na maaaring magbadya daw ito ng mga sakuna o pangyayari na katulad ng lindol , baha at tsunami dahil sa laki ng epekto ng gravitational pull ng buwan kung super lapit ito sa atin.

But then , inassure naman tayo ng ating mga astronomer na hindi ito mangyayari dahil lubhang napakalayo pa rin ng buwan sa atin upang tuluyang maapektuhan ang ating sangkalupaan.

Ang katotohanang magkakaruon ito ng epekto ay sa ating mga dagat . Tiyak na makakaapekto ito sa low and high tide sa karagatan dahil nga sa gravitational pull ng buwan sa ating planeta.

Ah basta i-enjoy na lang natin ang view ng higanteng buwan na ito dahil minsan lang ito mangyari sa loob ng 18 taon.

Narito ang paanyaya:



Friday, March 18, 2011

Faces of Japan after the earthquake and tsunami

Tunay na nakakabagbag ng damdamin , nakakalungkot na tanawin at nakakabahalang mga eksena ang makikita sa buong bansang Hapon dahil sa katatapos na lindol at tsunami na tumama sa kanilang bansa.

Hindi ko matiis na hindi makidalamhati sa paghihirap na nararanasan ngayon ng ating kalapit at maunlad na bansang ito sa gitna ng kambal na trahedyang dumating sa kanila.

Kahit ganuon ako kalayo sa bansang ito ay ramdam ko ang kanilang pinagdaraanang pagdurusa.

Ni sa panaginip ay ayokong maranasan ito dito sa Pilipinas.

Maswerte pa rin tayo!

Pero ang tanong , hanggang kailan ang ating swerte??!!

Anumang oras mula ngayon ay nakatitiyak na tatamaan tayo ng isang malakas na lindol katulad ng naranasan sa bansang Japan.

At ang pag-asang tangi nating mapanghahawakan ay ang kamay ng Diyos.

Habang hindi pa tayo nagdurusa sa panahong ito , halina't makidalamhati muna tayo sa ating mga kapatid na Hapones at samahan sila sa kanilang pagsubok na dinaramdam sa ngayon.

May God help us all!!





















































We grieve with you our neighbor Japan.

May God ease your suffering with His love and hope!

Thursday, March 17, 2011

11

Napaisip tuloy ako sa nabasa kong isang Facebook status....

Ang nakasaad:

September, 11th = World Trade Center Crash

January, 11th = Haiti Earthquake

March, 11th = Japan Earthquake
...
12/21/2012 When the world will end -> 1 + 2 + 2 + 1 + 2 + 0 + 1 + 2 = 11

Sana hindi totoo yan !

O kayo , anong say nyo huh??!!

Wednesday, March 16, 2011

Quotable Quotes

Aba , nakausal ako ng isang original quotes na namutawi sa aking labi isang gabi ng aming pagtatalo ng isa kong pinsan .

Ang sabi ko:

"....hoy , hindi lahat ng pangit na nakikita mo ngayon,

ay mananatiling pangit sa habang panahon!

Darating din ang oras na gaganda din iyon!..... "


Ha ha ha , o debah winner ka diyan he he he.

Take it from me.

Tuesday, March 15, 2011

Japan earthquake and tsunami video footages

Nakakakilabot at very depressing ang mga videong nakuha ko mula sa Youtube na nagpapakita ng mga kuha mula sa naganap na devastating earthquake and tsunami na tumama sa Japan nitong nakaraang Biyernes.

Parang mga eksena talaga sa pelikula.

Truly life is more stranger than fiction.

Watch the real videos here:













Monday, March 14, 2011

Joke Time

Guro: Juan kung ako ay may 5 anak sa unang asawa at 7 naman sa pangalawa at 7 sa ikatlo..ilan ang meron ako..??

Juan: Kalandian po . . .isa kang kerengkeng ma’am, malandi ka, haliparot , galawgaw , pokpok at kaladkarin!!
...
...
Guro: Umupo Ka! Gago ka di ka makakapasa!!

Sunday, March 13, 2011

Emote emote muna......

Ire-repost ko ang emote letter kong ito nuong bago mag-bagong taon ng 2009. Nakakatuwang maala ito . Emote emote muna tayo:

_______________________________________________


Ilang taon din na nawalan ako ng tiwala at pananalig sa Diyos.

Talagang itinakwil ko Siya, pramis.

Resulta ng napakadaming pressure, problema, pagsubok, hinanakit, sama ng loob, pagluha, kawalang pag-asa at pagkabigo nitong nakaraang mga taon.

Natatandaan ko. Nuong bata ako malakas ang pananalig ko sa Diyos. Kahit di ko Siya nakikita o naririnig man lang, tiwala ako na tutoo Siya at laging nandiyan sa tabi ko at nakahandang umalalay. Lagi ako sa Kaniyang tumatawag, sumasamba at nananalangin nuon. Pagsapit ng gabi, hindi pwedeng hindi ako luluhod sa Kaniya at magdadasal.

Ganyan katindi ang pananalig ko sa Kaniya nuon.

Dumating pa sa punto na nais ko Siyang mapaglingkuran sa pamamagitan ng pagpasok sa Seminaryo!

Ngunit sadyang darating pala ang panahon na susubukin kung hanggang saan ang pananalig mo sa Diyos!

At dumating ito sa akin nang hindi ko inaasahan.

Sa dami ng "pagsubok" na dumating sa akin upang hamunin ang aking pananampalataya; nakakalungkot maalala na " bumigay" ako sa pagtitiwala ko sa Kaniya.

Talagang masasabi ko na isinuko ko ang pananalig ko sa Maykapal!

At hindi naging magaan ang kapalit nito. Kapalit ng pananalig ko, ay ang halos pagkahubad ng aking pagkatao.

Isang gabi. Nitong Pasko lang. Muli kong isinuko ang buhay ko sa Diyos!

Ang dalangin ko: " Diyos ko po, suko na po ako sa Iyo! Ayoko na pong makipag-away sa Iyo! Patawarin Mo po ako. Sa hindi ko pagtitiwala sa Iyo. At paglapastangan sa Iyong pangalan!
Wala po akong laban sa Iyo. Hindi ako kailanman mananalo sa Iyo. At dahil diyan isinusuko ko na ang pakikipagtunggali ko sa Iyo. Tunay na Ikaw ang Diyos at walang makakatalo sa Iyo.
Patawarin mo po ako. Ikaw pa rin po ang aking makapangyarihang Diyos. Amen"

At lumagaslas ang luha sa aking mga mata.

Sa taong darating, masaya at punong puno ng pag-asa akong haharapin ito. Sa muli kong pagtitiwala at pananalig sa Diyos; I believe this time na malaki ang chance ko na magtagumpay at manalo sa laban dahil alam ko kakampi ko na ulit ang Diyos!

Hindi naman Niya ako talaga iniwan o pinabayaan, kahit nuong time na itinakwil ko na Siya!

Nagpupuri ako at nagpapasalamat sa Diyos dahil muli Niya akong ibinalik sa Kaniyang pagkalinga.

Tunay na walang makakapantay sa dakilang pagmamahal at pag-ibig ng Diyos sa ating mga tao!

Purihin ang ating makapangyarihang Diyos!

Masaganang Bagong Taon ang hatid Niya sa Bawat Isa!

Saturday, March 12, 2011

Lindol at Tsunami sa Japan



Heto na yata ang pinakamalakas na lindol na nangyari sa kasaysayan ng bansang Hapon.

Biro mo 8.9 magnitude na pagyanig ang umuga sa Hilagang Japan kahapon !

Ang lakas nun huh.

Devastating ang epekto nito lalo na at kapag matagal.

Ang siste pa ay nagsimula ito sa ilalim ng dagat , kaya nag- generate ng mga higanteng alon na tinatawag na tsunami na umabot sa mga dalampasigan ng mga bansang nakaharap sa Dagat Pasipiko.

Kitang kita ang lawak ng epekto ng kalamidad mula sa mga video footages and photo shoots ng mga news channel sa ibat ibang panig ng mundo. Parang eksena sa isang disaster Hollywood movie.

Parang nakita ko nga ito sa pelikulang 2012 eh di ba?

Sa ngayon ang bilang ng mga namatay ay nasa isang libo pa lang daw. Ngunit pihadong tataas pa ito dahil marami pang mga tao ang hindi nakikita at idineklarang nawawala.

Ang tanging maiaalay ko lang ay ang dalangin sa Maykapal na huwag sanang mangyari ito sa ating bansang Pilipinas.

Dahil kung dito iyan mangyari , siguradong kawawa ang ating bansang mahal.

Please Lord , spare us from this kind of disaster.

And please comfort those who was affected by such devastation.

Amen!

Friday, March 11, 2011

Marcelito Pomoy

May gold find na naman ang Pilipinas Got Talent Season 2.

Ito ay sa katauhan ni Marcelito Pomoy ng Cavite.

Aba ang ganda at galing ng boses niya huh.

Kabog ang lahat ng mga nagfa-falsettong beki ha ha ha .

Parang sa isang tunay na babae ang tinig niya.

Walang kaeffort effort mag- falsetto ang bruha.

In fairness, true blue guy daw siya huh.

Aminin!

Ah basta kahit ano pa siya , bet na bet ko ang baklang ito ha ha ha.

Ikaw na Marcelito ang hinuhulaan kong magwi-winner sa PGT 2 na yan huh.

Watch out for him you wannabe's.

And watch out Jovit.

Meron ka nang katapat.

Here's the video:

Thursday, March 10, 2011

Goodbye Deo

Ginulantang ako isang gabi nang isang text message ang matanggap ko mula sa isang dating katrabaho.

Sabi sa text : " Patay na si Deo "

Nag-reply ako : " Huh hindi ka ba nagbibiro ? Totoo ba talaga , patay na si Deo ? Bata pa yun ah ! Ano naman daw ang ikinamatay niya? " sunod sunod na tanong ko.

Sumagot siya : " Lumaki daw ang puso . Tapos napuno ng tubig ang baga! "

Biglang nilukuban ng magkahalong kilabot at kalungkutan ang buo kong pagkato nung mga sandaling iyon.

Siya si Disodado Palabay , isang dati kong nakatrabaho nuon sa Pilipinas Teleserv Incorporation na may tanggapan diyan sa Quiapo , Manila.



Natatandaan ko pa , parang kailan lang nitong taong 2009 lamang na magkakasama kami at masayang gumagawa bilang mga Customer Care Officer sa nasabing kumpanya.

Masayahin , palabiro , bibo at punong puno ng enerhiya sa katawan si Deo ( palayaw niya )

Nung pinagawa kami ng skit ng aming mentor na sina Mam Rhea at Sir Chris para sa aming training ay si Deo ang nag-isip ng isang madramang tagpo na kaniyang ginawa para sa kanilang grupo.

Para sa akin iyon ang pinakamasaya at nakakaaliw na eksena sa lahat ng mga performance nung araw na iyon lalo na at napagbihis babae pa niya ang astig na katrabaho naming si Richard.

Masaya ang atmosphere kapag nandiyan si Deo dahil likas siyang masayahin at palatawa. Dahil dito ay maraming kaibigan ang kaniyang nakapalagayang - loob kabilang na ako.

Nang magkahiwa-hiwalay na kami sa nasabing kumpanya dahil tapos na ang aming kontrata ( endo ) , matagal bago kami muling nagkita- kita.

At nang mag-birthday ang isa naming dating katrabaho ay huling nakasama namin siya ni Toneth na pumunta sa party at nakipagsaya sa pagdiriwang ng kaarawan ng aming dating katrabaho.

Iyon ang huli naming pagsasama sama.

Simula nuon ay wala na akong narinig mula sa kaniya.

Ang huli kong narinig ay nakapagtrabaho daw siya sa isang telecom company diyan sa may bandang Pasig.

Hanggang sa ginulantang na nga lang ako ng text message galing sa aming common friend na si Herbie.

Hayy , sadyang kay hiwaga ng buhay.

Merong para sa iba ay tila ba kay haba ng buhay kung kayat kanila itong winawakasan upang maagang matapos .

Subalit meron namang para sa iba ay sadyang kay-iksi nito para sa isang makabuluhang buhay na punong puno pa mandin ng pag-asa!

Saan ka man naruruon Deo , alam kong masaya ka na sa kalagayan mo ngayon.

May you eternally rest in peace my friend.

At alam mong hindi ka malilimutan ng iyong mga naging kaibigan na patuloy na nagmamahal sa iyo dito sa mundong ibabaw.

Paalam , kaibigan ko!



Wednesday, March 9, 2011

UPWC Love Letter Writing Contest third placer

I would like to repost here the third placer of the recently concluded UP Writer's Club Love Letter Writing Contest held last February 20 .

It is penned by Dino Pineda and among the three winners I concluded that this is certainly the best.

Read on so you can agree with me.


___________________________________________________________________

Dear Sam,

I wrote you something good. I wrote you a letter on yellow paper, longhand. I followed the margins carefully, kept it tidy---as you like it tidy. I wrote it the way they taught us how to write letters in grade school, with the date and place and time on the upper right part of the page, except that I made sure I wouldn’t scare you with my grade schooler’s penmanship; not making the lower case letters look like screaming capital letters. I also made sure that my periods didn’t look like commas, and my commas didn’t look like drowning letter i’s as they usually do. I wrote it in class while my professor was plotting Foucault’s panopticon on the whiteboard. He drew it so badly I had to write something else. I wrote you something. And I think it was my best.

I wrote you of the day we talked about Hemingway lost at sea while eating the whole fish from Dampa the two of us couldn’t finish. I wrote you of us, that day we slow danced---my first slow dance ever---alone in my room as George sang Something for us on my player. I wrote you, in italics, how gracefully the street lights glide from your hands on your knees, to your arms, to your face every time I drive you home. I wrote you a letter which sang of feelings I’ve yet to tell anyone else. Feelings I’ve never written down. Feelings I only admitted to myself then. I wrote you something. And I think it was my best.

I folded it thrice, lengthwise, crosswise, then diagonally. I taped it under a desk, not mine, so I’d forget where I placed it. It’s there. Somewhere. I wrote you something, Sam, and yes, I think it was my best.

Let me try, now, to write that letter again. Remember the same words, use the same punctuations, work the same syntax, make the same sense, and hope it would tell the same. Let me fail once. Let me fail again. Let me fail again and again and again and again. Let every attempt be second best. On the day that you find that I’ve written my best, don’t tell me that you’ve read it. Tape the letter under a desk and tell me you lost it. And I’ll gladly try again.

Yours,

DLSP

Tuesday, March 8, 2011

R.I.P. Paquito Diaz



Pumanaw na sa edad na 73 nitong nakaraang March 3 ang isa sa pinaka-magaling na character actor in Philippine cinema and television na si Paquito Diaz.

Tunay naman na naging bahagi na ng aking kabataan ang karakter ni Paquito nuon , lalo na sa mga FPJ movies na ubod ng bagsik at tapang na talaga namang kikilabutan ka dahil sa kaniyang galing sa mga eksenang kaniyang ginaganapan.

Pero ang pagiging astig at bagsik ni Paquito bilang isang numero uno at primera klaseng kontrabida ay puwede ring minsan ay nahahaluan niya ng humor o komedya lalo na kapag hindi naman masyadong seryoso ang tema ng pelikula.

Ito ang forte ni Paquito o Tito Kits sa ibang mga taga- showbiz.

Unti unti na nga silang naglalaho at lumilisan sa ating piling.

Silang mga artista nuong dekada singkwenta , sisenta at sitenta.

Parang kailan lang ay malakas pa sila at mahusay na mahusay ang pagganap sa pinilakang tabing .

Sila pa namang mga certified na magagaling at mahuhusay na aktor at aktres nuong kapanahunan nila ermat at erpat.

Subalit ganuon talaga ang buhay, lahat ay may hangganan.

At iisa lang ating hahantungan sa dako pa ruon.

Sa mga kapamilya at mga naulila ng beterano at iginagalang na aktor na si Paquito Diaz , ang aking taos- pusong pakikiramay.