TRAVELBOOK NOW!

Monday, January 31, 2011

Azkals





Waaah, ang guguwapo naman pala ng mga member nitong Team Azkals huh.

Lalo na ang kanilang team leader na si Phil Younghusband na talaga namang husband material he he he.

First time yata na may mga heartthrob na player ng football o soccer dito sa Pilipinas ah .

Alam naman natin na hindi masyadong popular ang football o soccer dito sa atin na isang basketball crazy country na halos lahat ng kalyehon at maliliit na espasyo ay isinasarado para gawing court.

Ewan ko ba naman kung bakit natin nakahiligan eh likas namang hindi tayo matatangkad na mga Pinoy pero marami ang humaling na humaling sa larong ito.

Na hindi naman tayo madalas nage-excel dahil hindi nga tayo katangkaran kumpara sa ibang mga lahi na mas matatangkad at higante kesa sa atin.

Eh kailangan pa naman sa larong ito ay may height talaga para mai-dunk at mai-shoot mo nang maayos ang bola davah.

Kaya dapat go na tayo sa ibang sports kung saan magagamit natin ang ating physical characteristics na meron tayo , like dito nga sa soccer.

Kaya go go go Team Azkals at ipakita ninyo na may ibubuga rin ang mga Pinoy pagdating sa sucker , este , soccer pala he he he he.

Team Azkals , you're the man!!!

Sunday, January 30, 2011

Makati Mourns

Iyan ang heaadline ng isang dyaryo nitong nakaraang mga araw dahil sa sunud sunod na trahedyang nangyari sa Lungsod ng Makati nitong mga huling araw.

Una na ay ang pagpapasabog na naganap sa isang bus malapit sa kanto ng Buendia at EDSA na ikinamatay ng lima katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

Pangalawa ay ito namang pagbulusok sa kamatayan ng sampung mga construction worker na gumagawa sa isang gusali , partikular ang Eton Building diyan naman sa pusod ng Makati mula sa ika-32 palapag tungo sa pagbulusok sa ikawalong- palapag ng nasabing ginagawang gusali.

Doble dagok ito kay Mayor Jun Jun Binay na bagong kakaupo pa lamang sa opisina niya bilang alkalde ng lungsod.

Maraming mga inosenteng buhay ang ibinuwis dahil sa kapabayaan ng ilan at dahil naman sa kasakiman at kabuktutan ng iba pa.

Ang mga taong walang pakundangan sa buhay ng tao ay hindi dapat pinababayaang gumala sa sangkalupaang ito.

Ang mga nagtanim ng bombang iyan para kumitil ng mga inosenteng buhay ay walang puwang para patuloy pang mabuhay sa mundong ito
.

Sana , isinusumpa ko na ang mga kapamilya nila ang mag-suffer sa ginawa nilang kabuktutan para sa kanilang kapwa. At sumpa ng mga sumpa , tamaan sila ng mga nakakadiri at di gumagaling na mga sakit nang mapagtanto nila ang kanilang ginawa laban sa balana.

At duon naman sa sampung mga obrerong nagsisikap magpatulo ng pawis at dugo para sa kanilang pamilya ; maaaring dahil sa kapabayaan kaya nangyari ang pinsalang ito.

Aba'y marami na palang aksidente ang nangyari sa mga construction site na iyan ng Eton Properties pero bakit ngayon lang napansin.


Kung hindi pa parang mga bulateng nakalambitin sa mga palapag nito ang bangkay ng mga nasawi ay hindi pa ito malalaman.

Too late the hero na naman ang gagawing imbestigasyon dahil kung kailan may namatay saka lamng gagawa ng sangkatutak na imbestigasyong nauuwi din sa kawalan.

Hayyy ,buhay Pinoy , kailan ka lulubayan ng mga trahedyang dulot din ng kapwa mo mga Pinoy huh!

My condolences to all the victims!

Let us light a candle of mourning for them!

Saturday, January 29, 2011

Sabi ng mga babae....

Sabi ng mga babae…
DALAGA: Kiss me, but marry me!

MISIS: No money, no honey!


KULASISI: With house, open blouse!


SEKRETARYA: Forget your wife, always remember me!


KUMARE: Wala si pare mo, pwede tayo!


GRO: No pay, no lay!


POKPOK: Money down, panty down!


SALESGIRL: Buy me this dress, I give you happiness!


MADRE: Gusto ko sana, may pari bang kakasa?


BIYUDA: Matagal nang wala, ikaw ay pinagpala!


MATANDANG DA­LAGA: Noon pa sana. Ngayon, paano na?

Friday, January 28, 2011

Supermodel Danica Magpantay




Another Filipino had become the pride of our nation .

She has recently captured the crown and the heart of the modelling industry in the world .

She goes by the name of Danica Flores Magpantay who bested other 50 hopefuls at the 2011 Ford Supermodel Of The World contest held in New York City last Saturday.

O davah naman , Filipinos are slowly conquering the world ha ha ha.

Go go Filipinos , ipagmalaki mo ang lahi mo.


Ikaw na ang maging Pinoy!!!

Thursday, January 27, 2011

Magic Gimik


Isa sa mga bagong show na inaabangan ko tuwing Linggo ay itong palabas nina Empoy at ng cute na si Kian Cipriano ng Calla Lily na Magic Gimik sa Channel 5.

Ito ay ang tagalized version ng Breaking the Magicians' Code: Magic's Biggest Secrets Finally Revealed na isang dating TV series sa US.

Dito ay inire-reveal ang mga sikreto ng mga salamangkero kung paano nila ginagawa ang isang act o illusion para magbigay daya sa mga manononod na parang totoong mahika ang kanilang pine-perform.

Of course alam naman na nating lahat na may daya talaga ang mga magicians sa tuwing ginagawa nila ang kanilang mga sleights of hand . Eh kung walang daya ang mga iyan ay di para nang may mga superpowers ang mga iyan dabah. But undoubtedly , nakaka-amaze , nakakagulat at nakakabilib ang mga salamangkerong ito sa galing nila sa kanilang mga crafts o skills.

Nuong bata nga ako ay ang buong akala ko ay mga tauhan ng diyablo ang mga magicians na ito.

Hinding - hindi ko makakalimutan ang unang illusion na napanuod ko kung saan ay lumutang ang isang babae sa ere at pagkatapos ay pinahiga sa talim ng mga espada sa kaniyang likod.

Pero ngayon alam ko nang dinadaya lamang ako ng aking mga mata na hatid ng mga ilusyunistang ito.

Maraming mga magicians ang nagagalit dito sa show dahil nga feeling nila ay mawawalan sila ng trabaho dahil nabubunyag nga ang kanilang mga lihim.

But then dapat din nilang malaman na ang show na ito ay isa ring form of entertainment tulad ng kanilang ginagawa.

Kung ako sa kanila ay mag-produce o mag-isip sila ng kanilang mga bagong tricks o gimmicks na hindi pa nabibisto ni Master para tangkilikin pa rin sila ng mga tao.

At hindi naman porke nanonood ka ng show na ito ay ibig sabihin ay bumababa na ang tingin mo o respeto sa mga magicians .

Kundi mas lalo pa nga kaming bumibilib at humahanga sa mga ito dahil ibig sabihin ay talagang magaling silang mag-manipula ng kanilang katawan at ng mga bagay sa kanilang paligid nang hindi napapansin ng mga manonood.

At any rate , suportado ko pa rin ang mga magagaling na mga salamangkero dito at maging sa buong mundo !


Wednesday, January 26, 2011

Take Your Shirt Off

Love this song of T-Pain entitled Take Your Shirt Off.

Plus the awesome and funny video that goes with it.

Tamang tama para sa paparating na summer.

O ano pang hinihintay nyo , let's take our shirt off!!!!

Boys , take your shirt off!!!!

Tuesday, January 25, 2011

Aljur Abrenica as Machete

Aba , hindi na talaga maaawat ang pagsikat at pag-arangkada ng career ng favorite boytoy kong si Aljur Abrenica huh.

Ngayon ay siya na ang bagong Machete sa primetime television ng GMA 7.

Swak na swak ang role na ito kay Aljur dahil naman sa ganda at gara ng katawana niya ngayon huh.

Sa lahat naman ng Machete , siya ang the best .

Talo ba ang original na si Cesar Montano ha ha ha ha.

Talaga namang nakakapaglaway at nakakapanginig ng laman ang kaniyang katawang pang-romansa.

Nagmumura ang abs at muscles.

Lumelevel up na sa kaseksihan itong si Aljur na dating patpatin pa nung Starstruck days niya.

Ngayon , pang international na ang shape ng body , kaya naman winner as Best Asian Model sa Korea .

Oh pagpantasyahan nyo na ang mga picturaka dito mga madir at girlash.







Monday, January 24, 2011

Blind Item

Blind item muna tayo.

May nasagap akong tsika tungkol sa pagiging super mega baho ng isang aktres .

Kuwento ng isa kong BFF na umano'y tsika naman ng Kuya ng boylet niya na nakatabi ang aktres sa isang photo shoot.

Diumano ay katabi ni Kuya ang nasabing aktres sa isang mahabang bench kasama ang isa pang singer actress na na-involve lately sa isang intriga with a bitchy actress of the same network dahil sa pag-aagawan sa isang dancer na lalaki.

Bale tatlo silang magkakatabi sa nasabing bench.

At dahil dito ay amoy na amoy ni Kuya ang mabahong " aroma " na nanggagaling mismo sa kili kili ni aktres.

Langhap na langhap ni Kuya ang masangsang na amoy na pihadong nanggagaling sa armpit ng dugyot na aktres.

Eh biglang tumalak na rin si pa-tweetums na aktres sabay sabing " girl ang baho naman ng leki leki mo " sabay bunghalit ng tawa.

Aba, confirmed nga , sa kili kili ng aktres nga nanggagaling ang masangsang na amoy dahil sa unsolicited comment ni mahinhing aktres cum singer.

Nuon pa man ay napapabalita nang may amoy din daw ang hininga ni aktres kaya trulili ang tsika ni Kuya sa akin for sure.

Clue : Kaapelyido ni Masangsang Na Aktres ang pamilya ng mga kinikilalang mga artista dito sa Pilipinas.

At isa pang clue.

Kaapelyido din niya ang pangalan ng isang nuisance candidate nuon na tumakbo sa pagkapangulo ng bansa na mukha namang sinto sinto ha ha ha.

Eddie alam nyo na di ba?

Yun na!!!

Sunday, January 23, 2011

Barong Barong


Aba aba aba sumosobra na yata ang Barong na ito sa kaniyang pagiging manyak huh!

Aba , daig pa ang nakatira ng mga pinagsama-samang rugby , katol at sinunog na styrofoam kapag nakakainom ang "aktor" na ito.

Pati ba naman ang premyado , beterana at kinikilalang aktres na si Cherrry Pie Picache ay pinagnasaan???!!!

The height ng kalurkihan ng Barong na ito.

Dapat ka nang kalusin dahil puno na ang salop mo huh!

Alam na kasing nag-iiba ang karakas kapag nakakainom ay sige pa rin sa pagnomo.

Daig pa nito ang sinasapian ng ispiritu ni Mr. Hyde kapag nalalasing eh.

Eh di ba nga at na-witness na natin ang pag-iibang anyo nitong Barong na ito nung nasa loob pa siya ng Bahay Ni Kuya ?

At ngayong nakalabas na siya ay kitang kita na ang transformation ng kaniyang pagkatao from being wholesome into becoming a monster once na nakakainom at lango sa ispiritu ng Pulang Kabayo ang loko.

Unang pinagtripan ay ang anak nina Yayo Aguila at William Martinez na si Patricia Martinez.

Pangalawa ay itong si Yasmien Kurdi.

At pumangatlo pa kay Cherry Pie huh.

Truly , they come in threes.

Sa tatlong beses na babaeng nagreklamo sa kaniyang kamalasaduhan ay may maniniwala pa ba sa kaniya?

Dapat bang maging apat , lima o anim bago tayo maniwalang may kahayupan nga ang manyak na ito kapag nalalasing?

Barong , Barong .

Talagang pupulutin ka sa barung-barong sa ginagawa mong iyan.

Sige Cherry Pie magreklamo ka na!

Huwag manahimik para hindi mamihasa ang Barong na iyan sa kaniyang bad habit.

Oh such a hard bad habit to break!

Saturday, January 22, 2011

New Vocabulary

Enrich your VOCABULARY:

Long time no see = matagal nang bulag

Misunderstanding = babaeng nakatayo sa ilalim


Persuading = unang kasal


Predicate = pakawalan mo ang pusa


Selfish = nagbebenta ng isda


Contemplate = kaunti ang plato


Defeat = ang mga paa


Effort = landingan ng mga efflane


Statue = ikaw ba ‘yan?


Dilemma = brownout?


Aspect = pantusok ng yelo


CD Rom = tingnan mo ang kuwarto


City = numero bago mag-utsu


The Value = susunod sa letrang V

Friday, January 21, 2011

The New Zodiacs

Nabago na daw ang ating mga zodiac signs . Nadagdagan ng isa ang dating labindalawang star signs natin. Ito ay ayon sa Minnesota Planetarium Society dahil daw sa pagbabago ng rotation ng Earth kaya't naiba rin ang alignment ng mga bituin sa kalawakan.


Ang nadagdag ay ang zodiac sign na OPHIUCHUS na para sa mga ipinanganak mula November 29 hanggang December 17 diumano.

Ophiuchus , the serpent bearer in Greek Mythology which represents Aesclepius , has been suggested by Walter Berg and Mark Yazaki in 1995 as the possible 13th zodiac sign.

Dahil dito ay nagkaruon ng mga pagbabago sa ating mga signs katulad nito: SAGITTARIUS (December 17-January 20), CAPRICORN (Ja­nuary 20-February 16), AQUARIUS (February 16-March 11), PISCES (March 11-April 18), ­ARIES (April 18-May 13), TAURUS (May 13-June 21), GE­MINI (June 21-July 20), CANCER (July 20-August 10), LEO (August 10-September 16), VIRGO (September 16-October 30), LIBRA (October 30-November 23), SCORPIO (November 23-November 29).

Kung ito ang susundin ay mababago na rin ang aking dating zodiac sign na Libra. Base dito ay magiging isa na akong Virgo o The Virgin. Bagay sa virginal beauty ko he he he.

Anyway , from humorist Loi Landicho , I am reposting his satire about this latest change in modern astrology:


CAPRECURN (Ja­nuary 20-February 16): Mamalasen ka bokas. Piru dunt wurri. Sagettaryus ka naman talaga ‘day! Injuy!
AKWARYUS (February 16-March 11): Dati kang Pie-sez piru di ka iksimpted sa sompa. Magkakateleleng ka. Apter ol, an Akwaryan is an Akwaryan.
PIE-SEZ (March 11-April 18): Tilapya ka sa ‘yung past lyft. Made­lem ang fyutyur mu. I can see a 5, another 5 and one more 5. Sardinas ka pala! Chura!
ARIEZZ (April 18-May 13): Kalemotan ang dating bohay. Kong de ka sinuwirti belang Taoros, fault ko ba ‘yon?!? Tse!
TAOROS (May 13-June 21): Dati kang Jimmy-nai. Hu kers keyr bers?
JIMMY-NAI (June 21-July 20): Ikaw ay dating Cancir. Weh ano ngayon? Baket, maganda ka ba?
CANCIR (July 20-August 10): Tatama ka sa luttu. Magkaka-bee ef o gee ef ka ren na obod nang pugi o byutipoll. Yayaman ka! Ang huruskup na ito ay magkakatutuu kung hende mo babasahen. Toingk!
LEO (August 10-September 16): Pormerly, isa kang Bergo. Nawala ang berjenity mo. Bungga!
BERGO (September 16-October 30): Mag-­engat kay Cancir. Sha ang ex mung de maka-mub un.
LEBRA (October 30-November 23): Ekaw ang dating Iskurpyu. ‘Wag ka nang magreklamu. ‘Pag panget, panget!
ISKURPYU (November 23-November 29): Nabawasan ang araw mu sa kalendaryu. Ho­wag malongkot. Di naman nabawasan ang lebog mu! Panalu!
SAGETTARYUS (December 17-January 20): Mang-aagaw! Enagaw mu ang Pasko’t Bagung Taun kay Caprecurn. Ibalek mo ‘yan kong ayaw mung masaktan!
OPHIUCHUS (November 29-December 17):
Maherap kang espile­ngen. Ke bagu-bago mu pa lang, pasusyal ka na. Pakyu ka!






Microsoft Internet Explorer 7

Thursday, January 20, 2011

Noah has come

Iyan na nga bang sinasabi ko .

It is flooding everywhere in the Earth .

The time of Noah has come.

Hayan .

Baha sa Pakistan .



Baha sa Australia .


Baha dito sa Pilipinas .


Sa Amerika .


Sa Vietnam .


In Brazil.


At ngayon pati ba naman ang disyerto at mainit na Saudi Arabia ay binabaha na rin huh???!!!!


What in the world is happening to our planet Earth ????

Flood , flood everywhere.

Heto na ang ganti ng Inang Kalikasan dahil sa katigasan ng ating mga ulo.

And I hereby prophesy , lalala pa iyan.

Darating ang time na maraming isla ang lulubog dahil sa tubig.

Ang sabi sa tubig nagsimula ang mundo .

I guess , sa tubig din ito magwawakas!

Darating na hindi lang isang araw ang pag-ulan kundi isang buong Linggo.

At di maglalaon , isang buong buwang walang tigil ang pagbuhos ng ulan.

Alam kong matagal na akong patay kapag dumating ang panahong iyon.

Pero sana buhay pa ang blog na ito.

Nang sa gayon ay malaman ng mga tao sa susunod na mga henerasyong may nagpa-alala at nagbabala ngayon pa lang tungkol sa imaheng ito.

Ngunit hindi pinakinggan at ipinagwalang-bahala lamang.

By that time siguro ay mga sirena at siyokoy na ang nagbabasa ng blog na ito.

Katulad nito.


Hayy......

Tao ......

Kailan ka matututo???!!!!

Wednesday, January 19, 2011

Mga Tapat na Kaibigan

Mga tapat na kaibigan:

Kuba- mapagpakumbaba
Pilay-di ka tatakbuhan
Bulag-walang paki sa itsura mo
Bingi-hindi magagalit kahit ano pang sabihin mo
Pipi-di nagbibitiw ng masasamang salita
Duling-di ka hahayaang mag-isa

And for me .....that's what true friends are for.....

Tuesday, January 18, 2011

Melai as Cover Girl?




Aba lumelevel-up na ang Melai Cantiveros huh.

Ang dating ugly duckling have literally turned into a beautiful swan .

At ngayon ay cover girl na ng Mega Magazine huh.

What's next Elle and Glamour ?

Huwag namang Playboy huh he he he.

I'm sure naglalaway na si Jason diyan ha ha ha.

Akalain mo nga naman ang dating housemate ni Kuya ay malayo na ang nararating.

Pa-cover cover girl na lang huh.

Another pride of Gensan huh.

Talbog kayo !

Kayo na ang maging Melai !!!

Monday, January 17, 2011

Who Am I ?

My new favorite song .

Who Am I ? by Casting Crowns.

Swak na swak ang lyrics at melody.

In na in sa description ng aking faith in Him.

Hear the song here:

Sunday, January 16, 2011

Goodbye Karlo....



Isa sa puwedeng maging example ko ng " pangit " na " maganda " pala inside ay ang aking dating katrabaho na si Karlo Reyes.

Nakapasok siya sa aming kumpanya nitong Setyembre ng nakaraang taon.

On his first few days ay hindi mo pa ramdam ang kaniyang pagiging " kakaiba "

But as time goes by , nalaman namin na marami pala siyang nuances at mga kaweirduhan.

Unti-unting lumabas ang kaniyang mga " kapangitan " , so to speak , as days went on.

Nandiyang , magsasalita siyang mag-isa kahit wala siyang kausap.

Manggigising ng mga natutulog na kasamahan sa loob ng sleeping quarter kahit naghihilik na ang mga ito.

Walang patumanggang pagtayo kahit na oras ng trabaho.

Pang-iistorbo sa mga kasamahan kahit na they're in the middle of calls .

And annoying everyone sa kaniyang millions and millions of questions na tila ba wala namang kuwenta at katuturan and starting every sentences with " what , what , what , what? " or " why , why , why , why? " .

Naging classic na nga sa work ang kaniyang mga linyang iyan.

Ang sabi niya minsan daw ay pumapasok siyang hindi nakakaligo sa buong maghapon dahil wala daw tubig sa kanila sa Valenzuela.

Sabi niya ay minsan daw ay pumapasok siya nang walang tulog buong araw dahil meron pa siyang part time job na inaasikaso in daytime.

At kapag itinanong ko kung kaya ba niya iyon , ang sagot niya ay " kakayanin at may Cobra naman eh "

Nang tinanong ko siya kung bakit at his ripe age of 35 ay wala pa siyang asawa , ang sagot niya ay " I like girls , but I think girls don't like me "

At nang itanong ko kung bakit , sabi niya " I don't know , maybe it's my face " sabay bunghalit ng nakakalokong tawa.

Sabi sabi sa opisina na minsan na siyang nakasuhan ng kasong pangha-harass at naipa-blotter na rin sa isang presinto ng pulisya.

Nang matanong kung kaya ba niyang pumatay ay sumagot siya nang , " kaya ko , lalo na kapag lasing ako ; kaya nga di na ako umiinom ngayon eh , iniiwasan ko na"

On the question of why he doesn't smoke, his answer is " masama sa baga "

Lagi siyang may dalang payong na kulay pink kahit na hindi naman umuulan , at nang tinanong ko siya kung bakit , he answers , " you will never know when it's gonna rain"

Madalas ko siyang kakuwentuhan sa veranda kapag breaktime.

Ang iba kasi hindi na siya kinakausap dahil sa kaniyang mga weird na one liner.

Ewan ko ba kung bakit ko nakakasundo si Karlo.

Siguro dahil pareho kaming weird at different.

Labeled with so many aliases and monickers.

Maaga naman siyang laging pumapasok sa work. Minsan nga ay nauuna pa sa aming lahat na mga kasamahan niya.

At masipag namang magtrabaho dahil nakaka-collect naman ng mga liens sa accounts namin.

Minsan nga lang ay umaabsent dahil daw " he overslept "

Lagi siyang may dalang mansanas sa opisina at nginangata kahit nasa duty dahil daw " an apple a day keeps the doctor away"

Marami siyang mga hirit na nakakatawa at mapapagulong ka hindi dahil sa matalinong sinabi kundi dahil corny at parang binanggit ni Mang Kepweng.

Pero minsang sinabihan namin siya tungkol sa foul comment na pinawalan ng isa naming colleague patungkol sa kaniyang hindi paliligo ay mahinahon niyang sinabi na " okay lang yun , walang kuwenta yun sa akin , mabait naman siya eh , sinabi niya lang yung totoo , being brutally frank is okay with me " hirit niya.

Nung isang beses na umabsent ulit siya at ang rason na naman ay dahil he overslept ay sinentensyahan agad siya ng walking papers para i-terminate.

Ni walang due process.

Right there and then ay napalayas agad ang kawawang Karlo.

Ni walang written , oral and final warning na isi-nerve sa kaniya bago siya mapalayas . Mabuti pa nga sa Bahay Ni Kuya ay may warning , pero dito wala.

And that was a week before Christmas .

Suspetsa ng iba ay baka umiiwas lang ang company sa 13th month pay he he .

Nasilipan kasi ng butas .

And marami din ang nagsumbong at nagtsu-tsu nang said naman sa katotohanan.

Ah ewan.

There are many injustices in this world and one of them is the case of Karlo Reyes.

Pero nang tinanong kung anong masasabi niya tungkol sa kaniyang termination from the company, ang sabi niya ay " no problem with that , it's their call. "

At dagdag niya : " I have enjoyed my stay here in the company because I have met here people who are true to themselves and not plastic "

Pagkatapos ay lumabas ng conference room at ang sabi ay " don't cry , I'm not dead "

Pahabol pa niya " see you in Facebook "

Ha ha ha ha.

Nakakatuwa ka talaga Karlo.

And nagulat kami dahil may hidden talent pala itong si Karlo.

Napansin namin ang kaniyang mga doodles sa kaniyang scratch pad at nakita namin na magaling pala siyang magdrowing.

Here is a sample: he he he

Aba , artist pala ang loko.

Oh Karlo , saan ka man , I know God had made you that way : special.

Goodbye Karlo, my friend.

Saturday, January 15, 2011

Pangit o Maganda ?

Hayyzzz , nakatikim na naman ako ng early morning sermon from my Father he he he.

Si Father , kina-career ko na lang ang mga orasyon niya.

Matanda naman na kasi kaya siguro ganun na lang talaga siya.

Saka na -immune na rin siguro ako dahil sa kaka-ineksyon niya sa akin ng mga aral niya he he .

Pasok sa kaliwang tenga , labas na lang sa kanan ang drama ko.

Kasi kung didibdibin mo , mabuburyong ka lang ha ha ha.

He always pointed out my ugly sides.

Yung mga kapangitan ko ang lagi niyang nakikita at binibigyang pansin.

Never na napuri ako dahil sa magandang ginawa ko.

Ang tanong , meron naman ba akong magandang ginawa huh?

But then when I come to think of it , posible pa rin namang meron di ba?

What I believe is that lahat ng bagay na may kapangitan ay mayruon ding counterpart na kagandahan , correct?

When you are ugly outside , I 'm sure there's a prettiness inside of you.

Is it possible that if you are beautiful outside , you can be bad inside?

But I believe that beauty is relative.

What I'm trying to point out is this.

Huwag tayong laging tumingin sa kapangitan ng isang tao.

Yung laging palpak na nagagawa niya.

Learn to appreciate some of the good things he had done also.

Huwag yung laging pangit at negative na issue sa isang tao ang palagi nating nakikita.

Take it from the song of Michael Johnson entitled " The Love She Found In Me "

Sabi sa chorus :

Give her thorns and she'll find the roses
Give her sand and she'll find the sea
Give her rain and she'll find the rainbows

Tamahhh!!!

Swak na swak.

Isipin nyo.

Minsan laging nakikita natin ay ang tinik : matulis , masakit , nakakatusok , nakakapagdulot ng sugat , nakakahiwa , nakapagpapadugo.

But when you look at the top of the thorns , you will see a beautiful red rose.

Mabango. Pulang pula . Maganda. Ibinibigay sa mga taong inaalayan ng pagmamahal. Simbolo ng pag-ibig.

Come to think of it ; there's always a rose among the thorns.

Minsan ang nakikita lang natin ay ang buhangin : magaspang , maalikabok , madumi , mainit sa paa , makati at nakakasugat . Simbolo ng pagsubok at suliranin.

But beyond the sand ; there's a beautiful blue sea in the horizon.

Maganda sa mata ang bughaw na kulay , malamig , misteryoso ang kalaliman , makulay ang mga nilalang na nabubuhay dito , nakakalinis , kaakit akit ang kariktan tuwing bagong umaga at sa dapit-hapon. Simbolo ng kahiwagaan.

Minsan nakikita lamang natin ay ang ulan: basa , bad trip kapag may lakad ka . Nakakapagdudulot ng baha ; nakakalunod , simbolo ng pagluha at pag-iyak.

Ngunit pagkatapos ng ulan ay ang bahaghari.

Makulay , maganda , nakapagpapangiti sa labi , simbolo ng paga-asa at pangako.

Sometimes we fail to see the beauty when our vision is too limited in seeing the ugliness inherent in us.

Let us be like God .

He can see the beauty in you ; inside and out.

Amen!

Friday, January 14, 2011

Father and Me


Check this out:

Me and my Papa during those good ol days.

Ha ha ha.

This was taken at Marcos Hi-way in Barangka , Marikina City.

Ha ha ha , look at my shorts , abot na hanggang dibdib ha ha ha ha.

Si Father very brusko ang tindig.

Me , halatado nang malambot ha ha ha .

Kalokah itech.

Bata pa lang bumibigay na ha ha ha.....

Forgive me my Father for I have sinned....

Thursday, January 13, 2011

Tips sa PUTUKAN

Tips para sa PUTUKAN

1 Huwag kumuha ng naputukan na. Baka mapikot ka.


2 Alisin agad kung malapit nang pumutok.


3 Kung naputukan na, dali-daling hugasan. Baka madala pa sa hugas.


4 Huwag magpa­putok sa mataong lugar. Nakakahiya.


5 Magtanong kung ‘safe’ bago magpaputok. Kung ‘safe,’ saka iputok.

Wednesday, January 12, 2011

translate this one

Ha ha ha ha nakakatawa ito.

Try nyo.

Punta kayo sa site na ito http://translate.google.com.ph/#

And then i-type nyo sa box ang mga katagang ito : molecule mad

Tingnan ang resulta sa kanang bahagi ng site.

Anong lumabas na translation?

Ha ha ha ..naloka kayo ano.....

Gravaahhh...this is so maddeningly mad.....

Ayusin n'yo nga ang translation sevices ninyo huh. Kalokah..

Tuesday, January 11, 2011

My new cellphone

Bilang regalo ko naman sa aking sarili ngayong Pasko ay napagpasyahan kong bumili ng bagong cellphone na aking magagamit para sa aking malaking kapakinabangan na din.

Ito ay ang Q300 model ng Cherry Mobile na nabili ko sa Gateway Mall sa Cubao .

Matagal tagal na rin naman ang aking lumang cellphone na pinagdidiskitahan ko ng aking mga angst kaya ilang beses na rin itong bumagsak.

Kaya , no choice but have to buy new one dahil puro gasgas na at galos ang aking kawawang cellular.

For the record ay nakaka-ilang palit na rin ako ng aking cellphone.

I remember na una akong nagkacellphone was way back in 1998 nung nagtatrabaho pa ako sa Kowloon West diyan sa Marcos Hi-way.

The very first unit na nabili ko ay ang usong uso nuon na Nokia 3310 he he he.

Nuon kapag may 3310 ka , in ka at sunod ka na sa uso ha ha ha.

Nung time ring iyon binili ang aking simcard na hanggang ngayon ay siya pa ring number na ginagamit ko.

Di katulad ng iba na palit nang palit ng sim number gaya ng pagpapalit nila ng kanilang damit araw-araw ; ako I want to retain this number hanggang sa araw na hindi ko na kayang mag-text, mag-call at mag load dahil ulyanin na ako ha ha ha.

Nawala na ang 3310 na iyon . Di ko na matandaan kung nasira ba siya o ibinenta ko.

Naging uso ang mga camera sa cellphone.

Kaya sunod kong naging phone gadget ay ang Nokia 7650 na bumenta dahil sa VGA lang naman na camera nito.


Pero super wow na ang mga tao nun kahit ganun kalabo ang picture picture at Kodakan. Bilib na sila kapag na-picturan sila ng 7650.

Nagpalit ulit ako but this time ay umaapaw na ang kuwalta sa aking bulsa kaya nakabili ako ng Nokia N73 na 3.5 megapixel na ang camera ; super linaw with flash pa na kahit gabi mo i-click ay parang sa araw pa rin kinunan ang eksena.

3G na rin ito kahit hindi ko naman nagagamit dahil hindi naman naka- 3 G ang mga kausap ko ha ha ha ha.

Dumating ang time na natuyuan ng balon ang lola nyo kaya naibenta ko to the super lowest level bargain price ang aking N73.

Na pinalitan ko ng muralya lang naman na Nokia 2600c.

Eventually , dahil nauso naman ang mga Chinaphone na may TV na daw ay naisipan kong bumili din nito.

Kaya nagkaruon naman ako ng gawang China nga , mura lang pero may TV ka na on the go kaya kahit na nasa biyahe ako o rampa ay libre na ang panunuod ko ng May Bukas Pa ni Bro at ni Santino.

But then of course it's not as reliable tulad ng original na cellphone like Nokia dahil madaling ma-drain ang battery kaya wala ring silbi ang TV dahil it comes to the point na sa daling maubos ng battery ay hind ka na rin maka-view dahil lowbat na agad.

At ngayong datungera na ulit ang lola nyo , siyempre kailang nang idispatsa ang old Chinaphone.

Heto na ang new China na bagamat imbensyon ng mga Intsik pa rin ay quality naman at super -affordable pa.

Eh saan ka pa makakahanap ng cellphone na bukod sa may TV na , may radyo pa , may 2 megapixel camera na rin , may MP3 player na , may Wi-fi pa at san ka pa - 3 sim na ito ineng huh.

Kaya kahit naka Smart ka , o Globe pa , o kahit Sun ka pa , walang problema dahil lahat yan kayang isalpak sa cellphone na ito ng Cherry Mobile.

Pasok lahat sa banga ha ha ha.

Aba super affordable pa dahil almost 7,000 lang ang presyo ng all in one na ito sa merkado huh.

Next time na tayo mag-wish ng Blackberry o kahit na anong smartphone he he he.

For the meantime , love ko itong bagong cellphone ko complete with this red pouch bag na super alaga ko with this Scotch Brite anti-lint wipecloth.

Para hindi maalikabukan he he he.

Next in line to buy : Digital Camera.....

I-pad?

Next year na ha ha ha ....

Monday, January 10, 2011

Dota O Ako?


You want some choices he he he he?

I'll give you some ha ha ha....






Ikaw sino pipiliin mo?

Dota o siya ha ha ha?

I'm sure maraming mag-do dota na lang he he he.

This is a classic example of a face that only a mother could love ha ha ha ha.

Inumpisahan ko kasi ng kapangitan ko eh ha ha ha .

Peace!

Sunday, January 9, 2011

Dance With My Father

Ewan ko ba at sa tuwing mapapakingggan ko ang awiting ito ni Luther Vandross ay di ko mapigilan ang mapaluha.

Nakakaantig at nakakahaplos ng puso.

It's about a child's longing for his deceased father to dance and be with him again for he loves his father so as much as how he loves his mother who is now dying and waiting to be reunited with her husband ; his father.

This song seems to lullaby me into oblivion with the past.

Hear and watch the song here:




Back when I was a child, before life removed all the innocence
My father would lift me high and dance with my mother and me and then
Spin me around ‘til I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure I was loved
If I could get another chance, another walk, another dance with him
I’d play a song that would never, ever end
How I’d love, love, love
To dance with my father again
When I and my mother would disagree
To get my way, I would run from her to him
He’d make me laugh just to comfort me
Then finally make me do just what my mama said
Later that night when I was asleep
He left a dollar under my sheet
Never dreamed that he would be gone from me
If I could steal one final glance, one final step, one final dance with him
I’d play a song that would never, ever end
‘Cause I’d love, love, love
To dance with my father again
Sometimes I’d listen outside her door
And I’d hear how my mother cried for him
I pray for her even more than me
I pray for her even more than me
I know I’m praying for much too much
But could you send back the only man she loved
I know you don’t do it usually
But dear Lord she’s dying
To dance with my father again
Every night I fall asleep and this is all I ever dream

Saturday, January 8, 2011

The ugliest picture of me...

This is the ugliest picture of me to date.

This was taken last December 24 family reunion of our clan in Pagrai , Antipolo City.

Ewan ko ba naman at kung anong hocus pocus ang ginawa ng Bonengsky na iyan at nagmukha akong ganito kaswangit ha ha ha ha.

Baka inadobe- photoshop mo iyan sisterette he he he?

Nagmukha tuloy akong si Incredible Hulk slash Ulikba slash Dr. Jekyll slash Kalyanta ha ha ha ha.

Ang itim itim ko ditech.

Daig ko pa ang natutong na sinaing dahil napabayaan sa kalalaro ng madjong ha ha ha.

Kaya iyan , madjongit ang labas ko ha ha ha.

Ano ba iyan , kalurkey.

Masamang pasok ng 2011 he he he.

Sige lang laitin nyo na ako diyan.

But you better watch out for the resbak of the ugly duckling turning into a beautiful swan he he he.

Charingggg.

Friday, January 7, 2011

Boracay sex


Kaloka naman itong sex clip straight from Boracay's white sandy beach.

Dalawang westerners ang nakitang naglalampungan sa beach ng isla as if sila lang ang tao nung time na iyon na nakunan bandang alas 2 ng madaling araw ng Enero 1.

Wow , sinalubong ng putukan ang bagong taon ha ha ha.

Hay naku, waley yan. Out at pakkk!

Hindi pa kaya ng kultura natin ang mga ganiyang eksena na sex in public.

Kung sa Tate ay uso na iyan , huwag namang dalhin ng mga bilasang puting iyan ang ganiyang culture sa mga mahinhin at mabining Filipinos he he he.

Alam naman nating tayo ay dalagang Pilipina pa ring maituturing kaya siguradong culture shock ang mga manang dito he he he.

Duon na lang sila sa Nudist Camp sa Ilocos he he he.

Duon kahit magtampisaw sila sa bawal na kaligayahan walang papansin sa kanila dahil pare-pareho silang hubo't hubad huh.

Tuloy naimbyerna ang very conservative na si Ruffa Gutierrez he he he.

Aba , pumunta kayo sa kuwarto ninyo at duon ninyo gawin lahat ng kahalayan at kalaswaan ninyo huh!

Not in the view of Filipino public.

Watch the video here: