TRAVELBOOK NOW!

Monday, February 28, 2011

Hiwalay - Wisdom

Bet ko itong bagong kantang ito by Wisdom entitled Hiwalay.

Okay fine hiwalay na kung hiwalay.

He he he.

Para sa mga bitter makipaghiwalay ...etong kanta para sa inyo.

Marami pang iba diyan ha ha ha ha.

Listen to this song at tawanan na lang natin ang pesteng eksena ng pakikipag-break up hu hu hu hu.

Sunday, February 27, 2011

Maria Lourdes Aragon

Another Filipino will soon conquer the world who goes by the name of Maria Lourdes Aragon this time courtesy of Lady Gaga.

Lady gaga commented via her Twitter account on Maria Lourdes Aragon's Youtube uploaded video of the cover version of Lady Gaga's single Born This Way.

Umabot na sa 12 million ang hits nito sa Youtube , patunay na marami talagang follower si Lady Gaga na naging daaan para makilala ang Fil- Canadian na ito na talaga namang super galing sa pagkanta.

Panoorin ang video dito at kayo na ang bahalang humusga :

Take it from Lady Gaga herself:

Saturday, February 26, 2011

I Love The Way You Lie - Rihanna

Gusto ko ang bagong kantang ito ni Rihanna entitled I Love The Way You Lie ( minus Eminem huh)

Kanino kaya niya ito dine-dedicate ?

Kay Chris Brown?

He he he.

Just listen to the song , you bitches...

Friday, February 25, 2011

text thought

" You will always see what’s wrong when you are right,

but you will never know which is right when you are happy doing wrong. "

Thursday, February 24, 2011

Facebook status

Check out this Facebook status of a friend.
Sapul sa puso at isipan. Rumiripeke sa tenga ng paulit-ulit.
-------------------------------------------------------------------------------------------

" Mahalin mo muna lahat ng MALI sa kaniya bago mo mahalin ang lahat ng TAMA"

ACCEPTANCE is the best way of loving someone..

kung ang words nga kelangan ng space para maintindhan..tao pa kaya? "
________________________________________________________________

Wednesday, February 23, 2011

127 Hours


Panalo ang latest movie ng favorite ever kong director na si Danny Boyle ( Trainspotting , The Beach , 28 Days Later , Slumdog Millionaire ) na 127 Hours starring James Franco.

True story ito ng adventurist at canyoneer na si Aron Ralston na nuong April , 2003 ay nagpasyang mag-hiking trip sa Utah nang mag-isa at hindi nagpaalam sa kaniyang pamilya at mga kakilala tungkol sa gagawin at pupuntahan niya nuong araw na iyon.

Ang hindi niya alam ay ang araw na iyon ang magpapabago sa kaniyang pananaw tungkol sa pagpapaalam o pag-aabiso natin tuwing tayo ay umaalis sa ating mga tahanan.

That , on that day his life is gonna change forever.

Sa pagtugaygay niya sa isang mahabang crevice o bitak ng mga bato sa Bluejohn Canyon ay aksidenteng nahulog siya sa isang matarik na bangin at kamalasan namang sumama ang isang ligaw na bato o boulder sa pagkatihulog niya na naging dahilan para maipit ang kaniyang braso at magmula sa siko hanggang sa kaniyang kamay at daliri.

Hindi agad siya makaalis dahil dito.

Halos limang araw na ganito ang eksena niya sa abandonado at walang katao-taong lugar na iyon.

At dahil nga walang nakakaalam kung saan siya pumunta nung araw na iyon ay wala ring tulong na makukuha para siya ay saklolohan sana.

Kamalasan naman na hindi rin siya nakapagdala ng kahit na anong communication device sa panahon ngayon na bumobongga na ang communication system sa ating mundo na kahit sa ibang planeta nga ay puwede kang makipag-communicate.

Buti na lang at may will to survive talaga itong si Aron hanggang sa kahuli-hulihang araw niya sa nasabing lugar.

Kung ibang tao siguro ay baka hinintay na lang na mamatay o matigok at mawalan ng ulirat sa ganitong pagkakataon.

Pero iba ang willingness to survive o wherewithal nitong si Aron kaya nalagpasan niya ang 5 days and 4 nights sa gitna ng isang disyerto na walang katao- tao.

Likas na madiskarte at malakas ang loob kaya napagtagumpayan niya ang ordeal na ito sa kanyang buhay.

Inspiring and awesome is this film.

Ang climax ng pelikula kung saan ay pinuputol na niya ang kaniyang braso gamit ang mapurol na kutsilyong tanging dala niya ay mistulang eksena sa isang horror film nakung saan ay mapapaigtad ka sa iyong kainauupuan dahil ramdam mo ang sakit at hapding dulot ng kaniyang ginagawang paghiwa sa kaniyang sarili.

Nang marating na niya ang kabihasnan at makakita ng tao na magsasalba sa kaniya sa wakas ay grabe ang emotion na malayang ipinakita ni James dito. I think he deserves an Oscar for his refined acting here . Malayong malayo sa Spiderman days niya na so so lang ang performance niya bilang bestfriend ni Spiderman ( Tobey Maguire )

Dito lumevel-up na siya sa pagiging isang aktor .

127 Hours - a story of passion and determination to struggle and fight for life in the midst of the most aggravating and extraordinary circumstances.

Tuesday, February 22, 2011

Text Thought

With MONEY -

You can buy a HOUSE but not a HOME

You can buy a CLOCK but not TIME

You can buy a BED but not SLEEP

You can buy a BOOK but not KNOWLEDGE

You can buy a MEDICINE but not HEALTH

You can buy a POSITION but not RESPECT

You can buy a BLOOD but not LIFE

You can buy a SEX but not LOVE!

Think about it!

Monday, February 21, 2011

Reactionary Sharon Cuneta and Hayden Kho?

Nag-react daw via Twitter itong si Sharon Cuneta sa isang Twitter post naman ni Hayden Kho stating that “There’s a billboard in EDSA developed by advertisers who think consumers are stupid. Guess.”

Super react naman daw ang Sharon Cuneta via her tweet of “Stupid people shouldn’t comment on what is stupid or not!”

Aba' y ginagawang chatroom ever ang Twitter ha ha ha .

At ang mga writer ngayon huh , pang deadline na rin ang mga Twitter tweets he he he.

Ewan ko bakit ganito makapag-react ang mg ito sa kani-kanilang tweets eh kung papansinin ay wala namang mga pangalang binanggit sa mga tweets nila huh?

Guilty na sila iyong pinag-uusapan?

Dapat sana ay magre-react lang kapag pinangalanan di ba?

Kapag hindi , huwag na sanang magpapansin pa dahil nabubuko lang na kayo nga itong tinatamaan .

Eh di ba nga , bato bato sa langit , ang tamaan huwag magtu-tweet , ha ha ha ha.

Samantala , heto ang billboard na pinagsimulan ng kanilang tweet war .

Judge for yourself!

Sunday, February 20, 2011

Black Swan


Perfect!

Iyan ang tanging masasabi ko sa bagong pelikulang ito ni Director Darren Aronofsky na Black Swan topbilled by no less than Natalie Portman in her stunning and electrifying performance of her life as the Swan Queen.

Truly magnificent and brilliant is this film.

Dahil dito ay paborito ko na si Director Darren Aronofsky na una ko ring nagustuhan sa obra din niyang The Wrestler starring Mickey Rourke.

Kaya naman nominated ito at winner din sa maraming mga award giving ceremonies ang pelikulang ito including Best Picture , Best Director and Best Actress category .

I'm sure ito rin ang lalabas na winner sa nalalapit na gaganaping Oscar Awards.

Ibigay na ang Oscar Best Actress trophy kay Natalie Portman dahil sa lakas ng intensity ng pagganap niya dito bilang isang pressured at paranoid and psychotic na ballet dancer na nagnanais lamang na magampanan ng perpekto ang kaniyang pagganap na isang Swan Queen na alternated bilang white swan at black swan para sa stage presentation ng Swan Lake .

Panalo ang ending kung saan inilabas niya ang kaniyang greatest performance of her life bilang isang black swan.

Kakabog din ang dibdib mo sa mga eksenang takutan.

Ang galing ng development ng character ni Nina Sayers na nagsimula bilang isang simple , mahiyain at masunuring anak at ballet dancer , hanggang sa pagbabagong anyo nito bilang isang palaban at astig na babaeng nagnanais na makamit ang papuri at parangal ng mundo na kaniyang ginagalawan.

At sa bandang huli ay makikisimpatiya ka sa kaniya dahil sa trahedyang kinahantungan ng kaniyang adhikaing ito na maging magaling at perpektong mananayaw ng balllet sa buong mundo.

Katulad ng nasambit ni Nina sa kaniyang huling linya , ito ang masasabi ko sa pelikulang ito :

"I felt it. Perfect. I was perfect."

Saturday, February 19, 2011

Goodbye General Angelo Reyes


Nagulantang ang buong sambayanan sa ginawang pagpapakamatay ni dating Secretary Angelo Reyes nuong isang Linggo.

Hindi inasahan ng lahat na magagawa ito ni General Angie dahil likas siyang may matapang at malakas na personalidad bilang isang tao.

Ang pagkakaalam ng marami ay isa siyang may matapang at palabang pagkatao na walang inuurungan at sinasanto.

Ngunit nakakapanghina at nakakapanghinayang na magwawakas sa ganitong trahedya ang buhay ng isang heneral na tulad ni Angelo Reyes. Na dahil lamang sa isang kontrobersya ay pinanghinaan siya ng loob at agad na tumupi at sumuko na harapin ng buong tapang at lakas ng loob ang kontrobersyang kinasangkutan niya.

Hindi naman lingid sa lahat na isang pagpapakita ng kahinaan at karuwagan ang gawaing pagpapakamatay.

Dito tayo sumusuko kapag hindi na natin makaya ang bigat ng mga pasanin na ating dinadala sa ating buhay.

Sari- saring ispekulasyon ang lumabas dahil sa ginawang ito ni Secretary Angelo Reyes.

Sa mga umpukan ay may mga nagsasabing ito ay ginawa niya upang pagtakpan ang mas malalaking personalidad na maaaring masangkot sa usaping ito hinggil sa pangungurakot at katiwalian sa loob ng militar. It is his extreme sacrifice ikanga.

O maaaring hindi rin daw niya nakayanan ang bigat ng pasaning ibubunga nito sa kaniyang pamilya na iniiwas niyang masangkot sa gulong ito kung kayat minabuti niyang siya na ang magbuwis ng buhay upang mailigtas lamang sa matinding kahihiyan ang kaniyang pamilya.

O maaari din naman daw na ito ay isang pagpapakita ng kaniyang guiltiness at pang-uusig ng konsensya sa mga isyung ibinabato sa kaniya kung kayat tumungo siya sa desisyong ito na wakasan ang kaniyang buhay.

Sari-saring mga ispekulasyon. Sari-saring opinyon.

Pero anuman ang kaniyang tunay na dahilan kung bakit niya ginawa ito ay hindi na natin malalaman pa.

Ngunit sana ay hindi ito magsilbing hadlang upang magpatuloy ang imbestigasyon at pagsisiwalat ng mga katiwalian at korapsyon sa AFP.

Manapay maging daan pa sana ito para mahanap natin ang tunay na hustisya at katarungan na ating minimithi para sa ating bansa.

Magsilbi rin sana itong paalala sa mga nagbabalak pang gumawa ng masama na pakaisiping makailang-uit ang isang bagay bago ito gawin .

Nang sa gayon , sa bandang huli ay hindi natin ito pagsisihan at hindi tayo humantong sa ganito kalagim na wakas ng ating hiram na buhay!

May you rest in peace General Angelo Reyes!

Friday, February 18, 2011

Chup Chup Chup Chup.... Sarap

Hindi ko maiwasang mapangiti kapag napapanuod ko ang commercial na ito ng Knorr Cubes.

Ang sabi kasi ng mga bida "...chup chup chup chup ...sarrappp.."

Bakit kaya ako nakikiliti dito he he he he.

Ah ewan , kayong mga dirty minded ha!

Thursday, February 17, 2011

Christian Youth

Kasali ako dati sa isang grupo ng mga kabataan na involved sa isang ministry ng isang Born Again Church. Masaya kami nuon. Wala kaming ginawa nuon kundi magbasa ng Bibliya, umawit ng mga Christian hymns, tumugtog ng mga musical instruments, mag-jamming sa mga bagong kanta, mag-share ng mga kakatuwang karanasan about Christian living, mag-kuwentuhan, mag-asaran, magkulitan....magkainlaban.......

As years have passed, ang sarap balikan kung ano na ang nangyari sa grupo namin.

Sa buong grupo, ako ang pinakabago at pinakatahimik at mahiyaing miyembro. Bihirang magsalita, halos mabibilang sa daliri ang words na binibitawan, boring daw kasama, sabi nila.

Subalit , ang hindi nila alam, nandito lang ako nagmamatyag.

Kahit paano masaya ang samahan namin nuon. Kapag may mga Bible Studies ay sama sama at grupo grupo kaming pumupunta sa bahay bahay ng mga kapatiran para magdaos ng pag-aaral ng salita ng Diyos. Habang nasa daan, grabe ang kulitan at asaran ng grupo. Palibhasa, mga bata at wala pang mga hang-ups sa buhay. Mga walang pakialam dahil tila ba umiikot lang ang mundo namin nuon sa Salita ng Diyos. Pagpunta sa Bible Study, pagtapos uuwi, balik sa dating gawi.

Kapag bakasyon na ng klase, ang assignment namin ay magturo sa mga batang lansangan ng Word of God . Sari sari sila. May malilinis , may madudusing. May mga tahimik, marami ang magugulo. May madali mong sawayin, merong mahirap kang patahimikin.

Minsan, out of town bonding. Youth Outing sa resort. Minsan sa mga probinsya. Masarap habang nasa daan. Lalo na at sakay kayo lahat ng isang jeep. At puro kabataan kayo. Grabe, puwedeng tumaob ang jeep dahil sa gulo at riot!

Kapag Sports Fest, dito lumalabas ang tunay na pagkatao ng isang kabataang Kristiyano. Dito nakikita kung may sungay ka pa ba o bali na ito. Dito maraming na di- DA- Disciplinary Action!

Pag Pasko, masaya. Tuwing gabing malamig ang simoy ng hangin, nasa daan kami at nangangaroling sa bahay bahay ng mga kapatiran. Merong may dala ng gitara, tambourine at maracas, habang ang iba ay boses ang ipinaparada. Kapag nasa daan- asaran, kulitan, tuksuhan.

Kapag nasa tapat na ng bahay ng kakarolingan, behaved na parang tupa ang lahat! Nanunuot ang lamig ng boses kapag kumakanta. Na tila ba dinalaw ng Anghel ang nasabing tirahan para hatiran ng munting mensahe : ang pakainin ang mga nagugutom at nauuhaw na koro. At umamot ng konting limos para sa Iglesya.

Ganun lang. Ganun kasimple ang buhay Kristyanong Kabataan.

Ngunit kung babalikan ko at sasariwain ang mga nangyari sa bawat isa, nasaan na kaya sila ngayon?

Yung dalawa, babae at lalaki, pinakamatanda sa amin, magpinsan sila, pinaka-aktibo nuon sa grupo namin at laging nangunguna sa mga gawaing pang-iglesya- hayun nagkadebelopan, nag-asawahan- at ngayon may mga anak na sila- kahit mag-pinsan pa silang buo. Itinakwil sila ng Iglesya at ng kanilang pamilya.

Yung dalawa din, babae rin at lalaki, isang araw di na lang nagpakita yung babae. Umuwi sa probinsya. Sumunod yung lalaki. Nabalitaan na lang namin, nagpakasal na dun yung dalawa, buntis na pala yung babae.

Yung isa, nung ma DA sa aming samahan, bumalik sa dating gawi - adik, istambay, basagulero...ewan kung nasaan na siya ngayon!

Yung isa, pinaka teacher namin at nanay nanayan sa grupo, buti naman , nakapag-asawa ng maayos. Hayun, may isang masaya pa ring pamilya ngayon.

Yung isa, nung magtrabaho sa Makati, nasundot ng isang mayamang executive, hayun nabuntis, naanakan, pero hindi pinakasalan. Hanggang ngayon single parent pa rin siya.

Suwerte nung isa, nakapag-asawa ng seaman at pastor din. Nasa Amerika na siya ngayon, living with her own family. Crush ko siya nuon. Kasi maganda, mahinhin, pino at propesyunal kumilos. Pero wala yun. Kasi iba ang gusto ko pala.

Yung isang lalaki, nagpapalit palit at nagpalipat lipat na sa kung kanino kaninong babae pero hanggang ngayon ay naghahanap pa rin.

Yung isa, wala na akong balita. Di ko alam kung nakapag-asawa na siya o hindi pa. Babae siya. Pihikan din yun sa lalaki. Ang sabi niya nuon, kapag wala daw siyang napiling God's will ay magpapakatandang -dalaga na lang siya. Ganun na kaya siya ngayon.

Yung isa, babakla bakla. Mahinhin kumilos. Daig pa ang babae kung makakendeng at pumilantik ang kamay kapag nagsasalita. Pero isang araw nabalitaan na lang namin na may nabuntis na babae. Hayun, napakasal ng wala sa oras. Ngayon may isa na silang anak.

At yung hinuhulaan ng iba na hindi na daw makakapag-asawa dahil matanda na ay hindi pa rin nagpapaligaw- sa wakas - ikakasal na ngayong taon -pagkatagal tagal man ng prusisyon, sa simbahan din pala ang tuloy.

At ngayon sa aming lahat....ako na lang ang naiwan na hindi nag-aasawa. Kapag nakikita pa rin nga ako ng mga kapatiran, ay sige ang tanong nila kung kailan naman daw mamamantikaan ang labi nila. Lahat may mga sarili nang pamilya. Lahat may mga sarili nang buhay. Maayos man o sirang buhay!

Ako. Nananatiling mag-isa. Tuluyang naging bakla. Nagpakabakla. Di nila alam, nalubog na sa putik. Putik na mahirap umahon. Putik na hihilahin ka para ibaon.

Di bale, iniisip ko na lang lagi. Tulad ng dati. Gaya ng dating iniisip ko.

Mahal ako ng Diyos!

Kahit bakla ako. Kahit ano pa ako!

Namimiss ko sila. Ang dating grupo ng mga Kabataang Pasaway na Kristiyano!!!

Wednesday, February 16, 2011

A letter to " Dearest Kuya Rom "

Ito ay isang sulat para sa kolum ni Kuya Rom sa Abante- Tonite...

Basahin po ninyo...
_____________________________________________________

Dearest Kuya Rom,


Isa ako sa mga masugid na tagasubaybay ng inyong pahayagan,gayundin ng inyong pitak na Payong Kapatid.Araw araw ay nababasa at isa sa mga inaabangan ko sa Tonite ay ang paglabas ng inyong kolum.

Sumulat ako dahil nais kong magbahagi ng aking komento at sariling opinyon tungkol sa isang topic na inyong tinalakay kamakailan lamang. Ito ay ang isyu tungkol sa kabaklaan("Lalaki gustong maging babae" at "Natutukso sa callboys")
Nalalaman kong ilang ulit na ring natalakay sa inyong kolum ang tungkol sa kabaklaan(pagpapatunay lamang na marami talaga ang may ganitong isyu sa kanilang buhay).At sa lahat ng ito ay halatang halata ang inyong lantarang pagkondena at pag-uusig sa mga gawain ng isang bakla.At ang lahat ng ito ay dahil sa nasusulat sa Bibliya at ipinag-uutos umano ng ating mahal na Diyos.

Hindi naman ito nakakapagtaka o nakakagulat dahil alam kong kayo ay miyembro ng isang "relihiyosong" samahan na kung tawagin ay born again movement.At sa gayunding paraan ay nalalaman ko ring labis na tinutuligsa ng samahang ito ang "gawain" ng mga baklang katulad ko!

I should know dahil isa rin akong "dating" miyembro ng samahang ito: Born Again
Christian Movement.Taong 1990 pa nang una akong mapabilang sa grupong ito.
Wala akong balak kontrahin o kalabanin ang anumang statement na inyong ibinibigay sa inyong mga mambabasa.At naniniwala din ako sa kasabihang "everybody is entitled to his or her own opinion".Kaya naman nais ko ring magbigay ng sarili kong opinion nang sa gayun ay mailabas din naman ang panig ng mga taong nabubuhay sa ganitong sitwasyon o kalagayan.Hindi lang ng mga taong wala namang naging tunay na karanasan o eksperyensya kung paano talaga ang mamuhay bilang isang bakla: the most misunderstood issue in the whole world.

Sa aking palagay,wala naman talagang tunay na nakakaintindi o nakakaunawa sa tunay na kalagayan at pinagdaraanan ng isang baklang tulad ko.Maliban na lamang kung isa ka ring bakla o nakaranas na maging isang bakla,o magkaroon ng koneksyon o relasyon sa isang bakla!Duon ay saka mo lamang maiintindihan ang lahat ng mga pangyayari dahil mismong ikaw ay nakaranas kung paano maging ganito!

Ngunit kung ikaw ay isang tunay o yung sinasabi nilang "straight" na lalaki,it is highly
understandable na wala kang tutoong ideya ukol sa ganitong isyu o kalakaran,at ang lahat ng iyong magiging opinion ay ibabase mo lang lahat sa naririnig,sinasabi, at nababasa mo mula sa iyong kapaligiran tungkol dito. Puro galing lamang sa labas ang lahat ng impormasyong makukuha mo patungkol dito.Walang galing sa loob dahil hindi mo naman aktwal na naranasan ang mga bagay na ito.

Ngunit ang kakatwa ay marami ang nagbibigay ng kanilang judgement sa bagay na ito kahit hindi naman talaga nila alam kung ano ang tutoo! The real score ,'ikanga .
Wari ba'y nababahala lamang ako tungkol sa tinuran mo sa iyong nakaraang mga kolum tungkol sa "scientific evidence" na ang pagiging bakla ay isang desisyon(choice) at hindi isang problema ng pagkakalikha(not a genetic problem).I respect that so-called "scientific evidence".

Maaaring tutoo ito,sa kabilnag banda, maaari din namang hindi, di ba?Maaari din namang kulang pa ang "scientific evidence " na yan,hindi kaya? For me that's not the absolute truth!

Kung tatanungin mo ang maraming mga baklang nandirito ngayon sa mundo ay siguradong marami ang hindi mag-aagree sa "scientific evidence " na yan!I'm sure marami ang magre-react tungkol sa bagay na ito,lalo na duon sa mga tunay na nakaranas kung paano maging isang bakla!

For once,this is my personal opinion and statement regarding that,in my honest opinion, half truth fact of yours.

I say half truth,dahil hindi ito ang lubos na katotohanan.Aaminin natin na mayruon nga talagang nagdesisyon at naging choice nila ang maging bading later sa kanilang buhay dahil na-discover nila na ito ang gusto nilang gawin.But you also can't hide the fact na "MAYRUON TALAGANG IPINAPANGANAK NA BADING NA SA SIMULA PA LANG".At iyan ang masakit na katotohanan!

And I say,you can take it straight from me!

Mula mismo sa aking bibig ay diretso kong masasabi sa iyo na IPINANGANAK AKONG BAKLA!

Sa aking murang kaisipan ay masasabi kong buhay na buhay na ang malakas na atraksyon ko sa mga kapwa ko lalaki.Natatandaan ko,sa murang edad na 7,habang ako ay grade 1 sa elementarya,ay maruon na akong crush na lalaki;ang kaklase kong si Angel.

Sa tingin ko kasi ang cute niya at ang ganda ng mukha.Attracted talaga ako sa kanya nuon lalo na sa kanyang mga mapupungay na mata.Kaya,nuon pa man,alam ko na na may kakaibang damdamin ang sumisibol sa akin,kahit bata pa man ako.
Wala namang nag-impluwensya sa akin.Hindi ako lumaki sa isang kapaligirang marami ang bakla.Wala rin sa mga kamg-anak ko ang masasabing bakla na maaaring pagmanahan ko o kaya ay makaimpluwensya sa akin.In fact,sa buong angkan namin ngayon ay dalawa lamang kami ng pinsan ko na lumitaw na "kakaiba ang pagkatao",ikanga nila.At lalo naman sigurong hindi ko masasabi na sa aking murang kaisipan ay naging "choice" ko nang maging crush si Angel,at ang iba ko pang mga kaklase at kalarong "maganda" sa aking paningin!

Ngunit bakit naramdaman ko ito sa ganun kamurang edad ng aking buhay?

Ang sagot ay hindi ko alam!
In fact ay walang nakakaalam ng sagot kung bakit ganuon ang nangyayari.
At ang nakakalungkot,uulitin ko,ay marami ang nagpapakilala na mistulang alam nila ang ugat ng lahat sa pangyayaring ito. At dahil sa katotohanang hindi naman talaga nila lubos na nauunawaan ang kalagayan at tutoong pinagdaraanan namin,ay nagbibigay pa rin sila ng konklusyon na minsan imbes makatulong ay lalo pang nakapipinsala upang lalo pang maragdagan ang pagkalito at tuluyang hindi pagkaunawa sa aming tunay na kalagayan!
Ito ang dahilan kung bakit minsan ay gusto kong ipagsigawan at ipahayag ang mga nararamdaman at nararanasan ng mga taong kagaya ko.Upang kahit papaano sana ay maunawaan kundi man lubusan,ay kahit bahagya lamang na maiparating namin sa mga taong nanghuhusga ang sinasapit ng mga nabibilang sa tinatawag na Ikatlong Kasarian na tulad namin.

Subalit tila ba bulag at bingi na ang mga taong dapat sana ay siyang unang unang nakakunawa at nakakaintindi sa aming pinagdaraanan.Sa darating lang na eleksyon,ay tuluyan nang tinalikuran ng Comelec ang pagkilala sa grupong Ladlad na kakandidato sana bilang partylist na siyang kakatawan sa libu-libong mga bakla na miyembro ng samahang ito.Bakit?

At ang masaklap sa lahat,ang Relihiyon na dapat ay siyang kanlungan ng mga inaapi at inaakusahan sa lipunan ay siyang numero unong nagtatakwil sa mga tulad namin.
Alam nyo po lumaki ako sa isang kapaligiran na kung saan ay iminulat ako sa katuruang ang maging bakla ay isang mortal at malaking kasalanan sa harapan ng Diyos! Na namumuhi at napopoot ang Diyos sa ganitong mga "nilalang".Patunay nga raw ang pagpapaulan ng Diyos ng asupre sa lupaing tinatawag na Sodom at Gomorrah na talamak na pinamumugaran ng mga bakla kahit nuong unang panahon pa man.At ito ay ayon sa Bibliya--ang Salita ng Diyos.

Marami pa ngang bersikulo at kapitulo sa Bibliya ang maaaring ilahad na siyang magpapatunay sa labis na pagkamuhi ng Panginoon sa sangkabaklaan.Katulad ng palaging sinasabi ng aking pamilya,partikular ng aking ama,tungkol sa kabaklaan.At ito ang natanim sa isipan ko.


Subalit ano ang ibinunga ng mga katuruang ito sa aking buhay?Nabago ba ng katuruang ito ang aking pagkatao? Sa kamalasan ay hindi.Bagkus,ay masasabi kong inilugmok ako nito sa labis na paghihirap at pasakit sa kalooban bunga nito.

Dahil sa natanggap at natanim sa aking isipan na mga pangaral laban sa kabaklaan,ay pilit kog iwinaksi ang kaisipan na maaaring ako nga ay isang bakla.Pinilit kong magpakalalaki,ikanga.

Bagamat,bata pa lang ako ay nararamdaman ko na ang aking kakaibang damdamin,dahil sa nakita at nadama kong hindi pagtanggap ng aking pamilya,at maging ng lipunan, sa ganitong sistema o kalakaran,ay sinikap kong baguhin at iwaksi ang aking nakalilitong damdamin.

Lumapit ako sa Relihiyon.Araw,gabi, lalo na nuong bata pa ako,ay lagi akong nananalangin sa Diyos na baguhin Niya ang takbo ng aking isipan.Subalit wala akong natatandaan,kahit isang saglit na nawala o nabawasan man lamang ang tindi ng silakbo at alab na nag-aapoy sa aking damdamin para sa mga kapwa ko lalaki.Bagkus ay lalo pa yatang tumitindi ang pagnanasa na aking kinikimkim para sa kanila.Bawat araw ay tila nadadagdagan ang pagnanasang itinatago ko para sa mga lalaki;at natatakot ako na isang araw ay bigla na lang akong sumabog at hindi ko na makayanang itago ang lahat sa aking kalooban.

Don't get me wrong.Lumapit na rin ako sa Panginoon.As I have said,nakakilala ako sa Panginoon simula pa nuong 1990.Naging masigasig din ako sa paglilingkod sa Panginoon.Sa pag-asa nanararamdaman sa kaibut mababago nito ang lahat ng aking itinatagong "kasalanan".Nagsikap ako at nagpumilit.Humihingi lagi ng tulong sa Itaas. Umiiyak na ako minsan dahil pinipigilan ko ang aking sarili na magkasala: ang patulan ko ang isang kapitbahay na lalaki na malaki ang aking paghanga---at pagnanasa!

Maging sa isip ko ay pinipigilan kong magkasala.Mapatingin lang ako sa isang lalaki na may halo nang pagnanasa ay agad kong inaalis sa aking isipan.Dusa rin maging ang pagpigil ko sa pagpapaligaya sa aking sarili para mailabas ang init na aking uran ng aking katawan.Dahil maging ito daw ay kasalanan!
Ang lahat ng oras ko at panahon nuon ay ginugol ko sa paglilingkod sa Panginoon!
Kalabisan pang sabihin na sinubukan ko ring pumasok sa isang Seminaryo!
Ngunit kung tatanawin ko ngayon ang aking nakaraan,hindi ko lubos maisip kung paano ako nakapagtiis ng ganun katagal na panahon upang supilin at pigilin lamang ang lahat ng ito.

Naniniwala ako na hindi habang panahon na maitatago ko at maitatatwa ang aking tunay na damdamin.Na darating din ang araw na tuluyan ng kakawala ang nakatagong "halimaw" sa aking kaisipan.

At dumating na nga ang araw na kinatatakutan ko!

Ngayon ay ibang -iba na ako sa dating kinalulugaran ko.Ginawa ko na ang matagal nang isinisigaw ng aking puso at isipan.Hindi na ako Relihiyoso.Hindi na rin ako madalas manalangin.Ang ginagawa ko ngayon ay ang sinasabi nilang karima-rimarim at kasuklam-suklam sa harapan ng Diyos!

Ngayon masisisi nyo ba ako kung ganito man ang pinili kong sitwasyon ngayon?
Sa aking ginawang desisyon na pagsunod sa nasa at pita ng aking laman ay wala akong pinagsisisihan.Ginusto ko ito at pangangatawanan ko anuman ang maging bunga ng kapangahasan kong ito.
Ang sa akin lang at prinsipyong pinanghahawakan ko ngayon ay ito:
1.may mga ipinapanganak na bakla na talaga sa simula pa lang
2.hindi sapat ang pagiging relihiyoso o maka-Diyos upang mapigilan ito
3.walang sinuman ang lubusang nakakaintindi kung saan ito nanggaling o saan ito patungo;kayat walang karapatan ang sinuman na ito ay husgahan at sabihin na ito ay isang malaking pagkakamali
4.at ito ay hindi laging kasalanan ng Diyablo kung bakit nagkakaruon ng ganito sa mundo.Minsan nakakaawa na ang Diyablo,dahil paging siya ang nasisisi sa lahat ng kapalpakan na lumalabas sa mundong ito!In the first place, kailangan bang laging mayruong sisihin kapag may nangyayaring itinuturing nating hindi maganda sa ating kapaligiran?

Sa ngayon ay nakakapagsimba pa rin ako minsan;at bagamat hindi madalas,ay patuloy pa rin akong tumatawag sa Panginoon.Hindi naman dahil sinasabi nilang namumuhay ako sa "kasalanan",ay itinakwil ko na rin ang Diyos sa aking buhay!
Ironically,mas naging malapit ako ngayon sa Diyos kaysa dati.
Kasi ngayon ang Diyos na kinikilala ko ay alam kong hindi ako kinamumuhian.Na mahal pa rin Niya ako kahit na ganito ang sinapit at naging kalagayan ko. Hindi ko iniisip na itinatakwil at isinusumpa ng Panginoon dahil lamang sa aking pagiging bakla.Naniniwala akong sa Kanyang dakilang karunungan at katarungan ay hindi niya ako huhusgahan dahil lamang sa pagiging ganito ko kaimperpekto.

Sapagkat ang Diyos na alam ko ay hindi nakakulong sa isang libro na ang personalidad ay drinowing at kinatha lamang ng mga tao na mayruon ding poot sa kanilang mga puso laban sa mga bakla!

I'm sorry if I may sound atheistic or worst,an evil blasphemer! But I am not,it's just that I want to give the Lord the benefit of the doubt.
Hindi ko kasi lubos maisip at matanggap na ganun kamuhi ang Diyos sa aming mga bakla.
In the end wala naman talaga,ni sinuman sa atin,ang nakatitiyak kung ano ba talaga ang katotohanan tungkol sa sinasabi nilang " a mistake of life " na ito.

At kung ano ang tutoong stand ng Diyos tungkol sa isyung ito!

Hindi lang talaga nila alam kung ano ang aming pinagdaraanan.Akala nila ganun lang iyun kadali.

Napakadaling sabihin ng isang "straight" na tulad ninyo,na umiwas,layuan,at supilin namin ang tukso ng kasalanan.Na kami ay magpakalalaki dahil ito ang disenyo ng Diyos para sa amin.Dahil walang nilalang ang Diyos na bakla!
Sana nga ganun lang yun kadali,disin sana'y wala nang naging bakla at naghihirap na kalooban dahil napakadali lang palang magpakalalaki.
Iba rin ang sitwasyon ng mga bakla na nagdesisyon na magpakalalaki later sa kanilang buhay.

Ito ay dahil naranasan na ng taong iyun ang lahat ng klase ng pait at kabiguan kung paano mamuhay ang isang bakla.Kaya sa bandang huli ay nagdesisyon na silang magpakalalaki na lang at supilin ang kanilang nararamdaman dahil nagsawa at nanghinawa at naawa na rin sila sa kanilang sarili buhat sa mga paghihirap na kaakibat ng pagiging isang bakla!
Nanggaling sila sa isang buhay na nakakapagod at nakakasawa kaya madali sa kanila ang magdesisyon na magbago at mag-iba ng landas buhat dito.
Subalit sa isang taong tulad ko na naranasan munang magpakabanal at mamuhay ng tama,diretso at walang kapintasan,mahirap isiping hindi ko maiisip ang magkasala at magkamali at danasin ito nang sa gayun ay malaman ko ang katotohanan kung sino ba talaga ako at ano ang gusto ko.

Minsan kailangan din muna nating maranasan ang magkasala at magkamali nang sa ganun ay makapagdesisiyon tayo kung ano ang susundan nating daan.

In the first place ay wala namang mabuti kung walang masama di ba?

Walang tama kung walang mali!

Masasabi kong napagod na rin ako sa sobrang pagpapakabanal at pagpipigil sa aking sarili kaya't minabuti kong lumabas at itigil na ang pagsupil sa aking tunay na nararamdaman.
Magpakatutoo at ilabas ang tunay na anyo mo,masama ba ito?
Masama bang sundin ang tunay na nararamdaman mo at nilalaman ng puso dahil lamang natatakot ka na itakwil ka ng iyong pamilya,ng lipunan na mapanghusga,at ng Diyos na sinasabing nag-uutos nito?

The next question is,utos nga ba talaga ng Diyos ang lahat?

O utos lang ng mga taong nagsasabing maka-Diyos!

I am very sorry again if I may sound a bit harsh,subalit ito lamang ang nilalaman ng aking puso. At minsan kailangang mong ilabas ito para marinig at nang sa gayun ay maunawaan din ng ibang tao ang tunay na pinagdaraanan.
Iyun ay kung hindi pa sila nabulag nang kanilang sobrang pagiging relihiyoso.

Ang sabi natin,ay "hate the deeds,not the person".Kamuhian natin ang kanyang mga kasamaang ginagawa hindi ang mismong tao.

I beg to disagree!

If you hate his work,you hate the person,period!
It's the same thing as,if you truly love a person,you love everything about him or her.You accept.

That's true love.No strings attached.No ifs and buts.

And that's the kind of love God has!

Hindi natin puwedeng sabihin na mahal ko ang taong iyun pero hindi ang kanyang pagkabakla.I tell you,hindi iyun tunay na pag-ibig.

Kung mahal mo ang isang tao,mahal mo ang lahat tungkol sa kanya,walang tanung -tanong,para sa akin,iyan ang taong tunay na umiibig!

Sadly,wala sa ating mga tao ang makakapantay sa pag-ibig na tunay na ipinapadama sa atin ng Diyos.

At minsan ito ang hindi maintindihan ng tao!

Na pinipilit naman niyang intindihin at ipaliwanag kahit na alam niyang kailanman ay hindi ito mauunawan at maaarok ng kanyang kaisipan.

And that is the mystery of God!

Misteryo na pinipilit tuklasin ng tao.At pinipilit niyang maintindihan!

Ngunit ang lahat ay nauuwi lamang sa kabiguan.

At siphayo naman sa ibang naaapektuhan.
In the end,sa aking pagkawala sa mundong ito,sa araw na kailangan kong humarap sa Diyos,meron lang akong isang tanong na nais kong sagutin niya.
Ito ay ang tanong na "Lord,hate mo ba talaga ang mga bakla?"

At habang hindi pa dumadating ang araw na itinakda upang makaharap ko Siya,mamumuhay muna ako sa paraang gusto ko at nais ng puso ko.After all,minsan lang naman tayo dadaan sa mundong ito. At sa aking kamatayan,umaasa ako na ibang klaseng Diyos ang haharap sa akin at tatanggap bilang ako.Hindi ang Diyos na likha at ikinahon ng mga tao.

At kung hindi naman,so be it.Tatanggapin ko anuman ang kanyang maging kahatulan!
Basta ang mahalaga ay sinunod ko kung ano ang nasa puso ko!
At minsan yun lang ang dapat nating gawin sa ating buhay!

Amen.

Thank you very much!

Tuesday, February 15, 2011

Executive Order Number 23



Suportado ko ang EO No. 23 ni Pangulong Pnoy na kaniyang nilagdaan ukol sa indefinite log ban sa buong bansa upang mapigilan ang sobra sobrang pagputol ng mga puno sa kagubatan ng Pilipinas.

Sa tindi at dami ng bahang naranasan ng bansa nitong nagdaang mga panahon hindi mapasusubalian na isa sa dahilan nito ay ang pagkaubos ng mga puno sa ating mga kabundukan at kagubatan.

Maliban sa maling pagtatapon ng mga basura at mahinang klase ng drainage at sewerage system sa ating bansa , ay isa ang pagkaubos ng puno sa mga matitinding dahilan ng mga pagbaha sa ating kapuluan.

Lalo na at panahon ngayon ng La Nina at mga bagyo na sanhi naman ng climate change sa buong mundo bilang epekto pa rin ng paglaho ng kagubatan na siya sanang sasangga sa mainit na buga ng araw sa atin.

Dapat nga dito ay total log ban eh .

Aba'y dapat tuluyan nang ipagbawal ang pagto-troso at pagmimina sa ating mga kabundukan huh.

Bakit selective lang at indefinite pa?

Kailan pa ipapatupad ang total log ban , kapag wala nang mga gubat at bundok sa buong Pilipinas ?

At sana kung kailangan mang may putulin na puno , dapat ay may ipapalit sila na bagong butil ng puno para lumaki at lumago di ba?

Ang mga siyentista naman natin at mga imbentor dapat ay umpisahan nang magsaliksik o mag-imbento ng synthetic na puno. Iyon bang gawa o materyal na parang puno pero hindi talaga siya galing sa kahoy kundi sa loob ng isang laboratoryo pinormula.

Dapat iyon ang imbentuhin ng mga aghamero natin eh hindi iyong kung anu-anong pampaganda o pampaputi nang sa gayon ay hindi na natin kailangan pang pumutol ng puno ng kahoy para gamitin bilang furniture o muwebles na ang kailangan ay kahoy.

At dapat hindi lang log ban ang ipagbawal huh.

Pati iyong mga walang kawawaang pagmimina at pagbubungkal ng lupa na ang nagsa- suffer din siyempre ay iyong mga masasagasaang mga puno na kailangang itumba para maisagawa ang pagmimina o pagbubungkal ng lupa di ba?

Kung ako nga lang ay may kakayahang gumawa ng batas ay ipapasa ko ang isang batas na nag-uutos na bawat isang bahay ay dapat ay may alagang isang puno ng kahoy na kaniyang palalakihin at payayabungin sa kaniyang bakuran o hardin. Dapat mandatory ito sa bawat may bahay.

Iyon ay kung isa akong mambabatas.

Kaso ang karamihan sa ating mga mambabatas ay mambubutas kaya tuloy iyan maraming mga butas ang ating mga batas hu hu hu hu.

EO 23 , upheld it all over the country now to start the healing process of our forestry!!!

Now na!!!

Monday, February 14, 2011

Happy Valentines Day





Araw na naman ng mga Puso.

Valentines Day.

Mapupuno na naman ang mga motels nito tiyak. Fully booked ikanga.

At ang mga fine dining restaurant tiyak na jampacked.

Ang mga romantic concert and song dinner ay pihadong box office ang pila sa mga ticketron nito.

Ang baywalk sa Manila Bay ay mag-iinit ang sunset dahil sa mga magsing-irog na nagdi- date sa baybayin nito habang pinanonood ang paglubog ng araw sa kanluran.

At ang Lovapalooza ng Close Up, mabubuhay na naman ang halikan ng mga labi sa labi. Umaatikabong laplapan na naman ito tiyak.

Pero ako , ganun pa din.

Loveless .

Member ng SMV . Samahang Malalamig ang Valentines he he he.

Pero okay lang .

Di na ako apektado.

Kahit na nagyeyelo o nagniniyebe tulad sa freezer ang puso ko ngayong Valentines , hindi naman talaga ito totally zero.

Ito ay dahil sa nandiyan pa rin si Lord na nagmamahal sa akin for sure.

And of course , my family and friends who dearly love me most.

Para sa akin tama na iyon.

At least for now.

Kung habang buhay akong romantically loveless , wala namang diperensya sa akin yun.

Pero malay natin , someday , somewhere , somehow , may dumating din na magmamahal ng tunay sa akin , romantically . Who knows di ba? .

If time permits it , so be it.

But for the meantime , di ako naghahanap.

Tama na sa akin kung ano yung nasa akin ngayon.

Ewan kung ilang Valentines pa ang darating na malamig para sa akin.

But one thing is for sure , di kailan man manlalamig ang love ko kay Lord , sa aking family and friends , and of course sa aking sarili di ba , he he he.

Happy Valentines na lang sa mga nag-aalab ang Valentines Day ngayong Araw ni Kupido!

At duon naman sa mga nagyeyelo ang Araw ng mga Puso tulad ko , cool lang kayo , time will come na matutunaw din ang yelo sa ating mga puso dahil sa silab na hatid ng pag-ibig na kusang darating at dumarating .

Yun lang!

Sunday, February 13, 2011

Sana By Kristina Paner

Dahil sa bagong teleserye ng ng Channel 2 ay muling ni-revive ang napapanahong awitin na ito dati ni Kristina Paner na Sana.

Binigyan ito ng bagong buhay at kulay ni AmyNobleza para nga sa teleseryeng nabanggit.

Narito ang lyrics na dapat ay siyang ating isinisigaw ngayon sa buong mundo.

This are my heart's wishes for the whole world.

LYRICS:

Sana ang buhay
Ay walang dulo o hangganan
Sana'y wala nang
Taong mahirap o mayaman
Sana'y isa ang kulay
Sana'y wala ng away

Sana'y pag-ibig na lang
Ang isipin
Nang bawat isa sa mundo
Sana'y pag-ibig na lang
Ang isipin
Sana'y magkatotoo

Sana'y laging magbigayan
Sana'y laging magmahalan

Sana ang tao'y
'Di nagugutom o nauuhaw
Sana'y hindi na
Gumagabi o umaaraw
Sana'y walang tag-init
Sana'y walang taglamig

Sana'y pag-ibig na lang
Ang isipin
Nang bawat isa sa mundo
Sana'y pag-ibig na lang
Ang isipin
Sana'y magkatotoo

Sana'y laging magbigayan
Sana'y laging magmahalan



Saturday, February 12, 2011

F******** Generals



Talagang F*** Y** itong mga tinamaan ng lintek na mga heneral na tinamaan sa expose na ginawa nina General George Rabusa at Heidi Mendoza.

Biro mo milyon milyon pala ang iniuuwing pabaon kapag nagreretiro na sa serbisyo huh!

At hindi lang basta isang milyon o dalawang milyon ang pinag-uusapan dito huh kundi 80 milyones lang naman ang pinakamababang ipinapabaon sa mga kumag na ito kapag nagre-retire na .

Aba'y daig pa ang nanalo sa lotto o anumang mga gambling machines sa mga casino diyan sa Las Vegas.

Mga tinamaan ng lintek ang mga kupal na mga ito.

Hindi na nahiya at tinatanggap pa ang milyones na take-home pay at retirement benefits huh!

Habang ang mga mistah at mga tropa ninyo sa militar ay nagkakandamatay sa paglaban sa mga kriminal at masasamang tao duon sa Mindanao at sa iba pang panig ng mundo at ng bansa , kayo naman ay nagpapalamig sa opisina ninyong de-aircon habang nag-uutos at tapos ay siya pang pababaunan ng milyones kapag nagpahinga na.

Kayo na ang pinaka-swerteng nilalang sa buong mundo!

Nuong nagsabog ng suwerte ang Diyos ay sinalo ninyo na yatang lahat.

At nuong nagsabog naman ng kamalasan ay sinalo naman ng mga masang Pilipino ang lahat ng kamalasan.

Maddafacka!

Nakakapag-init ng ulo at bumbunan.

Dapat kayo ang ibinabala sa kanyon at machine gun eh at pinapasabugan ng mortar para magkapira-piraso at kumalat ang mga laman sa isang kalsada.

Mga walang hiya kayong mga heneral pa mandin huh!

Friday, February 11, 2011

Mga Bagong Salawikain

SALAWIKAIN…

Kapag may isinuksok, huwag ipakita sa mandurukot.


Ang taong hindi maru­nong lumingo­n sa pinangga­lingan, pinalayas ng magulang.


Ang lumalakad nang matulin, nagmamadali dahil trapik.


Ang taong nasugatan, Betadine ang kailangan

Thursday, February 10, 2011

The Screaming Nation comment

Irere-post ko lang itong comment ko sa isang blog entry ni Baklang Maton entitled The Screaming Nation.
The blog entry is all about acceptance and third sex discrimination in society.

Read the blog entry HERE

Edgar Portalan said...

Acceptance is relative.

Tama naman . Respect others before asking to be respected. We are shrieking anti-gay discrimination ; pero minsan guilty din tayo sa pag-discriminate sa kaibahan ng marami sa atin: kapag maitim - Negro ; kapag maputi - anak araw o mestisong hilaw ; yung may mga Down's Syndrome - Mongoloid ; kapag pangit - chapter o chaka khan ; ang mga Protestante - praise the Lord ; ang mga Muslim - warfreak at magugulo ; ang mga Arabo - mababaho at di naliligo ; ang mga Bumbay - 5-6 ; ang mga Waray daw matatapang at palaaway ; ang mga Ilokano - kuripot naman daw ; mga Intsik - singkit ; mga Hapon - sakang at marami pang mga labels na ibinabato natin sa ating kapwa na senyales ng discrimination. We are asking for acceptance and yet we are not that accepting as we must be.
We have differences in terms of religion , culture , skin color , physical characteristics , social status , educational attainment ,race and sexual orientation. And admit it , we have our own biases in favor of one class over another.

Tama naman si BM : mismo sa sangkabaklaan may mga discrimination . What with such labels as hipon , chuckie doll , parlorista; pamhinta ; screaming faggot ; Anita Linda ; Purita Mirasol at iba pang mga gay jargons na talaga namang nakakaloka sa panlalait davah?

Take this situation: kalaliman ng gabi sa aming lugar , nabulahaw ang lahat sa pagtulog dahil sa malakas na pagpapatugtog ng videoke , pagtili at pagsigaw na nanggagaling sa paligid ; at nang aming silipin , ang mga beki pala sa tapat ng isang videoke bar ay nag-paparty wildness ever kasama ang kani-kanilang mga boylet na lango na mula sa nainom na sipa ng pulang kabayo.

So paano mo naman rerespetuhin ang mga ganung tao kung sila mismo ay hindi marunong rumespeto sa mga taong natutulog na nakapaligid sa kanila?

Respect and Acceptance are the two most common misused words in the universe.

Mga ateng ; respect must come from within ourselves. Matuto tayong respetuhin muna ang sarili natin. And then kapag nirerespeto na natin ang ating sarili mismo ; acceptance will follow surely and immediately.

Yun lang po , maraming salamat!

Wednesday, February 9, 2011

Ricardo Reyes

Aba nakakabilib naman itong si Ricardo Reyes dahil tinalo niya , hindi lang isa o dalawa , kundi limang veteran NBA player lang naman sa isang basketball arcade shooting game na ginanap sa programang Jimmy Kimmel Show sa US.

Galing naman talagang mag-shoot nitong 41 years old Filipinong ito na nagtatrabaho sa Amerika bilang isang Bus Boy sa Barney's Beanery Restaurant sa California.

Heto lang naman ang record na ginawa niya huh:

Una niyang hinarap ay si MVP Lebron James ng Miami Heat na naka-shoot ng 42 points lang . At si Ricardo 72 points lang naman.

Sumunod ay si Charles Barkley na nagkruon ng final score na 85 - 51 pabor ulit kay Reyes.

Next na inilampaso niya ay walang iba kundi si MVP Kobe Bryant lang naman sa score na 82-58 pabor pa rin kay Reyes.

Next ay kay LA Lakers power forward Lamar Odom na inilampaso niya sa score na 84-35

At panghuli ay kay Carmelo Anthony ng Denver Nuggets na 38 lamang ang naiskor samantalang kay Reyes ay 72.

O diba naman at nakakabilib.

At dahil dito ay nanalo lang naman ng 2010 Ford Mustang model na kotse si Reyes dahil sa pagtalo sa limang NBA greats na ito.

Oh ha.

May tatalo pa ba sa galing mag-shoot ng mga Pinoy!

Kahit saan talaga shooter ang mga Filipino he he he

Panoorin natin ang mga video dito:












Tuesday, February 8, 2011

Biyenan

"BIYENAN SINAKSAK SA AGAWAN NG ANAK"

Iyan ang headline sa isang tabloid nung isang araw .

Tipikal na awayan dito sa Pilipinas ang awayang mag-biyenan.

Kaya nga naging klasiko na ang mga patutsada ni Pepe Pimentel tungkol sa kaniyang biyenan sa kaniyang game show nuon na Kuwarta O Kahon.

Gayundin ang klasikong linya ng biyenan ni John ( Dolphy ) na si Donya Delilah ( Dely Atay-atayan ) sa klasikong TV show na John En Marsha nuong dekada 70 hanggang 80.

Ito ay ang linyang " Kaya ikaw John magsumikap ka "

Ang biruan nga ay kapag napadako ka daw sa impyerno ay tatlong pamilyar na mukha ang unang bubungad at masisilayan mo dito : ang iyong mayor , ang iyong abogado at ang iyong biyenan!

Mas madali pa daw makapasok sa langit ang kabayo o kalabaw kaysa sa tatlong ito he he he.

Nuong isang araw ay may dumadaing at nagsusumbong na babaeng nagtungo sa tanggapang baranggay ng aking Father bilang isang Chairman sa aming lugar na dumudulog dahil nagrereklamong ayaw daw ibigay ng kaniyang biyenan ang kaniyang anak at dahil dito ay sinaktan siya.

Sinabi niya mismong kaya nga daw sila nagkahiwalay ng kaniyang asawa ay dahil sa labis na pakikialam ng kaniyang mga biyenan.

Iniutos naman kasi sa Bibliya na oras na mag-asawa na ang isang anak ay dapat humihiwalay na ito sa poder at kupkop ng kaniyang mga magulang upang bumukod at magsariling buhay.

Dito nagkakaruon ng problema dahil sa hindi pagsunod sa utos na ito ng Diyos na bumukod at humiwalay.

Once na nakapisan pa rin kasi ang mga anak sa kaniyang mga magulang dito umuusbong ang problemang biyenan laban sa manugang.

Likas nga bang pakialamera ang mga biyenan?

Natural lang naman ito lalo na kapag nakikita nila na nahihirapan o nasasaktan ang kanilang mga anak na akala nila ay nasa pangangalaga pa rin nila dahil nakapisan pa rin sa kanila.

Kaya nga ang solusyon ay humiwalay at magsarili nang sa gayon ay malayo sa mapanuring paningin ng mga biyenan at makapagdesisyon sila nang naaayon sa kanilang mga kalooban mismo.

Ewan ko basta sa amin nagkakasundo ang aking mga magulang sa kanilang manugang na asawa ng aking kapatid.

Buti na lang at mabait pareho ang aking hipag at ang aking mga magulang kaya walang problema he he he.

At siyempre higit sa lahat , nakahiwalay sila kaya naman at peace ang lahat.

O debah naman!

Kaya kayo kung magpaplano kayong mag-asawa , planuhin nyo din ang pagbukod at pag-sosolo malayo sa matatalas na mga mata ng inyong mga biyenan .

Oh ha!

Monday, February 7, 2011

Willie Yabang

Share29
Willie, nag-promote ng ‘Eat Bulaga’ sa ‘Willing Willie’

NATAWA kami kay Willie Revillame dahil biglang-bigla ay pino-promote niya ang Eat Bulaga sa show niya sa TV5 na Willing Willie.

Nangyari ‘yon sa kanyang programa nu’ng Enero 26, isang araw bago ang 50th birthday ni Willie.

Ang dahilan ng ginawang ‘yon ng TV host ay ang kaibigan niyang si John Estrada na babalik ng ABS-CBN para mag-host ng isang noontime show.

Sina Randy Santiago, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga ang balitang makakasama ni John sa bagong pantanghaling programa ng Kapamilya network.

Nagpaalam si John sa TV5 kamakailan dahil kinuha siyang muli ng ABS-CBN.
Sa show ni Willie nu’ng Miyerkules ay nag-on the air siya habang kausap niya sa celfone si John. Hindi naririnig ng audience ang mga sinasabi ni John pero si Willie ay nakamikropono habang kausap si John sa celfone.

Buong ningning na pinagsabihan at sinumbatan ni Willie si John on natio­nal television.


Dayalog ni Willie kay John, “May noontime show na kayo dito, inaayos ko na, aalis kayo ngayon. ‘Yan ang hirap sa inyo, iiwanan n’yo na naman ako.

“Iniwan n’yo na ako dati. Tandaan mo ‘to, hindi magri-rate ‘yan! Tandaan mo ‘yan! Ako, nagsasabi sa ‘yo.

“O ayan, sige, bahala kayo! Ipa-plug ko dito ang Eat Bulaga araw-araw!”
Habang kausap si John sa kabilang linya ay kinakausap din ni Willie ang studio audience at ang mga nanonood sa telebisyon.

Ani Willie habang nakatingin sa ca­mera, “Kasi dapat, may noontime show sila rito, eh. Tapos bigla na namang lilipat na lang sa channel ano na naman. Inaayos ko na, tapos eto…”

Baling niya ulit kay John, “Nakakasama kayo ng loob. Inayos ko na lahat tapos, bigla n’yo akong iiwan na naman,” na ikina-react ng audience.

“Ano? Hindi na ako pupunta sa kasal mo. Maghanap ka ng ibang Best Man,” bulalas ni Willie sabay ngiti, na umani na naman ng reaksyon sa studio audience.
“Basta, maghanap ka na ng ibang Best Man. Eh ikaw, bahala ka. Basta ako, iniwan n’yo na ‘ko dati.

“Hindi na, iniwan n’yo na ako dati. Pinagkaisahan n’yo ako. Bumalik ako sa MTB (Magandang Tanghali Bayan sa ABS-CBN), hinanap ko pa rin kayo. Kayo pa rin ang ibinalik ko. Alam n’yo ‘yan.

“Pero kung iiwan n’yo ako ngayon, okey na ‘yan. Magsolian na tayo ng kandila!” hirit ni Willie, habang patuloy sa pagre-react ang mga tao sa studio.

“Okey lang ‘yan. Kung mas mahal n’yo ‘yan (ABS-CBN), na ‘yan ‘yung gumanyan sa atin, tinanggal tayo. ‘Pag hindi kayo nag-rate, tatanggalin din kayo d’yan.
“Maniwala kayo sa akin! Tama?” tanong niya sa audience, na sinagot naman ng studio audience ng malakas na, “Tamaaaaaa!!!”

“Sinalo na tayo ng Channel 5. Eto na sumalo sa atin eh, tatalikod pa tayo sa kanila? O basta, bahala ka na. Basta ako, minahal kita bilang kaibigan.

‘Pag nag-Channel 2 ka at nag-noontime show ka pa d’yan, wala kang kaibigan na Willie.

“Masakit ‘yang gagawin n’yo sa akin dahil inayos ko na. Nag-meeting na ako kagabi tungkol sa noontime show dito. ‘Yun lang.

“Masama talaga loob ko. Masama ang loob ko dahil inayos ko na ‘to kay Mr. MVP, kay Mr. Rey. Pero kung d’yan kayo masaya sa taong nanakit sa akin, nanakit sa atin dati, d’yan na lang kayo,” huling linya ni Willie kay John bago siya nagpaalam dito at ibinaba ang telepono.

Baling niya sa audience, “Ganu’n lang kasimple ang buhay. Dapat, totoo ka...” na pinalakpakan ng mga tao sa studio.

“Alam n’yo, nag-meeting na kami, eh. May noontime show dapat dito, Randy-John. Sasabihin ko sana ‘yung mga iba pang babae pero… tapos, masakit sa loob ko dahil inaayos ko na maayos sila rito.

“Tapos, biglang in-offer-an sila ng Channel 2, nandu’n na naman sila sa Channel 2?!

“Hay naku! Eat Bulaga tayo! Eat Bulaga tayo!” sambit ni Willie, tapos ay biglang pinatugtog sa background ang Shembot song ng EB.

Limang taon na naka­tapat ng Eat Bulaga ang Wowowee noon ni Willie bago ito natsugi sa ere nu’ng Hulyo 30, 2010. Ngayon ay nasa primetime slot na ang show ni Willie at hindi na katapat ang EB kaya puwede na niyang i-plug ang nasabing noontime show.

Kamakailan ay nabasa namin sa tweet ni Richard Gomez na nagpaalam na sa Sunday show nilang PO5 si John.

Bilang kaibigan ay naiintindihan daw ni Goma ang ginawang ‘yon ni John, pero si Willie ay hindi matanggap ‘yon.

Obviously ay galit si Willie sa sinumang magti-take over sa iniwan niyang noontime slot sa Dos.

Tila ang gusto ni Willie, ang kaaway niya ay dapat kaaway din ng mga kaibigan niya.

Kaya ganu’n na lang ang mga pinagsasabi niya kay John nang magkausap sila, na umabot pa sa puntong idineklara niyang hindi magri-rate ang bagong show ni John sa Dos. Pati ang pagbi-Best Man niya sa kasal ay biglang tinalikuran ng TV host.

Sa Pebrero 26 ang beach wedding nina John at Priscilla Meirelles sa Thunderbird Resort sa San Fernando, La Union. Doon natin malalaman kung tototohanin ni Willie ang banta niyang hindi pagsipot sa kasal.

----------------------------------------------------------------------------------


Iyan ang kabuuan ng kolum ni Allan Diones na lumabas sa Abante-Tonite entertainment page nitong January 29 , 2011 , Sabado.


Base sa artikulo ay nagsisimula na namang yumabang itong si Willieboy huh ( dati naman na?)

Nagsisimula na namang magpakita ng pagka-inggrato at kawalan ng utang na loob sa istasyong nagpayaman sa kaniya at nag-discover sa kaniya in the first place.

Eh kung hindi ba siya binigyan ng pagkakataon ng Channel 2 na mag-host ng isang noontime show ay makikilala ba siya at mararating niya ang anumang puwesto o kasikatang tinatamasa niya ngayon huh?

Kahit ano pang sabihin niya , Channel 2 lang naman ang unang naniwala sa kaniyang kakayahan bilang isang host di ba? At ipinaglaban ito hanggang sa huling panahon. Sa kabila na halos walang naniniwala sa kaniyang abilidad huh.

Channel 2 lang naman ang nagpakilala at nagbigay ng break sa kaniya bilang isang magaling na tao sa mundo ng hosting. At ngayon na kaya na niyang tumayo sa kaniyang sariling mga paa ay sinasagpang na niya ang mga kamay ng mga taong nagturo sa kaniya kung paano lumakad at tumayo nang mag-isa.

The height ng kawalan ng utang na loob.

Nasaan ba siya nung mga panahong hindi siya kinupkop ng ABS CBN huh?

Eh di bat hamak na drummer at Hawi Boy lamang siya ni Randy Santiago ?

Eh ano bang masama at kunin ng ABS CBN ang mga katropa niya?

Sabi nga ng author ay dapat ba na ang mga kagalit niya ay dapat ding maging kagalit ng mga kaibigan niya?

Eh bakit sa palagay ba ni Willie ay hindi rin siya bibitawan ng channel na iyan kapag dumating na ang panahong lumaylay na sa ratings ang programa niya?

Self interest lang naman iyan eh . Sige subukan nating hindi na kumikita ang programa niya kung manatili pa rin siyang flavor of the month ng channel niya ngayon?

Sino ba namang businessman ang magpapalugi di ba?

Haayy naku , hindi pa ba tayo nagsasawa sa kayabangan at ere sa ulo nitong kumag na Willie na ito?

Nakalimutan na ba natin ang ginawa niyang pambabastos sa ating mahal na Pangulong Cory Aquino nung kasagsagan ng libing nito at pagdadalamhati ng buong bansa sa kaniyang pagyao?

At ang Wowowee stampede mo Willie kumusta na?

Talagang nawiwili na sa kayabangan ang Willlie na ito huh!

Dapat nang putulan ng sungay at buntot habang maaga pa .

Ganiyan talaga ang mga langaw , kapag nakatuntong na sa kalabaw , akala mo ay mas malaki pa siya sa kalabaw na tinutuntungan niya.

Hindi pagpapakatotoo ang ginawa niyang ito on national television , kundi isang malaking kainggratohan sa paningin ng sambayanan.

Lagi ko nang pinapaalala , kung anong taas ng lipad mo , ay siya ring taas ng lagapak mo balang araw.

Tandaan mo iyan Willie Yabang!

Sunday, February 6, 2011

Always by Darlene Zschech

Another great song from Hillsong Music Ministry in Australia.

Always by Darlene Zschech from the album More Than Life.

It's Sunday and it's the time to worship God for His everlasting love for us mankind .

Hear the song and be blessed :

Saturday, February 5, 2011

Shalani ...ready , get set , go....

Ha ha ha ha.

Nakakatuwa talaga itong si Shalani sa kanyang hosting job assignment para sa programang Willing Willie ni Willie Revillame sa Channel 5.

Wala talagang kalatuy -latoy magsalita ha ha ha ha.

Patok sa Youtube ang linya niyang " ..readyyy , get settt , gowwww..." na parang sinasabi ng isang dalagitang galing probinsya at bagong kaluluwas at salta sa kalungsuran at tila naninibago sa kaniyang kapaligiran.

Hayan tuloy at inookray na naman siya ni Joey De Leon ng Eat Bulaga ha ha ha ha.

Huwag ninyong sabihing kaya siya hiniwalayan ni Pnoy ay dahil boring daw siyang kasama at kausap huh?

Panoorin ninyo na lang dito sa video na gawa ni Even Demata sa Yutube para maaliw at matuwa rin kayo kay Shalani he he he.

Friday, February 4, 2011

Pnoy , naglalaro daw ng PSP?



Nakakatawa naman itong thread na nakita ko sa isang site.

Ang tanong : Ano daw kaya ang ginagawa dito ni Pnoy sa litratong ito?

Nakakatawa ang mga reaction huh.

Sabi nung isa :

"naglalaro yan ng brick game "

Bida naman ng isa pa :

"nagp-psp.. nababadtrip xa di na mapatay yung mother ship hehehe..."

Bato nung isa :

" Shalani!!! Eto na!!! Eto na!!!

Shit naubusan ng battery Nintendo DS ko. "

At ang pamatay na komento ng isa pa :

" Amff ! Kris wag kang malikot!!! Malikot na nga itong mga kuto mo, maglilikot ka pa! Josh akina nga yung shellgard para dito sa mama mo. "


Ha ha ha....kakatuwa naman po Sir!

Ayoko nang magkomento kasi kung ako ang magko-comment baka makasuhan pa ako ng libel ha ha ha ha.

Thursday, February 3, 2011

Happy Chinese New Year


Year of the metal rabbit na nga ayon sa mga Chinese.

Ngayon ang simula talaga ng taon ayon sa ating mga kapatid na singkit.

Base kasi ito sa kanilang lunar year na kadalasang sumusunod sa ikalawang bagong buwan pagkatapos ng winter solstice.

Kaya naman hindi na naman magkamayaw ang mga dragon at lion dance , ang pao at tikoy bilang pampaswerte ng mga beho.

Ito ang kanilang paniniwala base sa kanilang tradisyon.

At any rate , successful naman dahil tingnan mo nga ang mga Intsik at halos lahat ay matagumpay sa mga ambisyong kanilang pinapasukan.

Pero saan nga ba ito base , sa kapalaran at mga pampaswerte na ginagamit ng mga tao ?

O dahil lang talagang likas na masisipag , determinado at matiyaga ang mga Intsik upang matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay?

Happy Chinese New Year!

Wednesday, February 2, 2011

Aratiles



Nuong bata ako ay mahilig ako sa bunga ng aratiles.

Ito yung puno na kung saan ay nagkakabunga ng maliliit na prutas na kadalasang kulay pula kapag hinog na .

Ang kulay nito kapag hindi pa hinog o manibalang pa lang ay kadalasang berde.

Kapag malaki laki na at malapit nang mahinog at medyo naninilaw na ang kulay nito ay puwede na itong kainin o ngatain sabay sa pagtagas ng malinamnam na katas nito sa iyong bibig.

Pero mas manamis-namis iyong hinog na o mapupula na ang balat . Mas masarap itong nguyain at ngatain.

Madali lang itong tumubo at lumago kahit sa tabi tabi lang nuon.

Marami ito nuon sa aming paligid nuong aking kabataan days diyan sa may Marikina.

Pero ngayon tila hindi ko na madalas na nakikita ito sa amin.

Palibhasa yung mga dating damuhan at bukirin na pinaglalamyerdahan namin nuon diyan sa Marikina ay natayuan na ng mga naglalakihang mall at mga gusali hmmmpp.

Na mi-miss ko na tuloy ang aratiles.

Bihira din ang nagtitinda nito sa palengke at mga talipapa.

Ni wala nga yatang naglalako nito sa mga pamilihan.

Eh kasi naman paborito lang ito ng mga batang tulad ko nuon.

Naaalala ko na lagi akong hinahanap ni Mother at kapag hindi ako makita ay tatanaw lang siya sa napakataas na puno ng aratiles sa aming hardin ay makikita na niya ako duon na nakalambitin na parang unggoy at sumisibasib ng mga bunga nito.

Ang tawag ng ibang mga bata dito ay alatires.

Pero napagtanto ko na ngayon na ang tamang bigkas dito ay aratiles , ratiles , datiles o puwede ring tawaging mansanita.

Ang species name nito ay Muntingia calabura.

Sa English ito ay tinatawag na Jamaican cherry, Panama berry o Singapore cherry

Kapag may pera na nga ay magtatanim ako nito ng isang buong farm at gagawin kong isang malaking negosyo he he he.

Aratiles vendor anyone?

Aratiles , aratiles kayo diyan.....

Tuesday, February 1, 2011

Splice


Napakaganda naman pala nitong pelikulang ito na napanood ko sa DVD na Splice directed by Vincenzo Natali starring Adrien Brody and Sarah Polley

Aba kumpletos rekados .

Pinagsama sama na lahat yata sa iisang pelikulang ito ang lahat ng klase ng genre sa isang palabas.

Meron nang sci-fi , action , comedy , drama , horror , suspense , romance at san ka pa meron ding sex ha ha ha.

Ito ay kuwento tungkol sa dalawang scientist na nag-eksperimento na magcross-breed ng mga parte ng mga hayop para sa isang research studies.

In the end ay nakapag-produce din sila ng embryo na pinagsama samang mga hayop at human tissues na ang naging resulta ay si DREN ( Delphine Chaneac ) ; isang part human , part animal organism na mabilis ang pag-develop at pagtanda and eventually ay naging dangerous sa kanilang misyon para sa development ng kanilang scientific research in genetics.

Pinaghalo-halo dito ang elemento ng mga pagpapatawa , romansa , katatakutan , aksyon at siyensya na tiyak ninyong magugustuhan.

Plus ang aral tungkol sa patuloy na pagsasaliksik ng tao tungkol sa kaniyang kabuluhan.

Saan nga ba papunta ang agham ng biyolohiya dahil sa ganitong mga pag-aaral?

Sa benepisyo ng sangkatauhan?

O sa pagkawasak ng sibilisasyon nito?

Alamin ang sagot sa pelikulang Splice.